Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

"Si Miss 2011" True to life story.

"Hindi ako makakapangakong mahihintay ko ang pagbabalik mo" marahang sambit nya.

"Alam ko, hindi ko rin alam kung kailan ako makakabalik dito, pero babalik ako" Sagot ko sa kanya.

Enero noon, taong 2011. Kasalukuyan akong nasa Iloilo noon dahil doon ko na tinapos ang aking sekondarya sa kadahilanang (secret xD) nung nakilala ko s'ya. Nasa ikatlong taon sya ng highschool noon samantalang nasa ikapat na ako.

Maganda s'ya, matalino at palangiting dalaga. Noong una palang ay napupuna ko na sya sino ba naman ang di makakapuna sa kanya, pero dahil pauwi narin ako sa Maynila pagkatapos ng Highschool minabuti ko nalamang na isa walang-bahala yung paghanga ko sa kanya.

"Isang araw, masasabi ko rin sayo"


Pebrero.
Buwan ng mga puso, di ko alam kung dala lang ba ng sobrang kakalaro ng Crossfire (MMOFPSG) habang walang humpay sa pagtagay ng pulang kabayo ay bigla nalang tumaas ang kompyansa ko sa sarili ko at bigla ko nalang naiisip na "Sige nga Ram, sabihin mo nga".

"glamorous09 has logged in" sabi ng clan chat sa message's log


Nasa iisang computer cafe lang pala kami noon, nagCCF din sya kaya matyaga ko nalang s'yang hinitay. Open time. Habang tumatagal napansin kong pababa na nang pababa yung tama ko (patay), at dahil hiniram ko lang yung lakas ng loob ko sa alak, unti unti naring nawawala yung lakas ng loob kong yun. And finally after almost 2 hours natapos din s'ya. Nagdadalawang isip na ako nung mga panahong yun, tatanungin ko pa ba s'ya? Pano kung tumanggi s'ya?.

At naisip ko "Bahala na si Bathala". Pero paglingon ko, wala na s'ya, kaya hinabol ko sya, inabutan ko sya pero di ko alam kung panu sya tatawagin. Di ko alam kung paano nangyari pero napansin kong alam nyang sinusundan ko s'ya. At binagalan nya yung lakad nya. Sumipol ako, yung sipol na matinis, tumigil s'ya (epektib). At tuluyan ko na s'yang nilapitan, di na ko nagpaliguy-liguy pa.

"Ginagabi ng uwi ah" bati ko.

"Ikaw din naman ah, mas malayo pa nga inuuwian mo eh" sambit nya.

At sinabayan ko sya sa paglakad.

"Hinintay talaga kita eh" Pabulol kong sinabi.

"Lasing ka ba?" tanong nya.

"Liligawan sana kita, pero.." sagot ko sa tanong nya. Nakita kong nagulat s'ya, pero pangiti siyang tumingin sakin at sinabing,

"Edi manligaw ka, anong problema dun?" Sagot nya.

"Di ko alam, baka bastedin mo lang ako" Pabiro kong sagot.

"Subukan mo muna, panu mo malalaman?" At paakma na syang tatawid ng kalsada. Malapit na pala sya sa kanila.

At naglakad nalang ako umuwi papaulas ako. Hindi pa nagsisync sa utak ko na ginawa ko yun.


Kinabuksan..

Yuswal padin naman yung umagang yun. Ordinaryong araw, ekstraordinaryong pananaw. Hindi naman dahil sa manliligaw ako kailangan kong pumorma, hindi naman kasi ako mahilig pumorma. Basta maayos tingnan, okay na sakin yun.
Simpleng ngiti lang ang batian namin nung umagang yun. Sabay bati ng "Good morning"

Pero di ko alam kung paano o anung masamang usok yung nasinghot ko basta napapansin ko nalang na may 'something' sa mga tingin nya sakin. At napapansin ko nalang na patingin-tingin din sya sakin.

