Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pano mo malalaman kung may gusto sayo ang isang babae?

regicidedelferoz

Recruit
Basic Member
Messages
15
Reaction score
0
Points
16
may nanghihingi kase sakin ng payo eh mahina rin ako sa mga ganto haha

sa tuwing magkikita sila, lagi silang nagkakasalubungan ng tingin at hindi lang isa o dalawa kundi maraming beses.. wala namang facial expression, walang ngiti o kahit ano.. basta nagkakasalubong lang lagi yung tingin nila.. sa tingin nyo ba gusto rin sya nung babae?

nagkasama na sila dati at nakapag usap ng konti pero casual lang..

salamat ng marami!
 
Last edited:
Sabi nga nila...

"Don't assume unless otherwise stated"

Mahirap talagang malaman yung kasagutan sa tanong mong yan para sa kaibigan mo. Mahirap mag-assume sa mga bagay-bagay. Unless tanungin niya yung babae mismo.

Pero tingin ko hindi siya gusto nung babae. Bakit? Kasi para sa akin, hindi sapat na dahilan yung everytime na magkikita sila at nagkakasalubungan silang dalawa ng tingin para masabing may gusto yung babae sa kanya. Buti sana kung never pa sila nagkakausap man lang, pero based sa info na ibinigay mo, minsan na silang nagkasama at nagkausap dati. Kaya naman tingin ko normal na reaction na nung babae yun sa kanya kasi kilala naman niya yung kaibigan mo. Pero kung gusto niya talaga malaman kung ano ba talaga, gaya ng nauna kong sinabi, tanungin niya yung babae. Hahaha.
 
Last edited:
kapag komportable kayo sa isat isat!
kapag nagkakahiyaan kayo sa maliit na bagay!

senyales lang yan at wag mag aasume!
malalaman mo yan kapag tinanong mo!
minsan! timing kelangan at magandang approach!
kapag nag paligaw gusto ka nyan!

simple lang to pero mahirap gawin kung kakaba kaba paiiralin mo!
walang mawwawala kung susubukan mo!, magkakahiyaan lang naman kayo sa una
 
salamat sa mga reply.. malaking tulong to sa nagbibinata kong kaibigan haha

sorry.. di raw pala sila nagkakasalubong.. tuwing nasa iisang lugar sila, dun nagkakatinginan.. tapos parang sinisilip din sya kung asan sya.. parang ganon.. yun pagkakasabi sakin..
 
Si ts ginamit pa si kaibigan. Isa kang user.
 
kunwari ka pa ts ikaw naman talaga yung nagtatanong.. kung magkakilala na kayo bigayn mo ng isang piraso lang ng chocolate pag tinanggap trip ka nyan pero pag tumanngi wag kna umasa, try mo ung hello, galaxy mga common na chocolate hehe..
 
Kausapin mo ts. Sa usap nagsisimula di sa ligaw tingin.
 
hahaha hindi nga ako.. sa kaibigan na binata to.. di ko lang alam isasagot ko dahil 9 years na ko hindi nanliligaw haha..

sige.. salamat sa mga payo nyo mga boss!
 
Back
Top Bottom