Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

need some advice again

lunarrush

Novice
Advanced Member
Messages
27
Reaction score
0
Points
26
Hi mga ka symb. nag post na ako last time dito about sa situation ko. i feel in love with my co-worker/friend pero diko masabi sa kanya kasi may bf na sya.
So ayun nga, last few months i tried my best na kalimutan na ung feelings ko by focusing on some other things. It worked for a bit,i guess, pero since ko worker ko sya and close friend, lagi pa rin kami magkasama kumain at umuwe. I am always at her side lalo na pag need nya ng help in terms of work. So ayun, parang bumalik na naman ung nararamdaman ko and umaasa na naman. hays. Everytime na magkasama kami na i feel na naeenjoy naman namin ang isa't isa and naiisip ko na siguro pwede talagang kami magkatuluyan. Sad to say, okay sila ng bf nya hahaha. At first place naman alam ko na un eh. Need ko lang siguro ng advice kung paano iwasan ung nararamdaman ko kasi at the end of to day parang inaalagaan ko lang sya tapos iba nakikinabang eh hahaha. Thanks guys.
 
same problem TS pero yung sakin is classmate ko .. T_T .. ansakit ng ganito hanggang ngayon mahal ko padin sya :((( ..
 
Iwas dude wag ka sisira ng Relasyon :D mag trabaho ka lang tapos mag Gamer ka hahaha
 
Bilang respeto sa sarili mo, sa kanya, at sa boypren niya, umpisahan mo ng umiwas. Pag-iwas na hindi masyadong obvious. Limitahan mo na yung sarili mo sa pagsama sa kung saan man. Gaya ng kapag kakain kayo, at uuwi ng sabay. Pati yung kapag may work related problem sya, limitahan mo na din yung pag-tulong mo. Alam kong mahirap, boss. Pero yun lang yung tingin kong dapat mong gawin. Masasaktan at aasa ka lang sa wala kapag ipinagpatuloy mo pa yan. At wag na wag kang gagawa ng kahit na ano na ikakasira ng relationship nila. Alam ko naman na di mo gagawin yun. So yun, tibayan mo lang ang loob mo, boss. Madami pang ibang babae dyan. Yung single na kung saan pwede mong ibuhos ang attention na ibinibigay mo sa babaeng yan ng walang problema.
 
same problem TS pero yung sakin is classmate ko .. T_T .. ansakit ng ganito hanggang ngayon mahal ko padin sya :((( ..

mahirap talaga boss. kahit anong gawin ko pag iwas twing nalikita ko siya bumabalik lang nararamdaman ko pero mas masakit pag nakikita ko masaya sila ng boyfriend nya ��

- - - Updated - - -

Iwas dude wag ka sisira ng Relasyon :D mag trabaho ka lang tapos mag Gamer ka hahaha

hahahaha. na try ko na halos lahat these past few months boss. hirsp iwasan ng nararamdaman. di naman ako pwede mag resign. lol

- - - Updated - - -

Bilang respeto sa sarili mo, sa kanya, at sa boypren niya, umpisahan mo ng umiwas. Pag-iwas na hindi masyadong obvious. Limitahan mo na yung sarili mo sa pagsama sa kung saan man. Gaya ng kapag kakain kayo, at uuwi ng sabay. Pati yung kapag may work related problem sya, limitahan mo na din yung pag-tulong mo. Alam kong mahirap, boss. Pero yun lang yung tingin kong dapat mong gawin. Masasaktan at aasa ka lang sa wala kapag ipinagpatuloy mo pa yan. At wag na wag kang gagawa ng kahit na ano na ikakasira ng relationship nila. Alam ko naman na di mo gagawin yun. So yun, tibayan mo lang ang loob mo, boss. Madami pang ibang babae dyan. Yung single na kung saan pwede mong ibuhos ang attention na ibinibigay mo sa babaeng yan ng walang problema.

