Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem NaKaUNaUNaT (Naging Kaibigan, Umibig, Nangarap, Umasa, Nagpaka-Tanga)

Nung una kitang nakita ay parang wala lang
Minsan sabay tayo umuwi minsan ay mag-isa lang.
May mga araw na lagi tayong mag-kausap
Na nakakagaan ng pakiramdan sa maghapon na trabahong kay hirap.
Unti-unti tayong naging malapit sa isa't isa
At minsa'y napagkakamalan tayong dalawa.
Hinanap kita sa Facebook upang i-add ka sa aking mga friends
Para na rin malaman ang iba tungkol sa'yo at mga latest trends.
Habang titnitingnan ko isa-isa ang iyong mga larawan
Ako'y may nakita na may katabi kang lalaki sa upuan.
Binasa ko ang mga comments sa larawang iyon
At nalaman kong kasintahan mo yun.
Ang mga nabasa ko ay aking binalewala
Kasi minsan nung tinanong ka namin kung may siyota ka, sagot mo nama'y wala.
Kaya tinuloy ko pa din ang pagiging malapit na kaibigan sa'yo
Hanggang sa di nagtagal ay nahulog na ang loob ko.
Nung pagkatpos ng outing natin ay tinanong ka ng ating isang kasamahan
Kung tayong dalawa ba raw ay magkasintahan.
Sinagot mo na hindi at may nobyo ka na
Naikwento ito sa akin sinabi kong di ko alam at ako'y ngumiti lng kahit nasasaktan na.
Binalikan ko uli yung larawang aking nakita
At sinubukan kong alamin pangalan niya.
Nung akin siyang nakita sa facebook
Napaisip na lng ako na wala akong panalo sa kanya lalo na sa looks.
Subalit di ko sinabing alam kong may nobyo ka pa
Nagkukunwari lang akong ikaw ay libre pa.
Kaya't di ako tumigil sa pagiging malapit sa'yo
Kahit na nahihirapan na ako.
Halos araw-araw kinakausap pa rin kita at binibigyan ng pagkain
Dahil alam kong lagi kang na-iistress at di makakain.
Sa ginagawa ko lalong nahuhulog ang loob ko sa'yo
Subalit dumating ang araw na ika'y unti-unti nang lumayo.
Hindi ko malaman kung ano ang dahilan
At ako ngayo'y bigla mong iniiwasan.
Naisip ko na lang baka nalaman ng iyong kasintahan
Na may isang lalaking malapit sa'yo na wala man lang kinalaman.
Kaya't tinanong kita kung may nagawa ba akong kasalanan
Pero sinagot mo lang ako na wala naman.
Subalit ako'y hindi mapakali na ako'y iyong iniiwasan
Kaya ako'y humingi ng paumanhin kung may nagawang kasalanang di ko alam.
Ito'y tumagal pa ng ilang buwan at malapit nang matapos ang taon
Ako'y nag-isip, nag-plano at naghintay ng tamang pagkakataon.
Upang masabi sa iyo ang matagal ko nang tinatagong nararamdaman
Kahit na alam ko sa aking sarili na ito'y walang patutunguhan.
Naglakas-loob akong humarap sa iyo kahit na ako'y nauutal-utal sa pagsasalita
Ngunit tinuloy ko pa rin ang aking sasabihin at di lang nagpahalata.
Subalit ika'y nanatiling tahimik at ang tanging sinabi mo lang ay ayaw mo ng ganoong usapin
Pero ako ay nagpakapal pa rin ng aking mukha at pinagpatuloy kang harapin.
Inamin ko rin na alam kong mayroon ka nang kasintahan
At ako ngayon ay wala nang aasahan.
Kahit ganoon pa ma'y di pa rin ako sumuko na balang araw ako'y muli mong papansinin
Dumaan ang bagong taon at ikaw ay muling nag-reply sa akin.
Ako'y biglang natuwa dahil nagpasalamat ka sa aking maikling tulang ginawa
Pero ito'y biglang naging lungkot dahil sinabi mong magmahal na lang ako ng iba.
Ako'y nasaktan at walang nagawa kundi ngumiti na lang
Pero ako'y umaasa pa rin na muling babalik ang dati na tingin mo sa'kin ay kaibigan lang.
Nagdaan pa ang maraming araw, linggo at inabot na ng buwan
Na ako'y di mo pa din pinapansin at patuloy na sinusungitan.
Subalit dumating ang isang araw na ika'y biglang nag-text
Humihingi ng paumanhin at talagang ako'y kinabahan di malaman ano ang sasabihin mo next.
Yun pala'y nag-sosorry ka dahil sa pag-susungit mo sa'kin
At eto naman ako isang tangang martyr na sinabing okay lang, wala iyon sa akin.
Nang dahil dun unti-unti mo na akong sinasagot tuwing kinakausap kita
Unti-unti ka na ring hindi nag-susungit tuwing ako'y iyong nakikita.
Pero parang di pa din maibabalik ang dating malapit nating pinagsamahan
At ito'y marahil kayo pa rin ng iyong kasintahan.
Hanggang ngayon ako pa rin ay umaasa
Na isang araw sa iyo ako'y magkakaroon ng pag-asa.
Kaya't pinagpapatuloy ko pa rin na lagi sa tabi mo at handa kang tulungan
Hanggat sa darating ang araw na ako'y iyong ma-miss pag ako'y nawala ng tuluyan.
 
Last edited:
Pasensiya na kayo at medyo mahaba napakwento lng ako sa pinagdaanan ko ngayon
 
Back
Top Bottom