Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem PAK in WAN..


Magandang araw po mga ka-Mobilarian.. Dito ko na lang pagsasamahin ang mga tulang nagawa ko at gagawin ko in the making :giggle: Harinawa ay magustuhan ninyo po. Salamat po :salute:

Unang pagtatangka ko, pasensya na po newbie pa lang.. May mga binago at dinagdag ako sa ilang lines dito para mas maging angkop...

MAHIWAGANG LAPIS


Pasasalamat

Pangako

Mahiwagang Lapis

Tiwala

Kras ko si Silver Axe

Salawahan

O genki desu ka? ( Kamusta ka? )

PIANO

ABAKADA ng aking PAG-IBIG

Paalam Khulet

Pahapyaw

Metamorphosis ( Banyuhay )

NAKITA ko ang ADA

Lihim na Liham

Kambal na Pighati

Si X at si Z

Ang aking Ka-IBIGAN :wub:

SIPHAYO

PiaNOLOVER

Mr. Swabe


PAK in Wan


================



 
Last edited:
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

nice thread ts.
sarap yakapin ang dog. lalo na yong katabi nya. hehe
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

nice thread ts. :thumbsup:
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

Lihim na Liham



Sa di inaasang pangyayari

Isang lihim na pilit mang ikubli

kapalarang di man mithi

Sa isang munting papel hinabi


Katotohanang tinanggap

Nang mahabang panahong lumipas

Sa mundong mapagpanggap

Kailan ba makakatakas?


Isang pangalan

Nais ko lang malaman

Na sa sandaling iyon ay nasa harapan

nakatagong kasagutan


Isang mapagkalinga

Isang mapag-ulila


Di man maintindihan

Dahilan ng iyong paglisan

Isang sulat naman ang iniwan

Na nagbubuklod sa ating dugo at laman



--- sa wakas... nakapagdagdag ulit :whew:
 
Last edited:
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig


Kambal na Pighati


Ilang buwan ang lumipas bago ito natanggap,
Isang malaking biyayang kay tagal hinangad.
Bunga ng pagmamahalan at isang pangarap.
Hanggang ngayon ay mailap.


Ang araw na iyon sa akin ay hindi na bago,
Tila ba ang tadhana ay gustong maglaro.
Katanungan ay nagsimulang magtalo,
Sa isip kong sa sandaling iyon ay nahapo.


Nakakabigla..
Nakakaawa..
Sa magkahalong emosyong nakakaparalisa,
Ang makita kayong magkasunod na nawala


Ang isa'y di nasilayan mundo,
Habang ang isa'y may tibok pa ang puso.
Pilit isinalba kasama ang pag-asa ko,
Na sa paglipas ng ilang sandali tuluyang naglaho
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig


Kambal na Pighati


Ilang buwan ang lumipas bago ito natanggap,
Isang malaking biyayang kay tagal hinangad.
Bunga ng pagmamahalan at isang pangarap.
Hanggang ngayon ay mailap.


Ang araw na iyon sa akin ay hindi na bago,
Tila ba ang tadhana ay gustong maglaro.
Katanungan ay nagsimulang magtalo,
Sa isip kong sa sandaling iyon ay nahapo.


Nakakabigla..
Nakakaawa..
Sa magkahalong emosyong nakakaparalisa,
Ang makita kayong magkasunod na nawala


Ang isa'y di nasilayan mundo,
Habang ang isa'y may tibok pa ang puso.
Pilit isinalba kasama ang pag-asa ko,
Na sa paglipas ng ilang sandali tuluyang naglaho

ramdam ko yung bawat linyang nakapaloob sa tulang ito, pagkasabik na nauwi sa pighati. keep on writing :)
 
Re: [POEM] LynnTek na Koleksyon ko

ang galing naman idol
 
Re: [POEM] LynnTek na Koleksyon ko

nakakakiliti... sa imahinasyon ang tula mo...
unting kiliti pa, baka iba na ang lumabas :D

ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat gamit ang malikot mong imahinasyon :salute:
 
Re: [POEM] LynnTek na Koleksyon ko



Si X at si Z

Isang pambihirang pagkakataon
Ang pagtagpuin tayo ng panahon
Wala paring nagbago sayo
Mas lalo ka lamang gumwapo

Ang mga mata natin ay nagtama
Nangungusap na tila nangangamusta
Mga paang tumigil sa paghakbang
Habang siya ay nakatayong nag-aabang

Nagsimulang magbalik ang alaala
Noong araw na magpasyang tayo'y magkita
Tskolate at rosas mong bitbit
Kasama ng nakakakilig mong awit

Nagbigay ka pa ng munting larawan
May mensahe ng pag-ibig ang likuran
Unang pagkakataong ako'y nagpasuyo
Nais ko ako ang nagbibigay motibo

Binasag ng isang pamilyar na tinig
Isipan kong naglalayag
Sabay alok ng kasuotan
Lilitaw ang kagandahan

Ako ay napipi
Ngiti na lamang ang naisukli
Sinang-ayunan pa ng kasama ko
Na bagong nag mamay ari ng aking puso

Sa nakakailang na sitwasyon
Nasa gitna ako ng dati at bagong karelasyon
Hanggang sa aming pag alis
Ang iyong paningin ay hindi makatiis

Patawad kung di ako nagpaalam
Sa mga mensahe mo na wala nang pakialam
Batid kong sa huli ako lamang ay luluha
Pagkat maraming babae sayo ay nagkakandarapa

Sa tingin ko ay masaya ka na rin
Kung sino man siya na bago mong kapiling
Ako rin ay masaya na
Mensahe mula sa isang masokista
 

Attachments

  • pacute3.jpg
    pacute3.jpg
    37.4 KB · Views: 159
Last edited:
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

nagmature na ang mga obra mo ha.. magandang pagbabago yan.
ipagpatuloy mo ang pagsusulat :salute:
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

ang galing naman ng kasin ko.

bigyan kita ng surf na may free text
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

Ang ganda... The best ka talaga idol...

