Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

paano ko hahanapin yung purpose ko eh di ko alam ano gusto ko sa buhay

mamoru

Recruit
Basic Member
Messages
3
Reaction score
5
Points
18
may nakita ako sa fb reels or sa tiktok atah .. sabi daw hanapin daw yung purpose sa buhay para daw mag success something ..

sabi sa book na kintsugi mahahanap mo daw ito pag pagsasama-samahin yung gusto mo , san ka magaling , tapos iba pa .. basta ganun . .

naisip ko ,, pano ko pag sasamahin yun eh di ko nga alam san ako magaling .. kung ano na lang kasi anjan yun yung ginagawa ko .. kung ano bigay sakin na work yun yung ginagawa ko ..

di ko alam san ako magaling .. siguru sa sipag , ganun . .masipag lang ako ganun ..

basta di ko alam san ako magaling . .di ko na din alam ano goal ko sa buhay .. bahay work lang ako .. pero syempre meron ako dream .. gusto ko maing komportable sa buhay .. magkaron ng small business , extra income outside of my work .. syempre need natin talaga ng second source of income bukod sa work natin .. .

so ayun po . . di ko alam san ako magaling .. hayy.... gusto ko sana i-apply yun sa buhay ko para mahanap ko purpose ko kaso dun pa lang sa "isulat kung san ka magaling" bagsak na agad ako ..
 
Go with the flow ang trust..Dadalhin at dadalhin kanya kung saan ka mababagay at saan ka magaling.
 
Nako, yung paghahanap ng purpose sa buhay, masyadong malalim na usapin yan. Kelangan ng shot sa mga ganyang usapan eh :lol:

Alam mo ts, walang fixed na daan papunta sa success. Tsaka hindi lang naman yan nakadepende lang sa kung saan ka magaling sa buhay eh. Kaya nga yun yung isa sa mga thrill sa buhay natin, kasi literal na walang pwedeng makapagsabi satin kung sino-sino satin yung magiging successful o kung ano-anong mga bagay/paraan yung pwede nating gawin para maging successful sa buhay. Lahat ng yan, kelangan nating i-figure out along the way, on our own.

Tsaka para sakin isa lang naman ang ultimate goal natin sa buhay eh -- maging masaya.
Yung paghahanap ng romantic partner, pagkakaroon ng sariling pamilya, yung pagiging kontento, yung pag-achieve ng success, yung pagiging worry-free, pagiging healthy sa buhay, yung pagkakaroon ng chance na magawa yung mga bagay na gusto natin gawin, lahat ng yan sa personal happiness natin ang punta eh. Kaya para sakin yun lang talaga ang ultimate goal natin sa buhay.

Ngayon ts, since hirap ka ma-figure out kung saan ka magaling, tanungin mo na lang siguro sarili mo -- ano bang pwedeng makapagpasaya sayo sa buhay? Kung, for example, yung magiging sagot mo dyan is yung magawa yung dream mo na magkaroon ng komportableng buhay, then dun ka ngayon mag-focus. Yun yung gawin mong basis/guide sa buhay mo. Pwede kang magsimula sa work. Kung tingin mo hindi sapat or wala kang pwedeng makuhang growth sa work mo ngayon, then try searching for greener pastures. Pumunta ka sa mga lugar na sa tingin mo, pwedeng makapagbigay ng better opportunities para sayo, para maging financially stable ka. O kaya naman kung tingin mo, may chance ka na ma-promote instead, then do the necessary things para ma-promote ka. Ganun. Tapos yun pa, sabi mo rin na gusto mo rin magkaroon ng small business. Then ngayon pa lang, pag-isipan mo na kung anong klaseng business yung gusto mong itayo in the near future. Bumili ka ng mga libro tungkol sa business/entrepreneurship, etc. Pag-aralan mo yung mga gusto mong pasukin. Para pag ready ka na, at least alam mo na mga gagawin mo kung sakali.

Regardless kung ano-ano yung mga gusto mong gawin, always take baby steps. Wag mong bibiglain o pupwersahin sarili mo. Kasi pag pinilit mo rin ang isang bagay, mas lalo ka lang mafu-frustrate sa mga mistakes/failures na pwede mong ma-experience along the way. Baka mas lalo ka lang ma-stress sa buhay mo. Tsaka yung mga baby steps na yan, pag naipon nang naipon yan kasi consistent ka sa pagkilos, nagiging malaking hakbang yan papunta sa dream mo eh, kaya walang masama kung uunti-untiin mo muna, basta consistent. From here on, dapat yung mga gagawin mo sa buhay mo ngayon eh makakapag-contribute para ma-achieve mo yung dream mo na magkaroon ng komportableng buhay, while at the same time eh dapat wala ka ring inaapakang ibang tao.

