Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Puso or Isip .. need help please:'(

Status
Not open for further replies.

dorolan05

Apprentice
Advanced Member
Messages
71
Reaction score
0
Points
26
Hi mga ka symbianize.. kelangan ko po talaga ng matinong payo mula sa inyo kasi hindi ko talaga alam ang gagawin.
I will try to keep my story short po. So kahit madaling araw isinulat ko to.

Guys need your help please.

GAnito po kasi ang kwento. Di kasi ako mapakali.
May kasintahan po ako.. at mahal na mahal namin ang isat isa. Pero my sinabi sya saakin ma ngayon ay gumugulo sa isip at damdamin ko.
Una sa lahat. Ako po ay isang estudyante pa lamang sumaside line bilang service crew.
Napaka hirap ng buhay at alam natin to.

Mag 4 mos na kami ng GF ko halos seryosong seryoso na kami. Lagi kami nag uusap. Lalo na about sa future . guys pa sensya na po kung medyo maguguluhan kayo o maliligaw sa kwento.

Basta lagi kami nag uusap na . At paminsan minsam sa magiging anak namin ma huwag muna kasi wala pa akong kakayanan at dahil estudyante pa lang ako. At medyo nasa crisis din yung pamilya ko.
Pero kanina or kagabi nag sinungaling sya saakin. Na may roon na pala siyang anak. Guys payuhan nyo ako. Hindi ko alam kung ano susundin ko. Ang isip ko na nag sasabi na lumayo 'marami pa akong pangarap at gusto ko muna maging stable bago mag pamilya' at iba pag meron ng anak na doon mo na lang halos ibubuhos yung panahon mo. pero pinipigilan ako ng puso ko dahil mahal ko sya at hindi ko kaya kung anong mangyayari kung iiwan ko sya. Kasi pag ginawa ko u babalik nanaman ang sakit ng nakaraan ng iniwan sya ng ex nyanh naka buntis sa kanya..
Guys ano po ba nararapat na gawin.. maraming salamat.
 
Last edited:
Saklap naman nun. :slap:

Hindi lang siya nagsinungaling, pinaglihiman ka niya.
Siguro natakot siyang sabihin sayo noong una kasi nga baka hindi mo matanggap at eto na nga ngyari ngayon, nagdalawang isip ka na.
Nasayo naman yan kung ipagpapatuloy mo or hindi eh.
Hirap din ng sitwasyon mo ngayon kasi mahal mo na eh andiyan na yan kaso pinaglihiman ka pa din niya.
Kung mahal mo siya edi tanggapin mo na lang pero isipin mo na lang din kung handa ka ba sa responsibilidad na yun. Kasi kung pinaguusapan niyo na yung future ibig sabihin naiisip mo ng siya yung gusto mong makasama for the rest of your life and it means na you're accepting din yung fact na may anak siya sa iba.
 
Parang di ko rin po sya kayang iwan e. Kasi my kasama ng awa e. Masyado kasi syang emosyonal. Hays hirap.
 
dipende sayo yan tol,. pwede namang maging kayo ng hindi mamumulubi e. Take note, di mo sya anak. Wala kang resposibilidad (sa ngayon) na sustensyohan sya.

So Puso mo lang naguguluhan dito, kasi logically walang reason para iwan sya. Except sa pagsisinungaling nya, pero seriously? dapat bang gawing issue yun?

Kung tangap mo mahal mo matatangap mo din past nya.

At isa pa, kung iiwanan mo sya dapat maging handa ka. lakasan mo yung loob mo. Kasi masasaktan mo sya ng sobra, pero kasalanan din naman sya so wag mo masyadong isipin yun. Dapat sinabi nya na na may anak sya simula palang.

