Update lang mga guys, siguro ang karamihan alam na ito, ito kasi ang unang topic sa Electronics,ehe.. umpisahan natin..
Paano ba nagkakakuryente??
-Ang kinikilala nating "kuryente" ay binubuo ng "Voltage" and Current". Ang Voltage ay ang lakas o pwersa ng kuryente, at ang Current naman ay ang pagdaloy ng kuryente, Isipin ang isang hose na may dumadaloy na tubig, ang lakas ng tubig ay maiahalintulad sa Voltage at ang dami ng tubig na dumadaloy sa hose (per unit time) ay maiahalintulad naman sa Current.
-Voltage is in terms of Volts And Current is in terms of Ampere.
-Ngayon, paano nagkakaroon nito?? Ang Current ay Flow of Electrons, dahil sa attraction and repulsion of electrons and protons kaya may kuryente. Ang mga conductor material na pinadadaloy ang kuryente tulad ng tanso, bakal, ginto o anomang metal, at tubig, ay may 3 or less than 3 na electron ang atom, so hindi siya stable, dahil ang stable atom ay may 8 electrons, at dahil sa pagiging hindi stable, kapag may magnetic field na inapply sa kanila, madaling lumilipat ang electron sa katabing atom nito, at ang iniwang atom ay magkukulangan naman ng electron kaya kukuha naman ito ng electron sa ibang atom, hanggang maging domino effect na, magsisigalaw ang mga electron at maglilipatan sila sa ibang mga atom, ito ay nangyayari sa bilis na SPEED OF LIGHT. At dahil sa palipat lipat na mga electron, jan nagkakaroon ang tinatawag na Kuryente,ehe
-May dalawang klase tayo ng kuryente, yan ang AC (Alternating Current) at DC (Direct Current), sa AC ang paglipat ng mga electron ay ganito ( +**-->*-->+)(+*<--*<-- +) lilipat sa katabing atom tapos babalik sa pinagmulang atom, tapos lilipat sa likurang atom tapos babalik sa pinagmulang atom,. Sa DC naman ay lumilipat ang electron sa iisang direksiyon at iikot ito sa buong kahabaan ng Conductor para makabalik sa pinagmulang atom,.
-Electron ang dumadaloy dahil ito ay mas magaan ng di hamak kaysa sa proton.
-Ang mga iniiwang atom o pinanggagalingang atom ng mga dumadaloy na electrons ay tinatawag na "HOLES".
-Para magkaroon ng Kuryente ay dapat may loop muna, o Close Loop, para makaikot ang mga electron pabalik sa pinagmulang atom.
Kung naguguluhan kayo, huwag mahiyang magtanong,
Walang kokontra,ahahaha!!!