Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

nanlalamig na ako sa asawa ko..😞

Status
Not open for further replies.

aleli

Apprentice
Advanced Member
Messages
69
Reaction score
0
Points
26
nanlalamig na ako talaga.. ginawa ko lahat para maintindhan ko sya. Mabaet naman sya hindi lang talaga showy sa relationship namen as couple. Ginawa ko naman lahat, kinausap ko naman sya ayaw nya ma open ganun usapan kapag sinasabi ko hindi ko naraamdaman pagmamahal nya. sasagot nya saken “ mabuti naman sya asawa,walang bisyo,walang barkada good provider” pero ganun nalang ba dpat?? Lumala pa ung panlalamig ko nung mag start na akong mag work, parang wala lang, ni minsan hindi magawang itxt ako kung asan na ba ako kapag ginagabi na ako. Gusto ko nanng isipin wala lang ako sa knya. Simple care lang hinihingi ko, pang alis pagod. Hayssss. Wala naman akong iba kaya nanlalamig ako, nauumay nalang talaga ako. Ayaw ko darating ako sa point na my makilala ako makita ko ung care at pagmamhal na hinahabap ko. Imposibleng Meron syang iba kase wala sya social media, or meron talaga ganun lalake?
 
baka nmn po meron lang sya iniisip na mabigat na problema. or else meron sya iba my pinag lilibangan. anyway meron ako trick sa ganyan pwede ka gumawa ng bagay na magiging attention ka nya. mag panggap ka meron ka ginagawa something kapag sya ay secured parin sayo at nag salita sya sayo dahil sa ginagawa mo it's means meron pa sya love sayo so ma re-realize mo na my dinadala lang sya problema.
 
hindi solusyon ang pag isipan mo siya ng hindi maganda, bagkus isipin mo bakit siya ganun, baka may problema sa trabaho or sa ibang bagay na ayaw niya lang sabihin sayo, baka may sakit siya na nakakatakot pag nalaman mo. posible hindi na siya tinatayuan kaya nahihiya siya sayo, hindi solusyon ang problema ang mag isip ka kaagad na nakakaumay na, nakakasawa na, baka meron kang di alam sa kanya.
walang lalakeng manlalamig kung walang ibang nag papainit.
kaya baka may problema lang siya hindi mo alam,
 
Meron magagalit sa akin ata dito dahil iba ako mag-isip. Follow your heart. Matalino ang heart. Ang heart ang nagdadala sa tao kung ano ang happiness nito.

Sabi mo, nanlalamig ka. Hinde (ata) bulong ng utak mo iyan. Bulong ng puso mo na talaga nanlalamig ka. Ano rason na bakit nanlalamig ka? Ang rason ay nakukulangan ka as in.

...kaya nga meron kasabihan na kapag lovelife lang naman din pala ay kailangan, hanapin ng tao na meron mag aaccept kung ano at sino siya kaysa hanapin ang nagpapa kumpleto mismo sa tao dahil once nakulangan ang tao, ang love mismo ay mawawala but reality based, lahat ata ng tao ay naghahanap ng love na mag papa complete sa kanila.

Bigyan mo siya ng chance pero kung ganun pa rin, huwag ka na magpretend. You deserve to be happy naman diba? Kausapin mo pero, kung ganun pa rin, bye-bye na lang.
 
Last edited:
aleli said:
nanlalamig na ako talaga.. ginawa ko lahat para maintindhan ko sya. Mabaet naman sya hindi lang talaga showy sa relationship namen as couple. Ginawa ko naman lahat, kinausap ko naman sya ayaw nya ma open ganun usapan kapag sinasabi ko hindi ko naraamdaman pagmamahal nya. sasagot nya saken “ mabuti naman sya asawa,walang bisyo,walang barkada good provider” pero ganun nalang ba dpat?? Lumala pa ung panlalamig ko nung mag start na akong mag work, parang wala lang, ni minsan hindi magawang itxt ako kung asan na ba ako kapag ginagabi na ako. Gusto ko nanng isipin wala lang ako sa knya. Simple care lang hinihingi ko, pang alis pagod. Hayssss. Wala naman akong iba kaya nanlalamig ako, nauumay nalang talaga ako. Ayaw ko darating ako sa point na my makilala ako makita ko ung care at pagmamhal na hinahabap ko. Imposibleng Meron syang iba kase wala sya social media, or meron talaga ganun lalake?

