Yung regulator ay nagreregulate (as the name implies), madalas voltage regulator ang tinutukoy when someone speak about regulator, but there is also current regulator (Constant Current).
Sa voltage regulator tayo magumpisa, pwede itong circuit o isang component lang, halimbawa ng isang component na regulator ay LM7805 (78 Series regulator), since kapag gumamit ka ng adapter to step down 220V to 5V then rectifier (diodes) then filter (capacitor), hindi mo makukuha ng basta basta ang 5V sa ganitong setup lang, remember that walang eksakto sa electronics (malapit lang sa eksakto). Malamang ang output voltage mo ay hindi 5V, malamang higit sa 5V, worse kung mababa sa 5V. Example ang output voltage mo ay 7V, eh gusto mo may 5V, maglalagay ka ngayon ng 5V regulator o LM7805 para imaintain ang 5V output, ang tawag sa ganitong regulator ay Linear Regulator, at maaksaya sa kuryente ang ganitong setup, saka ko na ieexplain ang buck/boost conversion kapag sanay ka na sa Linear. Tandaan mo lang na ang ginagawa lang ng regulator ay iclip ang voltage on a defined value, kunwari gusto mo 5V output, dapat may input ka na mas mataas sa 5V, let say 9V ang input, ikiclip lang ng regulator yung 4V at gagawin 5V ang output, bale ang regulator ang kakain sa 4V (9V-5V = 4V). Mainam din pagaralan ang zener diode para mas lumawak pa ang pagintindi mo sa regulator..