Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Sa Paliparan

SA PALIPARAN
(awit ng OFW)

Akay akay ang maletang pinagtagpi ng pangarap
Sinusulsi ng pag-asang sa hikahos makaangat
Ang nilalaman nitoy, mga buhay at pangalan
na inaalayan ng ginhawang, noon pa inaasam.

Ikinukubli ang lungkot ng ngiting matamis
upang di mawari, ng pamilyang naghahatid
subalit sa sarili'y, di halos maisilid
ang mga pangambang, naglalaro sa dibdib

Ipinikit ang mata, nang maiwasang mangilid
ang nagbabadyang luhang, sa pisngi ay uukit
sinasambit mga bilin, ng garulgul na tinig
at mga paalaalang, ilang ulit ng inawit

Isang huling yakap, sa anak na kinalong
na di pa batid, ang buhay na papadaong
at sa maybahay, yapos, halik na pinabaon
na di matitikman, ng ilang buwan o taon

At di na mapigilan, kahit pilit naisin
umabot na sa sandaling, sadyang lilisanin
at tanging alaala ang sya munang aakapin
patungo sa ibang bayang di alam ang sasapitin.
 
Last edited:
galing naman.. :) nakakalungkot ngunit yan talaga ang realidad sa mga bagong bayani natin.

ganda ng mensahe.. keep it up :thumbsup:
 
Back
Top Bottom