How was he during the courtship before you became bf/gf? How was he during the relationship prior to getting married? Lastly, how was he in the earlier time after getting married? If he is not like this before then maybe something happened that you are not aware of and you need some backtracking if you can't get him to talk.
 
Kelan nag simula pan lalamig nya din sayo?

I can’t say na nanlalamig ba sya saken? pakiramdam ko nanlalamig siya kase hindi na sya ganun kalambing, kase nag stop narin akong maglambing kase pagod narin sa work. Pero dati pa pansin ko na kahit nung wala pa ako work hindi na sya ganun, kya ako gmagawa ng moves, pero diba nakakapagod narin and nakakasawa ako nalang palage.

- - - Updated - - -

baka nmn po meron lang sya iniisip na mabigat na problema. or else meron sya iba my pinag lilibangan. anyway meron ako trick sa ganyan pwede ka gumawa ng bagay na magiging attention ka nya. mag panggap ka meron ka ginagawa something kapag sya ay secured parin sayo at nag salita sya sayo dahil sa ginagawa mo it's means meron pa sya love sayo so ma re-realize mo na my dinadala lang sya problema.
hindi naman mawawala ung problema lalo na ngyon, piggery kase business namen nalugi talga kame. kahit ako iniisip ko din naman un. , pero kahit naman nung hindi pa nagkaka problema ganun narin sya. Hindi ko nalng pinapansin kase kung palage ko papansinin mapaparanoid lang ako kapag pinagisipan ko masama. pero ang ayaw ko lang kase pati ako mawaln narin ng gana kapag pinagpatuloy ko gnagawa nya saken.

- - - Updated - - -

Meron magagalit sa akin ata dito dahil iba ako mag-isip. Follow your heart. Matalino ang heart. Ang heart ang nagdadala sa tao kung ano ang happiness nito.

Sabi mo, nanlalamig ka. Hinde (ata) bulong ng utak mo iyan. Bulong ng puso mo na talaga nanlalamig ka. Ano rason na bakit nanlalamig ka? Ang rason ay nakukulangan ka as in.

...kaya nga meron kasabihan na kapag lovelife lang naman din pala ay kailangan, hanapin ng tao na meron mag aaccept kung ano at sino siya kaysa hanapin ang nagpapa kumpleto mismo sa tao dahil once nakulangan ang tao, ang love mismo ay mawawala but reality based, lahat ata ng tao ay naghahanap ng love na mag papa complete sa kanila.

Bigyan mo siya ng chance pero kung ganun pa rin, huwag ka na magpretend. You deserve to be happy naman diba? Kausapin mo pero, kung ganun pa rin, bye-bye na lang.

nanlalmig ako kase nararamdaman ko wala na yung love ung care?? diba ang secret ng isang relationship kelangan kahit mag asswa na kayo hindi dapat mawala ung dati nyo ginagawa like nung mag gf/bf palang kung 100% atleast 50%.

hindi ko sya pinaghahanapan, and hindi ako yung taong makitid ang utak, hindi laht ng relationship perfect. and hindi ako mapaghanap na tao, minsan kase mapapagod ka nalang, hindi dahil my ginagawa sya mali saken,o sinasaktan nya ako. mas masakit kase ung emotionally affected ka.

