Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay panglaw

Kay raming tanong sa aking kaisipan...

Kung bakit ba kay dilim ng kalangitan? Bakit nga ba mas nag uumigting ang panglaw sa kalawakan gayong nariyan naman ang mg bituin sa pagitan ng kawalan? Bakit pinipilit alamin ang lahat gayong hindi naman natin malalaman kung ano ang bukas? May tangan na sa mga palad subalit kung bakit pakiramdam mo ay kulang pa?

Minsan tila ba sumpa magkaron ng malikot na kaisipan. Pinag aalala ka sa mga bagay na wala namang basehan. Mga desisyon na sa iba ay simple lamang ngunit para sayo ito'y masalimuot na daan. Sanga sangang mga pangyayari tila ba mumunting alon sa karagatang walang katapusan.

Tanikalang alinlangan na pumipigil sa iyong mga paa. Mga pag-aalalang bumubulag sa yaring mga mata. Mga pangambang nagpapabigat sa mga kamay upang maabot ka. Kahungkagan na bumabalot sa iyong katauhan tila baluti na humahadlang upang makaramdam.

kailan malalaman ang mga sagot...

hindi ko alam...
 
Back
Top Bottom