Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Q]Tuberculosis

jaylordamar03

The Devotee
Advanced Member
Messages
346
Reaction score
1
Points
28
Hello ka symb,

Short story:
October 14 nilagnat ako at sipon ubo. After a week gumaling naman pero ung ubo naiwan.
October 21 pumunta na ko sa doctor para mag pa check up, nag reseta siya ng gamot for 1 week pag di pa din daw nawala balik lang daw.
October 28 bumalik ako kasi pa din nawawala eh, this time grabe na ung ubo ung parang may buhok sa lalamunan, tas sakit ng dibdib ko pag humihinga ng malalim (right side) tas sakit ng lalamunan ko parang nagagasgas kakaubo. Nag refer siya ng xray.
Same day nag pa xray ako, pero results ay sa Nov 3 pa makuha kasi holiday.
Nov 3 result ng xray may "cavity sa upper right lobe, tas koschs disease" -di ko na maalala ung nakalagay sa result tinatamad akong kuhanin hehehe- pero yan un. Interpretation may TB daw ako sabi ng doctor, nagulat talaga ko kase wala naman akong bisyo. Naapektuhan din talaga ung job hunting ko dahil sa sakit ko mag 8 months na kong jobless tinamaan pa ko ng ganitong sakit na 6 months ang gamutan.

Any ways, un nga reseta siya sakin ng fixcom 4 na gamot 4x a day sabay sabay every morning after ng almusal. Tas ultima vitamins pam palakas siguro.
Nov 4 start ako mag take ng medication, sa first week parang walang nag bago. Same pa din sharp pain sa right chest pag humihinga, madalas umubo sobra umaga gang pag tulog.
Nov 16 start na ng ubo kong may plema, tas may dugo ng kasama. Mga unang araw spot spot lang sa spit pero after ilang araw dugo na lang siya talaga malapot makapal.. Minsan fresh blood.
Ngayon, nabawasan na ung ubo sobra pero meron pa din lalo na sa gabi pag matulog, laging may kasamang dugo yun. Pero at least nabawasan ung ubo sa hapon. Dati kasi maghapon talaga garalgal eh.

Hirap pala ng sakit ba to biglang na lang tatamaan, wala naman akong bisyo. Medyo nasisira na ung career ko sa job hunting kaso natigil, tas lalo na sa relationship medyo apektado kase walang trabaho.

Sa mga nagkaTB na gaano katagal bago kayo naging fit to work? Or need talagang tapusin ang 6months bago makapag work?
Bago nawala ung ubo niyo? Hanggang ngayon meron pa din kasi ako eh, sa nababasa ko 2weeks pa lang daw ng medication nawala na ung ubo.
Kamusta ang naging medication niyo? Bumabalik ba ung tb?
Ramdam niyo ba ung side effects ng fixcom4? Kase ako oo eh madalas ako magsuka after kumaen, inuubos talaga lahat ng kinaen. Tas mabigat pakiramdam ang bigat. Tas madalas antukin.

Un lang share share lang.

EDIT (dec 5):

December 4 ung 1st month ng medication ko at feeling ko naman naging magaan and pakiramdam ko. Pinayagan na din ako ng doctor na mag GYM basta light weights lang daw, maganda din daw kase lalakas ang katawan ko.

Yung ubo same pa din hindi pa din nawawala, pero nabawasan na. Nakakahinga na din ako ng maayos. Pero napansin ko ngayon, medyo maplema ung feeling ko sa lalamunan ko. Tas pag ubo ko may may kasamang plema minsan may spot pa din ng dugo minsan plema na lang talaga na white.
 
Last edited:
share ko lng karanasan ko before..i was a patient of the same disease. pero wla akng naramdaman na sintomas prior to medication. wla akng ubo, wlng lagnat at wlng sip.on. bigla nlng lumabas yong dugo sa baba ko from lung. then, after the day na naranasan ko yon i went to hospital to have a checked-up. then, i was advised to have an x-ray. at don ko nalaman na may cavity yong upper right lung ko kaya advised namN NG doctor to undergo sputum exam. when they got my sputum (tatlong beses sa tatlong araw ata yon) they found nothing bacteria of tb but i was advised to enroll in tb medication for 6 months. natapos ko ang 6 months nawala yong cavity but i suffer a side effect ng paninikip ng dibdib for almost two years and a LBM for almost 6 months but i thank God ngayon kac ok na ok na ako...advise ko lng sa yo bro, wag lng magpuyat tapos inom ka ng maraming tubig araw araw para hindi tamaan yong kidney mo. Taz, manalangin ka kac hindi lahat ng naka.undergo ng tb medication successful. marami akong classmates noon na hanggang ngayon ganon pa rin. taz, yong trabaho mu, maghanap kng ok na yong pakiramdam mu. mataas na yong three months basta't wag ka lng magpupuyat, maninigarilyo, uminom ng alak at higit sa lahat wag kang buhat ng mabibigat..

