Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Superior Na Ba Ang Tawag Sa Akin Kapag Female to Transgender Male Ako?

Alodia143

Proficient
Advanced Member
Messages
248
Reaction score
1
Points
28
Nag-iisip ako. Isip ako ng isip. Gusto gusto ko talaga maging tunay na tunay na tunay na lalake. Tipo physical na lalake talaga kaya hindi ako makatiis, ang gusto ko mag pa transgender na tunay na lalake. Iba kase ang feeling. Feeling na kapag lalake ay superior, na tipo tinitingala na mataas... hindi ko maipaliwanag pero iyon ang na peperceive ko. Parang ang sarap sarap maging lalake. Kaya napapa isip ako na from a weaker vessel na pinapaniwalaan ng nakakarami na isa katulad ko na meron katawan babae ay kung nagpa transgender ako na tunay na lalake ay matatawag na ba ako superior?

Ang problema lang kase ay ang pandak ko kaya nag aalinlangan ako magpa transgender ng lalake dahil baka hindi ako attractive as a guy. E diba sa mga lalake ay karamihan sa kanila ayattractive kapag matangkad?

Hindi ako nakaabot ng 5 inches height e. Gusto ko ang tangkad ko is 5'7", 5'9", 5'10" at 5'11".

Wala naman kase sa bansa Pilipinas ang surgical operation para tumangkad ang tao. Sa china ata ay meron. Alam niyo ba iyon? Tipo nakaratay ka sa bed sa mismo hospital pagkatapos ng surgical operation sa bone mismo in both legs. Aabot siya ng marami months or 1 year or more than years para maabot lang ang desire height na gusto mismo. Meron dadalaw na doctor or nurse para ma check kung meron improvement sa bone sa both legs na ginawa nila. Wala naman nun kase kaya nagdurusa ako sa kakaisip.

I need help po.

Ang tawag sa surgical operation na iyon is leg-lengthening surgical operation para tumangkad ang tao.

Talaga.

Wala dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung bakit. Samantala meron naman sa iba bansa. Nga naman lalabas pa ako sa iba bansa. Magastos lang iyon.

Pwede nga within months, matangkad na ako e. Nagpasurgical lang ako pero wala sa Pilipinas kase.
 
Last edited:
I do think you need to work on your CONFIDENCE first. Kahit naman po naging transgender na kayo kung ganyan pa rin ang way of thinking e wala ding mangyayari. You should not perceive yourself as someone weak. Ang daming lalaki dyan wala namang balls.

About sa height, I'm not aware of it. Pero siguro nga ok kasi gusto ko din tumangkad lols.
On serious note, if you want it, go and get it. Di rason na wala dito sa Pilipinas kasi kung meron man for sure mahal din. But be sure to research more kasi baka disgrasya ang abutin.
 
parang napakarami mong pera . wag ka nang gumastos at humanap pa ng pagkakagastusan. nasa iyo na lahat binuo ka ng diyos na perpekto at walang kulang...

iisa lang ang maipapayo ko sa iyo .... ....

BELIEVE IN YOURSELF ... kahit na anupa ang marinig mo sa ibang tao, just believe! un lang GOD BLESS sa iyo i
 
I do think you need to work on your CONFIDENCE first. Kahit naman po naging transgender na kayo kung ganyan pa rin ang way of thinking e wala ding mangyayari. You should not perceive yourself as someone weak. Ang daming lalaki dyan wala namang balls.

About sa height, I'm not aware of it. Pero siguro nga ok kasi gusto ko din tumangkad lols.
On serious note, if you want it, go and get it. Di rason na wala dito sa Pilipinas kasi kung meron man for sure mahal din. But be sure to research more kasi baka disgrasya ang abutin.

Ah ganun ba? Ito ang leg-lengthening surgical operation. Sa mga tao pandak at gusto tumangkad.


Meron lang ako self confidence kapag tunay na ako lalake. Magbabago na ang life ko. Magagawa ko na ang gusto ko. Hindi ko alam. Iba kase ang feeling kase. Iyon lang ang security ko.

parang napakarami mong pera . wag ka nang gumastos at humanap pa ng pagkakagastusan. nasa iyo na lahat binuo ka ng diyos na perpekto at walang kulang...

iisa lang ang maipapayo ko sa iyo .... ....

