Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Official Tambayan ng Electronics Engineers

Re: Electronics Engineering Tambayan

Hehehe... NoseBleed.. Gudluck po sa mga thesis nyo..

kuya pwede po ba matignan thesis nyo yung Microwave Radio Link Design. 5th year student here, naghahanap po ako ng title po namin:)
 
Re: Electronics Engineering Tambayan

good afternoon, pinapagawa po kami ng mini thesis na gagamit ng
555 timer nhihirapan kmi mgprupose phingi po ng idea na hindi masyadong
common, (at hindi rin sana gaanong mahal).

:thanks: po mga ka ECE :)
 
Last edited:

Gawa kayo ng power bank gamit ay 555, hindi common iyan at possible siya. Search for boost converter using 555, then sana bumalik kayo sa thread na ito, :lol: halos lahat kasi ng nagpopost dito hindi na bumalik,hehe

Or, gawa kayo ng power inverter using 555, square wave output. Pwede ko kayong tulungan hanggat gusto niyo basta sa thread na ito. :salute:
 
sir thanks po, hmm.. try ko muna ipropose sa mga kagroup ko :lol: , tas search namin about boost conv using 555... mas gusto ng prof namin yung may specific na use, isip ko lang kung yung about sa price.. anyways :thanks: search muna ko. :lol:
 
Sige, update na lang kayo dito Sir kung ano napagkasunduan.. :thumbsup: mura lang yan, below 500 pesos yan..
 
pa Bookmark!
ECE 4th year student here. Gusto ko na magprepare para sa board exam kahit next year pa 'yun hehe :D
 
pa Bookmark!
ECE 4th year student here. Gusto ko na magprepare para sa board exam kahit next year pa 'yun hehe :D

Kung gusto mo talaga pumasa Sir magreview review ka na habang malayu pa, sa timeline mo tiyak ang dami mo nang matututunan bago ang exam, wala naman sayang sa pagaaral.. :salute:
 
Re: Electronics Engineering Tambayan

good afternoon, pinapagawa po kami ng mini thesis na gagamit ng
555 timer nhihirapan kmi mgprupose phingi po ng idea na hindi masyadong
common, (at hindi rin sana gaanong mahal).

:thanks: po mga ka ECE :)

sir yan baka maka2long at ma2lungan mo din ako,,pinapagawa samen yan eh d ko maintindihan
 
Attachments

  • EMBEDDED SEQUENTIAL LOGIC CIRCUIT FOR BIT 3RD YEAR.rar
    3.6 MB · Views: 47
Re: Electronics Engineering Tambayan

3rd year ECE here. May project po kami, power supply with 12v and 5v maximum of 1.5A. nagegets ko naman po ang schematics ang problema ay sa part na regulator. Ano po ang ginagawa nun? at component po ba yun o circuit? di kasi kami spoonfeeding eh.
 
Yung regulator ay nagreregulate (as the name implies), madalas voltage regulator ang tinutukoy when someone speak about regulator, but there is also current regulator (Constant Current).
Sa voltage regulator tayo magumpisa, pwede itong circuit o isang component lang, halimbawa ng isang component na regulator ay LM7805 (78 Series regulator), since kapag gumamit ka ng adapter to step down 220V to 5V then rectifier (diodes) then filter (capacitor), hindi mo makukuha ng basta basta ang 5V sa ganitong setup lang, remember that walang eksakto sa electronics (malapit lang sa eksakto). Malamang ang output voltage mo ay hindi 5V, malamang higit sa 5V, worse kung mababa sa 5V. Example ang output voltage mo ay 7V, eh gusto mo may 5V, maglalagay ka ngayon ng 5V regulator o LM7805 para imaintain ang 5V output, ang tawag sa ganitong regulator ay Linear Regulator, at maaksaya sa kuryente ang ganitong setup, saka ko na ieexplain ang buck/boost conversion kapag sanay ka na sa Linear. Tandaan mo lang na ang ginagawa lang ng regulator ay iclip ang voltage on a defined value, kunwari gusto mo 5V output, dapat may input ka na mas mataas sa 5V, let say 9V ang input, ikiclip lang ng regulator yung 4V at gagawin 5V ang output, bale ang regulator ang kakain sa 4V (9V-5V = 4V). Mainam din pagaralan ang zener diode para mas lumawak pa ang pagintindi mo sa regulator.. :salute:
 
salamat po sa reply :)

pwede pong patulong ng paggawa ng schematics para sa regulator? bawal daw ang component eh. thanks :)
 
Re: Electronics Engineering Tambayan

salamat po sa reply :)

pwede pong patulong ng paggawa ng schematics para sa regulator? bawal daw ang component eh. thanks :)

Sige, ano ang requirements? Dual output? 12V saka 5V? 1A on both?
Once malaman natin ang requirements gagawa tayo ng design. :thumbsup:
 
Re: Electronics Engineering Tambayan

Sige, ano ang requirements? Dual output? 12V saka 5V? 1A on both?
Once malaman natin ang requirements gagawa tayo ng design. :thumbsup:

dual output po 5v and 12v @1.5A kahit regulator lang po. may design na kami sa ibang components eh. thanks
 
Re: Electronics Engineering Tambayan

dual output po 5v and 12v @1.5A kahit regulator lang po. may design na kami sa ibang components eh. thanks

Sir may transformer kayo na narectify na? Anong output voltage? Para madesign ko ang circuit. Dapat more than 12V ang output ng circuit niyo para makagawa tayo ng 12V at 5V na regulator circuit.

- - - Updated - - -

dual output po 5v and 12v @1.5A kahit regulator lang po. may design na kami sa ibang components eh. thanks

View attachment 226913

View attachment 226914

Yung value ng resistor magbabase sa voltage output ng circuit na meron na kayo. Dapat more than 12V iyan.