God Bless Bro at wag mong kalimutan manalangin araw araw
 
Salamat sa advice it really helped me. And yes, sobrang alaga ko na sarili ko, di na ko nag pupuyat tas daily routine ko na sa umaga ang light exercise tas paaraw sa umaga at syempre maintenance sa gamot at pray din talaga sobra. At wala ding talaga kong bisyo kaya nag taka ko kung pano ko nakuha tong sakit ko.

Sana maging fit to work nga bro after 3 months medyo gusto ko na talaga bumalik sa pag tatrabaho.
 
airborne ang tb paps, kaya eat din more good foods hehehe, yan lang share ko.
 
Tuloy mo lang ung gamutan tapos iwasan mo na ung bisyo. Sa pagpupuyat, basta wag ka magpapagod.
Ang TB din kasi minsan nakukuha sa Allergy. Una allergy allergy lang tapos bigla magkakacavity na.
wag ka lang magisip isip ng kung ano ano. kaya mo yan. :)
Ung mga di gumagaling, un ung mga pabaya sa gamutan. Kaya wag mo isipin na di ka gagaling. :thumbsup::thumbsup:
 
Eat ka lagi prutas at gulay. Siguro sa manila ka nakatira ts? Polluted dun eh at isa sa mga cause ng tb. Take ka din ng vitamin C, yun ascorbic acid ha wag yun may sodium.
 
Thanks bro. Sa ngayon talagang focus ako sa medication ko. Di ko naman iniisip na di ako gagaling actually sobrang gusto ko na nga gumaling hahaha kaya sobrang disiplina ko sa sarili ko pag dating sa inom ng gamot, tulog at sa kinakaen ko.

Yup tama ka, may nakakwentuhan din ako na may TB kaso umulit sa gamutan kase akala niya magaling na siya after 2 months kaya tinigil na niya ung gamot.

Oo, sa metro manila nga. Siguro nga isa din sa factor ung pollution pag nag babyahe or yung pagiging 2nd hand smoker ko nung College hahaha marami din kasi akong tropa nung college na malakas mag yosi, pero wala naman sila sakit ngayon. Yup sa ngayon isa yan sa iniinom ko Ascorbic acid at Ultima vitamins at sa 1month na medication ko nararamdaman ko na effective ang gamot.
 
kakatapos lang ng wife ko yung 6 months na treatment last nov, although may scars pa sa xray ay approved na ng doktor at may medical certificate na sya na fit to work at scars na lang yung makikita sa xray. swerte naman na hindi ako nahawa pero ingat din kao sa sarili. province kami nakatira nakuha nya lang yun nung nagkatubig ang baga nya pero ngayon ay ok na sya.

payo ko lang sa mga nagundergo ng 6months treatment ay ituloy nyo lang po yan, wag kayo titigil porket nagiging maayos pakiramdam nyo or wla kayo nararamdaman, kasi my pagkakataon na kapag tinigil nyo ng wla pang 6months ay may chance na babalik yan at magiging immune na sa previous medications nyo so meaning iibahin ng doktor ang reseta at mas matapang na gamot na pwede makadamage ng kidney natin balang araw. nakwento samin ng pulmonologist namin na my ganun nga daw na di na nabalik pag nakaramdam na feeling ok na pero ung sakit ay bumalik pa din.
 
6months ba talaga before i-clear at i-declare na fit to work ang patient? or pwedeng mas maaga basta hindi na nakakahawa at talagang maintenance na lang hanggang matapos ung 6 months?
 
