- Messages
- 5
- Reaction score
- 0
- Points
- 16
Eto po ang situation:
Sa January 2018 ang end of contract ko sa Globe sa Mobile Postpaid Plan ko, kaya naisipan kong mag early renewal ng contract ngayong December para may bago akong CP bago magPasko. Willing naman akong bayaran ang pre-termination fee at cashout para sa cellphone na napili ko. Nakaschedule ako today (Dec 06) para i pick-up ang handset ko. Nung nasa Globe na ako, at upon checking ng accounts, it turns out na may unpaid bill ako worth 11K ... way back 2012 pa ata, under my name at same birthdate pero iba ang address na nagamit. Yung address dun sa unpaid bill ay sa isang Condominium pero ako naman ay sa isang ordinaryong barangay lang.
Suggestion naman ng agent na nakausap ko sa Globe Store, magpagawa na lang daw ako ng Affidavit of Denial at ipasa sa kanila. At within 1month or longer daw ay maaaring ma clear daw yung account ko. Wala naman daw hearing sabi nung agent.
Eto ngayon:
Naalala ko na baka nagamit ng kaibigan ko yung name ko para magpakabit ng telepono (+internet) noong araw kasi sa pagkakaalala ko nahiram nya yung id ko noong 2012 para sa Condo nya. Wala na kaming kontak nung kaibigan ko na yun at hindi ko alam kung saan sya hahanapin, wala na rin sya sa Condo na nabanggit.
Ano ngayon ang gagawin ko?
1) Magpagawa ng Affidavit of Denial, isubmit sa Globe at hintayin ang result (kahit na maaaring makita nila yung id ko na malamang isinubmit noong nag-apply yung friend ko noong 2012).
2) Hayaan na lang lumipas ang End of Contract ko at hintayin na lang na tumawag ang Globe sakin at mag-alok ng new contract (hopefully).
3) Mag-apply na lang sa Smart (Kaso wala dun yung cp na gusto ko, Huawei P10, at masyadong mahal ang Mate10)
Thanks sa magrereply.