Ganito ang pagcompute kay resistor para kay 5V:
Vin - 5.7 = Vr (Vin -> Vinput, 5.7 -> 5V for zener and 0.7V for diode, Vr is the remaining voltage for resistor)
Vr/375mA = R (R is the resistor value, 375mA is the saturation base current of TIP31)
Vr x 375mA = Pr (Pr is the power rating of resistor, use higher than computed value)

Ganito ang pagcompute kay resistor para kay 12V:
Vin - 12.7 = Vr
Vr/375mA = R
Vr x 375mA = Pr

Just incase na higit sa 1W ang macompute ninyong resistor (which is highly probable) use 1N5338B zener as replacement for 1N5231B and use 1N5349B as replacement for 1N5242B. Then use heatsink for both transistors.

Any questions feel free to ask OR incase you want to change the design just tell me.. :salute:

- - - Updated - - -

OR PWEDE MO RIN GAWIN ITO.. Kaya lang gumamit tayo ng regulator IC dito pero nilagyan natin ng transistor to amplify (increase) the maximum current rating, hangang 3A na ang kaya nito. Mas efficient ito kaysa sa unang post ko. Hindi ko lang alam kung papayag ang prof ninyo, alam niyo naman ang mga prof sa school kahit alam naman nilang ang ginagamit sa industry ay mga regulator IC na pinipilit pa din ang mga sinaunang paraan tulad ng zener diode, maganda yun para magstart tayo sa basic pero nakakalimutan ng karamihan na ituro ang paggamit ng mga regulator IC.. :lol:

View attachment 226949

View attachment 226950

Kung may problema magsabi ka lang, gagawa pa tayo ng ibang design.. :thumbsup:
 
Attachments

  • 5V.JPG
    5V.JPG
    48 KB · Views: 14
  • 12V.JPG
    12V.JPG
    49.8 KB · Views: 7
  • 5V_Regulator.JPG
    5V_Regulator.JPG
    42.1 KB · Views: 3
  • 12V_Regulator.JPG
    12V_Regulator.JPG
    43.8 KB · Views: 3
Last edited:
Re: Electronics Engineering Tambayan

^thanks sir. :)

may tanong ako sir. para san yang capacitors? pang filter po yan?
 
Re: Electronics Engineering Tambayan

Figure out how to modify the bridge rectifier to meet the following specifications: DC load voltage is approximately 5.67V and DC load current is approximately 20mA.

Thanks po .. pwede din po ba makahingi ng mga resources or pdf about sa design ... salamat po mga sir

salamat po sa mga tutulong :salute:
 
Last edited:
Re: Electronics Engineering Tambayan

hi 4th year ece student here baka me mga ebooks kayo na may mga exercises gamit ang breadboard salamat
 
Re: Electronics Engineering Tambayan

^thanks sir. :)

may tanong ako sir. para san yang capacitors? pang filter po yan?

Kapag galing kasi sa AC ang source natin Sir, tapos dumaan sa transformer para step down the voltage, ngayon kailangan natin gawing DC para mapagana natin ang circuit natin, kailangan natin ang diode para irectify ang AC o ibig sabihin gawing DC ang AC. Ganito ang labas ng kuryente Sir:

View attachment 227111

Kung makikita ninyo yung graph ng kuryente parang bundok bundok which means bumabalik pa din sa zero ang kuryente, hindi dapat ganyan dahil ang gusto nating DC ay katulad ng sa battery na tuloy tuloy, eh since ang capacitor ay mayroong abilidad na magstore ng charge (parang rechargeable battery), gagamitin natin si capacitor para macharge siya habang papataas ang kuryente papuntang peak tapos kapag pababa nanaman ang kuryente si capacitor naman ang magpoprovide ng kuryente sa load that means hindi na babagsak papuntang zero ang kuryente. Ganito na ang labas:

View attachment 227112

Kung mapapansin mo hindi pa rin diretso talaga, nagmukha na lang alon sa dagat ang kuryente, ang tawag sa mga alon na ito ay "ripple". Mababawasan ang laki ng ripple kung tataasan pa ng value ng capacitor, the higher the capacitance the lesser the ripple amplitude. Ang silbi naman nung mabababang capacitor (0.1uF) ay sa ESR issue, kumplikado nang usapan ito,hehe basta sa bawat mataas na "bypass" capacitor na gagamitin mo maglagay ka ng mababang capacitance na nakaparallel dito. :yes:

- - - Updated - - -

Figure out how to modify the bridge rectifier to meet the following specifications: DC load voltage is approximately 5.67V and DC load current is approximately 20mA.

Thanks po .. pwede din po ba makahingi ng mga resources or pdf about sa design ... salamat po mga sir

salamat po sa mga tutulong :salute:

Sir baka may schematic na binigay bago itinanong iyan? :noidea:
Kasi walang kinalaman sa 5.67V at 20mA si bridge rectifier. Ang may kinalaman diyan eh yung load okaya regulator.

- - - Updated - - -

hi 4th year ece student here baka me mga ebooks kayo na may mga exercises gamit ang breadboard salamat

Sir panoorin mo nalang ang make magazine (makezine) o si Kipkay sa youtube. :thumbsup:
 
Attachments

  • rectct.gif
    rectct.gif
    2.1 KB · Views: 0
  • rectct2.gif
    rectct2.gif
    2.2 KB · Views: 0
Re: Electronics Engineering Tambayan

^Pwede ba sir ilagay ang capacitor bago sa dalawang regulator? yun kasi ang plano namin eh. Para isang capacitor na lang ang gamitin?
 
Back
Top Bottom