6 months tlaga yan sir gamutan, after 6 months then iche-check ka ng doc mo via xray o ung nilalagay sa inner skin ba yun para malaman na wala ka ng tb, pero may doc na pwede na makapasok sa job, pero nasa doc decision yun kung papapasukin kana.
 
ts nagka sakit din ako sa lungs last year almost 1 year ko din nilabanan di lang matukoy kung tb or pnuemonia na confine nako sa hosp for 1 month pero di ako gumaling nung umuwi ako sa bahay pinainom ako araw araw ng nilagang dahon ng papaya tapos 2 itlog na bisaya kada umaga tyaka dasal ts wag mo kakalimutan tumwag sa taas. from 50 kilos naging 20kl ako tas hinang hina nako makalakad almost 1 year ko nilabanan sakit ko ayun awa ng Diyos magaling nako :)
 
Sabi nung sa health center, mas prone ka din sa tb kapag palagi kang nasa kumakain ng streetfoods, bbq, at yung karenderya na walang sanitation.
 
ahhh depende pa rin talaga sa doctor no.. Hinahantay ko lang mag 2nd month ung medication ko para makapag pa xray na ulit ako. Un kasi sabi ni doc sakin, after 2 months ng medication xray ulit para makita kung nagimprove ung skait ko sa gamot at mag me-maintenance na lang ako. Well sana, ma clear niya ko para makalipad na din.

ts nagka sakit din ako sa lungs last year almost 1 year ko din nilabanan di lang matukoy kung tb or pnuemonia na confine nako sa hosp for 1 month pero di ako gumaling nung umuwi ako sa bahay pinainom ako araw araw ng nilagang dahon ng papaya tapos 2 itlog na bisaya kada umaga tyaka dasal ts wag mo kakalimutan tumwag sa taas. from 50 kilos naging 20kl ako tas hinang hina nako makalakad almost 1 year ko nilabanan sakit ko ayun awa ng Diyos magaling nako :)

Aw tol, grabe nangyari sayo. Pero buti okay ka na. Kaen ka lang marami tol, makakabawi ka din.

Sabi nung sa health center, mas prone ka din sa tb kapag palagi kang nasa kumakain ng streetfoods, bbq, at yung karenderya na walang sanitation.

Pero un nga, hindi rin ako madalas mag street food. Pero canteen naman na kinakainan ko dati malinis kase sa office un. Sa puyat daw siguro nakuha dahil bumagsak ung immune system ko kaya lumakas ung bacteria.

sa ibang TB patient at nangangambang baka may TB, try kong i-update ung tong thread about sa medication ko para may idea kayo.
 
I Feel you bro. Be a Warrior bro i was the same as you before.. besides i almost take a med in 1year and 6months..
then after 3 years bumalik.. Pero now Solid nako Macho pa...

TIPS:
Magbilad ka sa Araw bro sa Umaaga tapos Jogging ;3
kesa mag Vitamins ka, kunin mo sa foods yung Vitamins.
Iwas puyat. Tapos FIGHT FIGHT lang!

Godbless bro kaya mo yan.
 
Yung kapatid ko undergoing medication na and mag wa 1 month since nadiscover na may TB siya. Pero meron siyang fit to work. Kinakabahan nga ako para sa kanya kasi baka imbes na gumaling lumala kasi nagttrabaho siya.
 
Thank you bro, HAHAHA! Sobrang FIGHT FIGHT talaga ako ngayon. Bat tumagal ang medication mo bro, 1 year and six months? Bumabalik din pala ang ang TB noh dapat talaga alaga sa katawan. Kaya naging lesson din sakin tong sakit ko eh, na alagaan talaga ang katawan.

Yup bro, yan din ang routine ko sa umaga paaraw pero hindi ako nag jog, walking walking lang. Medyo mabilis ako hingalin eh pero pinagpapawisan naman dahil maganda ung sikat ng araw sa umaga. At yung puyat talaga, yan ang sobrang iwas ko, 8 hours of sleep talaga araw araw ang target ko.

Yung kapatid ko undergoing medication na and mag wa 1 month since nadiscover na may TB siya. Pero meron siyang fit to work. Kinakabahan nga ako para sa kanya kasi baka imbes na gumaling lumala kasi nagttrabaho siya.

Awts, sana maging okay na din ang kapatid mo. Pero ang galing fit to work pa rin siya. Kase yung ibang kasabayan ko sa health center pinag leave daw sila eh kasi company regulation daw un kasi nakakahawa daw ung sakit kaya need muna mag gamot. Pero baka ung TB niya eh ung Latent Type kaya siguro fit to work pa rin siya. Halos magkasabayan din pala kame sa gamutan. Good luck samin.
 
graduate na din ako jan sir, advice wag talagang makalimot mag take ng medicine wag puyat.
 
Marumi na rin kasi hangin ngayon eh lalo na sa city tapos baka bad lifestyle din gaya ng lagi nagpupuyat at wala exercise.
 
Back
Top Bottom