BELIEVE IN YOURSELF ... kahit na anupa ang marinig mo sa ibang tao, just believe! un lang GOD BLESS sa iyo i

Hindi ko alam kung meron ako body dysmorphic mentally disorder or ano pero hindi ko maiwasan mag isip e. Hindi na nga nakakapag connect sa tao dahil dito. I mean nawala na ako ng social skills. Hindi ko alam kung naging anti social na ako o ano. Meron kase nagagawa ang lalake na hindi ko magawa. Sa sobra obsessed ko ay naisip ko na limit lang ako dahil babae ako kaya hindi ko maramdaman talaga sa sinasabi mo na nasa akin ang lahat.

...basta everthing is so incomplete. Parang I want more na magkakaroon ng complete and perfect life ang akin. I want satisfaction and happiness.

Mababaw lang ang goal ko. Iyon lang ang goal ko kaya iyon ang inspirational at motivational ko para maka earn ng money. Iyon lang magastos talaga. Kapag nagchange ang lahat sa akin ay automatic I have perfect life.

Sabi nga ni Naruto, "If you do not like it, change it"

Problema lang ng akin is height.
 
Last edited:
Wala naman siguro aawat sa gustu mo pero maganda siguro magkaruon din ng anak
bago mag karuon ng katawang lalake nang sa gaun eh wala kang regret sa papapsukin mo po.
Para hindi lang Heneral kundi Kumander pa. :salute:
Kung sa height naman po. Eh siguro bagu ka magpalagay ng :) eh dapat may balat pa.
Sa mundo kc ng mga lalake e may ilang sabi-sabi na mabilis daw tumangkad pag dumaan sa ....tuli.
:noidea: 5"10 ft x 5.7 inch kc me. Di ko rin sure baka sa kaka exercise lang ata. (sorry napasok sa lifestyle)

Sa tanung na "Superior Na Ba Ang Tawag Sa Akin Kapag Female to Transgender Male Ako?"
Sa akin eh hindi po eh. ( skip natin about female supremacy theory.)
Una lang kc napasok sa isip ko yung "panghuhusga at pang babatikos"
Pangalawa wala sa gender po yun.
Kung sino ang mas intimidating (katawan man yan or brain) sila ang mas superior yun lang po.
 
Wala naman siguro aawat sa gustu mo pero maganda siguro magkaruon din ng anak
bago mag karuon ng katawang lalake nang sa gaun eh wala kang regret sa papapsukin mo po.
Para hindi lang Heneral kundi Kumander pa. :salute:
Kung sa height naman po. Eh siguro bagu ka magpalagay ng :) eh dapat may balat pa.
Sa mundo kc ng mga lalake e may ilang sabi-sabi na mabilis daw tumangkad pag dumaan sa ....tuli.
:noidea: 5"10 ft x 5.7 inch kc me. Di ko rin sure baka sa kaka exercise lang ata. (sorry napasok sa lifestyle)

Sa tanung na "Superior Na Ba Ang Tawag Sa Akin Kapag Female to Transgender Male Ako?"
Sa akin eh hindi po eh. ( skip natin about female supremacy theory.)
Una lang kc napasok sa isip ko yung "panghuhusga at pang babatikos"
Pangalawa wala sa gender po yun.
Kung sino ang mas intimidating (katawan man yan or brain) sila ang mas superior yun lang po.

Kilala ko ang sarili ko. Wala ako regret. Wala ako hilig sa bata. Wala ako maramdaman towards children pero harmless ako. Superior ang dalawa gender. Mas influential lang ang lalake kaysa babae, kaya majority thinks na lalake ang superior. Parents ko kase, ganun ang turo sa akin na basta lalake ay superior daw sila. Oo. Pagkatapos nagbabased on bible pa sila. Ipinalalabas na male moral authority reflect in society that masculine characteristic daw ang country natin.

Ganun.
 
Last edited:
kung yan tlaga gusto mo why not? may pera ka ba? kung meron edi go mo ung gusto mo. pero kung ako lang tatanungin bat ko sisirain katawan ko para lang sa bagay na yan? ngaun di mo ramdam magkaroon ng anak try naten mga 30-40s baka masabi mo sa sarili na nag sisi ka. ito ay payo lang :)
 
Naandiyan na ako sa edad na iyan. Hindi ko pa rin maramdaman. Hindi ko alam kung bakit. Maybe I have a heart of stone. Ata. Not sure. Hindi ko feel. Siguro, mararamdaman ko na gusto ko magkaroon ng anak kapag na in love ako sa mismo lalake pero hanggang ngayon, wala. Bato ata ako or evil ba ako or what. Nah. I will follow my heart na lang but, yeah, kapag na in love lang ako siguro pero malabo mangyari iyon sa tingin ko dahil ayaw ko ng lalake pero hindi ako galit sa lalake. Ang gusto ko sa babae.

