Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

thanks, buti na lang nabasa ko to, now i know
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

ingat sa scam.. pero hindi naman po lahat ng company ng mlm ganon e
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

question lng poh ang uno bah nasa watch list??? and saang site ba ako pupunta para malaman ang mlm na nasa watchlist....
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

try nyu 2...

**link removed!**
 
Last edited by a moderator:
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

share ko rin yung experience ko nung dinala ako ng classmate ko sa UNO.. grabe, pinapapasok niya ako sa seminar nila eh alam niyang member ako ng ibang company.. tapos proud na proud sila na ang youngest member nila is 12 years old lang.. sabe ko sakanila, "oh, nauto niyo" ang sagot ba naman sakin, "hindi, marunong lang siya maginvest ng pera niya".. sabe ko "grabe, bata pa yan, ang yaman siguro niyan" sabi niya "hindi, yung baon niya, inipon niya para makapasok dito.." tapos pinakilala pa ako sa ibang mga downline niya, pinakitaan pa ako ng picture niya ng may maraming pera.. "sabi niya, HS palang ako pero ako na nagpapaaral sa saili ko.. nanay ko tuwang tuwa kasi hindi na ako nagnghihingi ng pera sakaynya.. ako na ang nagbibigay ng pera sakanya"..ang package nila magbabayad ka ng 7300 tas bibigyan ka ng products at voucher.. kada pasok mo ng downline meron kang pera at voucher, worth P500 ata lahat.. napagisip isip ako sa company namen 2500 lang binayad ko, at kada pasok ng downline may pera akong P250 per points..pera mas ok kesa voucher na hindi ko naman alam kung saan ko gagamitin.. edi parang nasa isip ko mas ok parin yung company na pinasukan ko.. meron pag pinakilalang model sakin..lahat daw ng kinakausap niya sumasali sa uno.. sinabi naman niya sakin mga products nila (sabon,juice,kape,etc) halos parehas lang sa company ko.. tas ang pinakatumatak na sinabi niya sakin "madali lang naman ibenta mga products namen dito, bakit, sino ba ang taong hindi gumagamit ng sabon, sino hindi umiinom ng juice?" sa loob loob ko (products namen food carts, bakit, sino ba ang hindi kumakain?) at the end of the day.. narealize ko na mas ok yung company na pinasukan ko kesa uno..grabe.. naaawa ako sa mga batang andun..halos bata kasi member nila, di tulad samen na all ages ,meron.. parang bata lang kasi yung madaling utuin kaya ayun yung target nila.. tsk! kawawa..
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

naiinis pa ko lalo dahil yung umaaya sakin pinagmamadali ako, sabi ako ng sabi na gusto ko muna mag research, sya naman sasabihin sayang daw dahil mauunahan ako nung isasali nya na isang grupo pa daw at ilalagay nya sa ilalim ko. taenang yan eh hindi ko pa nga alam, kung kanino ko bebenta yung mga products na yon at walang wala pa kong plan of action gusto magbayad na agad ako.
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

tropa ko tatlo pa account nya sa uno,total of P21,900 lahat-lahat,tinanong ko kung nabawi na ba nya yun lahat at sabi nya oo daw pero di na daw siya member nun ngayon at may nakita siya na mas magandang company.! sa luob-loob ko,kung talagang maganda sa uno eh bat siya lilipat ng ibang company eh tatlong account na yung meron siya dun?palagay ko nahiya lang umamin,baka kako di na nabawi yung pera nya at naghanap na ng iba kasi alam nyang nalugi na siya.! ewan lang din.! :unsure:
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

guys parang nalugi si ts at di nya alam sinalihan kaya galit sa mlm lalo na sa uno.

ts alam mo ba sa ibang bansa ang mlm ay isang carrier at isang course sa harvard university.

not all mlm ay scam.

one of the tax payers sa ating bansa ay mga legal na mlm company.

inggit siguro si ts sa mga kumita sa mlm.:rofl:
 
Nge, I have nothing against dun sa mga kumita sa MLMs. Ang nakakalungkot lang isipin, eh kung pano nila kinita yun sa unfair na paraan.

Ica-clarify ko lang sainyo, nagbabayad ng tax ang UNO. Oo sige, given na yan. May SEC certificate pa nga sila eh.

PERO ang catch dito, ang alam ng SEC, nagbabayad ng tax ang mga MLM companies dahil sa income na nagegenerate nila by selling their products (vitamins, beauty products, etc).

WALANG ALAM ANG SEC SA PYRAMIDING SCHEMES NILA. So, di included sa tax yung mga kita nila sa pairing, downlines. Kung nagbabayad sila ng tax for that, siguradong matagal nang nagsara lahat ng mga to dahil wala silang kinikita.

Anyway, mabuti at natapos na yung ganitong hype saamin. Balita pa nga samin eh humina na daw ang UNO that's why they're moving (o nakalipat na ata) to a smaller venue sa tapat ng POEA.

Again, sa mga members na ng MLM companies, kayo na mismo ang nagsabi na

Kasi sa Company namin, ayaw namin ng hindi mo naiintindihan ang lahat..

So, walang pilitan. Kasi yung iba eh inuuto niyo pa at kahit ayaw na eh paulit ulit niyong sasabihin pa yung *kikitain nila* na hindi naman.

Peace lang! :yipee:
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

^ tama ka :) ingat ingat sa desisyon sa buhay baka sa bandang huli ay pagsisihan ;)
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Kung Ang isang member ay pusakal, walang ethics, Greedy, at higit sa lahat walang RESPETO sa company nya at sa guest, malamang lahat ng magiging Downine nya eh ganun din gagawin!

Tama po, wala nman po dapat pilitan eh. un nga po sa case ko, hindi naman ako pinilit. If ayaw talaga, eh di wag umattend.

Kung ayaw mo ayaw mo.

Kayo-kayong mga members nadin ang nagsasabi. WALANG PILITAN. Eh bakit kayo namimilit, magsasabi pa ng fake promises? Tapos anong aasahan niyo sa mga downlines niyo, WAG MAGING BITTER? Anong gusto niyo magpasalamat pa sila sa pagpilit niyo sakanila?
Bitter kayo ng bitter eh :lmao: Wala po kayong karapatang tawaging bitter yung mga pinilit niyo kasi first and foremost, di nila binalak magjoin dito. Nag-fail sila sa MLM, nagsumbong, tatawagin nang bitter? Baka pwedeng i-traceback niyo muna kung bakit sila naging bitter.

Wala kaming ni-lalahat dito. Yung iba diyan na nasa ibang MLM companies besides sa mga nabanggit ng mga nagsumbong dito, PLEASE WAG NALANG KAYO MAGPAAPEKTO. Di po namin kayo tinutukoy. :beat:

Yun namang nasa UNO, Royale, at iba pa, ano pang magagawa niyo? Yan na ang naging impression sa inyo ng mga tao.

"UNO YAN NO? SCAM YAN!"

Wala po kayong karapatang mainis pag nakakarinig kayo ng ganyan. Kung di kayo gumagamit ng panget na approach sa pagkuha ng downlines, edi hindi tatatak sa company niyo yan.

Ang isang kompanya ay binubuo ng mga manggagawa nito. Therefore, every single worker din ang nagbu-build up ng reputasyon ng isang kompanya.

Kaya may mga nagrereklamo, tulad namin, eh dahil sa iba ninyong members. You all share the name of your company. Kaya yung galit sa mga mapilit na members, talagang galit sa buong company, at wala na kayong magagawa dun :clap:
 
Last edited:
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

may mga tao talagang nabubuhay sa panloloko..pero sabi nga nila walang manloloko kung walang magpapaloko:)
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

2500 ang pinakamura kong alam.. :D gusto mo sama ka sakin sa greenhills?

ate ano po yan? yung filtrepreneur po ba?
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

maganda sana networking kaya lang ang laki kasi ng starting fee eh..wala bang 1k plus lang interested ako hehe..kaya kasi mahirap magpasali ng iba sa networking ay dahil sa laki ng starting fee..madali lang yung gagawin yung nga lang mahirap magkumbinsi ng sasali once na malaman nila kung magkano ilalabas na pera..kaya nga yung ibang nag iinvite di agad sinasabi starting fee eh..nakidnap na din ako dati ng uno..convince ako kaya lang ang mahal kasi ng starting fee nila..di ko kaya manloko sa magulang, magsangla or mangutang ng ganun kalaking halaga lalo na di ko sure kung mababalik ko yun..tama sila nasa sipag lang yan pero kahit gano kasi kasipag minsan depende parin sa convincing powers mo eh..madali lang magconvince kung maliit lang starting fee like 1k plus lang..mahirap na kasi buhay ngayun..kokonti lang ang willing maglabas ng 7k pataas hehe

samin po kuya 770 lang sa taft office namin
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

tama. wag niyo lahatin. if di kau nagsuccess. kasalanan niyo un.

wala namang business na hindi mo paghihirapan eh.

lahat yan paghihirapan mo.

