Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Openline ng Galaxy S4 Using RegionLockAway

Tanung ko lng sir jay bat may ganito sa wifi???
View attachment 1042852
Anu ung smart network switch?
Ung lollipop pa kc ako di gumagana ung wifi ko ang ginawa ko nag downgrade ako to kitkat 4.4.2 at ayun gumana siya, pero natatakot ako pag ibalik ko sa lollipop baka di nmn gumana ung wifi.. baguhan lng kc ako sir. :)

Ah okay ganito gawin mo, mag Odin flash ka ng Stock Kitkat Firmware then upgrade mo sa Lollipop via OTA.
Matagal na hintayan nga lang kasi lampas 1gb ang OTA update.

Smart Network Switch = gagana lang yan kapag naka ON ang Mobile Data at Wifi mo.
Halimbawang nawalan ka ng wifi connection, automaticall mag swtich ang connection mo sa Mobile Data.
Kung halimbawa naman na connected ka sa Mobile Data, mag auto switch sya sa wifi kung meron kang wifi connection.
 
Boss hindi madowngrade ang modem ko kahit succesful din naman sa odin.. lollipop 5.0.1 omega rom v42.1 i9505
 
Boss, fail (auth) during flasing sa pag downgrade ng modem sa odin. help po. TIA!:pray:
 
Last edited:
ayos TS.. salamat ng marami.. working pa rin ito magpa-hanggang ngayon..

Samsung GT-i9505XXUHOE4 model (Lollipop 5.0.1 Stock Rom) pero naka CM13 na ako now.. :)

btw, sa mga same model and same stock rom dyan, flash nyo na lang cm13.. haba battery life.. compared sa stock lollipop
 
Last edited:
na openline ko sya kaso hindi sya stable minsan kapag matagal naka standby ayaw pumasok mga text message at hindi din matawagan ..
 
Thanks po dito sa guide, ang problem ko di ko po ma downgrade ang modem ko. Sc-04E user docomo japan aka I9505 daw po


Update:
Na downgrade ko na po ang modem ko using modem ng Sc-04e 4.2.2 ang problem ayaw gumana po ng RegionLockAway, any help po?
nakakaialng try na apo ako thanks
 
Last edited:
na openline ko sya kaso hindi sya stable minsan kapag matagal naka standby ayaw pumasok mga text message at hindi din matawagan ..

Palit ka ng modem or flash another firmware.

- - - Updated - - -

Thanks po dito sa guide, ang problem ko di ko po ma downgrade ang modem ko. Sc-04E user docomo japan aka I9505 daw po


Update:
Na downgrade ko na po ang modem ko using modem ng Sc-04e 4.2.2 ang problem ayaw gumana po ng RegionLockAway, any help po?
nakakaialng try na apo ako thanks

Sa Internationl S4 (i9505).. may tamang version lang ng modem kung saan pwede lang gumana ang Region Lock Away.
Baka ganyan din ang case sa Docomo Variant.
Ang problema.di ko alam kung anong Jelly Bean version ng modem ang pwede para gumana ang Region Lock Away app.
 
Sir sakamat dito naopenline k na s4 ko

Kaso may problem
Pag nirestart ko phone ko "no service" kaylangan muna ion ung mobile data tapos close ulit para mabasa ung sim na try ko ng ibang sim ganun talaga

May solution po ba dito?
 
Last edited:
Sir sakamat dito naopenline k na s4 ko

Kaso may problem
Pag nirestart ko phone ko "no service" kaylangan muna ion ung mobile data tapos close ulit para mabasa ung sim na try ko ng ibang sim ganun talaga

May solution po ba dito?

Binalik mo na ba yung original modem? Or pwede mo rin i-reflash ang stock firmware.
 
OPENLINE GALAXY S4 (I9500/I9505) USING REGIONLOCKAWAY APP

Credits:
Chainfire
Chavxxx
xda-forum


Gusto ko lang i-share mga sir, para hindi na po tayo magpaulit-ulit sa mga guides at instructions kung pano mag openline ng Galaxy S4.
Yung app na gagamitin natin sa pag-openline ay gawa po ni Chainfire.
Pwedeng hindi gumana ang procedures sa device nyo kaya gawin nyo ito sa sarili nyong kagustuhan.
Malaki ang chance na masira/ma-brick ang phone nyo kung mali ang ginawa nyo.
Kaya, kung di kayo kumbinsido sa mga procedures sa ibaba... WAG NA KAYONG TUMULOY.

Susubukan kong tulungan kayo sa abot ng aking makakaya kung sakaling magkaproblema kayo sa pagsunod sa guide.

