Maraming salamat sa iyong mga katanungan. Makakatulong din ito lalo na sa mga baguhan sa mundo ng android.
Para po sa iyong kaalaman hindi ganoong kalawak ang aking kaalaman sa android lalo na sa pang teknikal na aspeto. Gayunpaman, pipilitin kong sagutin ang iyong katanungan base sa aking pagkakaalam.
1.
ROM (Read Only Memory) terminong ginagamit sa android na ang ibig sabihin ay ang imahe ng OS.
Custom ROM - ito ay binagong anyo ng ROM mula sa kernel, performance, themes, settings, applications atbp.
2.
Kernel - itinuturing na pinaka puso ng OS. Masasabi kong ito ang tulay sa pagitan ng Apps na ginagamit mo at sa hardware ng phone. Ito ang nagdidikta ng performance ng iyong battery at memory usage at iba pang performance (clocking, voltage)
Magandang tanong yan. Marami na nga naglipanang Custom ROm. Pero sa tanong mo kung safe ba talaga siya ay hindi ko na masasagot. Pero maaring magdulot nga ng problema ang pag flash depende kung paano mo sinundan ang instruction o depende kung ang naflash mong ROM ay buggy, halimbawa di na magamit ang wifi, laging na rerestart.
Kung masira man ang phone mo, ito'y sa kadahilanang may ginawa kang "out of this world". (Inexaggerate ko lang hehe).
Tandaan lang na kung kinakailangan ay dapat may backup ka.
Tungkol naman po sa first page tut ko, iyon lamang po ay mga basic flashing ng ROM at kernels. May mas kumplikado pa bukod diyan. Kaya lang karamihan sa Custom ROM at Kernel ay na fla flash na package na siya. Kaya pwede mo sundin yung nasa first page. Pero depede pa rin sa instruction ng author kung anong paraan ang flashing.
Para sa higit na kaalaman ito po thread ni sir Hhubs
http://www.symbianize.com/showthread.php?t=350783&highlight=introduction+android
Tanong ko lang po, ALL CAPS RAGE ba yan?