pano kaya pag siya talaga nagyaya kumain at umuwi na. ang hirap po kasi boss ng tangihan ung close friend mo eh. i tried na lumayo sa kanya before pero since same office and floor lang kami magkikita at magkikita talaga kami. i tried once pero nahiya ako bigla kasi parang ang rude ng dating na basta mo na lang snobin. meron naman ako iba girl na friends pero i dunno kung bakit d ako nagkakainterest sa kanila eh. siguro nga nakita ko sa friend ko ung quality na hinahanap ko bilang gf. kaso bawal. I rather na itago na lang to kesa sumira ng relasyon. Hopefully i found that special girl for me. hirap umasa sa wala grabe. yoko ng feeling na ganito ����
 
uu boss lalo na tlga pag nakikita natin :(( pag hindi namn , masyado nating namimiss .. ang ginagawa ko ngayon boss e di nako masyadong nag chchat , tsaka nag dodota nalng muna. nag lalaro ng basketball lagi para malibang namn .. pero malapit na pasukan yan yung challenge tlaga sakin. siguro pilitin nalng natin ang sarili natin na respetuhin yung relasyon nila tsaka di namn kailangan lumayo tlga .. pwede namn maging friends..
 
Ramdam kita TS :weep: ako naman nilagawan ko yung friend ko pero binasted ako dahil mas pinili nya yung isang nyang suitor na taga ibang department sa workplace namin. Kaya eto ako ngayon nasa friendzone, like you I'm always at her side, kapag need nya din ng help in terms of work tinutulungan ko sya lagi. Ang hirap talaga umiwas lalo na't lagi mong nakikita sa work, lalong masakit pagnakikita ko sila ng BF nya :weep: naisip ko na nga din magresign pero ang hirap maghanap ng work eh hahaha :rofl: Pero ngayon I'm trying to stay away from her bilang respeto na din sa BF nya, nili-limit ko na din yung mga pag answer sa chat/text messages nya, minsan need ko talagang magresponse pero as much as possible ine-end ko na agad kung conversation namin at hindi ko na pinapahaba pa. Kakayanin natin to TS, tiwala lang. Goodluck sa atin.
 
Last edited:

hahaha goodluck! mukhang bata ka pa naman. madami ka pa mamemeet. take it easy muna. :approve::approve:

- - - Updated - - -

Ramdam kita TS :weep: ako naman nilagawan ko yung friend ko pero binasted ako dahil mas pinili nya yung isang nyang suitor na taga ibang department sa workplace namin. Kaya eto ako ngayon nasa friendzone, like you I'm always at her side, kapag need nya din ng help in terms of work tinutulungan ko sya lagi. Ang hirap talaga umiwas lalo na't lagi mong nakikita sa work, lalong masakit pagnakikita ko sila ng BF nya :weep: naisip ko na nga din magresign pero ang hirap maghanap ng work eh hahaha :rofl: Pero ngayon I'm trying to stay away from her bilang respeto na din sa BF nya, nili-limit ko na din yung mga pag answer sa chat/text messages nya, minsan need ko talagang magresponse pero as much as possible ine-end ko na agad kung conversation namin at hindi ko na pinapahaba pa. Kakayanin natin to TS, tiwala lang. Goodluck sa atin.

Thanks boss, nung nabasa ko mga response dito, nalaman ko na madami rin pala katulad ko hahaha. it eases the feeling a little bit. Iniisip ko na lang ngayon, may mamemeet din akong ibang babae. Yoko ng pahirapan sarili ko kasi sa bandang huli wala rin naman mapapala eh. Goodluck din sayo boss. Hopefully we can find another girl that will treat us the same hehehehe
 
Hahaha Thanks TS, nakita ko yung isa mong thread June last year pa pala yun, ang tagal mo na palang tinitiis yan, pwede naman maging friends parin pero set your limitations, ilimit mo yung pakikipag-usap mo sa kanya, iwasan mo din yung lagi kayong magkasama hanap ka nang malupet na palusot yung hindi rude yung dating sa kanya. From now on keep your distance na TS para hindi na sa kanya lagi yung attention mo at para hindi kana rin masaktan lalo, sige ka ikaw din :lol:. Sana nga TS Hopefully mameet na natin yung babaeng kayang suklian yung love na ibibigay natin, yung hindi tayo gagawing option at pampalipas oras lang. :salute: Goodluck sa atin :thumbsup:
 
Last edited:
think positive TS hahahahaha
matuto ka tumanggap ng mga bagay na di naten kontrol wag mo damdamin
 
makikisapaw na rin. pasensya na :lol:

-------------

you know what, isa lang ang naiisip kong sureball na solusyon dyan. mahirap siyang gawin sa umpisa but once na magawa mo siya, i'm sure mapapadali ang pag-iwas mo sa kanya. alam mo ba kung ano yon??

