Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)


Secret Valentine
"Ang love story ng Candy at Yosi"







Ito po ang kauna-unahang pagtatangka ko na sumula ng isang kwento.
20.gif


Naisip ko lang po na itry ang ibang medium ng pagsulat.

Madami ng mga magagandang storya ang naipost dito at isa yun sa mga naghikayat sa akin na sumubok ding gumawa ng isang kwento.

First time ko po kaya be gentle
33.gif



39.gif

By parts ko din po iuupdate ang kwento na ito and your comments and feedbacks would certainly help.



Index:

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

Part 9

Part 10

Part 11

Part 12

Part 13

Part 14

Part 15

Part 16

Part 17

Part 18

Part 19

Part 20

Part 21

Part 22

Part 23

Part 24

Part 25

Part 26

Part 27

Part 28

Part 29

Part 30

Part 31

Part 32

Part 33















 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (17)

update na sir.. Ganda talaga ng story.. Relate much ako pero d ako nagyoyosi..hehe naggigitara lang..
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (17)

sir pa update naman po ng story nahook po ako sa story nyo may pagka bookworm kasi ako kya mahilig magbasa ng story like dito sa symbianize.ganda po ng story ni misha at jc.
thanks po
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (17)

sir update po pls maawa po kayo sa amin ganda po talaga ng story many thanks
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (17)

Update na po sir.. Naadik ako sa story nyo..
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (17)

ts wala pa po update??thumbs up!:)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (17)

Eto na po yung latest update sa ating kwento. Pasensya na po at napag-antay ko kayo ng matagal. Salamat din po sa iyong pasenya at pagtyatyagang mag-abang. Enjoy reading:hat:




Part 18

Araw ng valentines.. Abala lahat ng mga tao sa skwelahan dahil sa programa sa gabi. Ramdam mo ang ambiance, makakakita ka ng mga babaeng may bitbit na flowers galing sa mga bf o manliligaw o kahit mga admirer lang. Madami din magkapareha na nagplaplano kung pano icecelebrate ang araw. At higit sa lahat madaming discount card na ipinapamigay.

Ganito ang senaryo na nadatnan ni Misha sa skwelahan. May mga booth pa nga gaya nung foundation day para mapasaya ang mga tao. Biglang may parang kumurot sa puso ng dalaga dahil naalala ang mga ganitong panahon na kapiling nya si JC.

"hoy babae bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami nag-aantay sa'yo."

Ito ang mga katagang nagbalik kay Misha sa tunay na mundo. Ang tinig ay galing kay Amanda, Armando pag umaga at walang activity sa school, kaklase nya at kasamang mamamahala sa booth na nakaasign sa kanila.

"sorry naman, tinanghali ako ng gising eh." tugon ng dalaga.

"May kadate ka na naman kagabi no? Pagsabihan ko yan si Jc mamaya alam naman na may activity ngayon pinuyat ka pa." usisa ni Amanda.

"Hindi naman kami magkasama ni Jc kagabi." mahinang tugon ng dalaga.

"Totoo ba ma'am?? At nangyari na di kayo magkasama ng boylet mo?"

"Oo hindi kami magkasama. Si Ryan ang kasama ko kagabi." si Misha.

"At ang malanding bruha, iba pala ang kinalantari mo kagabi. Haba ng buhok mo ma'am."intrigerang tugon ni Amanda.

"Hindi na kasi ako pinapansin ni Jc."si Misha.

"Warla ba kayo?" usisa ng kausap.

"Ano ka ba wag na nga natin pag-usapan yan. Dami pa natin kailangan gawin oh." iwas ni Misha.

" Huwaw showbiz ang bruha!" asar ng kausap.

Samantala abala naman si Jc sa kanilang booth. Kissing booth ang sa kanila. At dahil isa ang binata sa mga kilalang madaming taga hanga sa kanilang paaralan sya ang nakasalang dito. Ang siste nakapiring sya at pag ang kawawang biktima este ang babaeng estudyante ay napadpad sa mga markadong lugar ubligado itong mag bayad ng 5php at humalik sa binata.

Sa pagsisimula ng programa madami agad nabiktima,este na huli ang grupo nila Jc dahil mahusay ang mga kasama nitong maglagay ng palatandaan sa mga markadong lugar. Hindi mo halata pero pag ipinakita sayo di mo maitatanggi. Bilang karagdagang pakulo hindi nakadisplay kung sinung lalaki ang hahalikan. Pinakikiusapan din nila ang mga nahuli na huwag ipagsasabi.

Lumipas ang ilang oras, pasimple pa ding sinusuyod ng mga mata ni Misha ang madla. Bagama't nasa tabi nito si Ryan parang may isang mukha pa din syang nais makita.

"Bakit parang wala sya? Hindi ko sya makita. Kahit naman nung di kami nagkikibuan madalas ko pa din syang nakikita." bulong ng dalaga sa sarili.

"Para ka namang gwardia dyan. Tinatandaan mo ba lahat ng dumadaan para kung sakaling may bombang sumabog alam mo kung sinung dapat ituro?" pagpukaw ni Ryan sa dalaga. Kanina pa kasi ito siryoso sa ginagawang pagmamatyag.

"sira ka talaga!" sagot ng dalaga sabay tapik sa balikat ng binata.

"Ikaw kaya ang mukhang sira kasi para kang tanod dyan.haha.. Kuha kitang batuta?" pangungulit ni Ryan.

Kurot sa tagiliran ang nakuhang sagot ng binata sa kanyang tinuran.

Nagpasya si Misha na maglakad-lakad upang malibang, o sa katotohanan nais nya lang libutin ang paligid bakasakaling makita nya si Jc. Palakad-lakad sa palibot ng campus si Misha. Marahil napaganda pa sana kung nabigyan sya ng batuta para bagay yung ginagawa nya.

Mga ilang minuto din ang lumipas bigla syan nagulat ng may biglang humawak sa kamay nya.

Biglang kinabahan ang dalaga. Bigla kasing pumasok sa isipan nya si Jc,madalas kasi eto gawin sa kanya ng binata. Buong excitement na lumingon ang dalaga medyo rosy chicks pa.

"Huli ka! Miss ikaw ay pumasok sa pinagbabawal na lugar. At bilang parusa kailangan mong sumama sa amin ng mahinahon." biglang wika ng lalaking humawak sa kamay nya.

"Hala! Ano to? Bakit may ganito? Wala akong ginawang mali. Wala akong kinuha." gulat at dismayang reaksyon ng dalaga.

"Eh miss nakikita mo ba yang karatula na yan oh, nakalagay na ito ay isang restricted zone. Malaki naman yan at kitang-kita." paliwanag ng lalaki.

"Ang daya naman pano ko mapapansin yan eh may hinahanap ako. Malay ko ba na bawal pala di."si Misha

"Miss, ignorance of the law excuses no one. Kaya tama na ang paliwanagan at sumama ka na lang don sa booth namin."

Walang nagawa ang pobreng tanod este dalaga kundi ang sumama. Rules are rules nga naman.

"Kung bakit ba kasi kung saan-saan ako tumitingin ayan napahamak pa 'ko. Mahirap talaga maghanap ng taong di naman talaga nawawala." bulong ni misha sa sarili.

Pagdating sa booth ipinaliwanag ng lalaki ang kaparusahang kanyang dapat gawin. Sabay turo sa babae sa isang pila.

"Miss pila ka na lang dun. 'yon ang pila ng mga paparusahan." huling bilin ng lalaki.

Labag man sa kalooban nya alam nyang wala syang magagawa dahil sila din mismo ginagawa nila ito sa kanilang booth.

Habang nakapila ay hindi maiwasang mapansin ng dalaga yung mga babaeng lumalabas sa booth. Tila masaya naman ang mga ito.

"Bakit kaya parang abot tenga ang mga ngiti nila?" naisip ng dalaga.

Mabilis naubos ang pila. At si Misha na ang papasok sa loob.

"Miss pakiusap lamang po para sa aming booth nawa ay wag nyo po ipagsabi kung ano man ang makita ninyo sa loob," bilin kay Misha ng lalaking nakatayo sa may entrance.

"Ahm, sige na nga," sagot ng dalaga.

Medyo madilim sa loob pero may dim light naman. Pag tingin ng babae sa may pinagmumulan ng ilaw may isang lalaki na nakapiring. Dahil sa piring hindi agad makilala ng dalaga kung sino yun kaya dagli syang lumapit. Nanlaki ang kayang mga mata at munting ng mapasigaw ng makilala nya kung sino yun. Buti na lamang nagsalita ang binatang nakapiring.

" Pakihulog na lamang ang 5php sa lata at maari ka ng lumapit," wika nito.

Bantulot na lumapit ang dalaga. Naghulog ito ng 5php pagkatapos ay lumapit sa binata. Hinawakan ang kamay nito. Nagulat naman ang lalaking nakapiring. Babawalin sana ang dalaga kaso maagap syang nahalikan nito sa labi sabay takbo palabas.



 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

uy sa wakas nag update na hehehe... ok ang update kaso medyo bitin sana mapadalas ang update mo sir:thanks:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

:thanks: din po sa masugid na pagsubaybay sa kwentong ito..at sa pasensya dahil medyo natatagalan ang update ko..
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

bitin nga idol :lol: parang kape na nasa huli ang sarap at gugustuhin mo pang mag-take ng another cup.

Kailan kasunod? Naiihi ako sa pag-aabang :D
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

ikli ng update.. sana yung medyo mahaba haba next time. hehehe biro lng. idol if its not too much to ask, sana madalas ang update hehehe :clap:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

Un na un ts ? Nabitin ako :upset:
pero ang ganda po talaga :thumbsup:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

oo nga idol.. Sana madalas ka nang mag update.. Nabitin aq dun ah.. Hehe
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

Hayaan nyo po sisikapin ko na makapag dagdag ng panahon sa pag sulat sa ngayon kasi puro panakaw ang ginagawa kong pagsulat

:thanks: po sa pagsubaybay!
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

bitin naman.. tagal bago nasundan ah.. keep it up!!
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

togol naman nung update TS..><

sana may update kana..:D..if ever minsan lang ung update..ok lang po..basta mahaba ung update and sulit na sulit po..salamat po TS!!
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

otor pa update naman!.. :thanks:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

heheh matagal tagal ko na ito sinusubaybayan, sana mas madalas update. ganda ng kwento sir, KAABANG ABANG :yipee:
:excited: nako sa sunod na update
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

up ko lang po author.. :)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

otor.. :) update naman po... kakabitin kasi :) up ko narin:) :thanks:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)

Update na ts....
 
Back
Top Bottom