Discuss ko yung buong procedures:
Ia. Pag setup ng Odin
Ib. Rooting
Ic. Downgrade ng Modem
Id. Pag Openline
Ie. Pag balik ng Original Modem / Pag-flash ng buong stock firmware


Pre-requisites
1. Marunong gumamit ng Odin
2. Rooted Device
3. Downgraded Modem
4. Marunong magboot sa Recovery Mode (Volume Up + Home + Power Button) or (Volume Up + Power Button)
5. Marunong magboot sa Download Mode (Volume Down + Home + Power Button) or (Volume Down + Power Butoon) --->> Then Volume Up


I. GUIDES

Ia. Pag-setup ng Odin
--- Maraming gamit ang Odin, (Flash ng Stock Firmware, Flash ng Prerooted Firmware, Root ng Device, Downgrade ng Modem.. )
--- Executable file ang Odin, hindi na ito kailangang i-install sa computer. Simply, Right Click Odin V3.09.exe >> Run As Administrator

View attachment 1008443 View attachment 1008415

--- Additional requirement para sa paggamit ng Odin, Install Samsung Kies sa computer para automatically ma-install ang Samsung USB Drivers kapag sinaksak ang phone sa computer.

Download: Odin V3.09

Ib. Rooting
--- Same procedure lang ang pag-root ng I9505 at I9500
--- Enable USB Debugging sa device. (Settings >> More >> Developer Options >> Select USB Debugging)
--- Sa pag enable ng Developer Options (Settings >> More >> About Device >> Tap "BUILD NUMBER" ng 5-6 na beses.
--- I-run ang Odin
--- Kapag lumabas na ang Odin Window, pindutin ang AP. Then i-load nyo ang sumusunod na file: (piliin nyo lang yung para sa device nyo)

For I9500 (download at i-extract para makuha yung .tar.md5): CF Autoroot for I9500
For I9505 (download at i-extract para makuha yung .tar.md5): CF Autoroot for I9505

--- Kapag na-load nyo yung CF-autoroot sa AP, Reboot kayo sa Download Mode at i-connect nyo na ang phone nyo sa computer gamit ang USB Cable.
--- Kapag narecognize ni Odin ang device nyo, pindutin ang START
--- Mag auto-reboot ang phone nyo after ng rooting process.
--- Punta kayo sa phone nyo, update SU Binary, update Superuser kung may newer version, kung may popup to disable knox,.. YES/OK

Ic. Modem Downgrade
--- Yung openline procedures, possible lang sya sa older modems (4.2.2). So kung naka 4.3 or 4.4.x or 5.x ka, kailangan mong magdowngrade ng modem.
--- Yun downgrade procedures, kagaya lang din ng rooting. Papalitan lang natin yung file na ilalagay sa AP.

So,

--- I-run ang Odin, or kung datin na syang naka-open, simply click RESET para ma-clear yung kung ano mang files na nakalagay dun.
--- Pindutin ulit natin ang AP button at ilagay ang sumusunod na file. (piliin nyo lang ulit yung file na para sa device nyo)

For I9500 (download at extract para makuha yung .tar.md5): I9500XXUBMEA_4.2.2_MODEM
For I9505 (download at extract para makuha yung .tar.md5): I9505XXUBME2 4.2.2_MODEM

--- Kapag naiload na ang file sa Odin, Reboot sa Download Mode at i-connect ang phone sa computer gamit ang USB Cable
--- Kapag recognized ni Odin ang phone, pindutin ang START
--- Mag autoreboot ang phone after ng downgrade process

To check kung successful ang Modem Downgrade, Dial *#1234#
Dapat may makikita kayo sa screen nyo:

For I9500 --- >> CP: I9500XXUBMEA
For I9505 --- >> CP: I9505XXUBME2

Id. Unlocking
--- Kung nagawa nyo yung mga steps sa taas ng walang problema, CONGRATULATIONS!!. Nameet mo ang mga requirements para ma-openline ang device.

Kaya di ko na papatagalin: HETO NA!

Download this file at i-install nyo sa device nyo: (Install nyo lang as normal apk, enable nyo sa security settings ng phone nyo ang UNKNOWN SOURCES)
--- Settings >> More >> Security >> Select Unknown Sources

Download: Chainfire's RegionLockAway.apk

--- kapag nainstall nyo na, Run nyo ang app.
--- Select UNLOCK.
--- Accept nyo lahat ng popup (Grant Root Access)
--- Yung app na ang gagawa ng lahat, ang kailangan nyo lang gawin ay i-confirm yung mga lalabas na popup.
--- Reboot nyo ang phone pagkatapos then subukang mag-insert ng sim from other networks.

Ie. Flash Original Modem / Flash Stock Firmware
--- Dahil nagdowngrade kayo ng Modem, hindi na yan tugma sa Android Version na gamit nyo kaya kailangan nating ibalik yung original modem nyo.
--- Nagawa nyo nang maayos yung pagdowngrade kaya sigurado ako alam nyo na ngayo kung paano ibalik yung original modem.. TAMA?