Wag mo rin kalimutan magdasal. Totoo kasi yung kasabihan na ask and you shall receive (based on experience) tsaka connected din yan sa kasabihan natin na nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kasi once na humiling ka, opportunities ang ibibigay Niya sayo...kelangan mo lang maging attentive kung anu-anong opportunites yung mga yon, reason why nasa satin lagi ang gawa. At wag mo rin kalimutan magpasalamat sa mga blessings tuwing napapagbigyan ka. I wish you good luck, ts. :approve:
 
Tulungan mo pamilya mo, yung ang purpose mo muna
 
I feel you TS, ganyan din ako minsan, siguro nakapag post ka lang ng ganyan dahil malungkot ka or marami ka lang iniisip?

Anyway, I agree dun sa reply na ang ultimate goal natin sa buhay ay ang maging masaya.
Since nabanggit mo naman kung ano yung mga gusto mong mangyari, at halos lahat naman ganun din ang gusto ang magkaroon ng komportableng buhay at financially stable.
Pagpatuloy mo lang yang ginagawa mo at sana pagpalain ka pa para makapagbigay naman tayo sa lubos na nangangailangan.

Just go with the flow na lang basta ang mahalaga ay nabubuhay tayo bilang isang mabuting tao at may nakakakita naman ng lahat ng ating mga ginagawa.
 
This has been my problem for years, gumigising na 'di alam ang purpose sa buhay but one day I just realized na nagagawa ko na pala yung purpose ko. Focus on what you have, yung kahit anong ginagawa mo, when someone ask you talagang bibigyan mo ng pansin.

Mine was being a mental advocate, I myself suffered from it but when I have overcome it. I realized that one of my purpose is to help those who are in need of such.

Huwag mo madaliin, pag minamadali makita mas nagko-cause ng frustration. It will come as long as you're open to see it.
 
Ang Purpose mo po ay.... HANAPIN ang purpose mo sa buhay....Simple as that...
 
Commend ko lang yung napakagandang advice ni R A Z E, magdagdag lang ako siguro dahil ang ganda na ng paliwanag niya, yung mga tanong mo ikaw na rin sumagot halos eh, kagalingan yun yung sipag mo dahil hindi lahat ay masipag :giggle: karamihan eh procrastinator pa. malaking tulong yang kasipagan mo dahil pwede mong gamitin yan para magpatuloy mag aral at magaral ng kung ano ano hanggang sa mahanap kung san ka pinaka nag excel, siguro dahil masyado ka na ring naging komportable sa trabaho mo kaya ganyan din naisip mo bigyan mo ng challenge ang sarili mo, minsan pag paulit ulit at kabisado na natin boring na eh or tingin natin hindi siya skill or mahirap gawin pero ibig sabihin lang nun eh mas kabisado o sanay ka na kumpara sa iba.

tungkol naman sa business, simulan mo sa mga bagay na gusto mo at kaya mong gawin, mag masid masid ka sa paligid ano ang kulang? ano ang kailangan ? then i-research mo lang para mapagplanuhan mo.

siguro may mga bagay bagay ka na ginagawa mong sa tingin mo hindi ka magaling pero mas nag eexcel ka dun kumpara sa ibang tao, kung sinasabi mong kung ano anjan yun yung ginagawa mo, edi pwede ka mag business ng parang liason, or yung kahit anong gusto nilang pagawa pwede mo i-offer ang service mo, may nakita nga ako dati sa online eh for rent sila na kahit anong gawin piso or 3 pesos per minute ata arkila sa kanila :giggle:
 
ako ang iniisip ko lang paano ako kikita ng maraming pera, don ko naiisip ang mga bagay bagay na gusto ko gawin at kaya ko, minsan pa nga kahit di ko kaya eh kakayanin ko upang kumita lang ako at magka pera...
dun pa lang sa tingin ko di ko makikita purpose ko sa buhay, dahil kahit di ko gusto eh nakakaya ko ipilit sa sarile ko.... purpose ko siguro sa mundo eh mag hanap ng mag hanap ng pagka kitaan, purpose ko siguro para sa pamilya ko habang na bubuhay ako....
pag mayaman ka yan ppwede mo hanapin ang sarile mo, pero sa katulad kong Pobre eh wag na siguro mag hanap ng purpose sa sa buhay.... 🫡
 
Back
Top Bottom