Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Need Advise regarding sa Misis ko.

lapisbels

Recruit
Basic Member
Messages
2
Reaction score
0
Points
16
Ask lang po ako ng advise. 32 yrs old na po ako at 31 naman misis ko. Hindi ko na alam gagawin ko at wala naman ako ma kwentuhan sa problema ko (kung problema ba talaga) sa misis ko.

High school sweet hearts kami halos 18 years na kami magkakilala. Nag live in for 5 years and mag 3 years ng kasal sa simbahan. Wala pa kami anak. Nag work ako as IT sya naman wala trabaho. Eto ang naging issue namin financial. sa tagal namin nag sasama for almost 8 years hindi nya ako matulungan financially. Nag babayad kasi kami ng bahay na binili namin (actually ako lahat gumagastos). Kinakusap ko sya na mag trabaho pero sabi nya nahihirapan sya mag hanap. Graduate sya ng ECE (3 yrs course) kaso di sya nag work. Di nmn sya makapasok as call center agent kasi hirap sya sa pronunciation ng words P at F matigas dila nya.

Sabi ko sa semicon sya mag apply wala nmn daw mahanap. Pinag aaral ko sya ayaw naman nya at gastos lang daw. Dito kasi lumaki ang problema nag babayad pa kami ng utang sa credit card na worth 70k pinush nya kasi ako gumamit ng card sa mga groceries namin and clothes. Pag sinasabi ko na ok lang ba gamitin baka mabaon tayo sa utang ang sagot lang nya "hindi yan at mag hahanap daw sya ng work". Ayaw ko talaga gumamit ng card kaso nag tiwala ako sa kanya. Sya kasi pinapahawak ko ng mga financial matters kaso di pala sya marunong kaya kung kelan too late na nalaman ko na lang na baon na pala kami sa utang, tsaka ako nag take over ayusin. Nagtitiwala kasi ako sa kanya. Pinasok din namin ang networking business para sa kanya sya din nag sabi na mag networking kami. Binigyan ko sya ng 20k kaso wala rin ni hindi kami naka benta ni isa.

Ngayun wala pa rin sya work. At worst part di ko na matulungan magulang ko na may sakit na cancer kasi baon din ako sa utang. Ni di ako makabigay sa magulang ko kasi kami nmn ang kakapusin sa pang araw araw nakabukod na kasi kami ng bahay.

Di ko na alam gagawin hangang sa dumating na kami sa point na inaaway ko na sya kasi nag tataka ako bakit hirap sya mag kawork. Sa mantalang ung ibang misis dyan nag step up agad pag nakita nila na kapos na sila sa budget to think wala pa kami anak.

Dami ko na iniisip na problem. Di ko maasahan si misis sa lahat ng problem. Ni di man lang nag lilinis ng bahay. Ang ginagawa lang nya mag luto ng kakainin namin at magbayad ng bills na ako naman ang kumayod ng pera.

Minsan napapaisip ako na iwanan na lang sya kasi sa tingin ko ginawa ko na lahat. kinausap ko sya ng mahinahon wala pa rin sya drive. Wala man lang sya ginagawa sa bahay kundi mag internet at mag laro ng games.

Ano ba gagawin ko sa kanya para mag ka drive sya nag tulungan nya ako financially? Thank you.
 
base sa aking analysis, tinatamad magtrabaho ang asawa mo TS, mas gusto nya ang buhay na sa bahay lang, ginagawa nya lang alibi yung "maghahanap ako work". Payo ko sayo TS, alisin mo na yang credit card kasi kung di talaga maalam gumamit nyan eh imbes na mapaalwan ang buhay eh mababaon kapa sa utang. Try to go to a professional counselling. Mas makakapagbigay ng maayos na payo sila.
 
TS, Tama yung nagpayo sayo, tangalin mo ang credit card mo bago ka pa mabaon sa utang, Sorry to say pero alam mo TAMAD ang asawa mo, ayaw talaga niya mag work, ayoko ko lasunin ang isip mo pero BAKA LANG Ha.... baka may ibang pinagkakaabalahan iyan sa bahay maliban sa mga sinabi mo na ginagawa niya......Ang asawa ko kahit walang work magmula ng magkaanak kami ay tumutulong sa akin...nag bebenta siya ng mga Avon, Bordwalk, MSE ...buy and sell ika nga, Maraming Puwedeng gawin para kumita kung gusto ..pero kung wala talagang balak...nganga talaga.....Hindi kita masisisi kung magisip ka na iwan siya...dahil kung ako yan baka nga iwan ko na lang siya or sauli ko sa kanila....sabi mo nga nag-usap na kayo pero wala parin...so last change mag-usap ulit kayo then kung wala parin.....kailangan mo na talagang magdecide with your own...Hope nakatulong po ako sa inyo.
 
be strong lang ts kasi sumumpa kayo sa altar at kasal kayo. tsaka ang pag aasawa di yan kanin isusubo at iluluwa pag nainitan. hanapin mo yung sulosyon di yung hiwalayan mali yan.
 
Salamat sa mga payo. Sa totoo lang wala ako mapag sabihan ng problema ko. Ngayun ko lang at dito lang ginawa. Naluluha pa ako habang sinusulat ko ang thread na ito sa sama ng loob.

Naiisip ko kausapin na siguro ang magulang nya. Ayaw ko kasi humantong na magka pikunan kami at magkasakitan. Ung credit card babayran ko n lang ang utang at papaputol ko na.

Salamat ulit ng marami.
 
Kelangan mo lang lakasan ang loob mo ts, pagsubok lang yan..sa palagay ko kelangan maging open kayo sa lahat bilang mag-asawa,subukan mo syang kausapin ulit at ipaintindi mo sa kanya ang naramdaman mo at sitwasyon nyo ngayon. Lahat naman nadadaan sa magandang usapan, ipaliwanag mo ang side mo at kunin mo ang opinyon nya...Sa palagay ko bilang mag-asawa mas maganda transparent kayo sa isat isa para mag last ang relationship...At isa pa TS naniniwala ako sa power ng prayer, kaya kapag may problema manalig lang kay God...walang imposible sa Kanya...:)
 
wala pa naman kayong anak. pwde mo pa iwan yan. ibalik mo nlng sa magulang niya.

un iba nga di naka tapos, un iba dyan bisor pa ang position!!!
 
Lahat ng tao may pinagdadaanan TS. pero before you make your final decision sana out of emotions. hindi ka galit,walang sama ng loob etc. at alam mong hindi ka magsisisi sa bandang huli. Kung sa tingin mo wala ng patutunguhan relasyon nyo then so be it hiwalayan mo na sya. pero kung alam mo na may pag-asa pa at may patutunguhan pa, kapit lang. lahat ng bagay may solusyon pero hindi laht ng bagay mababalikan pa :)
 
Ts kausapin mo siya ng masinsinan,,sabihin mo hihiwalayan mo siya pag di nag bago,pero wag mo naman gagawin,,malamang ikaw ang binigay ng diyos para sa kanya,ikaw ang magpapabago sa kanya
 
Baka nasanay siya nung mga bata pa kayo na magastos at binibigay mo sakanya lahat at walang iniisip na anu mang bagay kasi di naman lalaki ang utang niyo kung iniisip niya ung mga pinag gagastos niya/niyo at sana talagang tina-try niya sana na mag hanap ng trabaho..

Sundin mo bro ung mga reply nila. Tanggalin ang credit card, kausapin ng masinsinan at kung maari ay wag mag hiwalay.
 
May ibang babae kasi na ang mind set is wag na magtrabaho at sa bahay nalang pag nag asawa. Inaasahan nila na gawin silang reyna ng asawa nila after magpakasal. And i think ganun ang asawa mo. Ibabaon ka talaga ng credit card lalo na kung siya ang hahawak nun
 
TS ung credit card tanggalin mo . wag mo iwan ung asawa mo problema lng yan maayos nyu rin yan . halos pareho tayo ng setwasyun ts peru wla ako credit card may dalawang anak pa ako . im 24 yrs old . tapos ung asawa ko 30 na peru ako ung nag handle sa pamilya namin .kasi d sya marunong mag tipid kung may pera uubusin ka agad . bsta meron pa kahit anu bibilhin. peru nakayanan ko lahat un .may sariling bahay na ako ngaun at naka pundar narin ng mga gamit kunti . iba kasi tau kung tayo mag handle sa pamilya . sila bigyan mo ng pera bukas may bagong make up na yan .
 
mahirap nga yan ts, pero nasa paguusap yan pakita mong hirap ka na kasi kung gusto talagang magbago gagawin yan pero kung ayaw magbago yun lang ang magging problema so pagusapan nyo ng masinsinan.
 
hmmm, ang mapapayo ko lang sayo, kung ayaw magwork or hirap magka work ang misis mo, baka pwde makaisip kayo ng business, at mukang sa lagay nyo ngayon ay hindi magandang idea ang networking dahil sabi mo nga natry nyo na pero di nag work.

konting realization tayo, ung misis mo graduate ng ECE, anong klaseng student ba sya? pano sya pumasa? interesado ba talaga sya mag ECE or pumasa lang sya dahil pumasa sya? licensed ECE ba sya? nothing against her, pero come to think of it, maybe hindi sya ung "career woman" pero malay mo naman "business minded" pala sya? maraming ganon sa totoo lang. Again, hindi "open minded" ha, wag networking. Ano ba hilig nya? mahilig ba sya sa damit? baka pwede sya mag business ng damit? mahilig ba sya sa food? baka pwede mag business ng food? matiyaga ba sya? may internet ba kayo at medyo tamad sya? baka pwde home based na work? pero i get where you are coming from, mahirap talaga i-open up sa misis lalo na ang tanong na "baka pwede ka mag work?"

ikaw naman, kamusta ang work mo? toxic ba? ilang oras ang biyahe? may career growth ba? ung sinasahod mo sapat naman ba sa gastusin nyo kasama na ung payment sa credit card? sabi mo IT ka, infairness and in reality isa ang IT Industry sa pinaka malaki ang pasahod, baka sa tingin mo need mo lumipat ng company or change role? kampante ka na ba sa role mo ngayon? or willing ka mag take ng risk for an even more challenging work? high risk = high gain

another thing, don't give up on her that early, ang tanging dahilan lang para i-give up mo sya eh kung iniwan ka nya or niloko ka nya sa ibang guy. don't give up on her, that's not right.

to make the long comment short,

wifey = career woman maybe no, business minded maybe yes
hubby = baka need ng mas mataas na sahod? or mas magandang experience para in the near future mas magandang work ang mapuntahan?

optional: baka pwede rin si misis sa IT, try nya enrol sa testa ng mga IT vocational may mga libre don like server and network, or programming. meron din sa mga expert training center mura lang din training don


EDIT: eto ang i-give up mo--credit card
 
Last edited:
Back
Top Bottom