Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Para sa mga seloso/selosa ♥

beauty and the beast

The Martyr
Advanced Member
Messages
721
Reaction score
1
Points
28
SOMETHING ABOUT JEALOUSY

Hindi maiiwasan ang pagseselos, pero kailangan mong matutunan kontrolin ang sarili mo. Kailangan mong matutong magtiwala kung gusto mong humaba ang inyong relationship.

Minsan nagiging O.A. lang
Dahil sinasabi ng gut instinct natin na may nararamdaman tayong mali. Nagsisimula na tayong mag isip ng kung ano ano gaya ng “hindi na tayo mahal”, “may babae siya” atbp. Lumilikha tayo ng twisted scenario sa utak natin. Alam mo kung anong mali? Maaaring kulang ka lang sa assurance from your partner. Minsan hindi naman natin ito kasalanan. Dahil ang pagbibigay ng assurance ay nakasalalay sa initiative at character ng ating partner.

Insecurities

Pero kung insecure ka lang talaga, ikaw ang nakakaalam kung ano ang pinag uugatan nito. Work on it. Kailangan mong magkaroon ng sariling buhay at kaligayahan na separate sa inyong relationship. Kailangan mo pa ding makipag interact sa ibang tao at magkaroon ng sariling hobby na makapagpapaligaya sa iyo. Sad to say, pwede kang makatagpo ng bf/gf na hindi matatanggap ang mga kahinaan mo. Sila yung biglang magpaparamdam at magkakagusto ulit sayo kapag wala ka ng pakialam sa kanila (kung kailan hindi ka na nagseselos).

You shouldn’t be needy. You should have the qualities that makes your woman/man stay. Naging kayo diba? For sure may dahilan kung bakit ka niya nagustuhan. Kailangan mong iimprove yun. Kaya importante ang self-confidence dahil minsan iyon ang nag bibind sa inyong dalawa. Responsibilidad mong mag grow din. Pero kung hindi niya tanggap ang weaknesses mo, it’s cliche na hindi rin siya deserving sa best version of you.

Self-Confidence
Maraming pang iba’t ibang klase ng problema na ito din ang solusyon. Kung tutulungan mo ang sarili mo para iangat ang confidence mo, hindi lang love life mo ang mag iimprove. Lahat na. Nandyan ang partner mo, minsan ang purpose din ng pagkakaroon ng partner is to help and support each other.

Huwag kang masyadong obsess sa partner mo. Nothing is permanent. Maraming iba’t ibang reason para mawala siya (like pwede siyang mamatay). Dapat somehow handa ka. Kaya while nandyan siya, make him/her special. Create happy memories. Be a friend with each other. Minsan nga, ang kailangan mo lang is alagaan at mahalin ang sarili mo para maging healthy ang relationship niyo.

Magtiwala
Wala ka bang tiwala sa kanya? Kung hindi naman siya nagkulang sayo noon, it’s already an assurance. Minsan ang kailangan mo lang is maghintay sa kanya mismo and to shut your mouth. Minsan hindi mo kailangan idemand, hindi mo kailangan sabihin directly kung anong gusto mo. You can guide him/her to do things for you without telling it. Yung mismong actions mo ang magtutulak sa kanya para tratuhin ka ng either with respect or anger. It’s like returning the favor.

Communication
Minsan hindi alam ng partner natin na nakakabahala para sa atin yung kinikilos nila. Pwede kasing nakasanayan/nakaugalian na nila yun dati. May mga iba’t ibang approaches para tumatak sa partner natin na yung ginagawa nila is a big deal for us. Minsan sabihin mo lang enough na. Okay din lang naman magalit dahil minsan hindi enough na sabihin lang. Pero ang magalit palagi? Ang magselos palagi at walang improvement? It’s like wala kayong respeto sa isa’t isa. Maybe both of you needs space and some reflection kung saan ba patungo ang relationship ninyo. You are in a relationship with someone who is not matured enough to know his/her boundaries, is it okay to you?

Mahalaga pa din ang communication. Mahalaga na makilala niyo ang isa’t isa. Isa sa mga drawback ng hindi nag uusap is you might end up blaming each other because of different expectations. Akala mo lang! Mali ka pala ng pagkakakilala sa kanya because you never talked heart to heart. Iba pala gusto niya, iba pala gusto mo and late niyo na narealize. Akala mo magkasundo kayo, perfect kayo, pero magkaiba pala kayo ng iniisip. Kaya lagi kayong nag aaway!