about sa chance matgal ko na sta binigyan ng chance, ayaw na ayaw ko nga i compare sya sa ibang lalake, kase may kanya2 ugali bawat isa, pero hindi ko maiwasan talaga minsan kapag nasa work ako kapag naririnig ko tumatawag na asawa nila etc.. saka eto pa masakit kase inaabot ako dis oras ng gabi sa labas kase nag aaral ulet ako im working from 7.30am-4.30pm then my class ako 5.30-7.30pm ni minsan hindi sya nagtxt saken asan na ako or simplemg ingat paguwe?? tapos darating ako hindi manlang ako matanong kumain na ba ako?? or sasabihab ako “kain kana” minsan iniisip ko nalang napaka childish naman kung pati un bbgyan ko pansin.. ;(
 
baka naman meron nagpaparamdam sa iyo na ibang guy at ginagawa mo lang rason yan mga sinasabi mo ika nga e hinahanapan mo siya kasiraan :)
 
i don’t think my kinalaman hng courtship kase meron iba 10 yrs in a relationship b4 married nagkakahiwalay kagad. 1yr lang naging mag bf/gf kame sobrang komportable kame sa isat isa, and malaki ung age gap namen kaya cgro mejo di kame nagkakasundo sa mga bagay, pero big factor saken un kase naging matured ako. Ako talaga unv nag adjust for him, kase mahal na mahal ko siya. Alam ko marami magbabago kase hindi na naman kme dalaga at binata my mga
priorities kame kase my anak na kame meron kame business, nag work ako at the same time nag aaral ulet ako. Dahil siguro napaka sweet ko during mag bf/gf kame sweet din xa saken. 12 yrs na kme married. Hindi nagbago at lalo ko sya minahal.. minsan iniisip ko nalng pinakasalan nya lang ako kase nabuntis nya ako??? Minsan gusto ko nang itanong kung mahal ba talaga nya ako.

- - - Updated - - -

wala po talaga..nagtanggal na nga po ako ng fb, kase baka pamay pag malungkot ako maghanap ako kausap, pero promise wala po ibang nagpaparamdam saken. Ginagawa ko nalang nagtatampo tampohan ako, kaso nagdududa naman sya pag hindi ko sya pinapansin. Iniisip nya my iba ako.
 
I can’t say na nanlalamig ba sya saken? pakiramdam ko nanlalamig siya kase hindi na sya ganun kalambing, kase nag stop narin akong maglambing kase pagod narin sa work. Pero dati pa pansin ko na kahit nung wala pa ako work hindi na sya ganun, kya ako gmagawa ng moves, pero diba nakakapagod narin and nakakasawa ako nalang palage.

- - - Updated - - -


hindi naman mawawala ung problema lalo na ngyon, piggery kase business namen nalugi talga kame. kahit ako iniisip ko din naman un. , pero kahit naman nung hindi pa nagkaka problema ganun narin sya. Hindi ko nalng pinapansin kase kung palage ko papansinin mapaparanoid lang ako kapag pinagisipan ko masama. pero ang ayaw ko lang kase pati ako mawaln narin ng gana kapag pinagpatuloy ko gnagawa nya saken.

- - - Updated - - -



nanlalmig ako kase nararamdaman ko wala na yung love ung care?? diba ang secret ng isang relationship kelangan kahit mag asswa na kayo hindi dapat mawala ung dati nyo ginagawa like nung mag gf/bf palang kung 100% atleast 50%.

hindi ko sya pinaghahanapan, and hindi ako yung taong makitid ang utak, hindi laht ng relationship perfect. and hindi ako mapaghanap na tao, minsan kase mapapagod ka nalang, hindi dahil my ginagawa sya mali saken,o sinasaktan nya ako. mas masakit kase ung emotionally affected ka.

about sa chance matgal ko na sta binigyan ng chance, ayaw na ayaw ko nga i compare sya sa ibang lalake, kase may kanya2 ugali bawat isa, pero hindi ko maiwasan talaga minsan kapag nasa work ako kapag naririnig ko tumatawag na asawa nila etc.. saka eto pa masakit kase inaabot ako dis oras ng gabi sa labas kase nag aaral ulet ako im working from 7.30am-4.30pm then my class ako 5.30-7.30pm ni minsan hindi sya nagtxt saken asan na ako or simplemg ingat paguwe?? tapos darating ako hindi manlang ako matanong kumain na ba ako?? or sasabihab ako “kain kana” minsan iniisip ko nalang napaka childish naman kung pati un bbgyan ko pansin.. ;(

Ah. Ganun ba? Mukha hinde ka ata masaya. E di bitawan mo na. Diba? Practical lang naman. Well, hinde ako religious. Realistic lang ako pero siyempre, ready ka na sa consequence mo kapag binitiwan mo.

Two options lang naman ang pagpipilian.

1.) Magstay ka sa asawa mo pero hirap na hirap ka at hinde ka masaya at pagkatapos, nanlalamig ka. Forever pagdurusa.

2.) Bitiwan mo ang asawa mo. Ang una masakit then lilipas ang sakit at pagkatapos, new beginning uli.

Iyon lang. Iyon lang naman.

Yung sinasabi na sa hirap at ginhawa ay mag-sasama ang mag-asawa, okay pa iyon kapag meron love pero kapag nanlalamig, iba usapan iyon.

Sad to say, wala divorce ang Pilipinas so kawawa ang tao mag sa suffered na katulad ng sitwasyon mo.

Two options iyon. Then follow your heart.

Ay. Ito options ay medio nagaya ko sa testing the critical thinking. Andoon magagamit ang objective analysis at evaluation sa mismo issue. Na research ko lang na hinde sinasadya.

Oo.

Meron ganun

Tipo pinapractice ang critical thinking ng tao to solve the issue. Ang natutunan ko pa nga ay if you want to solve the issue daw, huwag daw gagamit ng feelings at emotions sa pagpili ng options.

Meron pa nga training ang critical thinking on internet then bigla ko naisip ang sa iyo.
 
Last edited:
Sorry for ask this, ilan taon na po ba kayo at siya?

Bagong kasal lang po kasi ako, kaya wag nyo sana masamain opinyon ko hehehe.

Lalake po ako, bagong kasal ako pero minsan naiisip ko din magloko sa asawa ko. Pero hanggang ISIP lang. Kasi Inuuna ko yung PUSO
-----
Sino po ba nanlalamig? Kayo o Siya? Hahaha :D
Di ka nya pinapansin or walang care dba?
Ikaw din po ba ganon? Or nagsawa ka na kasi puro IKAW? Di naman masama kung Puro po IKAW dba bilang ASAWA at may Anak.

Tama po yung iba mong sinabi na WAG icocompare ang lalake sa ibang lalake. Nakakababa ito ng EGO namin :) isa pa lalake yan eh. Baka naman wala ng init or something new?

Dapat araw araw may bago! Bagong pakulo mga ganon :D yung ibang reply sa thread na to tama po :) make something na mejo macucurious sya sayo.
May work ka dba? Pag rest day lumabas ka! Maging feeling dalaga ka, pero wag maghanap ng mapapasaya sayo lalo na kung ibang lalake hahaha mahirap na :D Gera yan!
-
Kwento ko lang nung mag bf/gf kame nung asawa ko now, pagdurasa talaga yung naranasan ko. Ibang iba ugali nya PROMISE sa lahat ng babaeng nakilala ko. Madame akong naka relasyaon, nakaroon pa ako ka live-in noon, nung diko pa sya nakikilala. Means BABAERO po ako :D pero tinigil ko nung nakilala ko sya hanggang naging mag asawa kame, worst po ang ugali nya as in! Sa kanya lang ako na stressed hindi sa work putek hahaha :D
--

Kung nanlalamig ka, pahinga muna. Kung ayaw makipag usap, give a way sa kanya or sa sarili mo.
AWAYIN mo! Hahahaha :D hanggang boom ANG SAKIT! Pero sa una lang,
or else Bye bye new beginning na ulit :) make yourself HAPPY to the Fullest! Minsan lang po tayo mabubuhay. Lagi ko nga sinasabi at iniisip sa sarili ko, kung saan ako masaya, doon AKO! Masaya ako sa Asawa ko NGAYON hahaha :D pero wag naman sana manlamig din ako at ibalik yung pagkababaero ko.
-
Basta wag mo iwanan responsibilidad mo! Di mo naman responsibilidad na pilitin mo sarili mo sa kanya eh.