:peace:

Di nga lahat kasi may MAS matitino pa na networking companies unlike dun sa mga namention...like AVON etc..

yeah lahat paghihirapan mu...sukat kapalan mo mukha mo sa loob ng mall at sabihin sa mga shoppers na "May credit card na kau?":lmao:

yeah paghihirapan mo lahat para lang sa PERA, kahit makapanloko ka pa..(peace...)Di ka naman siguro nanloloko diba? kaya peace..

Meron nga ako napuntahan, need daw ng mga office staffs tapos ang minimum education eh HIGH SCHOOL?! tapos malalaman mo tindera ka lang pala ahahahahha!:rofl:

Tapos ang product eh WATER PURIFIER lang pala!!

May nalalaman pa na paexam-exam kuno'

interview..then syempre masaya ka kasi tanggap ka..
yun pala magtitinda ka! Imagine? Office staff, tagatinda? ahahahhaha!!!:slap:

Now, masisisi ba ng iba ang impression ng mga tao sa networking kung HALOS LAHAT o karamihan sa mlm's na yan eh SCAM????:ranting:
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Inaaya ako ng tropa ko ngayon sa TAG,tinatanong ko kung ano yung position eh hindi masabi sakin,try ko na lang daw basta.Undergrad yun at frontliner,trainer,at speaker daw siya ng company nila.!Bat kako di masabi sakin yung position at nature ng work?eh kung trainer siya dapat marami siyang alam di ba?Basta daw itry ko,ayoko nga,magtitiwala lang ba ko sa salitang BASTA?:lol: ng magtanong tanong ako eh networking pala.! Rerecruit siguro ko kaya ganun.!:guns:
 
Last edited:
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

buhay pa ba tong thread nato?AIM GLOBAL HERE!!!!
visit my blog...
http://www.mybusiness-charly.blogspot.com

yung mga madaming salita dyan mga wala din naman pera yan eh..
kung ayaw niyo sa MLM..eh wag niyo..bhala kayo sa buhay niyo..hhehe
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

mga pangundergrad lang yang MLM na desperado ng magkapera at ayaw humanap ng maganda-gandang trabaho,walang matinong graduate ang maglalabas ng pera sa ganyan,nag-trabaho ka pa kuno kung yung perang pagtatrabahuhan mo eh yung perang nilabas mo din naman.kaya ka nga naghahanap ng trabaho para magkapera tapos maglalabas ka ng pera?magapply ka na lang ng BPO,nasa 2k lang ilalabas mo sa requirements at bawi agad yun for sure.
 
TAMA! :clap:

yung mga madaming salita dyan mga wala din naman pera yan eh..
kung ayaw niyo sa MLM..eh wag niyo..bhala kayo sa buhay niyo..hhehe
Mali! Maling katuwiran na nga, nagadvertise pa! :lol:
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Natuto ako about networking nung nanood ako ng "Welcome to the NHK"
Pero hayy hindi ko akalain na naloko ako ng isang recruiter nung pauwi ako, paano ba naman e ganito sabi niya sa akin:

Me: ano klase work inoofer niyo? data encoder ba?
Siya: Oo, kung interested ka sa data encoding, attend ka ng orientation na to

Nakaayos pa naman kami ng friend ko nun ah, may dala pa nga resume e, tapos nagtataka ako bakit yung orientation e nasa gilid lang ng hallway ng isang building o_O;

UNO yun ah. Introduction palang gusto ko ng umalis pero grabe ah, haharangan ka talaga
Hindi talaga sila convincing, pero may na-uto pa rin
Sabi ko pa nga sa lalake dun na paulit-ulit na sila sa mga benefits blah blah

Me: Sorry pero hindi kami interesado, una sa lahat, niloko kami ng recruiter mo na data encoding ang inoofer niyo na trabaho

Pero iniba pa nga niya yung topic after ko sabihin yun baka kasi mag iba isip ng iba namin kasama.

Nasayang lang oras namin ng friend ko dun tsk tsk
 
Back
Top Bottom