Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Question]Madamot at Pabida?

w33haaa

Symbianize Elder
Veteran Member
Messages
1,101
Reaction score
14
Points
128
Good day to all,

I just want to settle an argument with my prof di kasi ako manalo masyado siyang malakas. :lol:
Ang sitwasyon kasi is ganito, pinahiya nya ko sa klase at pinaparinggan nya ko as the title says na madamot at pabida.
The story is meron kasi kaming parang baby thesis di baga sa aming mga programming-related course (all 4 of my major subjects are affected.)
Ako, when it comes to programming enthusiastic kasi ako at ayoko na ng hassle later. So ako within a week ginawa ko yung system na pnpropose ko.
And then pinakita ko sa kanya. (Eto yung mga panahong di pa nya natuturo kung pano yung mga approach-approach when it comes to programming.)
So judging by this para bagang sinasabi nya di ko siya sinunod, in short, pabida.

In my defense, wala akong ibang sinabi, pinakita ko lang yung program ko kasi nga ayoko ng hassle na sa huli magpapanic kasi wala nang time.

Madamot, madamot daw ako kasi hindi ko daw shnashare yung knowledge ko sa mga classmates ko. And by knowledge I meant sourcecode.
Nagtuturo ako sa mga classmates ko pag nagtatanong sila, pinaggawa ko pa sila ng algorithm ng system nila ang di ko binibigay ay yung sourcecode ko.
Kasi si sir na rin nagsabi, SourceCode is an intellectual property.

So ang tanong ko, sino ang mali, ako ba o si sir? Kasi pinahiya nya ko, everybody thinks na ako'y pabida at madamot.
Salamat sa input!
 
Base sa pagkakabasa ko , Bakla yang prof mo 100%. Siya nga ang prof e dpat siya ang obligado na magturo, parang ikaw pa ung pinupush na magturo sa mga classmate mo, sabihin mo "sige ba sir, tuturuan ko sila tsaka bigyan ng sourcecode basta may sweldo ako, ako na prof". Mahirap yang kalagayan mo :) Mukhang namemersonal yang prof mo, bka i tres ka nyan ( pagganun ireklamo mo haha ). Mali tlaga ang prof mo. Dapat na sabihin ng prof, " walang kopyahan ng source code, dpat thesis mo code mo, para matututo tlga na magcode" yan ung normal n dpat sabihin ng prof e. Nakkidalamhati ako sayo TS :upset:

Dagdag ko lang , dpat nga maging proud pa ung prof mo sayo kc nakatapos ka sa baby thesis nyo , may mga naapply ka na ndi nya naturo/ o kaya ndi masyado naturo.
 
Last edited:
isang malaking insecure yang prof. mo. but syempre kung ganyan na ang pakikitungo sau ng prof. mo maaari mo na ipadaan sa faculty yan para maipatawag yan makapag-usap kau harap harapan kung ano ba talaga ang problem nya sau.
 
Madamot ka pala eh.. Dapat kasi binigay mo sa Prof mo source code mo, para may makuha syang idea sa ginawa mo.. hahaha...

Ang lagay eh, mukhang hindi sya nagtuturo ng tama, kaya yung iba mong classmate kinakailangan mo pang turuan.
 
baka gusto niya ishare mo sa kanya, nasa chapter 1 palang daw kasi siya, inuunahan mo yan tuloy haha
 
para sakin ok yang ginawa mo. hahahhahaha :dance:
mali diyan syempre yung prof mo. eh hahahaahha asar sayo yan inunahan mo eh hahahah :lol:
tama lang din yan ginawa mo na wag bigay sourcecode. madami paraan para ishare yung knowledge na di pinapakita/bigay sourcecode.
dapat pa nga siya matuwa kasi may student siya na katulad mo na dapat tularan.
 
Mali yung ginawa nong prof. mo TS siya yung pabida, kung ako yan sumbong mo sa head ng faculty niyo or kung ayaw ka pakinggan punta mo agad sa Dean or kung ayaw ka pading sa VP or President ng School niyo. Tas sayo naman TS, siguro nag caution ka nong nagpacheck ka na. Dapat siguro hinintay mo nalang yung Go signal niya para mag check, parehas lang tayo ng gawain TS, pero ako di ko tinatapos agad agad kasi yun nga, baka may masabi sila. Kasi yung mga ganyang klaseng taong may "Crab Mentality" mahirap kalabanin, baka isumpa ka pa Hahaha. Imho, Go lang TS i-push mo lang kung ano yung gusto mo hanggat alam mong wala kang nilalabag na Rules & Regulations. :thumbsup:
 
"Bakla yang prof mo 100%" I totaly agree with this :rofl:
Defence mechanism lang yan ng prof mo para hindi mahalata na mas magaling kang mag sulat kesa sakanya :thumbsup:
 
Prof mo ang may sapak sa ulo. Never share the sourcecode at all cost.You built in on your own.At ang kapalit nun ay Grade at hindi Thank you lang. At kung prof sya dapat alam nya din kung pano yun. Actually sa Wide-Knowledge nya dapat alam nya as he bears the title of being a Professional. And he requested it in rude way.
 
Sa tingin ko yung prof mo ang may problema. Hindi dapat sya ganyan, halos lahat ng programmer hindi basta2 nagsshare ng source code kase alam nating lahat na pinaghirapan natin i-construct ang mga yon, hindi un parang sagot isang tanong sa quiz na pwedeng ipa-kopya nalang basta basta.. maliban nalang kung bbilhin nila :)
Crab mentality nga naman tsk.
 
Just follow the instructions stated by your Professor.
 
Salamat po sa feedback, medyo naliliwanagan na po ako.
Medyo nararamdaman ko na rin po yung pamemersonal nya :

1. Kami lang yung nakakuha ng less than 90 na grade dun sa sinubmit naming code fragment at accomplishment report. 86 lang nakuha ng grupo ko.
2. May classmate ako na naka 90 pero di nagana yung CRUD niya, as in copy-paste lang at untested, hindi tnest ni sir yung functionality ng system yet naka 90 sila. Kami fully functional system namin 86 lang.

Also may follow-up question po ako.
Is CRUD really necessary? Applicable po ba siya sa lahat ng system that requires a database?
Gusto ni sir kasi lahat may CRUD e para saken di naman necessary yung CRUD di naman pare-parehas ang approach ng systems.
 
Last edited:
Also may follow-up question po ako.
Is CRUD really necessary? Applicable po ba siya sa lahat ng system that requires a database?
Gusto ni sir kasi lahat may CRUD e para saken di naman necessary yung CRUD di naman pare-parehas ang approach ng systems.

Sa part na ito, somewhat nararamdaman ko yung pabida part. Kadalasan nae-encounter ko ito special sa mga baguhang web developer who like to skip the basics and assume that those basics are irrelevant to the work they'll be doing. Sometimes they assume they already know how different system work. Isang magandang halimbawa ng mga taong ganun ay yung mga nae-encounter kong nagskip ng basic javascript nila at dumiretso ng jQuery dahil hindi na daw kailangan ng basic dahil jQuery naman ang gamit. Nung naging complicated lang ng konti ang requirements sa script lahat ng ginagawa nila sa akin na pinasa kasi hindi kaya ng alam nila dahil paggamit lang ng jQuery ang laman nila.

Back to your question: Mag-enumerate ka ng mga ginawa ng isang system na gumagamit ng database, it will always involve at least one of those operation (Create, Read, Update, Delete). User registration? Create. Login? Read/Update. Reports? Read. Try mo ring magbasa tungkol sa scaffolding then try to answer your question if CRUD is necessary :) .

Ganyan din ako nung estudyante pa ako. Advance reading at self-study sa mga topics at languages na wala sa course outline. Pero aware ako na may skills/concepts na hinahanap ang prof dahil yun lang ang bibigyan ng grade. Kaya kahit anong paganda ko sa mga machine problems / project noon, I still make sure that I get the things/parts the prof will actually give points to. Yung GUI etc, bonus points na lang yun, minsan wala pa.

Just make sure na ma-satisfy mo yung requirement ng prof before all else, gaano ka-boring/basic/unnecessary yun para sa iyo.
 
bka nangyari, yung structure ng program mo hindi maintainable kahit gumagana ( too cluttered yung code ). since CRUD usually 1+ method for each functionality.
 
same tayo ng strategy when in it comes for thesis making, prelim palang namin naghahanap na kaagad ako ng client at sinisimulan ng maaga yung system/software. Tama ka din na ang hassle nga pag malapit na ang deadline tapos saka ka lang gagawa and para sa professor mo, di ko alam kung insecure sayo o baka naman may alitan na nangyare sa inyo kaya ka pinag iinitan. 'Di ka naman pabida bida at madamot, sadyang passion mo lang ang codes at maagap ka. Keep it up :thumbsup:
 
Eh baka naman kasi sir pinakita mo na agad yung system mo kahit wala pa syang go signal na ipakita sa kanya. Masasabihan ka nga nya talaga na pa bida ka. It is good na sinimulan mo na yung system mo syempre para matapos na agad, sabi mo nga para wala ng hassle sa huli. Tama nga naman and maganda naman intention mo kaso nga lang dapat naghintay ka muna ng further instructions nya. Mahirap kasi yung nagkakaroon ang estudyante ng conflict sa kanilang mga professor which is sabi mo nga nararamdaman mo na yung pamemersonal nya which is epekto nung ginawa mo at baka makanti mo ng konti yang prof mo bigyan ka pa ng singko.
 
Back
Top Bottom