Pero tanong ko lang TS, anong rason mo kung bat iiwan mo sya? dahil lang nag sinungaling sya at may anak na sya?
 
umpisahan mo na mag move on sir, pinaglihiman ka ehh. isa pa, wala kang pananagutan jan :chair:
 
galing ako jan, ang pgkakaiba lang ng sayu ay yung sakin ay alam ko ng may anak sya, ex ko sya dati pero iniwan ko after a year ngkatagpo ulit kami pero may anak na sya, sinunud ko ang puso ko pero sa huli bumabalik2x parin sa isip ko ang ngyari, i tried to open up my mind, kinaya ko but after 3 years we've been together i realize something, na awa lang talaga nraramdaman ko para sakanya dahil narin siguro marami akong kasalanan sakanya, ayon naghiwalay rin kami. timbangin mu kung anu ang nraramdaman mu, kung awa o pgmamahal.
 
kala ko ba sure na sure na ka na/kayo?? oh common.... wag mong pasakayin ang mga mambabasa mo ts.. na mimislead ang iba. sana i share mo din yung side ni gf dahil ang concern dito sa kaso mo sa palagay ko eh kayong dalawa hindi lamang ikaw o sayo.

hindi sa pumapanig ako sa nobya mo. nagbabase lang ako sa kwento mo. kung sinasabi mo seryoso at sure na sure ka na sa gf mo, wala ka sana dito ngayon, hindi ka sana naguguluhan at hindi ka humihingi ng payo... ang isang taong sure na, wala ng "what if or paano kung, eh kasi" yan.. so sa palagay ko, attracted ka pa lang sa mga katangian na nakikita mo sa gf mo sa ngayon. hindi pa yan pwedeng gawing foudation para tumingin o magplano na agad ng para sa hinaharap...

ang maisa suggest ko sayo, subukan mo munang i assess ang sarili mo kung ano ba talaga ang stand mo para sa gf mo.. alam mo na ang sitwasyon nya ngayon, pagmuni munian mo ano ba talaga? kung may damdamin ka ba talaga para sa kanya, na yung tipong kayang mong tanggapin sya ng buong buo at wala ng lingunan pa sa mga nakaraan o awa lamang ba para sa isang kapwa ang nararamdaman mo at gusto mo ikaw yung tipo ng tao na gusto lang talaga makapag bigay ng comfort sa kanya kahit gumugol ka pa ng oras at panahon mo pero after mo na masecure ang kalagayan ni babae, willing ka naman mag move out sa buhay na nya?

pag ikaw ay nasa isang relasyon o papasok sa pakikipag relasyon alam mo dapat agad na may kasamang responsibilidad yan, dapat physically, mentally at spritually ready kayo pareho talaga....hindi lang basta mahal nyo ang isat isa o pogi/maganda kasi eh okay ng basehan yun para sumugod sa pakikipagrelasyon, although ang love ang isa sa importanteng factor pero madami pang dapat tingnan o i consider. hindi rin yan parang online game na pag nagkamali eh pwede ulit ulitin sa simula, wala din yang game over dahil ang tunay na value ng relationship eh pang matagalan. mas lalong hindi yan pag inatake kayo ng madaming pagsubok eh makakahingi kayo ng resbak sa mga ka clan nyo o ka guild nyo agad agad. kaya nga sana kung pipili tayo ng makakapartner natin eh piliin natin yung best para sa atin..... at kung sa inaakala mo siya na ang best para sayo pahalagahan mo. kung nagkamali ka man sa pag pili ang solusyun jan make it happen at mag tulungan kayo para maging best kayo para sa isa't isa...
 
hindi rin kita masisisi sa sitwasyon mo ts. obviously, nabigla ka eh... normal lang naman yun. kasi syempre, iba din yung may 'anak' na yung GF mo.

kumbaga, parang nagpa-party ka, at may inimbitahan kang tao. tapos nung dumating siya, hindi mo inaasahang may +1 (kasama) pala siya so obviously, hindi ka handa para dun sa kasama niya dahil nakapaghanda ka lang para dun sa inimbitahan mo.

pero for sure may valid reason din naman ang GF mo kaya siguro siya nagsinungaling or naglihim sayo. wag mo siyang pag-iisipan ng masama or kung ano. siguro natatakot lang siya na hindi mo siya tanggapin since may anak na nga siya. kung ano man ang dahilan niya, panigurado dahil lang yun sa ayaw ka niyang mawala sa kaniya.

tama si ^ tol killer, i-assess mo na lang ang sarili mo ts. pag-isipan mo nang mabuti yung sitwasyon.
pag-isipan mo na, itutuloy mo pa ba yung relasyon niyo? meaning handa ka bang tanggapin yung bata if ever nga na magkatuluyan kayo sa huli ng GF mo? handa ka ba sa idea na tanggapin yung bata na parang sayo na rin...?

kasi in reality, ang kailangan talaga nung babae eh someone na kaya silang tanggapin at alagaan ng anak niya. hindi lang basta-basta 'boyfriend' na magmamahal lang sa kanya. so dapat mag-isip ka na kung handa ka bang pagtugunan yun kung plano mo talagang maging kayo hanggang sa huli.

agree din ako dun sa ^ isa. sana kung balakin mo mang ituloy ito at tanggapin yung sitwasyon, then make sure na tatanggapin mo sila nang buong puso at hindi dahil sa awa lang. hindi kasi tama at mahirap kung purong awa lang ang paiiralin mo dahil ang awa, madaling mawala yan. maraming pwedeng mangyari in the future na pwedeng mag-trigger sayo na bitawan ang 'awa' na yan. kaya sana, tanggapin mo sila nang buong puso kung sakaling handa ka nang ituloy at tanggapin ang sitwasyon niyo.

sana lang makapag-isip ka nang maayos at gawin mo ang tama.
kung ano ang tama, well, depende na lang yan sa nararamdaman at magiging desisyon mo. at siguraduhin mong totoo ang nararamdaman mo at hindi mo gagawin ang "tama" para lang sabihing tama ang maging desisyon mo. siguraduhin mong iyon din ang gusto mo.
 
Last edited by a moderator:
Mag 4 mos na kami ng GF ko halos seryosong seryoso na kami. Lagi kami nag uusap. Lalo na about sa future . guys pa sensya na po kung medyo maguguluhan kayo o maliligaw sa kwento.


Mag 4 months palang kayo.. The best way to decide.. iiwanan mo ba siya dahil hindi niya sinabi agad sayo? or tatanggapin mo siya ng buong puso at walang
pagsisi.. tandaan mo mabilis umikot ang oras kaya dapat habang maaga makapag decisyon ka na dahil pag pinataggal mo pa yan lalo lang ninyo pahihirapan
ang mga sitwasyon ninyong dalawa..


iwanan mo siya dahil? tandaan mo masasaktan mo talaga siya..
bata ka pa madami ka pang tatahakin kaya piliin mo yun sa tingin mo
masmakakabuti sayo goodluck TS :hat:
 
May excess baggage pala yang gf mo. Sana settled na ang issues nila ng ex niya para if ever you decide to stay eh alam niyo na ang gagawin i assume di niyo pa yan napaguusapan kasi di pa siguro nagsisink in sayo pero brad masyadong complicated ang pumatol sa single mom, siguro sa una sige ayos lang yan but when problems arise na at involved ang anak niya dyan na papasok ang complications.

Wag ka muna magpadalos dalos ang desisyon at wag mo muna akuin ang rsponsibilidad sa anak niya, iassess mo muna kung yan ba talaga ang gusto mo, how badly you want to be with her na iseset aside mo ang fact na may anak na siya. (Though there is nothing wrong with having a kid pero real talk tayo di ka pa financially able at di ka pa nga nakakatapos).

Tandaan mo estudyante ka pa lang, dapat ineenjoy mo ang buhay mo at ang dapat pinuproblema mo paano makagraduate hinde yung paano bumuhay ng instant family.
 
unang una sa lahat saludo ako sayo kase isa kang working student :salute:

anyway, totoo man o hindi yung sinabi nya na may anak sya, alam mo na dapat mong gawin ts, halatang halata ka lang talaga na wala sa wisyo. kasi nasa previous post mo na ang lahat ng sagot sa tanong mo :approve:


dorolan05;20834492 [B said:
Ako po ay isang estudyante pa lamang sumaside line bilang service crew.[/B]
aral aral muna pag may time, focus muna sa studies. once makagrad ka na at may stable na job, babae ang lalapit sayo :yes:

Napaka hirap ng buhay at alam natin to.
kaya nga, napaka unwise na yung sweldo mo na suppose to be pang allowance mo na lang sa pag aaral/pang tulong sa family eh napupunta pa sa pang date at pang check in sa...................sa airport :lmao:

tsaka advisable talaga na dapat MAYAMANG chicks din ang tinatarget mo ts:lmao: :approve:joke


At medyo nasa crisis din yung pamilya ko.
since single ka pa naman(not married), i believe, mas priority mo ang family mo above anyone else:yes:
 
Last edited:
my advice... BALANCE...
if isip lagi ay naku magugulo lang ang decisions mo in any aspect of your life
if puso naman magiging padalos padalos ka sa decision mo..

any thing in balance are in order...
any excess eh may downsides na minsan in decision making eh irreversable..
just balance your mind and your heart.. kung lagi isip labas niya baka mging cold hearted ka... if puso naman malamang everyone will call you fool..
 
4 months pa lang kau ts, OA ka nmn sa di mo kayang iwan yan.
Kung ako sau, iwan mo na yan. Student kplng at di ka nmn mayaman.
Walang mararating yn relationship nyo.
Kung ako sayo, maghanap ka ng kapwa mo student ng maenjoy mo buhay college or highschool.
Ikaw na nagsabi mahirap buhay ngaun. Gusto mo pa ba magdagdag ng 2 sa budget mo.
At di ka dapat maawa sa gf mo, dahil makakahanp din yan ng para sa sakanya, pero sa status mo ngaun hindi ikw ung para sa kanya.
 
Last edited:
Agree ako kay gio. Nasa post mo na ang sagot sa tanong mo. Focus ka muna sa sarili mo. Studies muna, then your own family, para wala namang masabi sa iyo pagdating sa pagiging anak mo sa magulang mo.

Ang 4 months ay masyadong maikli para italaga mo na na siya na ang gusto mong makasama habangbuhay. Kilalanin ninyo pa ang isa't isa nang mas mabuti (nagulat ka nga sa pasabog niyang may anak na siya 'di ba?). Ang 4 months ay matagal na ring panahon para amininin niya sa iyo ang tungkol sa nakaraan niya. Dapat mas maaga niyang inamin sa iyo. Disclaimer agad dapat kumbaga. Hindi 'yung kung kailan "lulong" ka na sa kanya eh saka niya isisiwalat na nanay na pala siya. Parang kumakain ka sa isang restaurant, nai-serve na sa iyo ang pagkain, nilantakan mo na at gusto mo nang i-status sa FB na favorite food mo na 'yon. Iniisip mo nang i-take out at bayaran ng perang pinaghirapan mo, kaso may biglang nagsabi "Sir, ok pa rin po ba kahit kagabi pa 'yang kinain ninyo?" Wow, anlabo 'di ba?

May dahilan siya sa paglilihim sa iyo at mahalagang marinig mo iyon for sure. Pero mas mahalaga ay kung ano'ng nasa likod ng dahilan ng paglilihim niya. Dahil kung talagang mahal ka niya at hindi lang siya naghahanap ng "sandalan", open at honest na sana siya sa simula pa lang.

In the end, desisyon mo pa rin 'yan. Pero ang tanong, kailangan mo na bang magdesisyon ngayon? Gayung may mga bagay kang dapat na mas pinagtutuunan ng atensyon?
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom