Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Oh dios me! Help!

Status
Not open for further replies.

ThereISOnly

Apprentice
Advanced Member
Messages
95
Reaction score
0
Points
26
Mga ka Symbianize need ko po ng payong excellente, bale ganto po yun simula pinanganak kaming kambal yung tatay namin ay laging nag dudrugs addict na,
iniisip ko sana mag freelancer nalang ang problema baka humingi lang sakin ang tatay ko ng pera kada sahod ko. For orientation na kasi ako sa Nssiin.
Yung nanay ko naman ofw ok naman ang kita nya sapat para makapasok kaming dalawa at mag ka degree, ngunit ginastos lang ng tatay ko ang pera at tingin ko may anak narin sya sa labas kasabay ng edad ng bunso namin 1y/o, nabenta na ang Saunmsg Galxay Trned Puls ko dahil sa mga requirements. At binenta nya narin yung laptop galing sa pondo nya nung nag ofw sya, ngayon ay madami pa syang utang sa mga tao dito sa amin at binebenta nya narin ang tricycle namin para mabayaran ang pag kaka-utang nya.

As I mentioned above freelancing paano ko magagawa yun kung hindi ako mag sosolo sa buhay nakakaawa man ang ama ko wala na akong magagawa dun
dapat ba o hindi dapat akong umalis ng bahay?
madali lang po bang mag palit ng lifestyle?
At maraming salamat sa inyo pong pag basa.
 
Hi @ThereISOnly,

First of all, gusto ko munang malaman ilang taon kana ba? Medyo maselan kasi yang problema mo... Hindi naman sa nanghihimasok ako pero manghihimasok narin hehe. Gaano kaba ka sure na nag te-take ng prohibited drugs yang erpats mo?

Alam mo kasi iho, medyo mahirap husgahan kagad yang erpats mo e, mabuti siguro pagpostin mo rin yung father mo dito para makuha namin yung side nya hahahaha
pero seriously stressful din kasi minsan ang pagiging "Ama" (I knew it, trust me) so since lalaki kanaman have you ever tried having a conversation with him regarding sa issue na binabanggit mo?

Kung pagbabasehan ko lang yung mga sinabi mo mas ok nga na maging independent ka pansamantala but then again tatay mo parin yan wala ka kung di dahil sa kanya. kaya ano ba naman yung konting supporta kapag nakakaluwag diba? And keep in mind na hindi ganun kadali maging indenpendent.
 
Thanks @ACTabs
sure ako na nag tatake sya ng prohibited drugs, pati kuryente nga namin two monts hindi bayad walang trabaho tatay ko aside sa pangungutang.
Dapat sapat lang ang pera o sobra pa ata in terms of money. Ngunit nag kukulang pa kami.

Opo nag converstion naman kami pero sala sa sagot lagi sya mga tanung nya eh laging wala sa hulog baka side effects of using drugs.

Naisip ko narin po yung konting supporta pag nakaka luwag po. And I think that's the best option gusto ko mag freelance sa house namin thanks.

Napag desisyonan ko napo na Okay na ito na eh wala na akong magagawa.

Thanks to your concern I'm 21 years old.
 
Last edited:
Hmm, just a piece of advice... try mo bigyan or encourage yang erpat mo sa isang particular na activity like computer games? or anything na mag-ja-jam kayo. Kami ng father ko before, sobrang magkaiba kami ng personality pero pag dating sa computer games. Masasabi kong sya yung partner in crime ko. Importante ang family bond, especially father and son, mas ma-a-apreciate mo yan once nagkaroon kana ng sarili mong family.


Ps: In my humble opinion, i think mas ok na inform mo si erpats na bu-bukod ka. Explain mo lang in a decent way, para hindi nya ma-mis-interpret.


Goodluck pal,
ACTabs
 
Last edited:
Hi,

Naging interesado nman ako sa Thread na to.

I begun to be a father when I was at your age. Now I'm 25. Well almost 25.

Ako kasi, my belief is learn from the job. So hindi ako ung tao na nagpaplano, kaya nman from being a dependent, aggressive and heartless youngster bigla akong naging independent, warm hearted and practical father.

Alam mo bro, madali at masarap maging independent lalo't binata ka. so no doubt kayang kaya mo yan.

sa father mo naman tama si ACTabs stressful, painful at very challenging ang role ng father.

per syempre dapat isaalang alang mo ang mga anak at asawa mo sa mga ginagawa mo(nasa tao na tong part na to).

Iba iba tayo kaya hindi ako mag jajudge, but for me, pinipili kong maging maayos para sa pamilya ko.

Working hard, being faithful to my wife and being responsible for my family.

Responsible = iwas sa bisyo, barkada at kung ano ano pa na makakaapekto sa pamilya mo.

Uulitin ko po ito ay sa akin lamang dahil mag kakaiba po tayo ng pananaw.

Its a matter of choices. ;)
 
Mga ka Symbianize need ko po ng payong excellente, bale ganto po yun simula pinanganak kaming kambal yung tatay namin ay laging nag dudrugs addict na,
iniisip ko sana mag freelancer nalang ang problema baka humingi lang sakin ang tatay ko ng pera kada sahod ko. For orientation na kasi ako sa Nssiin.
Yung nanay ko naman ofw ok naman ang kita nya sapat para makapasok kaming dalawa at mag ka degree, ngunit ginastos lang ng tatay ko ang pera at tingin ko may anak narin sya sa labas kasabay ng edad ng bunso namin 1y/o, nabenta na ang Saunmsg Galxay Trned Puls ko dahil sa mga requirements. At binenta nya narin yung laptop galing sa pondo nya nung nag ofw sya, ngayon ay madami pa syang utang sa mga tao dito sa amin at binebenta nya narin ang tricycle namin para mabayaran ang pag kaka-utang nya.

As I mentioned above freelancing paano ko magagawa yun kung hindi ako mag sosolo sa buhay nakakaawa man ang ama ko wala na akong magagawa dun
dapat ba o hindi dapat akong umalis ng bahay?
madali lang po bang mag palit ng lifestyle?
At maraming salamat sa inyo pong pag basa.

Higit sa lahat brader, kung meron man taong makakaunawa sa kalalagayan ng tatay mo ay walang iba kundi ikaw yun..kayong mga miyembro ng pamilya. wag mo sana hayaan iwan naka hang ang tatay mo sa ere. isipin mo kung hindi nyo pa sya tutulungan makarecover sino pa tutulong sa kanya? bibihira lang ang mga natutulungan at pinagmamalasakitan ng ibang tao..

kung talaga sure ka na nag dodroga ang tatay mo, kausapin mo na para kamo matulungan mo sya pumayag sya na magpagamot sya. kung mamasamain nya yun wag ka magsawa ipaalam sa kanya na mahal mo sya (mahal mo nga ba?) at yun lang ang alam mong paraan para matulungan mo sya makawala sa kinakaharap nyang pagsubok at para makapagbago sya. masakit makita na nahihirapan ang isang miyembro ng pamilya pero kung mapapanatili nyo na intact ang pamilya nyo hanggang sa huli, magiging isa kayo sa mga pamilyang may matatag na pundasyon. maaari din kayong maging huwaran ng iba pang pamilya.

ang mga nangyayari sa buhay nyo ay isang parte lamang ng tinatawag na pagpuprunning o pagtrim ng mga hindi kailangan sa buhay nyo para mas lumago at umunlad kayo sa buhay. kaya wag sana basta susuko.. isa pa sa mabisang paraan para makaalpas sa pagsubok at ay panalangin sa Diyos na may kasamang gawa. mas ngayon ang tamang panahon na tumawag tayo sa Kanya, magpuri, magpasalamat kumpara sa mga panahong tayo ay masagana pa.
 
Mas makakasama kung iiwan mo ang erpats mo kasi walang magbabantay sa kanya, baka lumalala pa ang kanyang drug problem kasi walang sumasaway sa kanya. The best thing to do is gather the family and talk to him then request that he must be in rehab, mas mabuting nasa rehab siya kung di niyo na siya kayang pagsabihan.

Don't just up and leave because it's hard, kapamilya mo yan eh, hangga't maari wag mo sukuan. Your dad made some bad choices pero mababago naman yun, don't abandon your family just because nahihirapan ka. I'm sure na if ikaw dumaan sa matinding pagsubok ayaw mo rin naman na sukuan ka ng mahal mo sa buhay.

So if kinakailangang umuwi ng mom mo from abroad then isama mo ang mga kapatid mo magkaroon kayo ng open forum, tell him na yung bisyo niya nakakasama not just for him but for the whole family at dahil mahal niyo siya ayaw niyo tuluyan siyang masira ng kanyang bisyo ipapasok niyo siya sa rehab ang importante makita ng tatay mo na maraming nagmamahal sa kanya kaya dapat magbago siya para sa inyo, dapat sabihin niyo na nasasaktan kayo kasi nagkakaganyan siya. Dapat talaga ipakita niyo na may support system siya para mamotivate siya to change. Easier said than done pero it's a start diba?

Kaya mo yan TS.
 
pasensya na busy sa ibang bagay Update po meron po palang problema ang aking both parents sa madaling salita nag hiwalay na sila dahil ayaw narin ng aking ina na mag sama pa sila at bilang anak sumama ako sa aking ina, ngunit na pansin ko na may problema rin sa aking ina iba ang pagiging practical nya lagi pating nakasigaw hindi ko pa dinanas yun ng bata pa ako 0-16 ngayong 22 na ako

anim na taon kasi sya sa ibang bansa at anlupet ng nangyari sa buhay namin pwedeng isama sa mga malaala mo kaya. shit parang ibang magulang na ang aking na kilala kaysa noon, aalis nalang din ako ng bahay mag kakanya kanya na kami, na pa take din ako ng bawal na gamot noon pero tumigil na ako one try lang yun dahil gusto ko lumayo sa realidad. here is the evidence kaya lang ako nakapag open ng ganto kasi nag karoon

ako ng instant emotion and conviction na gawin ito pero kung ako ay normal hindi ko gawaing mag drama sa isang forum na bago ng THC ang aking personality from introvert to introvert extrovert in between.

Honestly speaking ang gaganda ng mga payo ng bawat isa sa inyo marami akong napulot mula sa inyo sana ay nasa magagandang kalagayan kayo.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom