- Messages
- 62
- Reaction score
- 1
- Points
- 28
may nakita ako na wala sa box yung isang shot. pano kaya yun? hehe
Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.
All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
Galing nito.
May mga tanong po ako sana masagot...
1) San kayo bumibili ng photo paper niyo? Yung makakamura kayo? Pati ink na din para sa printer?
2) Kailangan pa ba ng working permit nitong ganitong business? Kung oo, paano po kumuha para sa ganitong business?
3) Magkano po ang range ng show ninyo? At magkano ang net income ninyo per show? Kahit approximately lang po.
4) Magkano po ang puhunan ninyo dito? Magkano para sa mga nag-u-umpisa ng ganitong business? At gaano katagal ninyo bago nabawi?
Salamat. Plano kasi namin ng kaibigan ko magtayo ng ganitong business.. Salamat sa sasagot ng mga tanong ko.
1. Ano bang printer mo? if Inkjet, sa Recto, Odeon mall madami dun.. Kung Dye-sub thermal printer naman, usually yung mga dealer nyan may mga photopaper din sila..
2. Sa akin dito sa province may computer shop kasi ako, isa sa mga services ko naman photoprinting so pwede wala ng hiwalay na permit.
3. Depende sa printer mo.. Sa akin, DNP Fotolusio RX1 ang gamit ko.. 3,000 first two hours, then 2000 kada extend ng oras. Sa isang oras makakaaccomodate na ng 70-80 4r prints, yan ay kung dirediretsong may magppunta sa photobooth mo.. Ang puhunan ko sa isang 4r ay 8.50. so sa 80 prints 680 pesos yung magagastos ko.. 2000/hr - 680 = 1320 yung net income..
Kapag Inkjet gamit mo mas malaki tubo mo kasi napakamura ng photopaper sa Odeon mall. Yun nga lang, madaling magfade kapag inkjet.
4. Bigyan kita ng idea.. Since Dye-sub thermal printer nga gamit ko..
Fotolusio DS RX-1 = 59,500
DSLR i use canon eos 600D w/ tripod = 20,000
Laptop = 18,000
Studio Lights Kit (2 strobes, 2 stands, 1 softbox, 1 umbrella, camera trigger) = 15000 (pinakamura na nakita ko sa Hidalgo st, quiapo)
Backdrop stand = 3000
= 115,000 pesos
Yung canon selphy dye-sub din yan, mura sya, kaya lang hanggang 4r lang kaya nya iprint, + ang mahal pa ng ribbon and paper.
If inkjet, palitan mo lang yang Fotolusio printer ng Epson T60, 12,000 Pigment ink.. so mas makakamura ka..
=68,000
Pero I suggest talaga na Dye-sub printer ang gamitin mo kasi matatalo ka sa kompetensya ng ibang ng popohotobooth..
Grabe 115k? Laki pala..
Kung meron na po kaming DSLR, Nikkon, nakalimutan ko yung model pero latest naman din, palagay niyo po ba kaya namin makapag start sa 40-50k na capital?
Salamat po.
Pwede yan.. Mag canon selphy ka muna..
Nice.. OK noted po
* Continues po ba yung ink ng Selphy o bawat ubos ng ink palit cartridge?
* Magkano po per ink ng selphy?
* Ilang 4r or 5r ang kaya niya i-print po?
* Saka tama po ba yung price ng brand new selphy na nakikita ko sa internet range 5-6k?