My first impulse was disbelief. Di naman kasi ako kagwapuhan. Pero lahat ng mga nagiging past ko. Sabihin na nating "Chicks" (H'wag lalaki ulo ah xD). Hindi naman ako magaling manligaw.
Di ko alam hahaha. At ayun na nga. Nagkaroon ako ng lampas taong confidence, kinakausap ko na sya.


Makalipas ng mga ilang linggo.
Ayos na kami. Magaan na yung loob namin sa isa't isa. Madalas na kami magkausap at magkasama. Hindi ko alam kung what's the real score with us pero okay lang di ko na malaman basta masaya kami.

Di ko matandaan yung araw basta Pebrero noon.

Araw ng kampanya nun para sa SSG (Supreme Student Goverment) at tradition na sa kanila yung panghaharana sa bawat classroom. At dahil tinatamad ako pumasok nun sumali nalang ako sa pangangamanpanya. Libre na merienda, legal na cutting classes pa xD.

At dun ko lang nalaman na uso pa talaga ang harana. Nakakalaki ng ulo kapag nakikita mong kinikilig yung mga kababaihan sa bawat strum ng gitara at buga ng linya ng kanta. Me pailan-ilan ding di ko malaman kung lalake ba talaga o sadyang naa-epektuhan yata ng global warming ang utak kaya kinilig.

"Ipanghuli na natin yung section nila Ms. 2011"

Hapon na, last subject nila. Nagulat nalang yung teacher nila nung katukin ko yung room nila.

"Pwede po bang mangharana?" bungad ko.

Napatingin sakin ang lahat ng kaklase nya. Sabay tingin sa kanya.

"Uyyy, Sweet" pangangantyaw ng mga kaklase nya.

"Para po sa SSG to". Dagdag ko.

At anyun na nga. Pumunta ako sa "harap" nila at nagpabibo gamit yung gitarang halos nangangayaw na sa bawat strum ko.

"Anu ba yung gusto nyong kanta?'
Tanong ko sa kanila.

"Your Guardian Angel nga"
Request nila, at bago pa magbago ang isip nila sinimulan ko na yung panghaharana.

"When i see your smile .."

Sabay tumitig ako sa kanya, kinikilig na yung mga classmate niya pero wala akong pakialam, siya lang yung nakikita ko.

"... Tears run down my face"

Hindi ko parin maintindihan ngayon kung bakit parang nagslow mo lahat ng bagay sa paligid nung mga panahong yun. Parang walang ibang tao sa room na yun kundi ako, sya at yung sirang gitara.

"I will never let you fall .."

Nakatitig lang din sya sakin nun, pangiti-ngiti, kinikilig.

"I'll stand-up with you forever, i'll be there through it all, even if saving you sends me to heaven "

At doon na natapos yung araw na yun.


Kinagabihan naglalaro ako ng Crossfire (dapat bayaran ako ng gameclub phil. dito inaadvertize ko game nila hahaha) nang..

"glamorous09 has logged in."

Kaagad ko syang piniem (private message)

-Ecstasy-: Hi ;)

(... Habang rinaratrat ko yung dalawang GR sa bombsite.)

glamorous09: Kanina ka pa?

(... Deads ako. 6-7 score lamang na sila.)

-Ecstasy-: Medyo, i miss you :)
(... Papunta akong B-site nang makapulot ako ng AWM.)

glamourous09: :)

glamorous09: san ka naglalaro?

( ... 3 na napapatay ko. Running low on health abang mode.)

-Ecstasy-: Dito kina Geron (Geron was my PIC that time. Doon na nga ako halos makatira sa kanila. Sobrang bait nun)
(.... Dead again kaya minabuti kong tigilan na ang paglalaro)

glamorous09: ah okay.

-Ecstasy-: Malapit na pala JS ah? Punta ka ba?

glamorous09: Oo naman, ikaw?

-Ecstasy-: Oo basta ba ikaw first dance ko.

glamorous09: Oo ba :)

-Ecstasy-: Hmmm. Out na ako. Si geron naman maglalaro. Tom ah?

glamorous09: oh sige bye :)

JS Prom
Araw ng mga nagkakapalang make-up, nagpapaangasang mga dudung at halo-halong amoy ng pabango, beer at yosi.
Hindi ganun kagarbo yung suot ko nun. Bahala na me ma suot lang.

