Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

nakagat kaba ng aso

ilang beses na ko nakagat. last na nakalagat sakin yung nilalaro ko pitbull ko pero di nya sadya. hugasan mo lang at obserbahan ang aso. within 7 days pag nagbago ang behavior ng aso, yung naging agressive natatakot sa tubig at pag namatay mag pa shot ka na ng anti rabies at yari ka. pero kung sa taas na part lalo sa ulo o mukha ka nakagat magpa shot ka asap. most of aso naman walang rabies lalo ba yung alaga at di kinakalimutan yearly ang bakuna for anti rabies eh safe naman sila magpashot ka nalang anti tetanus. tsaka wag ka matakot kung di mo maobserbahan yung dog pwede ka naman magpa vaccine na eh. hanggang wala ka pang symptoms :rofl:
 
linisin mo yung sugat hugasan at sabunin mo ts.. at magpashot ka ng anti rabies para sure xD
nakagat na din ako pero hinayaan ko lang pero mga 10 days after nagpa shot nako kinabahaan ako eh parang naglalaway na ako wahaha xD

^,..,^
 
Last edited:
tama sila ts pa inject ka ng anti-rabies... kung medyo hirap sa budget punta ka sa mga gov. health center free lang.
 
Eto sabi sakin ng doctor about jan sa kagat ng aso/pusa at rabies.

- May tatlong category yan. Nakalimutan ko na yung isa, pero yung category 2 kalmot tapos category 3 kagat na mababaw o malalim. Yung nagdudugo talaga.

- Meron daw worldwide order ang WHO (World Health Organization) na kahit daw mukhang walang rabies yung hayop, pero category 3 yung tama sayo, tatratuhin daw nila na may rabies yung hayop para daw safe ka, at gusto din daw kasi ng WHO maeliminate ang rabies sa buong mundo.

- Ngayon pag kinagat ka na category 3, paduguin mo tapos hugasan mo ng sabon sa loob ng 5 minutes, kahit may rabies yung hayop o wala.

- Yung hayop na nakakagat sayo, obserbahan mo sa loob ng 7-10 days. Kung sa kapitbahay yung aso o pusa, araw araw mong usisain, itanong mo kung buhay pa yung aso o pusa. May narinig kasi akong balita, may mag-ama, kinagat ng tuta ng kapitbahay, e namatay daw yung tuta within 7 days, hindi sinabi nung kapitbahay na namatay yung tuta nya, ayun narabies at namatay yung mag-ama. Totoong balita po iyan galing sa ABS CBN.

- Ang rabies virus, ang incubation period nyan ay mula 7 days hanggang mga ilang taon, mga 3 years kung tama yung naalala ko. Kaya mahirap yung kala mo ligtas ka na, tapos yun pala bigla ka matatakot sa tubig after 3 years. Yari ka na nun.

- Kung palagay mo may rabies yung hayop, o gusto mo lang talagang manigurado, o nag-aalangan ka lang pero may pera ka naman, punta ka na sa ER ng ospital. Sabihin mo nakagat ka ng aso/pusa. Dapat meron silang anti-rabies unit dun. Tatanungin ka lang nila kung ano yung nangyari sayo, tapos tuturukan ka na ng anti rabies. 5 session yun.

- May 2 klase ng anti rabies, yung tinatawag na HRIG (human rabies immune globulin vaccine) at ERIG (equine rabies immune globulin vaccine). Yung HRIG, anti-rabies na hinarvest galing sa tao, yung ERIG naman, galing sa kabayo. Sa effectiveness, hindi ko alam kung pareho lang sila, pero nung nakagat ako ERIG lang ang kinuha ko. May mga ospital na ibibigay sayo parehas yung ERIG at HRIG.

Yung ERIG, mura lang. 1,500 isang turok, kasama na service dun. Yung HRIG, yan ang mahal. parang 6,500 ata ang isang turok nyan kasama service. Kaya maganda yung may health card kayo para macoveran talaga yung gastos nyo. Kung di nyo naman kaya ang presyo, punta kayo sa city hospital nyo o sa municipal health center, tanong nyo kung nag-offer sila ng free na anti-rabies injection. Karamihan may mga libreng ganyan.

- Magpapabalik balik kayo sa ospital, una muna 3 days, tapos 5 days, tapos 7 days, tapos 14 days, tapos 1 month sa mga session ng pagturok. Mas maganda kung tatapusin nyo ng buo, para sigurado na walang rabies. Mabuti na yung maabala ng ganyan at magbayad ng pera kaysa yung bigla kang manigas at mamatay.

- Tandaan: aso, pusa, paniki, may rabies yan. Lalu na paniki. Pag nakagat kayo ng paniki magpainjection na agad ng anti-rabies. Kahit tuta o kuting, may chansa din na may rabies yan. Pag nakagat naman kayo ng daga, anti-tetanus kailangan nyo.

- Pabakunahan nyo din yung mga aso at pusa nyo sa animal centers nyo kung may libreng anti rabies vaccine.

Saka yun nga, ingat kayo parati, hindi biro ang rabies, marami paring namamatay dito at walang gamot dito pag nagsimula na yung rabies sa katawan nyo. Anti-rabies lang talaga ang solusyon sa ngayon.
 
Last edited:
kamusta kana ts anung balita nakapag paturok ka naba? ^,..,^
 
Ako, oo. Ayun paturok ako sa hospital. E yung amount ng ituturok sayo depende sa weight mo, laki ko pa man ding tao. LOL. haha. At dun pa pala ikaw tuturukan sa area na malapit sa kagat. Ako sa daliri ko, haha ayos sa sakit. Parang lalampas yung karayom sa kabilang side nung daliri ko nun.
 
ako din nakagat ng aso, nung last month pa. buhay na buhay pa ngayon at may turok naman ung aso, so kailangan ko pa bang magpaturok?
 
once nakagat ka ng aso hugaasan mo agad ng tubig at sabunin at banlawan, tapos pumunta agad sa pinaka malapit na osptial, wag na ninyong hintayin na may magyari pa sa aso. maniguro na kayo. mag pa vaccine agad. ito ang problema lang kung malaking tao k at sobrang bigat mo, medyo mai kataasan ang babayaran mo gawa ng gamot na gagamitin at dumidepende sa timbang ng taong nakagat....

PS ... ang mga nakagat sa may parte ng katawan gaya ng malapit ulo at malapit sa spinal ay itinuturing na emergency case na yan.
 
Nakagat ng Aso !

Nagakat po ng asong gala ang gf ko.
May hawak siyang pagkaen tapos hinangkab siya bigla.
Ito po ang picture nangyare po ito: November 6,2018
Agad agad nag paturok kame ng isang private hospital dahil gala nga ito inere-commend ng doctor ang isang package na may unang turok na: anti tetanus at anti rabbies . tapos pinAbabalik kame kinabukasan para sa "erig" may nabangit na tatlong 1800 nag kakahalaga lahat ng 5.4k. Bumalik kame pero wala daw sila stock. Bumalik daw sa lunes .

Nakapasok na ang gf ko sa work niya sabe ng mga ka workmates niya. Wag na daw mag paturok nun kase nga ang liit daw ng sugat . madami ng nag sabe .

Ano po ang gagawin namen itutuloy pa ba ang turok at mga susunod na turok o Hindi na .
 
Attachments

  • IMG-20181107-095456.jpg
    IMG-20181107-095456.jpg
    35.3 KB · Views: 8
Last edited by a moderator:
Re: Nakagat ng Aso !

tingin ko kailangan magpa manicure ng gf mo :lol:

seriously po, ipa injection niyo yan para sure, mahirap na mag take chances.
doctor din naman mag decide if kailangan nya pa ng injection o treatment na lang.
 
Maganda po ang kamay ng gf ko . production operator siya kaya nagka ganyan .

seriously po, ipa injection niyo yan para sure, mahirap na mag take chances.
doctor din naman mag decide if kailangan nya pa ng injection o treatment na lang.

Ang kaso po pala .
Kung mag papa inject pa siya ng" erig"

Pero itutuloy po ang mga follow up na turok

- - - Updated - - -

Sorry po sa abala Moderator Pessi
Ang bagal kase ng Android Phone ko:weep:

- - - Updated - - -

follow up lang po

- - - Updated - - -

Sa mga VET po
sagot po kayo kung anong gagawin namin
:praise:
:praise:
 
Last edited:
Re: Nakagat ng Aso !

ituloy nyo ang pag papaturok, delikado ang rabies.
 
Eto sabi sakin ng doctor about jan sa kagat ng aso/pusa at rabies.