Danger of being demanding
May mga taong mahirap kausapin. Kapag sinabi mo yung side mo, they will become defensive right away. Nasasaktan ang ego nila at hindi nila matanggap na iniisip ng iba na mali sila. Nasubukan ko na to dati. Honestly what I did is I left the person. Pero kung kaya mo pa at gusto mo pang subukan talaga, first I will say na you’re in a very hard situation and it’s definitely a hard work BUT it’s possible.

Palagay ko it’s nonsense to talk directly to the person. You need help. You need his/her bestfriend’s help or other person close to him/her to help him/her have sense with what he or she is doing to your relationship. May mga cases talaga na mas makikinig sila sa ibang tao kesa sa iyo. Minsan naman kailangan lang talaga niya marealize yun mag isa.

Minsan hindi nakakatulong ang pagdedemand. Kahit ang simpleng pagsasabi ng side mo. Kasi iisipin nila nakakasakal. Pero malalampasan niyo din ito. Maaaring may pinagdadaanan lang siya at nakakadagdag stress ka. Pero if it’s very long na... masasabi ko “napakamartir mo”. Minsan kasi, nakakaoverwhelm yung responsibility. Tapos tayo namang mga babae (also possible with few guys) nagpapanic sa pagiging cold or sa sudden silence ng partner natin. But once na nalampasan naman ng partner mo yung pinagdadaanan niya, muling magiging maayos ang inyong relationship.​

Walang Na Talaga
Kapag lagi ka na lang nasasaktan, maybe you need to call it off na. Your precious days is better spent with someone who can respect and understand you more. Stop being possesive lalo hindi na mutual ang nararamdaman niyo para sa isa’t isa. Maybe you’re just holding on because you’re afraid of what will happen after break up. Maybe you’re afraid of being lonely. Afraid to start again. Kailan mo ba marerealize na nagsasayang ka lang ng panahon? You deserve to be happy.​



stay tuned.. :giggle:
 
Last edited:
Kung ganyan b naman kaganda sa pics mo yung girl ay talagang magiging seloso ako:)

Sa panahon ngayon, mahirap na po maagawan ng Lollipop;)
 
Hello brixton :hi: Muka bang biased? Or about sa akin? :sigh: Hindi ako selosa, matampuhin lang. Nagkataon lang na seloso/selosa mga friends ko - dedicated for them. Balak ko lang magcompile sa thread na to.

Walang dahilan para magselos.
 
Hello brixton :hi: Muka bang biased? Or about sa akin? :sigh: Hindi ako selosa, matampuhin lang. Nagkataon lang na seloso/selosa mga friends ko - dedicated for them. Balak ko lang magcompile sa thread na to.

Walang dahilan para magselos.

Buti naman, mamaya masakal m bf mo eh :p
.. anyway bkit ka defensive ? Hmmm..
 
Naisip ko din yan na maiisip mo, actually mahaba reply ko dinelete ko lang yung iba para sana hindi mo maisip na defensive ako kaso naisip mo pa din :rofl: wala lang naooffend kasi ako minsan/kadalasan.

Im not a perfect person (girl friend too) so palagay ko tama ka din. Hey wag mo naman paramdam sa akin na ang malas malas sa akin ng bf ko :giggle: lalo na member din siya ng symb at mababasa niya tong pinagpopost ko. Nahuhurt aq toinx

-----

Teka... Kinausap ko siya ngayun ngayun lang... Di ko matanggap. :lmao: Di niya ako kinampihan... Selosa daw aq. :hyper:
 
Last edited:
haha. napatawa mo ako dun ah :lol:

di ko naman pinaparamdam ah ? ikaw nag savi niyan :p
pero for me mas ok saken ung selosa na girl, depende naman kasi sa attitude din ng tao yan at kng papano i handle ng guy eh ^_^


waaaaaaah ! :rofl:
 
Thank you maam bigay ng advice di na kita mapasalamat puno na inbox mo...
 
haha. napatawa mo ako dun ah :lol:

di ko naman pinaparamdam ah ? ikaw nag savi niyan :p
pero for me mas ok saken ung selosa na girl, depende naman kasi sa attitude din ng tao yan at kng papano i handle ng guy eh ^_^

waaaaaaah ! :rofl:

ganyan sana dapat light lang :whew: natatakot ako kausapin ka dami mo alam sa babae :lmao:

:thumbsup: Kailangan ko to :lmao: Noted sa lahat Bea :nice:

Sekret lang natin yung name... :panic: :weep: thanks sa suporta :buddy:

Thank you maam bigay ng advice di na kita mapasalamat puno na inbox mo...

