Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pano malalaman kung may crush ang isang girl sayo?

gandam027

Professional
Advanced Member
Messages
157
Reaction score
0
Points
26
mga ka symianize ano po ba ang mga signs na may crush ang isang girl sayo?:noidea:
 
kapag nagseselos sya sa ibang babaeng kasama mo
 
:lol: thnks sa info mga sir
 
Pag nakatingin ako sa kanya, mamaya-maya nakatingin din sya sa aken. <-- Masasabi kong crush nya ako, haha.
 
naku para sa akin walang sign sign yan. kasi pag naniwala ka sa sign. mauuwi ka sa pagka basted or mafriendzone ka. :lol:
 
1. when you're around, nagaayos ng buhok, damit at medyo hindi mapakali
2. tumatawa sa jokes mo kahit corny.
3. iba ang aura nya pag may kasama kang ibang babae.
4. good mood pag kasama ka nya.
5. sumasakay sa TRIP mo.


madami masyado haha nakalimutan ko na iba. di ko naman kasi nalilista, nararamdaman ko lang. pag positive kelangan na umiskor hahaha
 
Mararamdaman mo naman yon lalo na kung magkalapit kayo. kung medyo naiilang kayo sa isat isa, yun na yon pre! pero kung naiilang nga kayo, malamang type mo na rin sya nag di mo nalalaman. Habang tumatagal na nacoconfuse ka kung type ka nya, unti unti na para bang ini-install mo sa utak mo na maging type mo rin sya.
 
kapag hindi normal ang pakikitungo niya sayo (in a positive a way ah)
 
kapag kinakausap mo siya, iba yung ngiti niya,,, and never ka makakarinig sakanya ng negative things.. i mean , kahit asarin ka nya,, its the other way around... you know what i mean...haha
 
Wow naman, nakikibasa lang ako

sakaling may mapulot dito.

Haha, thanks nice thread.
 
` Dalawang klase kase yan, Isa pedeng mahiyain, at ung pangalawa, kapakalan ng mukha.

Ung Mahiyain :
1. Tumitingin sayo pero kapag tumingin ka din sa kanya, bigla siya magiiba ng direksyon.
2. Namumula siya kapag magkausap kayo.
3. Kapag nagbbasketball ka, asahan mo, nakatingin sayo yan (promise)
4. Kapag may binigay sa kanya, deny muna yan, pero maya maya ttanggapin din yan.

Ung pangalwa
1. Tinatanung crush mo, tpos kung cno ung lagi mong kausap na babae, un ung ssabihin niya na crush mo ( selos )
2. Kpag humingi ka,mamimigay agad yan kahit pagkain.
3. Gustong tumabi sayo tapos magpapaturo kung ano hindi niya alam kahit alam nman niya.
4. Nagttopic ng tungkol sa love kahit wala sa oras, parang ung no.1 lan.
5. Tsini-cheer ka kung saan ka man lumalahok.

Yun lang alam ko, :yipee:
 
telebabad with you. alam ko yan kasi gawain ng nanay ng anak ko yan sa ibang lalaki.
 
1. when you're around, nagaayos ng buhok, damit at medyo hindi mapakali
2. tumatawa sa jokes mo kahit corny.
3. iba ang aura nya pag may kasama kang ibang babae.
4. good mood pag kasama ka nya.
5. sumasakay sa TRIP mo.


madami masyado haha nakalimutan ko na iba. di ko naman kasi nalilista, nararamdaman ko lang. pag positive kelangan na umiskor hahaha

haha.:clap: ty po sa info...:lol:
 
` Dalawang klase kase yan, Isa pedeng mahiyain, at ung pangalawa, kapakalan ng mukha.

Ung Mahiyain :
1. Tumitingin sayo pero kapag tumingin ka din sa kanya, bigla siya magiiba ng direksyon.
2. Namumula siya kapag magkausap kayo.
3. Kapag nagbbasketball ka, asahan mo, nakatingin sayo yan (promise)
4. Kapag may binigay sa kanya, deny muna yan, pero maya maya ttanggapin din yan.