Free na inbox ko idol... Send ka ulit hindi ko nabasa e... :)

waa.. pasensya na idol.. ngayon lungs ako nakareply sa message na to :lol:


nice thread ts.
sarap yakapin ang dog. lalo na yong katabi nya. hehe

salamuch sa pagbisita idol wenz :blush: :pacute:


nice thread ts. :thumbsup:

tenks punkz airnel :pacute: :thumbsup:

ramdam ko yung bawat linyang nakapaloob sa tulang ito, pagkasabik na nauwi sa pighati. keep on writing :)

salamat idol spade.. oo naghangad ako na mabuhay kahit isa..

ang galing naman idol

mas magaling ka idol :thumbsup:

nagmature na ang mga obra mo ha.. magandang pagbabago yan.
ipagpatuloy mo ang pagsusulat :salute:

salamat sayo idol ninku :) natats naman ako sa pagbisita mo, isa sa mga stimulus ko :giggle: :salute:

ang galing naman ng kasin ko.

bigyan kita ng surf na may free text

lol sa surf kasin :lmao:

wala ba mei free call.. waa akin na yan tamang tama wala akong load..
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

sana po matutunan ko din yan
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

Biyaheng Langit

Halika at sumabay
Tayo ay sumakay
Kumapit at huwag humiwalay
Kung ayaw mong maagang humimlay


Unti-unting pumatak ang ulan
Habang tayo ay nasa gitna ng daan
Samyong hatid ng iyong katawan
Ninanamnam na tila walang katapusan


Walang makakapigil sa atin
Sa init ay di mabibitin
Handa ka na bang supilin
Haharang sa landas natin?

Kung ikaw naman ang aking kasabay
Handa na akong mamatay
Pakiusap dahan dahan ang kamay
"Makakarating din tayo sa ating pakay"




----------------

:naughty: :lmao:
 
Last edited:
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

Idol pasakay ako!!!! Hehe galing ni idol...

Up natin ...
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig


SALAmin


Nagsimulang dumaloy ang tubig
Wari bang nagdidilig
Katawang sa init ay tigib
Bula ang bumalot sa dibdib

Isang paboritong orasyon
Na ang ginugugol na panahon
Tila kulang ang maghapon
Sa paglalaro sa sabon

Hindi alintana ang paligid
Mayroon palang umaaligid
Na kung sakaling ito'y batid
Alam na kung saan siya ihahatid

Gayon na lamang ang kaba
Isang liwanag na sa taas ay nagmula
Hindi ito galing sa bumbilya
Munting salamin ang may likha

Ito ang unang pagkakataon
Mabahiran ang karanasan
Mabiktima ng matang makasalanan
Na malamang ay busog nanaman



------------------------------​
 
Last edited:
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig



Ang aking Ka-IBIGAN

attachment.php



Ang eyebags na aking pinaghirapan
Mula pa yata nang kabataan
Bunga noong panahon ng puyatan
Sa eskuwela ay sunugan


Eyebags na aking pasan-pasan
Animoy maletang puno ng laman
Madalas mapagkamalang aswang
Kahit ako ay haggard lang


Kapag inaabot pa ng kamalasan
Pimples ay maglalabasan
Si Crush ang may kagagawan
Hudyat ng umaatikabong taguan


Pimples na hindi tinatablan
Kahit pulbo ito ay patungan
Kung pwede nga lang pakiusapan
Sa ibang araw na lang magparamdam


Heto ang isang pinagkakaabalahan
Pipikutin ko sana kung tao lang
Siya yung tipong kaya kang ipaglaban
At gigising sayo sa katotohanan


Ang Kapeng kasing swabe ni Coco Martin
Na mistulang bumubuhay sa akin
Pakiusap huwag ng lagyan
Asukal na tuluyan akong iniwan


Wala man kaulayaw sa susunod na buwan
Nananatili naman ang tatlong iyan
Eyebags, Pimples at Kape
Tapat na KA-IBIGAN


 

Attachments

  • miloulit.jpg
    miloulit.jpg
    56.9 KB · Views: 75
Last edited:
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

sipag sumulat! ipagpatuloy mo yan hangga't may dumadaloy.
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig


Siphayo

Sa araw na inaabangan ng lahat
Kung saan ang karamihan ay masaya
Simoy ng pag-ibig ay nagkalat
Habang ako'y muling magluluksa

Tututol ba ako?
Kung diyan mo natagpuan ang kaligayan
Kailangan ko pa bang itanong sayo?
Batid mo ba ang realidad at imahinasyon?

Ang kawawa kong puso
Binulag at nakahimlay
May karapatan ba akong magsumamo
Payo ng isipa'y iyong sinuway

Heto ako'y humihikbi
Hindi dahil sa hapdi at sakit
Bagkus sa iyong pinili
Na pawang saklap ang sinapit
 
Last edited:
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

Ang bigat naman ng siphayo na yan..:weep:
 
Back
Top Bottom