Ang ganda nya, mali, sobrang ganda nya.

First blood ako nung gabing yun, nagintermission number ako. Nagdougie ako, joke, napilitan akong sumayaw noon kahit parehong kaliwa ang paa ko. Plus grades daw kasi tapos libre cutting sounds like a nice deal diba? :)


"Every now and then ..."

Tumugtog na yung sweet music.


"I'll make a wish for you ..."


Lalapitan ko na sana sya ng..
Inunahan ako nung asungot na ex nya.

Wala akong nagawa, kaya nagmini-mini-minie-moe ako kung sino yung malas na maaapakan ko ang paa.
to make this short let's skip.


Final tally.


48 yung nasayaw ko. :3


Maguumaga na, inannounce na ng mga teacher na last one hour na tapos tulugan na.


"Uwian na!" Sigaw ko.


Badtrip padin ako noon. Pero nakita kong tumingin sya sa kinaroonan ko nun, at kapuna-punang may lungkot sa mga mata nya. Nadurog ako. Nawala yung pagkaasar ko. Nilapitan ko na sya, pero may asungot na namang yumaya sa kanya para sumayaw. Pabalik na sana ako sa kinauupuan ko nang nakita kong tinanggihan nya yung asungot. Tinakbo ko sya.


"Can i have this dance?" sabay abot ko ng kamay ko.
Inabot nya rin ang kamay nya. At naglakad na kaming dalawa papunta sa gitna. Kinikilig na yung mga myembro ng Fan's Club namin nun. Panu ba naman kami yung unang pares na naglakas loob na pumunta sa gitna.

At two by two, dumami ng dumami yung mga nagsasayaw.


"Sorry kanina si..." Pagpapaumanhin nya.


"Okay lang yung, naasar ako pero matitiis ba naman kita?" sagot ko.


"Akala ko di mo na ako isasayaw" malungkot nyang sinabi.


"Pwede ba naman yun eh kaya nga ako sumali sa prom eh para lang maisayaw ka" sagot ko sa kanya.


Napangiti sya, napawi na yung lungkot na kanina lang ay kitang-kita sa mukha nya.


"Hindi na kita bibitawan, okay lang ba?" tanong ko sa kanya.


"Ikaw bahala, okay lang sakin" Sagot nya.

Hinigpitan ko yung hawak ko sa kanya. At unting unti nalang ay parang magkayakap na kaming dalawa. Ganun din ang ginawa nya.
Makailang ulit ko ding naapakan yung mga paa nya, pero di nya iniinda. Makailang ulit din akong kinakalabit ng mga asungot dahil naiinggit sila sa ganda ng kapareha ko pero di namin sila pinansin. Parang amin yung gabi, para bang wala kaming katabi.o
Maguuwian na. Unti-unti nang nauubos yung mga pares sa dancefloor pero andun padin kami.

"Panu ba yan, uwian na"
Sabi ko


"Oo nga eh, bitin" sagot nya.


At naglakad na kami sa kinauupuan nila.
"Mahal kita." bulong ko sa kanya bago ko binitawan yung malalambot na kamay nya at bumalik na ako sa kinauupan ko.


Part Two.

February 22nd

Recognition day nung araw na yun.

Yung awarding nang kung sino yung mga nageexcell sa klase per period.

After a short program, isang dosenang sermon courtesy of Ma'am Biñas

Nagsimula na yung honor rolls.

Ninth sya sa section nila nun.

Ninth din ako.

Coincidence? :))


February 23rd

Nakita ko syang nakatambay sa labas ng classroom nila.

"Hi" bati ko, pero di sya umimik.

"May problema ba?" tanong ko.

"Wala naman, may itatanong lang sana ako" marahang sagod nya.

"Ano yun?, is there something wrong?" sagot ko.

"Anu na ba tayo? Naguguluhan na ako, nanliligaw ka pa ba?" sabi nya.

"Hmm, di ko din alam eh, basta masaya ako sa kung anung meron tayo. di ko nga din alam kung nanligaw pa ako sayo" sagot ko.

Hindi s'ya umimik..


Kinagabihan, nagonline ako sa Facebook.

Palit ako ng status.

Ram Guevara is in relationship with Y**** A*** D******* E********.

Accept nya kaya? alamin.

Nagulat nalang ako ng wala pang 5 minutes, nagonline kagad sya. at piniem nya ako.

"Ako na ba talaga?" Sabi nya,.

"Bakit ayaw mo ba?" Sagot ko.

"Talaga? :)"

"Talagang talaga, Mahal kita"

"Mahal din kita"

At yun na nga. We are officially "We". But, nalalapit na rin akong umuwi sa Manila.
Di ko padin nasasabi sa kanya, di ko din alam kung paano ko sasabihin sa kanya, ayaw kong masira kung anung meron kami sa mga panahong yun.

Maayos na ang lahat samin, her mom knows me and trust me. Wala ng gap between us two. She shares her secrets to me, parang we're each other's bestfriend kind of relationship. Almost hatid-sundo ko sya araw-araw, But she has to know.


"Pak! Pak! Pak"

Yun nalang ang tunog na naririnig ko nun, habang nakablindfold ako. Isang malakas na hampas ang kasunod ng bawat palakpak na yun, hampas na hindi ko na matandaan kung paano ko kinaya o sadya lang talagang malakas ang threshold ko sa sakit. Kinagat ko nalang ang dila ko nun, di lang dahil sa sakit, pero dahil ayaw kung magmura, back to zero eh (haha).

At natapos na, after two hours ng walang humpay na paluan at sampalan. Pero parang wala lang, hindi naman ako naging warfreak or lumaki ulo ko. Kaya lang naman ako sumapi sa kulto na yun ay dahil sa gusto ko lang ng maranasan yung thrill ng hazing. Wierd. That didn't satisfy me.

Pauwi na sana ako nun, pero kina Geron ako dumetso, nanghingi muna ako sa kanya ng hot compress dahil yun daw gawin ko sabi nung mga kasama ko sa frat para di lalong mamaga yung hita ko, (which didn't work)

Geron: "Online sya oh"

Kaagad dumetso ako sa computer cafe na pinaglalaruan nya.


"O anu nangyari sayo?!" Pagalit nyang sinabi sakin.

"Wala lang, Tinry ko lang kung masakit" Sagot ko.

"O ngayon alam mo na?!" Sagot nya sabay batok sakin.

"Di ka man lang nagsabi sakin" Dagdag nya,

"May sasabihin sana ako" Sabi ko.

"Anu yun?" Kinakabahang sagot nya.

"Panu ko ba sisimulan to" Sabi ko.

"Anu nga?!" Iritang irita na sya nun.

"Hindi na ako magtatagal dito" mahinang bulong ko, di ko nga halos masabi yung mga dapat sabihin ko pero kailangan.

"Di kita maintindihan" sagot nya.

"Uuwi na ako sa Manila after graduation" sagot ko.

Di sya nakasagot nun, hinayaan ko lang sya. Hindi ko din alam kung anu ang mga tamang salita o pambobolang dapat kong sabihin para di na sya masaktan ng husto. Pero wala na, nung una palang sinaktan ko na sya. Dapat di ko nalang sya sinuyo't niligawan kung bandang huli, iiwan ko din sya.

Ngumiti lang sya.

"Hayaan mo na, kung tayo talaga, tayo talaga." Sabay hinalikan nya ako sa pisngi ko.

"We have the right love at the wrong time?" Pabirong tanong ko.

"Ganun na nga siguro, pero wala akong pakialam, ang mahalaga ay ang ngayon" Nabuhayan ako ng loob nang narinig ko yung sagot nyang yun.

"Mahal kita, Panget" Sabi ko.

"Mahal din kita" Sagot nya


Naging okay padin naman kami nun, except for a few things, we never promise anything to each other for the future.

But lahat ng mga bagay ay may katapusan.

Graduation Day....


Masaya lahat ng tao, mga hindi makapaniwalang after ilang try sa highschool nakatapos din, mga taong di makaget-over sa mga memories na nangyari sa isang buong taon, mga teacher na nabunutan ng tinik dahil mawawala na ako este yung mga estudyante nilang pasaway, mga teacher na proud dahil nagbunga yung pagtuturo nila ng kaalaman at mabuting asal sa mga estudyante nila.

Iba ang nararandaman ko nun.
Magkahalong hangover, lungkot, saya at kaba yung nararandaman nun.

Unti-unti nang dumadami ang tao, magsisimula na ang programa, pero wala pa sya.
Di ako mapakali sa kinatatayuan ko nun. "Hindi na nga siguro sya pupunta"

Di ko padin alam ang dahilan kung bakit "Where are you now" yung graduation song namin, dahil ba sa "To my favorite teachers who told me never give up" Di ko alam. Kung ako ang tatanungin mas maganda pa kong "Tama na yan inuman na" yung farewell songs :))


Emosyonal na natapos ang gabing yun. May mga nagsasaya, umiiyak, nagtatatalon sa tuwa, mga di padin makapaniwala, at nakahinga na ng maluwag dahil natapos na ang kundi man apat na taon o higit pang pakikipagbuno nila sa highschool ay nakamtan nadin nila ang diplomang matagal na nilang hinahangad.

Natapos na ang lahat, natapos na ang iyakan, ang mga tawa, ang mga body bumps, pero di ko padin sya nakikita, di nya ako nilapitan. ASAR.

Siguro, naasar yun dahil sa niyakap ko isa-isa lahat ng mga babaeng graduates nun xD. Pero hindi din.
Basta.

Kinagabihan, di ako makatulog. Bukas, aalis na ako, kagad. Ang bilis din ng mga pangyayari, ng panahon. Natatawa nalang ako kapag naiisip ko yung katagang binanggit ko nung papunta palang ako dun.
"Sana mabilis lumipas ang panahon, para mabilis akong makaalis sa lugar na to" kakainin ko ata ang mga sinabi ko. Napamahal ako sa lugar na di ko inakalang magugustuhan ko. I came to hate the place, but found love instead.

Kinabuksan di ako natuloy sa Manila, bukas nalang daw, dahil naubos yung ticket sa bus. Di na ako nagsayang ng oras pa, hinanap ko sya. Nasa Computer shop sya nun. At andun yung Kuya niya, Si Tita, ang kapatid nya, at yung GF ng kuya nya. Noong una, nagdalawang isip ko kung itutuloy ko pa, pero bahala na, paalis narin ako, gusto ko muna sya makasama.

"Hi Tita, Magandang Gabi po" Bati ko. Lumingon sya, at nagulat na andoon ako.

"Hi Panget, Matagal ka pa?" Bati ko.

"Oy, tama na yan, bukas wala na sya, eh may fb pa naman bukas, out ka na" Sabi ng kuya nya.

Lumabas na kami noon sa computer shop. Walang umiimik, di ko alam kung ano ang sasabihin ko, di ko alam kung paano ako magpapaliwanag. Nakatingin lang sya sakin noon, Hinihintay nyang magsalita ako.

Naglakad kami papunta sa kanila. Kailangang may sabihin ako. "Think Ram, Think"
"Bat di ka pumunta dun sa Graduation?, Hinihintay kita" Tanong ko.

"Andoon ako, kasama ko si Mama, nanood kami" Sagot nya.

"Eh bat di ka lumapit?, alam mo namang ikaw lang ang gusto kong makasama sa mga oras na yun" Sabi ko. At hindi sya sumagot.

"Alam mo naman paa...." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko, di ko padin matanggap sa sarili ko na iiwan ko na sya, na bukas, mala imposible na kaming magkita.

Nawala ang mga ngiti nya, at parang bigla nalang tumahimik lahat. Di ko alam kung ako lang ba yun o parang tumigil ang buong paligid.