Ung pangalwa
1. Tinatanung crush mo, tpos kung cno ung lagi mong kausap na babae, un ung ssabihin niya na crush mo ( selos )
2. Kpag humingi ka,mamimigay agad yan kahit pagkain.
3. Gustong tumabi sayo tapos magpapaturo kung ano hindi niya alam kahit alam nman niya.
4. Nagttopic ng tungkol sa love kahit wala sa oras, parang ung no.1 lan.
5. Tsini-cheer ka kung saan ka man lumalahok.

Yun lang alam ko, :yipee:

:clap: ty po sa info nyu sir..
 
natatawa ako dito huh... hindi ko lang alam kung hindi pa masense ng lalakeng yun na crush ko sya..una, nahihiya akong tumingin sa kanya kapag dumdaan sya at minsan nagpapanggap akong busy, pinagtitinginan ako ng barkada ko pag malapit sya (sila pa ang kinikilig sakin eh), tsaka lahat ata ng status niya sa fb nililike ko :p
 
natatawa ako dito huh... hindi ko lang alam kung hindi pa masense ng lalakeng yun na crush ko sya..una, nahihiya akong tumingin sa kanya kapag dumdaan sya at minsan nagpapanggap akong busy, pinagtitinginan ako ng barkada ko pag malapit sya (sila pa ang kinikilig sakin eh), tsaka lahat ata ng status niya sa fb nililike ko :p

salamot po sa info...:clap:
 
Baka makatulong s ayo TS: Galing sa thread ko to.:thumbsup:
1. PAGNGITI. Ganito lang yan, kung nag-smile siya sayo at may makikita kang CROW’S feet sa kanyang mukha, yun na! eh, ano ba itong crows feet na ito? Subukan mong ngumiti na tuwang-tuwa ka (pero be sure na walang kasama kasi baka tumawag sila sa mental), nakikita mo ba yung kulubot sa dulong bahagi ng iyong mata? Yan ang crows feet kung hindi mo Makita, i-Google mo nalang! Yung nga, kapag nakitaan mo siya ng ganu’n, ibig sabihin, super happy siya plus kita pa ang ngipin kahit one seat apart o color black sa kangunguya ng dark chocolate. Pero kung hindi, ngiting-aso lang ang ipinakita niya, di ka niya bet.

2. PAGLALARO SA BUHOK. Crowning glory kung ituturing ng mga babae ang kanilang buhok. Kaya nga halos maubos ditto ang kanilang pera kapapalit ng kulay, rebond, gupit, kulot, relax at kung anu-ano pa. kapag kausap mo si ate, pansinin mo kung madalas niyang ayusin ang kanyang buhok, lalo na yung pagsisipit niya ng kanyang bangs sa likod ng tainga na alam naman niyang hindi abot kaya hulog nang hulog. Kapag madalas ginagalaw ni ate ang buhok niya, hindi ibig sabihin nu’n ipinakikita niya kung gaano ito kalambot, gusto niyang mapansin mo ang features ng kanyang mukha. Pero, boys, watchout, kung halimbawang iniikut-ikot niya ang kanyang daliri sa buhok nang paulit-ulit, baka takas sa mental ang nilalandi mo.

3. EYE CONTACT. Ito pa ang isang masarap gawing panghilod, “Eyes are the window of the soul”. Isa sa unang dapat tignan sa mata. Lagi ba siyang nakatingin sayo? Baka naman duling siya kaya feeling mo lang yun?...laging tumitingin ang babae sa taong gusto niya at kapag nagkatitigan kayo sa loob ng 3 seconds, puwede niyang ibaling ito sa iba o kaya naman ay titingin sa ibaba saka ngingiti na para bang nagagandahan siya sa patay niyang kuko sa paa. Mabilis lang ang 3 seconds pero kapag may feelings ang nagkatitigan sa isa’t-isat, parang forever na. Alam nyo bang ang non-romantic glances o ang pagtingin ng walang halong harot ay tumatagal lamang ng 1.18 seconds?

