Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Sa Iyong Pag-gising

“Sa Iyong Pag-gising”

Di mo alam kung gaano ka sakit na ikaw ay panoorin.
Habang ikaw ay nahihimbing pinipilit na ikaw ay unawain.
Nagdurugong puso ko’y di na maampat ng malakas mong hilik.
Ngiti sa aking mga labi’y walang katiyakan kung kailan magbabalik.

Pinipilit na lamang maging manhid sa mga sakit na nadarama.
Pinatay mo man ang aking kaluluwa ito ay patuloy sa paghinga.
Sa iyong pagsasaya naiisip mo ba na may isang taong nasasaktan.
Tinitiis na lamang ang mga hapdi ng latay ng iyong kasinungalingan.

Ang aking mga panaghoy ay di mo pinapakingan, di pinapansin.
Pag-ibig kong tapat at dalisay kalian mo pa kaya tatanggapin.
Mundo ko’y pinaglaruan mo at binasag ng iyong pagiging salawahan.
Ngunit ‘di parin kaya na sayo’y lumayo, natatakot na ako’y iyong iwan.

Paano ko ba bubuksan ang mga nakapikit mong mata.
Ang mapanlinlang na mundo kalian mo kaya makikita.
Ayoko kong masaksihan, ayokong marinig na ikaw ay paiyakin.
Mga hikbi mo at pagluha ay di ko kayang matiis di ko kayang lunukin.

Pwede bang gumising ka na dahil baka ako ang maunang magising.
Sa aking mga mata’y baka may muling magtatanggal ng mga piring.
Paano kung sa pag-gising mo wala na pala ako.
Sabagay sino ba ako,?wala namang halaga sayo.
 
Back
Top Bottom