Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

(Discussion) Simcard Registration

Tried this at nakapasok ako sa form. Pero after ko malagyan ng info ung birthday ko, hindi ko na ma fill-upan ung ibang field. Lol
 
I hope this opens up a way to port your/our numbers to a different network and retain our number. Dami na din namin pinagsamahan nung current number ko. 🤣
This, sana nga di na nageexpire ung number, un bang parang meron na tayong rights dun sa number...
 
This, sana nga di na nageexpire ung number, un bang parang meron na tayong rights dun sa number...
Ang alam ko meron na pong ganito. I-a-apply mo lang yan sa mga telco. Kahit for example globe yung current number mo tapos gusto mo magpalit ng smart, alam ko pwede yan
 
tanong ko lang po kung paano icheck ung status ng sim registration? ako kasi nkpagregister n at may reference number n binigay..pero until now wlang notif skn n registered n ko
 
tanong ko lang po kung paano icheck ung status ng sim registration? ako kasi nkpagregister n at may reference number n binigay..pero until now wlang notif skn n registered n ko
Wala. Waiting na lang talaga sa update.
 
tanong ko lang po kung paano icheck ung status ng sim registration? ako kasi nkpagregister n at may reference number n binigay..pero until now wlang notif skn n registered n ko
ano po yung network ng sim mo? sa case ko kasi sa Globe. kung may globe one app ka, may indicator dun sa may upper left corner katabi ng number mo na registered ka na. Pero yung bago kung biling TNT na sim, kailangan kong iregister yung sim para maactivate siya. May reference number na binigay para sa registration pero wala akong nareceive na registered na yung TNT sim ko.
 
smart po ako..nakita ko n paano..punta uli mismo s site ng simreg then pag input ng number nadedetect kng registered n o hndi..pag hindi pa, magreregister ka, pag registered na, ang sasabihin either wait for verification or i am already validated
 
Glitchy pa din ba ang SIM registration portal ng Globe sa inyo?
 
kaka reg ko lang kahapon, medyo okay naman sya. basta wag mabigat yung ID at selfie files mo, dun kasi ako nagka problema puro error sya until nag upload na lang ako ng mismong saved screenshot mga 600kb-1mb na file. Mablilis lang sya kahapon eh, baka na tyempohan ko lang :think:
 
1680397372194.jpeg

This happened in a span of 2mins.
Infairness mabilis wow nemen Pelepenss :lmao:

Sana lang bigyan ng maximum security ang mga data that way maiwasan ang data breach :pray:
 
Saken din mabilis last week lang, nung kakastart ng regs mga kakilala ko dabay sabay haha like 3 to 4hrs daw sila nag aantay hahah
 
last month triny ko ireg yung dalawa ko pang sim yung isa kay mrs, nag success naman lahat, so parang kahit ilang sim ang i-reg sa same name pwede, medyo risky padin kasi sa ibang bansa diba isang tao isang sim lang, kung magpapalit ka dapat deactivate yung isang sim number..
 
Ilang araw nalang DEADLINE na. Pero halos araw araw pa rin ako nag bla block ng mga spam messages at scam sa number ko.
 
kaka reg ko lang kahapon, medyo okay naman sya. basta wag mabigat yung ID at selfie files mo, dun kasi ako nagka problema puro error sya until nag upload na lang ako ng mismong saved screenshot mga 600kb-1mb na file. Mablilis lang sya kahapon eh, baka na tyempohan ko lang :think:
Last I tried, nagta-timeout yung registration ko tuwing pagkatapos mag-upload ng ID. Dalawang beses siya nangyari on the same day. Chineck ko yung file size ng picture ng ID ko, nasa 1Mb+ lang naman siya.

Mas stable yung sa SMART/TNT, in fairness. Yung 2 magkaibang TNT SIM Cards ko, walang issue sa pagre-register at na-confirm agad within days after. Swerte na rin at TNT ang main phone number ko at hindi Globe/TM.

Speaking of which, hanggang kailan lang pwedeng magparegister ng SIM cards?
 
Speaking of which, hanggang kailan lang pwedeng magparegister ng SIM cards?

Kung existing SIM, April 26 ang deadline.

Pag new SIM, required sya i-register immediately upon purchase. Hindi yun kasama sa deadline.
 
Kung existing SIM, April 26 ang deadline.

Pag new SIM, required sya i-register immediately upon purchase. Hindi yun kasama sa deadline.
-after kaya ng deadline pwede pa magbenta ng sim yung mga malilit na tindahan or allowed din kaya sila magregister ng details mo pag bumili ka ng sim?
 
-after kaya ng deadline pwede pa magbenta ng sim yung mga malilit na tindahan or allowed din kaya sila magregister ng details mo pag bumili ka ng sim?
Parang yan ata yung tinutukoy sa second statement. But I could be wrong.
 
anyone knows how to register GOMO sim? I'm getting mixed statements online e.
 
-after kaya ng deadline pwede pa magbenta ng sim yung mga malilit na tindahan or allowed din kaya sila magregister ng details mo pag bumili ka ng sim?

Eto screenshot from a website....

Screenshot 2023-04-06 055024.png

So pwede pa magbenta ng bagong SIM ang mga sari-sari store. Pero DEACTIVATED dapat at required i-register para ma-activate ng telco. With regards sa registration ng bagong SIM, I think may guides naman for that at kelangan may existing ka na internet connection (data or wifi) para maregister mo yung bagong SIM. Kung may difficulty naman sa SIM registration process ang bibili ng SIM gaya ng mga SENIOR CITIZENS or yung mga hindi ganun ka technically inclined can ask for assistance on registration. Pero dapat din mag-ingat kasi makikita ng ibang tao ang ID cards at information pag nagpapa-assist sa tindahan or sa ibang tao.
 
anyone knows how to register GOMO sim? I'm getting mixed statements online e.
Basta registered at activated na yung SIM via GOMO app, automatic registered na yung SIM. Although di pa confirmed, parang may plano ata mag-integrate ng feature sa app na magdedemand ang GOMO ng identifying picture.
 
Back
Top Bottom