- Messages
- 1,123
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
sa akin kada service ko kasama na ang linis. ginagamitan ko ng canned air (air duster) maski laptop or desktop pa yan. kaya natutuwa ang mga customer ko pag kinukuha na nila ang computer nila sa akin. kasi nakikita nila na malinis ang computer nila maski yung fan ng power supply wala na silang makitang alikabok. dami ring natutuwa na nagpapagawa ng mga laptop sakin dahil napapansin nila na mas maganda ang performance ng laptop nila pag nalinisan ang cooling fan ng lappy. yan ang masasabi kong isa sa mga quality of service. di katulad ng ibang nagrerepair. pag nagpaformat ng computer ang customer talagang format lang ang ginagawa. wala ng linis linis, hindi man lang sinisilip ang loob ng desktop para makita kung madami ng alikabok. sa laptop naman hindi pinapakiramdaman kung maganda pa ang labas ng hangin ng cooling fan. kaya di nyo rin ako masisisi kung bakit medyo mataas ang singil ko. tulad ng sinabi ko, the way you charge is the way you work. mas mataas ang singil mo, mas mataas ang expectation ng customer sa quality of service mo.