Congrats sa Bmeg at sa Bmegplanet.
Kaya lang hindi ko masabing satisfactory ang win nila kasi hati ang mga tao sa decision ng referee sa dying seconds mapa-bmeg man o tnt. Sabi nila si James Yap nagtravelling daw, sabi ng iba walang foul talaga si Kelly kasi slight contact lang pero sabi din ng iba may foul daw si Kelly kaya daw mintis so the debate goes on and on.
I must admit, ang tibay ni Bowles sa free throws kasi matinding pressure yun. After he made those two, alam na na sila mananalo. Bowles exploded pa sa OT. TNT was playing on pure guts and heart na lang since handicapped na sila.
The thing is tapos na yung laban at wala ng mababago.
TNT fans, i-set aside na lang ang remorse. Happy2 lang tayo. Babangon ulit TNT as champs.
Good luck sa next conference TNT!
Hangga't kaya pa, aim for the Grand Slam.. again.