OPENLINE GALAXY S4 (I9500/I9505) USING REGIONLOCKAWAY APP
Credits:
Chainfire
Chavxxx
xda-forum
Gusto ko lang i-share mga sir, para hindi na po tayo magpaulit-ulit sa mga guides at instructions kung pano mag openline ng Galaxy S4.
Yung app na gagamitin natin sa pag-openline ay gawa po ni Chainfire.
Pwedeng hindi gumana ang procedures sa device nyo kaya gawin nyo ito sa sarili nyong kagustuhan.
Malaki ang chance na masira/ma-brick ang phone nyo kung mali ang ginawa nyo.
Kaya, kung di kayo kumbinsido sa mga procedures sa ibaba... WAG NA KAYONG TUMULOY.
Susubukan kong tulungan kayo sa abot ng aking makakaya kung sakaling magkaproblema kayo sa pagsunod sa guide.
Discuss ko yung buong procedures:
Ia. Pag setup ng Odin
Ib. Rooting
Ic. Downgrade ng Modem
Id. Pag Openline
Ie. Pag balik ng Original Modem / Pag-flash ng buong stock firmware
Pre-requisites
1. Marunong gumamit ng Odin
2. Rooted Device
3. Downgraded Modem
4. Marunong magboot sa Recovery Mode (Volume Up + Home + Power Button) or (Volume Up + Power Button)
5. Marunong magboot sa Download Mode (Volume Down + Home + Power Button) or (Volume Down + Power Butoon) --->> Then Volume Up
I. GUIDES
Ia. Pag-setup ng Odin
--- Maraming gamit ang Odin, (Flash ng Stock Firmware, Flash ng Prerooted Firmware, Root ng Device, Downgrade ng Modem.. )
--- Executable file ang Odin, hindi na ito kailangang i-install sa computer. Simply, Right Click Odin V3.09.exe >> Run As Administrator
View attachment 1008443 View attachment 1008415
--- Additional requirement para sa paggamit ng Odin,
Install Samsung Kies sa computer para automatically ma-install ang
Samsung USB Drivers kapag sinaksak ang phone sa computer.
Download:
Odin V3.09
Ib. Rooting
--- Same procedure lang ang pag-root ng I9505 at I9500
--- Enable USB Debugging sa device. (Settings >> More >> Developer Options >> Select USB Debugging)
--- Sa pag enable ng Developer Options (Settings >> More >> About Device >> Tap "BUILD NUMBER" ng 5-6 na beses.
--- I-run ang Odin
--- Kapag lumabas na ang Odin Window, pindutin ang AP. Then i-load nyo ang sumusunod na file: (piliin nyo lang yung para sa device nyo)
For I9500 (download at i-extract para makuha yung .tar.md5):
CF Autoroot for I9500
For I9505 (download at i-extract para makuha yung .tar.md5):
CF Autoroot for I9505
--- Kapag na-load nyo yung CF-autoroot sa AP, Reboot kayo sa Download Mode at i-connect nyo na ang phone nyo sa computer gamit ang USB Cable.
--- Kapag narecognize ni Odin ang device nyo, pindutin ang START
--- Mag auto-reboot ang phone nyo after ng rooting process.
--- Punta kayo sa phone nyo, update SU Binary, update Superuser kung may newer version, kung may popup to disable knox,.. YES/OK
Ic. Modem Downgrade
--- Yung openline procedures, possible lang sya sa older modems (4.2.2). So kung naka 4.3 or 4.4.x or 5.x ka, kailangan mong magdowngrade ng modem.
--- Yun downgrade procedures, kagaya lang din ng rooting. Papalitan lang natin yung file na ilalagay sa AP.
So,
--- I-run ang Odin, or kung datin na syang naka-open, simply click RESET para ma-clear yung kung ano mang files na nakalagay dun.
--- Pindutin ulit natin ang AP button at ilagay ang sumusunod na file. (piliin nyo lang ulit yung file na para sa device nyo)
For I9500 (download at extract para makuha yung .tar.md5):
I9500XXUBMEA_4.2.2_MODEM
For I9505 (download at extract para makuha yung .tar.md5):
I9505XXUBME2 4.2.2_MODEM
--- Kapag naiload na ang file sa Odin, Reboot sa Download Mode at i-connect ang phone sa computer gamit ang USB Cable
--- Kapag recognized ni Odin ang phone, pindutin ang START
--- Mag autoreboot ang phone after ng downgrade process
To check kung successful ang Modem Downgrade, Dial
*#1234#
Dapat may makikita kayo sa screen nyo:
For I9500 --- >> CP: I9500XXUBMEA
For I9505 --- >> CP: I9505XXUBME2
Id. Unlocking
--- Kung nagawa nyo yung mga steps sa taas ng walang problema, CONGRATULATIONS!!. Nameet mo ang mga requirements para ma-openline ang device.
Kaya di ko na papatagalin: HETO NA!
Download this file at i-install nyo sa device nyo: (Install nyo lang as normal apk, enable nyo sa security settings ng phone nyo ang UNKNOWN SOURCES)
--- Settings >> More >> Security >> Select Unknown Sources
Download:
Chainfire's RegionLockAway.apk
--- kapag nainstall nyo na, Run nyo ang app.
--- Select UNLOCK.
--- Accept nyo lahat ng popup (Grant Root Access)
--- Yung app na ang gagawa ng lahat, ang kailangan nyo lang gawin ay i-confirm yung mga lalabas na popup.
--- Reboot nyo ang phone pagkatapos then subukang mag-insert ng sim from other networks.
Ie. Flash Original Modem / Flash Stock Firmware
--- Dahil nagdowngrade kayo ng Modem, hindi na yan tugma sa Android Version na gamit nyo kaya kailangan nating ibalik yung original modem nyo.
--- Nagawa nyo nang maayos yung pagdowngrade kaya sigurado ako alam nyo na ngayo kung paano ibalik yung original modem.. TAMA?
Para sa list ng updated Odin Flashable Modems, refer kayo dito (piliin nyo lang yung tugma sa device nyo):
http://forum.xda-developers.com/showpost.php?p=50965837&postcount=2627
Or para sa mga I9505 users kagaya ko (sorry mga i9500 users), may kopya ako ng latest philippine modems:
--- I9505XXUGNG4:
https://mega.co.nz/#!M91nCZwS!NbLcyelZHmp8IIpQKVnwp97XGOOA85rCnf19XoYKPRk
--- I9505XXUGNH8:
https://mega.co.nz/#!198zhRBC!gLGuuEMibip9IY46HDbeRiqZ9iTOovtkOJY0qAnLAF4
CONGRATULATIONS!!
................Q&A..................
Q1. Openline na ako at gusto ko na tanggalin ang Root. Anong gagawin ko?
A1. Simply re-install yung Official Stock Firmware para sa device nyo using Odin parin. Tatanggalin ng process na 'to ang root access. Ibabalik nya sa factory settings ang phone (pati yung mga downloaded files/apps mawawala din)
Q2. Pag nagpapalit-palit ako ng Firmware, mawawala ba ang pagkaka-Openline ng device ko?
A2. Permanently Unlocked na ang device nyo. Hindi na yan matatanggal kahit mag-flash kayo ng ibang firmware
Q3. Bakit kailangan ibalik ang Original Modem after ng Openline Procedures?
A3. Malaki ang magiging epekto ng pagkakaiba ng modem sa current firmware version na gamit mo ngayon. Pwede kang mawalan ng Signal, ayaw gumana ng wifi, ayaw gumana ng data, ayaw gumana ng notification sounds.. etc
Q4. Ayaw ma-recognize ni Odin ang phone ko. Anong problema?
A4. Check mo kung naka-install ang Samsung USB Drivers sa computer. Pinakamagandang way ay mag-install ng Samsung Kies.
Check mo rin ang USB cables at USB ports. Ito ang kalimitang sanhi ng errors. Kahit nakikita nyo na charging ang phone kapag nakasaksak phone via USB Cable, hindi rin natin sigurado na working din ang Data Transfer. Palitan nyo ang USB Cable at gumamit din kayo ng ibang USB Ports.
ADDITIONAL DOWNLOADS & GUIDES
Kung gusto nyo na Totall Stock Firmware (non-rooted), flash nyo yung buong stock firmware.
Again, nagawa nyo ng maayos yung lahat ng steps sa taas kung gamit ang Odin kaya sigurado ako na alam nyo na ngayon kung paano magflash ng firmware gamit ang Odin.
Keywords:
Odin ----> .exe
firmware/modem..etc ----> .tar /.tar.md5
.tar /.tar.md5 ----> AP button sa Odin
Phone ----> Download Mode; Volume Down + Home + Power ---->then Volume Up (for flashing)
Phone ----> Recovery Mode; Volume Up + Home + Power (for wipe data / factory reset bago magflash)
Para sa mga I9500 Users, download kayo ng Stock Rom ng device nyo, sa:
www.sammobile.com
Para sa mga I9505 Users may kopya ako ng Stock Rom natin: I9505XXUGNH8 -->
https://mega.co.nz/#!0xM2DZpZ!e-Y-M8sz9_i21ET5EbQv3Q0SQUobEx7CxEMQXqCIUww
You may also check my other guide sa pag-upgrade ng
S4-I950 sa
LOLLIPOP
http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1259404
SIMPLE TRICK:
Kung gusto nyong mawala yung Smart/Globe (Logo, wallpapers, preinstalled apps)... gawin nyo 'to:
Pwede lang 'to kung openline na ang device nyo:
Ilista nyo yung 15 digits IMEI numbers: Dial nyo ang
*#06# para makuha nyo yung IMEI:
Example: 335711111111111
Sa dialer nyo: Dial this:
*#272*IME#
Example: *#272*335711111111111#
May lalabas sa screen nyo, Select nyo
XTC, then click
INSTALL
--> Mag autoreboot ang phone nyo ---> mai-erase lahat ng laman ng phone nyo kasi magpa-factory reset sya para maapply yung selection nyo.
END............