be honest to her.

seriously. yan ang naiisip kong dapat gawin mo. yeah, i know, madaling sabihin pero mahirap gawin pero think about it – once na masabi mo sa kanya ang feelings mo, then dun mo lang mabibigyan ng linaw sa part niya kung bakit mo siya kailangang iwasan. kasi kung ikaw lang ang iiwas, mahihirapan at mahihirapan ka dyan brad. lalo pa't co-worker mo yan at close friend mo pa. malabong maiwasan mo yan completely nang hindi lumilipat ng workplace lol.

at least kapag nalaman niya ang katotohanan, then maiintindihan niya yung side mo kung bakit kailangan mo siyang iwasan. mage-gets niya yung point since mali nga yung nararamdaman mo para sa kanya. hindi mo na rin kailangang mag-worry sa mga posibleng maging feeling niya if ever na iniwasan mo na siya nang todo. kasi kung iiwas ka na lang basta-basta, asahan mong mapapansin niya yan at mapapaisip nang todo yan kung bakit mo ginagawa yun sa kanya. malamang mapaisip pa yan ng negative about sa sarili niya like kunwari, baka may nagawa siyang masama sayo pero di lang siya aware... yung mga ganun bagay.

or, pwede ring once na umamin ka sa kanya, eh baka gumawa na rin siya ng way para mapalayo sayo. yeah it sucks... but at least nagawa niyong lumayo sa isa't isa and at the end of the day eh wala kang nasirang relasyon. tignan mo na lang yung bright side nyan hehe.

basta yun lang yung naiisip ko dyan eh. just find the courage to tell her everything... then everything will follow through. :approve:

....or, kung di mo talaga kayang umamin pero gustong-gusto mo talagang umiwas sa gulo, then do this alternative – magsimula ka nang maghanap ng bagong work para makalipat ka ng workplace. ewan ko na lang kung di ka pa makaiwas sa ganun haha!

:hat:

P.S.
oo nga pala, wag ka na ring umasa sa kanya. accept the harsh truth na hindi magiging kayo [right now]. imposible, unless na lang kung may pagka-two timer si girl which is malabo namang mangyari, tama? so if ever na maisipan mong gawin yung payo ko sayo, eh bago mo gawin yan, tanggapin mo muna ang katotohanang walang kayo. no chance in hell. magsimula ka sa acceptance. yan nga pala yung first step... nakalimutan ko lang sabihin lol. at wag mo na ring tangkaing gumawa ng move para mapasayo si girl if ever. dahil sinasabi ko sayo, mabilis ang karma sa pag-ibig. well, minsan hindi ganun kabilis pero asahan mong darating yan. hindi pwedeng hindi.
 
Last edited by a moderator:
Wag na wag mong balakin sirain ang relationship nila lalo na't alam mong masaya si girlie sa boyfie niya.

Mga taong katulad mo dapat umiiwas na, or magquit ka sa trabaho mo tapos lipat ka sa iba para makapagmove on ka talaga.
 
kung ako sayo TS, sabihin mo sa kanya naramdaman mo para sa kanya.. Tapos umiwas kana, atleast gagaan rin pakiramdam mo kasi nasabi mo.. Ang matinong girl kapag may bf, iiwas din kapag may nanligaw... ganon lang TS..
 
TS kung may GUTS kang manulot why not? Wag mo ng ipagtapat sa kanya ang feelings mo through words, reveal it through actions. Maniwala ka siya na mismo ang aamin na naguguluhan siya kasi may feelings siya sayo at may bf siya. Then, kapag dumating na ang araw na yon ipagtabuyan mo siya sa bf niya at sabihin mo pigilin ang nararamdaman niya sayo. Ang mangyayari mas lalo ka lang niyang mamahalin at sa huli ikaw ang nagwagi. Happy ending para sayo to at sa kanya sundin mo lang to promise it will work!
 
para sa akin bes, kung nakikita o napapansin mong masaya ung girl sa bf niya, den nagpapakita siya ng motibo sayo, naku its a trap ika nga nila. Gawin mo, Magrelaks, Umiwas, Ibaling ang tingin sa iba, Magenjoy, Repeat.
 
Back
Top Bottom