Ay uu sorry... Sige magdedelete aku sandali lang ha...
 
ganyan sana dapat light lang :whew: natatakot ako kausapin ka dami mo alam sa babae :lmao:


wahahhaha.. pinapatawa mo talaga ako brad :lol::lol::lol:

There's no reason to fear sa mga taong "HINDI MARAMING ALAM", kundi MY ALAM LANG SIGURO..
madalas pa nga sila pa ung failure sa love eh:")

matakot ka pag nakakasama kita, dahil naninipa ako ng girl na matigas ang ulo :P
 
Dami ko natutunan ahh. Tama un. Pag sobrang nasasaktan na
Tigilan na.. di naman ako pumasok sa isanf relasyon pra msaktan lng palagi
kundi Para maging masaya din..
 
wahahhaha.. pinapatawa mo talaga ako brad :lol::lol::lol:

There's no reason to fear sa mga taong "HINDI MARAMING ALAM", kundi MY ALAM LANG SIGURO..
madalas pa nga sila pa ung failure sa love eh:")

Agree ako dito brad :beh:

matakot ka pag nakakasama kita, dahil naninipa ako ng girl na matigas ang ulo :P

Alam mo nakakatakot ka talaga :chair:

Dami ko natutunan ahh. Tama un. Pag sobrang nasasaktan na
Tigilan na.. di naman ako pumasok sa isanf relasyon pra msaktan lng palagi
kundi Para maging masaya din..

Oo :thumbsup: be happy... Life is short.
 
Mas maganda nga yang selosa.
may assurance ka na mahal ka talaga niya

yan gusto ko kahit magkulong na lang kami sa kwarto wag lang siya magselos hahaha :rofl:


pero sympre lahat naman may limit kapag sobra nakakasakal :hat:


base on true story to TS noh?
 
daming hugot nito TS hahah

pero almost tama naman most agree ako sa first and last yung oa lang hahah at tigilan na :D
 
Mas maganda nga yang selosa.
may assurance ka na mahal ka talaga niya

yan gusto ko kahit magkulong na lang kami sa kwarto wag lang siya magselos hahaha :rofl:


pero sympre lahat naman may limit kapag sobra nakakasakal :hat:


base on true story to TS noh?

Natawa ako dito :lol: Maganda nga sa feeling yung nagseselos yung partner natin paminsan minsan :yes: It's kinda sweet. Nagpapalambing lang.

Halo halo ito lucian, yung iba galing lang sa ibang nabasa ko, yung iba iniimajin ko lang na nasa shoes ako ng ibang tao (trying to figure out how they feel), pero maraming part din is based sa akin (mahirap magsulat pag walang pinanaghuhugutan). Meron kasing mild meron ding excessive jealousy. I don't understand how and why other people feel so excessively jealous kasi.
 
Natawa ako dito :lol: Maganda nga sa feeling yung nagseselos yung partner natin paminsan minsan :yes: It's kinda sweet. Nagpapalambing lang.

Halo halo ito lucian, yung iba galing lang sa ibang nabasa ko, yung iba iniimajin ko lang na nasa shoes ako ng ibang tao (trying to figure out how they feel), pero maraming part din is based sa akin (mahirap magsulat pag walang pinanaghuhugutan). Meron kasing mild meron ding excessive jealousy. I don't understand how and why other people feel so excessively jealous kasi.

kahit naman araw araw pa yan pagseselos lalo na't ikaw ung magseselos aba! okay na okay pa sa olryt yan hahaha :lol:
nga pala paki tagalog naman minsan ah pag magrereply ka nahihirapan ako intindihin hahahah :rofl:
 
Back
Top Bottom