Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.
All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
Hi! Bago lang po ako dito sa Dubai. 2weeks.. Yourist ako for 3months.. Si papa ko may work dito sa dubai..And ngayong week naghahanap na ako ng work ko. May alam ba kayo guys? Patulong naman sa mga may alam jan.. Fresg Grad ako at wala pang experience. Marami na kong pinasahan online. Hoping na may pumansin.. Gaano po katagal mapansin application? kinakabahan kasi ako. Na baka ni isa man lang sa pinasahan ko walang mag call for interview. May alam ba kayo jan? Please. Thankyooou guysss
Anong field po target mo? Try mo po sa dubizzle or Indeed, IMO mas mabilis mag reply pag diyan kasi usually urgent hiring. Ingat2 lang. Mas marami naman ata hiring sa Dubai. Kung fresh grad ka nag OJT ka naman diba. Minsan kasi may mga companies na di rin hinhonor experience mo sa Pinas, so parang start from scratch din. So okay lang yan. I'm sure a week from now sunod2 na yan.
Ako mga 2nd week-3rd week umpisa ng ngpost ako nun sa Dubizzle. What I did was post dun na I'm looking for a job then lalagay ng summary ng experience or kung anong course mo or anything so parang cover letter siya.
good day, labas yun comment ko about sa issue ng offload, what i want to say is yun sitwasyon na daratnan nyo dito sa dubai, (kase base on what i read, madaming kabayan ang dito sa dubai ang destinasyon.
unang una, siguraduhin nyo na may daratnan kayong kakilala/kamag-anak dito sa dubai, kasi kung magrerent kayo ng hotel/flat/partition/bedspace malaking pera ang kakailanganin ninyo,
pangalawa, kung plano nyo pumunta ng dubai, 1 or 2 months before you leave, mag apply na kayo thru online sa mga jobsite like dubizzle/bayt etc. google nyo lang. kase ang kalakaran ng application dito sa dubai majority is online application na, although may mga walk in pa din naman pero karamihan ng kumpanya ay preferred na ang online application.
pangatlo, base sa mga naririnig ko, madaming kumpanya ang recession ngayon dito sa dubai this 2015, at sa paghahanap ng trabaho, kung first time nyo mag aabroad, asahan nyo na na ang salary offer ay hindi ganun kalakihan base on what will you expect. meron nga iba, galing ng ibang part ng GCC country, pag dating dito sa dubai hindi ino-honor yung experience sa GCC country na pinang-galingan, hahanapin at hahanapin nila ay UAE Experience.
pang apat, kung makakita kayo ng trabaho, at nagsisimula na kayo, siguraduhin nyo na bago matapos or ma-expired ang tourist/visit visa nyo, ay naissuehan na kayo ng working visa/permit ng kumpanya na pinapasukan nyo. meron kasi mga kumpanya at employer dito sa uae na gagamitin lang nila ung visa nyo, lalo na yung mga 3 months visa. oo, papaswelduhin kayo pero hindi nila kayo iisuehan ng working visa. ngayon, wala kang magagawa kung di mag exit ng uae at mag avail ng panibagong tourist/visit visa which is another gastos na naman.
HINDI KO PO ITO SINASABI PARA PANG HINAAN KAYO NG LOOB MGA KABAYAN, BINIBIGYAN KO LANG KAYO NG HEADS-UP PARA SA MAGIGING SITWASYON DITO SA UAE KASE HINDI SA LAHAT NG PANAHON AY SWERTE TAYO
KUNG MERON PO KAYO KATANUNGAN AY SASAGUTIN KO PO SA ABOT NG AKING MAKAKAYA.
Maganda po siguro kung may dadatnan kayo na work dito sa Dubai kasi mahirap talaga ang mag hanap ngayon dito. Siguro kung sa agency kayo wala naman problema sa immigration kasi may mga papel at may mga requirements ka saka for sure may trabaho na kayo pag dating niyo dito, basta make sure lang po na authentic ung agency na aaplyan niyo. Madami narin mandurugas pati dito.Boss,tanong lang.Baguhan lang ako na nagpplano na aalis ng bansa papuntang Dubai.Madami akong nabababasa na mahirap nga daw maghanap ng trabaho dun ngayon at minsan yung mga nagttourist e hinaharang pa sa imigration natin.Question,kapag ba nag agency ako dito mas malaki chance ko na makaalis agad ng walang aberya pagdating sa imigration natin at pagdating jan sa Dubai?Wala pa ko talagang idea kung paano naman kapag dumaan ka ng agency para mag work dun.Any inputs po?
Hi! Sana active ka pa dito sa symbanize. naoffload din ako this last May 12 lang. natrauma na ko. kaya gusto ko na sana magpa escort dahil natatakot na kong magisa ulit ng mga immigration officer. matutulungan mo kaya ako? kung oo pls txt me at this number 09051126717. tnx.
OO nga po boss.Kaya apply lang ako sa mga POEA accredited agency.Mahirap na baka masayang lahat ng pagod at sakripisyo.Sana lang makahanap agad soon.Kamusta kayo jan sa Dubai boss?
hi maam, pa dubai ka din po ba? ano2 mga tanong sau saka baka pwede mo share po. Plan ko din kasi mag dubai eh.