- May tatlong category yan. Nakalimutan ko na yung isa, pero yung category 2 kalmot tapos category 3 kagat na mababaw o malalim. Yung nagdudugo talaga.

- Meron daw worldwide order ang WHO (World Health Organization) na kahit daw mukhang walang rabies yung hayop, pero category 3 yung tama sayo, tatratuhin daw nila na may rabies yung hayop para daw safe ka, at gusto din daw kasi ng WHO maeliminate ang rabies sa buong mundo.

- Ngayon pag kinagat ka na category 3, paduguin mo tapos hugasan mo ng sabon sa loob ng 5 minutes, kahit may rabies yung hayop o wala.

- Yung hayop na nakakagat sayo, obserbahan mo sa loob ng 7-10 days. Kung sa kapitbahay yung aso o pusa, araw araw mong usisain, itanong mo kung buhay pa yung aso o pusa. May narinig kasi akong balita, may mag-ama, kinagat ng tuta ng kapitbahay, e namatay daw yung tuta within 7 days, hindi sinabi nung kapitbahay na namatay yung tuta nya, ayun narabies at namatay yung mag-ama. Totoong balita po iyan galing sa ABS CBN.

- Ang rabies virus, ang incubation period nyan ay mula 7 days hanggang mga ilang taon, mga 3 years kung tama yung naalala ko. Kaya mahirap yung kala mo ligtas ka na, tapos yun pala bigla ka matatakot sa tubig after 3 years. Yari ka na nun.

- Kung palagay mo may rabies yung hayop, o gusto mo lang talagang manigurado, o nag-aalangan ka lang pero may pera ka naman, punta ka na sa ER ng ospital. Sabihin mo nakagat ka ng aso/pusa. Dapat meron silang anti-rabies unit dun. Tatanungin ka lang nila kung ano yung nangyari sayo, tapos tuturukan ka na ng anti rabies. 5 session yun.

- May 2 klase ng anti rabies, yung tinatawag na HRIG (human rabies immune globulin vaccine) at ERIG (equine rabies immune globulin vaccine). Yung HRIG, anti-rabies na hinarvest galing sa tao, yung ERIG naman, galing sa kabayo. Sa effectiveness, hindi ko alam kung pareho lang sila, pero nung nakagat ako ERIG lang ang kinuha ko. May mga ospital na ibibigay sayo parehas yung ERIG at HRIG.

Yung ERIG, mura lang. 1,500 isang turok, kasama na service dun. Yung HRIG, yan ang mahal. parang 6,500 ata ang isang turok nyan kasama service. Kaya maganda yung may health card kayo para macoveran talaga yung gastos nyo. Kung di nyo naman kaya ang presyo, punta kayo sa city hospital nyo o sa municipal health center, tanong nyo kung nag-offer sila ng free na anti-rabies injection. Karamihan may mga libreng ganyan.

- Magpapabalik balik kayo sa ospital, una muna 3 days, tapos 5 days, tapos 7 days, tapos 14 days, tapos 1 month sa mga session ng pagturok. Mas maganda kung tatapusin nyo ng buo, para sigurado na walang rabies. Mabuti na yung maabala ng ganyan at magbayad ng pera kaysa yung bigla kang manigas at mamatay.

- Tandaan: aso, pusa, paniki, may rabies yan. Lalu na paniki. Pag nakagat kayo ng paniki magpainjection na agad ng anti-rabies. Kahit tuta o kuting, may chansa din na may rabies yan. Pag nakagat naman kayo ng daga, anti-tetanus kailangan nyo.

- Pabakunahan nyo din yung mga aso at pusa nyo sa animal centers nyo kung may libreng anti rabies vaccine.

Saka yun nga, ingat kayo parati, hindi biro ang rabies, marami paring namamatay dito at walang gamot dito pag nagsimula na yung rabies sa katawan nyo. Anti-rabies lang talaga ang solusyon sa ngayon.

Mukhang marami po kyo Alam tungkol dito, bka po pwede nyo masagot tanong ko na kung nabakunahan nman po ang aso kailangan parin po ba mag alala na marabies. Thanks in advance!
 
Mga boss yung parang scratch lang galing sa ngipin nila, at may dugo din na konti. Hugas lang at alcohol. Kelangan na ba magpa inject?
 
Back
Top Bottom