Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others psn love story

1st time ko po ito. Nawa'y magustuhan nyo. Pashare na rin sa fb baka sakaling mabasa niya. Thanks and god bless.
Dear Gamergirl,

Kamusta ka na? Miss na kita.
Saklap nga lang hindi na tayo pwede maging para sa isa't isa.

Naalala ko tuloy nung una kitang makita. Nakasabay kita sa jeep noon at nabighani agad ako sayong ganda. Yung matangos mong ilong, malaporselanang kutis saka mapungay mong mga mata na tila anghel na pinagkaloob ng diyos para sa puso ko'y magpadama ng ligaya.

Laking tuwa ko noon nung marinig at malaman ko name mo, buti na lang nangutang at nangulit sayo kasama mo. ��

Agad agad kitang inadd sa fb nagbakasakaling accept mo pero nabigo ako pero wag ka magalala naintindihan naman kita kasi ikaw ay isang babaeng konserbatibo na hindi nagaadd ng kung sino sino. Buti na lang nakita ko psn id mo sa isa sa mga fb pics mo. Inadd kita, awa ng diyos inaccept mo kaya aun naging psn friends na tayo. Buti na lng gamer ako nuh.

Doon nagsimula ang love story natin nagkwentuhan tau at nagchat ng kung anu ano hanggang sa dumating na yung oras na nagpakilala na ko sayo. Pasensya ka na kung medyo nahiya ako makipagkita sayo nung una ahh natotorpe kasi ako pero at least diba nagustuhan mo naman ung supresang chocolates na bigay ko at laruang isda para sa alagang pusa mo. Natawa ka pa nga sa letter ko kasi pangit ng handwriting ko eh :p

Naalala mo ba yung first date natin sa food park sa maginhawa? Laking tuwa ko nun kasi buong araw taung magkasama. Ang cute mo tignan habang kalong kalong mo ung pusa sa cat cafe, inimagine ko tuloy ikaw yun at anak natin someday. Pasensya ka na kung parang weirdo lang ako, inlove lang talaga ako sayo pero ganito lang talaga siguro mga taong romantiko.

Nagkasama rin tau sa esgs event sa moa nun kaya maaga pa lang kumuha na ako ng ticket.
Pero bakit yung kasama mo, ulo'y tila nagiinet? :p

Mahina man loob mo, malaki tiwala ko sa kakayahan mo kaya nga nung interview mo sinamahan kita para magbigay suporta sayo.

I feel honored and flattered dahil nakapunta ako sa bahay nyo, pinakilala mo na rin ako sa magulang mo. Ang saya ko kaya nun kasi feeling ko boyfriend mo na ko :p

Ilang araw bago mag valentine's day ang lungkot lungkot mo kasi sabi mo wala nagmamahal sayo pero bakit naman ganun naramdaman mo? Hindi pa ba sapat pagibig ko sayo?

Kaya nung valentine's day sinuprise na kita ng todo. Chocolates at giant teddy bear ang niregalo ko sayo kasi diba sabi mo ako ang fluffy bear mo.

Excited ako na bumiyahe papuntang bulacan, malayo man aking nilakbay balewala yan mahawakan ko lang iyong mga kamay. Ngunit sa isang iglap naglaho aking pangarap dahil pagibig ko'y hindi mo tinanggap.
Nagsisi ako ng husto dahil minadali ko makuha ang matamis mong oo. Sa halip na matamis na ngiti ang aking maging baon sa paguwi, pighati dala ng mapait na hindi ang nakamtan ng puso kong sawi.

Dinamdam ko ng husto ang nangyari, na depress ako at biglang nanahimik.
Ilang araw, linggo at buwan ang lumipas pero imahe ng mukha mo sa isipan ko'y hindi nakupas. Yung boses mo, amoy mo nangingibabaw sa aking alaala pero aking mahal hanggang dito na lang ba?

Isang araw hindi ko natiis at ako'y nagparamdam na, masakit man sa aking loob pero ako'y titigil na muna.

Sana balang araw magbago ang takbo ng tadhana, desisyon mo magbago at sa huli'y maging tayo pa rin dalawa. Handa akong ligawan kang muli masilayan lang muli ang iyong mga ngiti.

Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita dahil ikaw ang pangarap kong habangbuhay makasama.
 
Last edited:
Back
Top Bottom