Magulo po ba ako? OPO totoo! Kasi Gugulo din sa una yung magiging desisyon mo hahaha :D

Leave or Stay lang. There is so many many reasons inside and out.
 
satingin ko hindi kayo nagsisimba dalawa kaya kayo nagkakaganyan. join kayo sa sa mga fellowship para marenew ang sweetness nyong dalawa..
 
parang ganito ung naeexperience ko ngayon hayy same here may problem ako sa wife ko ganito din sya sakin nanlalamig nadin ako sa kanya and wala nadin kmi contact at night masyado nadin ako naaapektuhan kaya nanlalamig nadin ako sa knya .. hayy
 
Nagagawa nyu pa po ba mag bonding yung tipong kakain sa labas, mamamasyal, manuod ng movie or tv, sex at labing labing?
Kasi kung nagagawa nyu pa yaan eh wala na sa guy ang problema.

May mga lalake kase ma'am kapag wala syang nakikitang problema sa patner nya eh nagiging kampante na yan.
Minsan nakakalimot kame dahil siguro mabagal ang maturity namin kesa sa inyo kaya hindi lang kami nag-aaksyon
Meron din na napapsobra busy sa trabaho yung tipong 10-12hrs ang pasok.

Yung mga ibang babae kapag ganyan ang patner nila eh sila na mismo ang nag nagawa ng paraan like:
"nakaka boring naman sine naman tayu", "nu bayan daddy kelan ba tayo mag vacation trip" ,"oy kaen tayo sa labas nabulok nako sa bahay".
Kung di mo po yan madaan sa kulit at suyo eh hindi yan matatauhan at ganyan at ganyan parin yan.

Once na ako iniwan ng babae dahil sa ganyang issue :)
Ang nakakatuwa eh sya yung nagloko dahil nag work sya para di ma bored at dun nya nakilala yung lalake na katulad ko daw. pwe.
 
Mag asawa kayo kaya dapat do your best para magampanan mo ang pagiging asawa mo. hindi yung iniisip mo yung part nya na dapat sya ang may responsibilidad tungkol dun.

Nagpakasal kayo kasi mahal nyo ang isa't isa kaya kahit anong gawin nyo hindi na kayo pwede maghanap ng iba.

Sabi nga sa isang relasyon palaging may isang nagmamahal at isang malamig. try mo syang lambingin. basta gawin mo yung part mo. kung mahuli mo naman sya na may ibang babae o may ginagawang masama eh mahahalata mo naman. basta ang pinakamahalaga dyan eh ginawa mo yung part mo.

pag nahuli mo syang may iba o ginagawang masama na kung ano man yun.. sasabihin mo nalang sa sarili mo na "okay lang na nangyare to basta para sakin nagawa ko yung part ko bilang asawa at sinunod ko kung anong nararamdaman ng puso ko"

oo alam ko masakit. pero ano bang mas masakit? yung ikaw yung gumawa ng masama o ikaw yung gumawa ng tama?
 
Re: nanlalamig na ako sa asawa ko..😞

gaya ng sinabi mo TS, simple lang hinihingi mo. Pero tinitingnan mo yung chance na baka pag may nakilala ka at makita mo dun yung hinahanap mo. Simple lang pala, bakit aantayin mong BAKA MAKAHANAP ka ng iba? sa simpleng bagay pala kaya mo isakripisyo pagsasama nyo? Kung simple lang hinihingi mo na hindi mo makuha, pabayaan mo na. simple lang nmn pala. ang tingnan mo yung mga Pamilyang nasisira dahil sa Mapaghanap na kabiyak.
Opinyon lang po
 
Re: nanlalamig na ako sa asawa ko..😞

pinakamabutig gawin ay pag-usapan ang problema..
 
break muna sa lahat, mg honeymoon kayo ulit. out of town ung kaung 2 lng. need lng nyu marefresh 2. .....

wag ka ggawa ng bagay na sa huli pg sisisihan mu. hbng buhay mu dadalin yan. be careful sa mgiging desisyon mu. consider din ung maiipit pag nagkapoblema kau.



pede pang masave ung relation nyu.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom