Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ramadhan - bakit kameng mga muslim ay nag aayuno (Fasting)

dwarven24

Symbianize Elder
Advanced Member
Messages
1,079
Reaction score
2
Points
28
Magandang Umaga/Gabi/ Tanghali/Hapon sa inyo mga kapatid.

konting kaalaman lang po para sa inyo kung bakit kameng mga muslim nag aayuno tuwing buwan ng Ramadhan.

isa sa mahalagang aspeto ng pagiging muslim ay ang pag sunod sa utos ng Diyos na si Allah.

so, inutusan kame ni Allah na mag ayuno, sabi niya.

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُتِبَ عَلَيْكُمُ الصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى الَّذِينَ مِن قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
O you who believe! Fasting is prescribed for you as it was prescribed for those before you, that you may have Taqwa. 2:183

so, nagaayuno kame para magkaroon ng Taqwa.

at ano ang Taqwa?. ang Taqwa po in short ay parang, "proteksyon, consciousness, mindfulness, awareness".

examples:

-pag naglalakad ka sa matinik na daan. ang pinaka mainam na gawin ay, maging mapagmatyag sa lalakaran para hindi masugatan.

sa makatuwid, kailangan natin maging aware sa ating mga ginagawa sa mga gawain sa buhay.

so bakit pagaayuno?. ano ang konesksyon ng pagaayuno sa Taqwa?.

nagaayuno po kame from sunrise to sunset, so around 15 hours of walang tubig at pagkain.

ang nangyayari sa ating katawan ay humihina tayo at naguumpisa na magkagyera sa ating katawan, yung lalamunan ay humihingi na ng tubig at ang tiyan humihingi na ng supply ng pagkain kungbaga, parang bumobulong sila na 'sige na, kain na, inom na', kungbaga, suwayin mo na ang utos ni Allah.

pero ang nangunguna ay ang pagsuko kay Allah at hindi ang aming kagustuhan.

so, ang pagaayuno ng isang buwan ay matuturing na parang isang training. sa training, prinapraktis natin ang kung ano ang dapat ang ipraktis para pagdating ng totoong laro, ay magagawa natin ang mga dapat natin gawin.

pareho sa pagaayuno, kung pinagbawal sa amin yung mga halal (permissible) (kain, inom at pagtatalik sa asawa) na pwedeng gawin sa araw araw, eh mas lalong hindi pwedeng gawin ang mga haram (forbidden) (panglilibak, pangloloko, pagsisinungaling at iba pang masawa) na gawain.

kung baga, sa buwan ng Ramadhan, protektahan natin ang ating mga ginagawa, maging mapagmatyag, maging conscious dahil ito ay para sa atin para sa pagdating ng mga araw ay maging banal tayo sa ating araw araw na gawain. at dahil maging banal tayo ay isa sa mga pabuya ng pagiging banal ay Paraiso.

sabi ni Allah:

إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ
Indeed, the righteous will be among gardens and springs. 51:15

so ayun po mga kapatid, nag aayuno kame para magkaroon ng Taqwa, sa pagkakaroon ng Taqwa ay maging Banal at pagiging Banal ay mapupunta sa Paraiso.

at madami pang rason kung bakit kame nagaayuno, tulad ng, nararamdaman kung anong nararamdaman ng mga taong walang kinakain kaya't malaking pabuya ang magpakain sa buwan ng Ramadhan.


so yan lang po. at kung may katanungan pa kayo ay magtanong lamang at sasagutin namin sa abot ng aming makakaya.

Peace! :)
 
Back
Top Bottom