Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)


Secret Valentine
"Ang love story ng Candy at Yosi"







Ito po ang kauna-unahang pagtatangka ko na sumula ng isang kwento.
20.gif


Naisip ko lang po na itry ang ibang medium ng pagsulat.

Madami ng mga magagandang storya ang naipost dito at isa yun sa mga naghikayat sa akin na sumubok ding gumawa ng isang kwento.

First time ko po kaya be gentle
33.gif



39.gif

By parts ko din po iuupdate ang kwento na ito and your comments and feedbacks would certainly help.



Index:

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

Part 9

Part 10

Part 11

Part 12

Part 13

Part 14

Part 15

Part 16

Part 17

Part 18

Part 19

Part 20

Part 21

Part 22

Part 23

Part 24

Part 25

Part 26

Part 27

Part 28

Part 29

Part 30

Part 31

Part 32

Part 33















 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (19)

sorry sa lahat ng nagaabang na nabitin. I'm currently working on an update for the story.

I highly appriciate the support and your desire to read and finish the story. I'll work on a better update to show my appriciation.

:thanks:

Thanks for that reply TS :D

:praise::praise::thumbsup::thumbsup:
 
Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (19)

Medyo nakausad na ako sa storyline ng kwento. Pero ishashare ko na sa inyo yung part 20 para teaser:lol:







Biglang natauhan ang dalaga sa malalim nyang pag mumuni-muni. Wala sa sariling lumabas ng silid patakbo.

"...jay.., ay Ryan ikaw pala kanina ka pa ba dyan? Teka lang kukunin ko lang ang pouch ko." Biglang nasabi ng dalaga sa pag-aakalang si Jc ang sumundo s kanya.

Naalala nya na si Ryan pala ng ang nag-aya sa kanya sa valentines party sa school. Medyo nalungot man keribells padin dahil enjoy naman kasama sa ryan at infairness head turner din naman ito. Marami din mga babae sa school nila ang nagkakagusto dito dahil bukod sa itsura ay matalino ang binata. Madalas nga itong napipiling kinatawan para sa kanilang paaralan.

" May dumi ba ako sa mukha? O bumagay lang sa aking tong fake na glasses kay natulala ka sa kagwapuhan ko?" Basag ni Ryan sa pagmumuni-muni ni Misha.

"Wala namang dumi," sagot ng dalaga, "hindi lang ako makapagsalita kasi 'di ko mabuka labi ko abot kasi dito yung kapal mg mukha mo. Hahaha!"

"Ito naman, minsan na nga lang mag-inarte ang tao binasag pa," si Ryan.

"Hahaha! Hindi kasi bagay sa'yo. Joke!" Tugon ng dalaga habang naglalakad sila palabas ng bahay.





Samantala si Jc naman ay nasa school na at naghahanda. Kabilang kasi sya sa banda ng school na madalas maimbitahang tumugtog sa mga ganitong okasyon.

"Hindi ko sya naayang maging kapareha sa gabing ito at hindi ko rin nagawang humingi ng tawad sa kanya pero siguro sa plano kong gawin mamaya baka magbago ang lahat. Sana makabawi ako." bulong ng binata sa sarili habang itinotono ang gitarang gagamitin. " Ito na siguro ang tamang panahon para marinig na nya itong kantang gawa ko. Kung ano man ang kalabasan ng balak ko na ito bahala na si shaider."




Samantala isa-isa nang nagdatingan ang mga dadalo sa program. May mga magkakapares may mga magbanarkada, may mga sinadyang magpunta mag isa para makarami at mayroon din namang nagpuntang mag-isa kasi walang choice.

Dumating na din sila Misha kasama si Ryan at gaya ng karamihan ay pumwesto na sa kanilang nakatalagang mesa.

Masayang nagkwentuhan ang dalawa. Pero sa pagitan ng mga tawa at kwento saglit na sumusulyap si Misha sa paligid hindi maikaila sa sarili nya ma mayroon siyang hinahanap.


"Oo alam ko hindi nya ako sinundo o inayang maging kadate nya sa gabing ito pero hindi naman siguro ibig sabihin nun na hindi sya darating, o baka may iba rin s'yang kadate kaya hindi ko makita," bulong ng dalaga sa sarili, "haist.. Ano ba itong ginagawa ko sa sarili ko. Nag-aabang sa wala."


May lupit sa kanilang mesa isa sa mga coordinator ng event at kinausap si Ryan. Kailngan kasi ng konting tulong sa technicals para sa programa.

"Iwan muna kita saglit, tulungan ko lang sila. Hindi naman komplikado ito," sa Ryan.

"Ok lang, ikot-ikot di muna ako check ko lang din yung mga ibang classmates natin," tugon naman ng dalaga.

"Ingat ka baka mahilo ka sa kakaikot," pagbibiro ng binata habang naglalakad palayo.

"Loko talaga yun, hehe," nasabi ni Misha sa sarili, " pero infairness walang dull moment pagkasama ko sya."


Naglakad-lakad nga si Misha sa paligid ng may namataan syang pamilyar na mukha. Nakita nya si Jc na parang may hinahanap sa crowd. Parang bilang nagblush ang dalaga at biglang kinabahan na parang naexcite.

"Tatawagin ko ba sya? Kakausapin ko ba sya? Anong sasabihin ko? Ako ba ang dapat unang bumati? Teka bakit ako ang mauuna? Hala bakit ba ako kinakabahan?" Hindi mapagtanto ng dalaga kung ano ba ang kanyang gagawin.

"Hindi ko alam kung nakita ba nya ako medyo madilim dito. Pero kita ko sya di ako pwedeng magkamali. Pero iba ang kadate ko ngayon dapat ba akong lumapit? Aaaaahhh!" Naguguluhan na si Misha.


Napansin nyang naglalakad ng palapit si Jc sa kanya.

"Hala palapit sya dito. Pano ka ba sya babatiin? Ok na ba kami agad?"

Nang malapit na si Jc sa kanya may sumalubong dito na isang babae.

" Saan ka ba nagsuot? Kanina pa kita hinahanap. Lagi mo na lang akong pinapag-antay." Ito ang salita ng babae na narinig ni Misha.

Namumukhaan nya ang babae ito, isa ito sa mga kilala sa course nya sa pagkanta. At malamang nakakilala ni Jc dahil sa nagbabanda din ito at tumutugtog sa mga program sa school.

"Ay, baka kakanta sila ngayon at hinahanap na sya ng mga kasama nila," iyon ang iniisip ni Misah ng makita nyang hinawakan ng babae ang kamay ni Jc at hinila itong palayo.

Hindi tuloy naiwasan ng dalagang mag-isip.

"Bakit may holding hands effect? Saka bakit yung salubong nya eh parang gf na laging late ang bf sa date?"

At nakita pa ni Misha na biglang yumakap ang babae kay Jc. Biglang nakaramdam ng kurot sa dibdib ang dalaga.

"Bakit may ganun? Bakit may PDA? Close na agad sila? Teka bakit ako nagkakaganito? Iba ang kadate ko sa gabi na ito. Matagal tagal din kaming di nagkita at nagkausap baka madami nading nagbago sa kanya," bulong ng dalaga sa sarili habang pinipigil ang luha na bumalik sa kanilang table.



"Ano ka ba naman Chester, sa sunod nga tignan mo yung nilalakaran mo. Patakong-takong ka pa ng mataas di mo naman carry yan sana nag converse ka na lang! Hahaha! " si Jc habang inaalalayan ang dalaga.

"'Di ko kasi napansin yung wire nung speaker eh. Buti nakita na kita agad bago nangyari yun kung hindi baka nasubasob ako sa sahig," tugon ni Chester, ang babaeng nakita na Misha na sumalubong kay Jc.

"Tuwi na lang praktis lagi kang late hanggang ngayon ba namang performance na pinag-aantay mo pa din kami?" si Chester.

"Pasensya na, hinanda ko lang ang sarili ko. Medyo importante kasi para sa akin ang gabi na ito."




:thanks: for reading!
 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20)

Waaaaahh!!!

Was not expecting so shorttttttt :3

Thanks for the update TS! But i still want more!!! :)

:clap::clap::clap:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20)

Tagal na din bago na update itong story sana mag tuloy tuloy na
Tnx sa pag update ts:clap:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20)

yes...may update :excited::yipee::clap::dance::thumbsup::lol:



sana every two days :)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy at yosi" (4)

aba ok po ito ahh.. galing! :D :thumbsup::thumbsup::thumbsup:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

Yung post 2011 pa nagstart. :lol: so it means meron atang tao na nagaantay ng 2 years para magantay ng UPDATE mo! :rofl: sorry ts. pero sana maupdate na kase sayang sobrng ganda pa nman ng story :jedi:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

boss wala po bang PDF file ito? penge naman po if meron.. mamats
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20


ngayon ko lang nabasa 'to. ganda... :clap:

3 years na rin pala ang itinagal nito. sana may update na... :)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

ts sana meron ng update yung chapter 20 o 21?

tagal ng naghihintay d2

:)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

Aw shit. Nabitin ako. Been reading it for 2 hours now and ang ganda. Im not into romance pero napukaw ako sa istorya.

Nice TS! Looking forward kung may kasunod pa :D
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

Pa Update Po :D
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

ts update muna :praise::praise::praise:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

:thanks: sa mga nag fofollow ng story. I'm currently working on a longer update.
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

cge TS hintay ko update mo :)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

Tapusin mo na ito TS! hahaha


:excited:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20)

Hi TS, magandang story ito na sinusubaybayan ng marami.. We are all waiting for the next episode.. Thanks TS..
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20)

Part 21


Parang flash back sa isip ni Misha yung tagpo na nasaksihan nya. Parang commercial ng toothpaste. Magkalapit yung dalawang bida at nagpalitan ng matamis na ngiti.

" Bakit ba nagsusumiksik sa isip ko yun? Una hindi naman ako ang date nya at baka kaya umiiwas na sya eh dahil may nagpapaiwas na sa kanya." Si misha.

Hindi maialis ng dalaga sa kanyang isip ang kanyang nakita. Pilit niyang inilalagay sa isipan na wala naman siyang karapatang magdamdam kasi wala namang namamagitan sa kanila pero may kirot pa din sa kanyang puso.

Nagbalik saya sa kanilang table at tulala pa rin.


" Can you spare me a smile and a right to sit beside you?"

Ito ang bulong na nagbalik sa kanya sa realidad.

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Wala naman tayong exam about sa party na ito. Hindi mo kailngan mag analyze." Si Ryan, with matching pacute na ngiti.

"May naisip lang kasi ako bigla kaya ayun. Kanina ka pa ba?" Tugon ni Misha.

" Kararating-rating ko lang din naman. Parang wala ka yata sa mood. Are you feeling ok?" Si Ryan.

"Yup! I'm good." Maiksing tugon ni Misha habang pilit na ngumingiti.

"Halatang may nag bobother sa kanya. I think i get the reason partially. Malaki din ang gap na kailngan kong isurpass and i may not be given this close of a chance para maka-moment. Hindi man siguro ito full proof plan but i guess this will do," bulong no Ryan sa sarili.

"Alam mo sabi nila Life daw is a gamble. You make you decisions and hope for the best. Parang yung mood lang yan. Tayo ang magdedeside kung magiging happy tayo o hindi at parang tumataya sa ending aasa tayo sa huli atin ang score. So toss coin tayo?" Sagot ng binata.

"Ha? Ang lalim nun muntik na ko dinugo tapos eendingan mo ng toss coin tayo?" Kamot ulong sagot ni Misha.