4. TOUCH. Unconsciously, hinahawakan natinang ilang bahagi n gating katawan kapag nakikipag-usap tayo sa tao. At minsan pa nga ay pinapalo, lalo na kung may lamok dahil gabing-gabi na nakikipaglandian pa sa labas ng bahay ninyo. Kung nakikipag-flirt sayo ang isang babae, pagmasdan mo kung saan pumupunta ang kanyang kamay. Kapag bigla niyang hinawakan ang kanyang mukha na nakabali ang daliri o parang may grace, sign na ‘yun. Gayundin kapag hinawakan niya ang kanyang labi, ang kanyang leeg o minsan ang paghimas niya sa kanyang mga hita habang nagko-cross legs at pag-upo. Pero kung hinawakan niya ang kanyang mukha in a rubbing motion, pinapauwi ka na niya dahil ang daming lamok.

5. BALIKAT. Kung ang kanyang balikat ay naka-lean papunta sa direksyon mo, ibig sabihin nu’n interesado siya sa’yo. Pero kung ito ay nakasandal sa pader o kaya wala lang, alam mo na, ayaw ka niya.

6. PAA. Bago ka mainggit sa kanyang sapatos at tanungin mo kung saan nabili, kuya, tignan mo muna kung saan ito nakaturo. Maaaring ang katawan niya ay medyo hindi close sa’yo pero kung ang kanyang mga paa ay nakaturo sa’yo, kahit hindi kayo talo, bet ka niya. Alam ng paa kung saan siya pupunta.

7. DISTANCE. Normally, kahit abnormal tayo minsan, 4 feet ang distansya natin sa ating kausap. Ayon sa mga mananaliksik, ito ang acceptable social distance na dapat nating i-maintain. Ngayon, kung itong si ate ay pumasok sa 4 feet mong space at siguro kulang na lang, idikit niya ang mga paa niya sayo…yun na!

8. GINAGAYA ANG ACTION MO. Hindi naman dahil sa idol ka nila pero minsan, kapag lagi mong tinitignan ang action ng isang tao, unconsciously nagagaya mo ang amga kinikilos niya. Try mong kausapin ang isang babaeng tingin nang tingin sayo at tignan mo ang cellphone mo, check mo kung ginagaya ka niya. Pwede mo ring subukan ang kamutin ang iyong braso, check mo kung ginagaya niya. Kung oo, good. Kung hindi, try mong tumalon sa tulay!

9. PAGTAWA. Kapag ang babae tumawa to the max sa mga joke, comment o antic mo kahit saksakan pa ito ng korni na pati mga barkada mo napapatingin na lang, ibig sabihin nu’n, gusto ka niya. Kabaligtaran naman nito kapag hindi siya tumawa sa mga alam mong nakakatawa.

10. IBA PANG GESTURES. Di tulad ng mga lalaki, sa babaehindi uso ang GM sa mga sweet word. Minsan, pinamumukha lang nilang GM yun peru PM o private message talaga yun. Kaya kung lagi ka niyang tine-text, ibig sabihin, special ka sa kanya. Gayundin na kapag lagi siyang humihingi sayo ng tulong. Kahit simpleng bagay pa yan, ihihingi at ihihingi nila ito ng tulong para makuha nila ang atensyon mo. At speaking of pagkuha ng atensiyon, wala na yatang tatalo pa sa babaeng nagmo-modelan para mapansin mo. In short, rampa siya nang rampa o daan siya nang daan sa harap mo para mapansin mo siya, ang suot niya at ang hitsura niya. At kapag ikaw naman ang napadaan at narinig mong tinutukso siya sa’yo, bantayan mo ang sahot niya. Kung ito ay matinding “huy! Hindi, ah?” good sign ito. Defensive talaga ang mga babae kapag inaasar na sila sa crush nila.
 
Back
Top Bottom