Para sa list ng updated Odin Flashable Modems, refer kayo dito (piliin nyo lang yung tugma sa device nyo):

http://forum.xda-developers.com/showpost.php?p=50965837&postcount=2627

Or para sa mga I9505 users kagaya ko (sorry mga i9500 users), may kopya ako ng latest philippine modems:
--- I9505XXUGNG4: https://mega.co.nz/#!M91nCZwS!NbLcyelZHmp8IIpQKVnwp97XGOOA85rCnf19XoYKPRk
--- I9505XXUGNH8: https://mega.co.nz/#!198zhRBC!gLGuuEMibip9IY46HDbeRiqZ9iTOovtkOJY0qAnLAF4

CONGRATULATIONS!!


................Q&A..................

Q1. Openline na ako at gusto ko na tanggalin ang Root. Anong gagawin ko?
A1. Simply re-install yung Official Stock Firmware para sa device nyo using Odin parin. Tatanggalin ng process na 'to ang root access. Ibabalik nya sa factory settings ang phone (pati yung mga downloaded files/apps mawawala din)

Q2. Pag nagpapalit-palit ako ng Firmware, mawawala ba ang pagkaka-Openline ng device ko?
A2. Permanently Unlocked na ang device nyo. Hindi na yan matatanggal kahit mag-flash kayo ng ibang firmware

Q3. Bakit kailangan ibalik ang Original Modem after ng Openline Procedures?
A3. Malaki ang magiging epekto ng pagkakaiba ng modem sa current firmware version na gamit mo ngayon. Pwede kang mawalan ng Signal, ayaw gumana ng wifi, ayaw gumana ng data, ayaw gumana ng notification sounds.. etc

Q4. Ayaw ma-recognize ni Odin ang phone ko. Anong problema?
A4. Check mo kung naka-install ang Samsung USB Drivers sa computer. Pinakamagandang way ay mag-install ng Samsung Kies.
Check mo rin ang USB cables at USB ports. Ito ang kalimitang sanhi ng errors. Kahit nakikita nyo na charging ang phone kapag nakasaksak phone via USB Cable, hindi rin natin sigurado na working din ang Data Transfer. Palitan nyo ang USB Cable at gumamit din kayo ng ibang USB Ports.



ADDITIONAL DOWNLOADS & GUIDES

Kung gusto nyo na Totall Stock Firmware (non-rooted), flash nyo yung buong stock firmware.
Again, nagawa nyo ng maayos yung lahat ng steps sa taas kung gamit ang Odin kaya sigurado ako na alam nyo na ngayon kung paano magflash ng firmware gamit ang Odin.

Keywords:
Odin ----> .exe
firmware/modem..etc ----> .tar /.tar.md5
.tar /.tar.md5 ----> AP button sa Odin
Phone ----> Download Mode; Volume Down + Home + Power ---->then Volume Up (for flashing)
Phone ----> Recovery Mode; Volume Up + Home + Power (for wipe data / factory reset bago magflash)

Para sa mga I9500 Users, download kayo ng Stock Rom ng device nyo, sa: www.sammobile.com
Para sa mga I9505 Users may kopya ako ng Stock Rom natin: I9505XXUGNH8 --> https://mega.co.nz/#!0xM2DZpZ!e-Y-M8sz9_i21ET5EbQv3Q0SQUobEx7CxEMQXqCIUww

You may also check my other guide sa pag-upgrade ng S4-I950 sa LOLLIPOP

http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1259404

SIMPLE TRICK:
Kung gusto nyong mawala yung Smart/Globe (Logo, wallpapers, preinstalled apps)... gawin nyo 'to:
Pwede lang 'to kung openline na ang device nyo:

Ilista nyo yung 15 digits IMEI numbers: Dial nyo ang *#06# para makuha nyo yung IMEI:

Example: 335711111111111

Sa dialer nyo: Dial this:

*#272*IME#

Example: *#272*335711111111111#

May lalabas sa screen nyo, Select nyo XTC, then click INSTALL
--> Mag autoreboot ang phone nyo ---> mai-erase lahat ng laman ng phone nyo kasi magpa-factory reset sya para maapply yung selection nyo.


END............

Sir salamat sa tutorial malaking tulong sa akin to.:salute::salute::salute: Pwede ba ako mag flash ng lollipop modem sa kitakat 4.4.2 na firmware?
 
Sir salamat sa tutorial malaking tulong sa akin to.:salute::salute::salute: Pwede ba ako mag flash ng lollipop modem sa kitakat 4.4.2 na firmware?

Di ko pa nasubukan sir pero sa tingin ko pwede.
 
Help po naopenline ko po yung phone ko pero bigla po hindi na gumana wifi ko paano po gagawin ko?? salamat po sa tutulong
 
Help po naopenline ko po yung phone ko pero bigla po hindi na gumana wifi ko paano po gagawin ko?? salamat po sa tutulong

Flash mo lang ulit yung current or latest firmware ng phone mo sir.
 
pa help nmn po biglng ayaw gumana ng wifi ng s4 ko...thanks in advance
 
Maraming salamat sir! naopen line ko na ung phone ko, laking tulong nito!
 
Back
Top Bottom