"Life's like a gamble nga di ba? You can bet on something na bibigyan mo ng chance kung maganda ba ang kakalabasan. In short, if I win sa bibigay mo sa akin ang full attention mo for tonight. You'll give me a chance to make you enjoy the night. If you win I'll let you think or do what ever you want. Hindi kita i bobother." Si Ryan.

"Haist! Pati ata si Ryan nabobother na sa magulo kong isip. Nakakahiya naman sa kanya, sya pa naman ang date ko. Gosh!!! What to do??" Bulong ni Misha sa sarili.

" It's not as if I don't pay attention to you naman ah? but sige kung yan ang makakapagbigay din sayo ng peace of mind. Tails ako." Ang naitugon nya sa binata.

"Ok game!" Tugon ni Ryan sabay hagis ng barya sa ere.

Sinalo ito ng binata at tinakpan ng palad. "Lilinawin ko lang pag heads ito i'll be given full attention tonight. No one else but me."
" Hope my gamble pays off," nasabi ni Ryan sa sarili sabay alis ng palad na nakatakip sa barya.

"Heads!" Sigaw ni Rayan pag ka kita sa barya.

"Mukhang tadhana na ang nag dadala ng storya. I guess i will not hurt to try."bulong ni Misha sa sarili sabay tapon ng isang matamis na ngiti sa binata. " Ok god of gamblers, i'll be your princess tonight."

Nagsimula ang programa. May mga sayawan at kantahan. Mayroon ding mga pagtatanghal ang iba't ibang grupo.

Naging masaya naman ang mga lumipas na sandali para kay Misha. Pinagtuunan nya ng atensyon si Ryan at inapriciate ang mga effort na ginagawa ng binata para sa kanya.

" It seemed to have played out well. Tama ang point ni Ryan. It was just a matter of choosing how you feel. You gamble on your decision. Wala naman kasi talagang 100% sure. Kailngan lang talagang sumugal.

" See, nag sisimula ng uminit dito." singit ni Ryan.

" Bakit naman? Dumadami na ba yung tao?" Tugon ni Misha.

"Hindi. Kasi you become hotter when you smile." Si Ryan.

"Boom!" Natugon ni Misha pero di maitago ang blush.


Samantala, nag hahanda na ang group ni JC para sa kanilang part sa program. Sila kasi ang main performer.

" Tamang-tama ang setting. Kailngan magawa ko na ito ngayon." Bulong ni JC sa sarili habang nagtotono ng gitara.

" Oi! Ano na ready ka na ba?"
"Ready na as always!" tugon ng binata. Habang paakyat ng stage.

"Hindi lang para sa'yo mahalaga ang gabing ito, Jc. Matagal na din akong nakatingin lamang mula, ngayon hahakbang na ako palapit sa'yo. " ito ang mga bagay na nasabi ni Chester sa kanyang isipan habang paakyat ng stage.

"Magandang gabi sa inyong lahat, mukhang love is in the air and ants are on the ground tayo ngayon ah. Hayaan nyong iset pa namin ang mood ninyo for tonight. First song po namin, Sundo by imaga. " Si Chester.

"kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo, para hanapin.. Para hanapin ka.. " awit ni Chester habang palakad palapit kay Jc na may matamis na ngiti.

Nakatanggap ng positibong reaksyon mula sa mga tao ang moves ni Chester at dahil natural na showman sumakay si Jc sa daloy at ngumiting pabalik na lalong nagpasigaw sa mga tao.

"asahan mong.. Mula ngayon pag-ibig ko'y sa'yo... " duet ng dalawa pagdating ng chorus.

"Bagay silang dalawa no?"
"Pwede, pero tignan mo yung babae tipong feel na feel yung kinakanta nya. " Bulungan ng nasa kabilang mesa na di sinasadyang madinig ni Misha.

Kanina pa nya iniiwasang mapatingin sa stage sapagkat maaalala lamang nya yung gumugulo sa isipan nya. Nangako din sya sa kasama na dito itutuon ang kanyang atensyon. Subalit di nya maiwasang mapatingin. At kita nya ang scene ng dalawa na magkatitigan habang inaawit ang chorus ng kanta.

"Kailangan ba talaga yun? Parang sobra naman sa showman ship. Sabagay dati na nyang type yan si Jc. " ito ang kantyaw na nadinig ni Misha at nagpantig ang tenga nito.

Pilit mang tinatago ang reaksyon lumalabas padin ito. At napapansin na ito ni Ryan. Lalo na ng magpalit ng kanta.

"Just take it slow.. So slow.. Anywhere you want to go. "

"Kung makalandinitong babae na to. Hhhhmppp!! Ano ba ito bakit ba ako naaapektuhan ng ganito? Sinasadya ba ni Jc to? " bulong ni Misha sa sarili na tuluyan ng hindi na itago ang inis.

"May mga booth sa labas gusto mo ba munang mag ikot-ikot? Baka may masarap na makakain don. " to the rescue si Ryan.

"Haist! Mabuti pa nga. Tara! " sabay tayo at lakad palabas.

" Yung next song po ay special sa akin. Composition ko po ito para sa isang napaka special na tao. May katagalan na din na gusto kong kantahin ang kantang ito para sa kanya hindi lang ako makakuha ng sapat na lakas ng loob. Isa lamang ang mensahe ng kanta, kung pwede lang naman. " si Jc

Nagulat sa Misha sa nadinig at parang napatig sa pag lalakad. Sa likod ng isip nya naglalaro ang mag tanong, "ako ba yun? Teka para sa akin ba ito? "

(maari nyong pakinggan ang awit ni jc http://mfi.re/?7m26ast3phuz3m3 - credits to Dreamnote of symbianize boss psynarph and animelover).

"Nag simula sa kulitan... Nag simula sa asaran.. Dalawa.. Nating.. Dalawa. " pagsisimula ni Jc sa kanyang awit.

Nag simula nmang kumilos si Chester sa stage na tila ba sya yung kinakantahan at sya nmang lingon ni Misha paharap kay Jc.

"pwede bang.. Maging tayo.. Ikaw at ako dito sa mundo. " pag awit ng binata sa chorus na tila ba hinahanap si Misha.

Natagpuan nya ang dalaga lumalakad palabas ng auditorium kahawak kamay si Ryan.

" kung pwede lang naman... Kung pwede lang naman.. " halos isigaw ng puso nya sa kanta.

"Halika na sa labas, kung may nakakasira ng mood mo dito sa loob di ko hahayaan pang manatili ka dito. " wika ni Ryan kay Misha sabay hawak sa kamay nito at lumakad palabas.



Isang luha ang gumuhit sa pisngi, dalawang paang pilit tumakas sa mga sandali habang maingay ang mga palakpak at ang mga puso'y nabighani.

"Pwede bang maging tayo? Ikaw at ako dito sa mundo." pabulong na inawit ng binata habang nakaupong mag-isa sa tambayan nila. Isang lagok ng beer, " pano pa magiging pwede kung nahuli na ako," dugtong nito.

Lingid naman sa kanyang kaalaman, nakatanaw si Chester sa di kalayuan. Nakita din nya ang nakita ni Jc. Bagama't kung tutuusin ay pabor sa kanya ang sitwasyon hindi nya magawang lubusang maging masaya habang ang taong lihim nyang iniibig ay tila nauupos na kandila.

Nilapitan sya ng dalaga at naupo sa tabi nito. Inabot ang pisngi ni Jc at ipinatong sa balikat nya.

" Sige, iiyak mo lang. Mahirap madeny ang pag mamahal. Alam na alam ko ang pakiramdam nyan."





 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20)

pa update po nito,hihi
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20)

Working on it na.. Pasensya na hindi kasi ako ganun ka prolific mag sulat kaya matagal ang update. Kakaiinggit yung ibang writer dito ang bilis makabuo ng magagandang kwento.
 
Back
Top Bottom