Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

GLOBE Need Opinion sa Globe Postpaid Account

postanaka01

Recruit
Basic Member
Messages
5
Reaction score
0
Points
16
:help: :help: :help:

Eto po ang situation:

Sa January 2018 ang end of contract ko sa Globe sa Mobile Postpaid Plan ko, kaya naisipan kong mag early renewal ng contract ngayong December para may bago akong CP bago magPasko. Willing naman akong bayaran ang pre-termination fee at cashout para sa cellphone na napili ko. Nakaschedule ako today (Dec 06) para i pick-up ang handset ko. Nung nasa Globe na ako, at upon checking ng accounts, it turns out na may unpaid bill ako worth 11K :kainis: ... way back 2012 pa ata, under my name at same birthdate pero iba ang address na nagamit. Yung address dun sa unpaid bill ay sa isang Condominium pero ako naman ay sa isang ordinaryong barangay lang.

Suggestion naman ng agent na nakausap ko sa Globe Store, magpagawa na lang daw ako ng Affidavit of Denial at ipasa sa kanila. At within 1month or longer daw ay maaaring ma clear daw yung account ko. Wala naman daw hearing sabi nung agent.


Eto ngayon:

Naalala ko na baka nagamit ng kaibigan ko yung name ko para magpakabit ng telepono (+internet) noong araw kasi sa pagkakaalala ko nahiram nya yung id ko noong 2012 para sa Condo nya. Wala na kaming kontak nung kaibigan ko na yun at hindi ko alam kung saan sya hahanapin, wala na rin sya sa Condo na nabanggit.


Ano ngayon ang gagawin ko?

1) Magpagawa ng Affidavit of Denial, isubmit sa Globe at hintayin ang result (kahit na maaaring makita nila yung id ko na malamang isinubmit noong nag-apply yung friend ko noong 2012).

2) Hayaan na lang lumipas ang End of Contract ko at hintayin na lang na tumawag ang Globe sakin at mag-alok ng new contract (hopefully).

3) Mag-apply na lang sa Smart (Kaso wala dun yung cp na gusto ko, Huawei P10, at masyadong mahal ang Mate10)


Thanks sa magrereply.
 
Please insert this choice:

4. Gumamit ng ibang pangalan at mag avail ng new account para magka phone ka sa gusto mo na phone. :rofl:
 
Last edited:
Please insert this choice:

4. Gumamit ng ibang pangalan at mag avail ng new account para magka phone ka sa gusto mo na phone. :rofl:


Pwede kaya kay misis nakapangalan?
 
Pwede kaya kay misis nakapangalan?

pwede naman yan siguro sir, since magkaiba requirement yan. hindi mo naman siguro gagawin sa misis mo ginawa sayo ng kaibigan mo.

napaisip lang ako kung 2018 ang end contract ng mobile postpaid mo, at 2012 pa nagamit ID mo para application ng kaibigan mo sa condo, bakit ka pa nakapag apply ng mobile postpaid mo eh hindi ba 2yrs contract lang naman meron si globe.
 
pwede naman yan siguro sir, since magkaiba requirement yan. hindi mo naman siguro gagawin sa misis mo ginawa sayo ng kaibigan mo.

napaisip lang ako kung 2018 ang end contract ng mobile postpaid mo, at 2012 pa nagamit ID mo para application ng kaibigan mo sa condo, bakit ka pa nakapag apply ng mobile postpaid mo eh hindi ba 2yrs contract lang naman meron si globe.

same here, nakakapagtaka pano ka nakakuha, unless di sila nag background check nung time na yun which is impossible
 
Back
Top Bottom