P.S.

Huwag niyo na kase gamitan ako ng PSYCHOLOGICAL GUILT DRIVEN dahil hindi siya effective dahil really, wala ako maramdaman pagdating sa pregnancy, falling in love to men, having children or ano. As in zero. Sana nga maramdaman ko pero wala talaga. Wala.
 
Last edited:
Superior? Di ko sure pero yun na nga din ang norm na nakagisnan natin. Pero para sa akin, all genders are equal. Nasa sa tao na lang yun.

Anyways, kung sa magiging happy and satisfied ka sa possible outcomes ng plans mo, then go for it. Parang familiar yung method na sinasabi mo. Yun yata yung may bakal na ikakabit sa bones tapos i-aadjust sya from time to time para ma-dagdagan yung length.

Regarding naman sa pagkakaroon ng anak, by choice din naman yun. May mga tao or couple na wala sa plans nila ang magka-anak. Be it straight or now, nag-eexist talaga sila.
 
Whoa! another weird alien lady :wow:
Yung friend ko ditu ayaw din ng lalaki ngayun may family na.
( ^_^) <3 cute

(ok out na me about sa H&F :lol: at pasuk tayu sa L&F <3 )

Ma'am natry mu na po ba maki pag Flirt?
May friend ka po ba na boy?
 
Contentment siguro kailangan mo TS plus Confidence.
Siguro sinasabi mo na Confident ka
pero hindi.
Kasi naghahanap ka ng mga bagay
na magBoboost ng sarili mo.
Yung Confidence kasi nakikita
at nararamdaman sa isang tao
kahit na ano pa man ung
kakulangan nya.

You can still be Who you want to be
Maging kuntento ka lang at magkaroon ng kumpiyansa sa sarili.

Hindi mo na kailangang gumastos.

:D
 
Last edited:
Whoa! another weird alien lady :wow:
Yung friend ko ditu ayaw din ng lalaki ngayun may family na.
( ^_^) <3 cute

(ok out na me about sa H&F :lol: at pasuk tayu sa L&F <3 )

Ma'am natry mu na po ba maki pag Flirt?
May friend ka po ba na boy?

Noon ay meron ako male friend pero ako ang nag cut off. Mahilig ako sa cut off kapag meron kulang or/and feel ko na tumataas ang depression, stress and anxiety ko sa lalake. Hindi ako marunong makipag deal or makipag converse sa lalake. Last month, bago work at pagkatapos, first time ako nagkaroon ng male friend dahil sa kanya na panay text. Hindi kase ako nag iinitiate ng first move pagdating sa pakikipagkaibigan ng lalake at babae lalo na sa lalake, hindi talaga. Hindi ko talaga kaya. Mga ilan month, direct to the point ko sinabi na cut off ang friendship namin.

Twice, ginawa ko iyon.

Ang isa male friend ko ay gusto ako gantihan pero hindi niya tinuloy. Ang pangalawa, mabait. Ni let go ako.

Iba naman kase ata sa friend mo. Friendly ata ang friend mo sa mga guys kahit ayaw niya ng lalake and so, nagkaroon siya ng family pero ako talaga, pinuputol ko dahil hindi ko talaga kaya. As in cut off.

Pagdating sa babae, tumatagal sa akin at mas mahirap siya putulin ang relasyon when it comes to a friend pero kapag meron siya syota o asawa na lalake, kapag hindi ko feel, expect iyan na cut off siya.

Yeah, I am weird lady but at least, I am honest to myself kung ano ayaw ko at gusto ko na kaysa plastic naman and always nag prepretend pero hindi talaga siya iyon.

Anyway, hindi rin ako nakikipag flirt sa lalake dahil wala ako hilig.

So you can call me "cut off Lady" because mahilig ako sa cut off. Haha :lol:

Iyon ang rason why gusto ko ng babae dahil mas madali sa akin ang babae kaysa lalake. Sobra :)

E kase, kapag tunay na lalake ako kahit 1 million men all over the world ang pumalibot sa akin, na literal talaga. Pwede ako lumabas ng bahay, pwede ako manligaw ng babae at pwede ako habulin ng babae na wala alinlangan at pwede din ako makaruon ng marami friends na lalake at babae na wala alinlangan.

Siguro, no need to cut off na dati ko ginagawa noon.
 
Last edited:
Back
Top Bottom