Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Need advise with my Family

kramn0hj11

Apprentice
Advanced Member
Messages
58
Reaction score
0
Points
26
Hello! Need advise lang and maybe outlet na din since di ko masabi directly sa wife ko, pahipyaw pa lang nag aaway na kami agad and sa friends and sa family naman, bias ang opinions na maririnig ko.

So, here's the scenario:

1. Sa bahay ng parents ko kami nakatira for more than a year pero kinasal na kami last November 2019 may nakuha na kaming bahay for renovation pa kaya di pa namin malipatan.

2. Since sa amin sya tumira (taga Cavite kasi sya and nagdodorm since mas malapit naman sa amin ang workplace nya we decided na sa bahay na lang ng parents ko sya tumuloy) tuwing umuuwi sya sa Cavite every weekend sumama sa ako and nakikitulog sa kanila.

Ito naman yung currently na problem ko:

1. Dahil kasal na kami, we decided every other weekend na lang kami pumunta sa kanila para makatipid na din. Dito sya medyo nahihirapan kasi nga nammimiss nya lalo family nya kasi sabi nya tuwing weekend na lang time nya para sa kanila unlike me na lagi ko nakikita ang family ko kasi doon nga kami tumutuloy. Para sa akin naman kasi since kasal na nga kami, I think dapat masanay na sya na occasionally na lang makapunta sa family nya kasi magsstart na din kami ng family namin, I need your opinions with this one po kung tama ba ako.

2. In connection with number 1, medyo may hugot din ako kung bakit hindi ko gustong madalas kami sa bahay ng parents nya:

a. Wala kaming personal space sa kanila, sa sala lang nila kami natutulog and whole stay namin maghapon nandoon lang sa sala nila. Sa amin kasi kahit sa bahay ng parents ko meron akong kwarto and yun ang personal space namin. Dahil nga nasa sala kami na common space ng bahay nila, hindi pwede na maghihiga at magtutulog maghapon kahit na restday namin ang weekend. Tapos eto pa sa umaga naman, sanay parents nyang gumising nang maaga kami naman may times na late na nakakatulog, napupuyat ako kasi ako lang naman yung magisingin samin kahit paglalakad lang ng mother nya paglabas ng kwarto nila nagigising na ako. Usually mga 5:30-6 am sila nagigising simula sa ganitong oras nagigisng gising na ako sa mga kalampag ng mga kitchenwares, sa malalakas ng boses nilang mag asawa pag nagkukwetuhan at sa pag hahain sa lamesa ng mga ulam na mismong nasa tabi ko lang.

b. Dito hindi ako sigurado hahaha baka nasa akin talaga ang problema. Hindi din ako komportable sa mga in-laws ko.

i. Mother - Medyo know-it-all kasi sya and may mga times na yung mga opinions nya sa decision makings namin nagiging directive hindi yung parang suggestion. Siguro dahil nga sanay sya na may subordinate kaya feeling nya pagdating sa mga anak nya subordinate nya pa din na laging inuutusan. Nasanay din kasi ako sa parents ko na minsan sila pa yung magtatanong sa aming mga anak kung ano ba yung mas okay sa mga bagay bagay.

ii. Father- Wala naman akong masabi kasi he's good naman as a father though yun nga madalas din na sumusunod lang sya kay mother since parang sya yung tumatayong head ng family nila e, siguro kasi sya yung provider instead na si tatay.

iii. Kuya - eto naman hindi ko matandaan kung kelan ako hindi nainis sa kanya hahaha. Grabe lang kasi umasta, sya talaga yung tipong hindi ko gugustuhing makasama sa isang bubong. Never syang naghugas ng pinagkainan nya, minsan pa hindi lang pinagkainan pati pinaglutuan na din kapag kasi di nya gusto ulam magluluto yan ng sarili nyang ulam. Late night na din pala sya umuuwi kakabarkada, unemployed din, kaya may times na magigising kami sa gabi sa ingay din ng pagluluto nya. Dugyot din sya, yung tipong napakapanghi na nga ng ihi kakainom ata ng alak pero sa lapag pa ng cr umiihi at hindi nagbubuhos ay nako nakakasulasok.

Lastly ito aminado ako na nasa akin ang problema, madalas kahit sa times na sabay sabay kaming kumakain sa kanila hindi ako kumikibo or nakikisali sa usapan nila dahil nga nagiging subjective na ko sa mga judgment ko sa kanila bukod pa sa hindi talaga ako nakakarelate sa usapan nila, like yung mga kaklase nila nung highschool ung pinsan ng pinsan ng kapitbahay nila yung mga ganon hahaha.
 
I suggest na hayaan mo na lang muna na magpunta kayo every other week sa parents ng wife mo baka kasi namimiss n'ya dahil bago pa naging kayo at ikasal e dun na s'ya lumaki, nagkaisip kaya hinahanap n'ya. I think it's okay lang. Kung hindi ka sanay sa kanila dahil sa mga gawi at kilos sa bahay nila since every other week lang naman kayo nagpupunta e tiisin mo na lang muna. Kapag gawa na yung bahay ninyo at may baby na malamang hindi na masyado makapupunta ang wife mo sa kanila dahil may obligasyon na s'ya.
 
Bago pa lang pala kayo paps eh. Hayaan mo muna then KAUSAPIN MO! Hahaha nasa pag uusap at pag iintindi ng bawat side yan.
--
Ako nga same ako ng kalagayan mo eh. Ang maganda lang naman sa amin ng asawa ko is may sariling bahay asawa ko. Yun nga lang katalikuran lang ng bahay ng Biyenan ko. As in hahaha tagusan lang na bahay. Pero okay naman :) Ako yung nasa Side ng asawa ko. Di rin ako kumikibo sa kanila kapag kainan or nasa kanila kame with our baby. May Space kame ni Misis. Maganda naman :) ako din namimiss ko Family ko sa Bulacan sobra. Pero syempre being matured and father of one girl include mo na ang pagiging asawa ko, ehh iniisip ko na lang sila. Kumbaga may responsibilidad na kasi ako at ako yung LALAKE hehehehe. More adjustment talaga, pero as of now okay naman :)

Kumuha din kame ng bahay sa Bulacan, kaso for Pag-Ibig pa. 5 years pa bago matirhan hahaha.
--
Advice ko sayo? Tiis lang muna. Wait mo matapos bahay nyo, then gawa na kayo baby hhahaha :D tapos yun nga, kausapin mo asawa mo. Di pwede yung ganyan palagi, every weekend talaga?

Yung mga iba mong problema regards doon sa family nya? Mawawala yan syempre kapag di na kayo pumupunta sa kanila hahaha
 
Tiis lang muna pakisamahan mo nlng muna haggang matapos bahay nyo. ipakita mong tanggap mo sila.. Kc nga sabi mo madami kang puna meaning di sila plastik n tao ngpapatotoo lng cguro sila.. Sa ganun sila wala kanang magagawa dun kundi makisama muna.. Masasanay ka din sa ugali nila at matatanggap.. Gudluck kasama sa pagaasawa yan
 
makisama ka TS, pero sa totoo lang toxic yang ganyang klase ng setup, mas mainam kung makabukod na kayo talaga, teka ilang taon na ba yang misis mo?
 
First of all. Judgmental ka po. Hahahaha! Everyone has their own s**t, di tayo perpekto lahat, meron at meron kang bad side. So please, don't just look into it sa family members ng asawa mo. Also, kelangan mo makisama, your wife can just turn around and not pick you all of a sudden kung ganyan lang napapansin mo sa family niya.

Second, talk to your wife, meron at merong pwedeng agreement dyan. Ask her bakit ba gusto niya lagi sa kanila? Baka she is not comfortable din sa bahay ng parents mo right now like kung anong nararamdaman mo sa kanila. Talk to her, reach to her and ask her how she is feeling about the current situation.

Lastly, if ever na di sya comfortable sa bahay niyo like I said earlier, baka naman pag restday ninyo, you can have a nice and chill date instead of going to her parents house dba? Like a hotel staycation, lunch/dinner at some chill place. In that, both kayo mageenjoy and you can talk. Communication is the key to every relationship, usap lang. Magiging ayos din yan. :)
 
Back
Top Bottom