Nakarating na kami sa bahay nila at that time, at naupo kami dun sa labas ng bahay nila.

"Pano ba to?" tanong nya.

"Bye na?, is it over for us?" tanong ko din.

Sabay kaming napabuntong hininga.

"Babalik ako, sooner or later, basta babalik ako" Sabi ko, wala na akong masabing iba.

"Hindi ako makakapangakong mahihintay ko ang pagbabalik mo" marahang sambit nya.

"Alam ko, hindi ko rin alam kung kailan ako makakabalik dito, pero babalik ako" Sagot ko sa kanya.

Gumagabi na noon, at di ko alam, pero gusto ko na umuwi, gusto kong uminom.
Nagpaalam na ako, at hinatid nya naman ako sa labas ng bahay nila.

Matagal kaming tumayo noon, nakatayo lang, alam kong hinihintay nyang yakapin ko sya, halikan.

Pero di ko ginawa, Di ko din alam kung bakit.
Nilakad ko na naman ulit hanggang sa amin dahil hindi padin ako makapaniwala. Wala na.

Paguwi ko, nalaman kong nareschedule ulit yung pag alis ko. But di nalang ako nagpakita sa kanya, buong araw akong tumambay sa baybay noong araw na yun. Nagiisip kahit wala namang isip.

Kinagabihan.

Nagonline sya sa CF.

"Nasan ka?" tanong nya.

"Nandito kina Geron" sagot ko.

"Kala ko paalis kana?" tanong nya ulit.

"Bukas pa daw pala" sagot ko ulit.

"Hmm." reply nya,

"Noong isang gabi, gusto sana kita yakapin pero di ko magawa." reply ko.

"Bakit?" Tanong nya.

"Natatakot akong, baka di na kita bitawan ulit, or di na ako umuwi samin para di na ako pauwiin sa Manila" sagot ko.

"Paalam na, Mahal kita :)" sagot nya,

"Mas Mahal kita" sagot ko.

At nagout nalang sya bigla ..

End.


"Liked my story?, please do spread the word"


Pa Feedback naman!
 

Attachments

  • 231.jpg
    231.jpg
    41.8 KB · Views: 21
Last edited:
time na sila?
tapos na?! More! Hehehe.. Tuloy mo pa Mr.Ecstasy! True story naman po yan diba? Baka sakaling alam nyo ung susunod na mga pangyayari..
 
time na sila?
tapos na?! More! Hehehe.. Tuloy mo pa Mr.Ecstasy! True story naman po yan diba? Baka sakaling alam nyo ung susunod na mga pangyayari..


Well the making pa yung susunod na mangyayari. dahil di pa din ako nakakabalik sa iloilo, and i learned na may anak na sya ngayon which sucks. epic fail no?
 
Well the making pa yung susunod na mangyayari. dahil di pa din ako nakakabalik sa iloilo, and i learned na may anak na sya ngayon which sucks. epic fail no?

:salute::salute: ka sb: ganda ng story moh,,pwede yan ma publish..
e2 ang nagustuhan ko sa pagawa ng story moh;

1. nagawa mong i capture kung anu ang dapat na scene sa hyskol na life..sa conversation nyo sa story, nakuha moh ung style kung anu ang behavior ng isang hyskol teenager kung makipausap sa girlfriend..kung baga, kaming bumabasa parang andun dn kami sa scene.

2. hindi exagerated ang story.. ma feel ng isang reader nah ganito at ganyan ang nagyayari..ung tru to life story mo worth talagang paniwalaan na true story..

3. ma detalye cya..maliban dun sa pag connect moh sa tym na hindi ka makapag sabi sa kanya na aalis ka after graduation at ung agad agad imung sinundan ng detalye sa pagsali moh sa prat (dumiritso ka sa, PAK! PAK! PAK! .... dapat sana may linya na kung baga mag introduce na ito ung susunud na mangyari)..pero aside nyan, magaling mong napamangha ako..

4. pagkatapos ng basahin ang istorya moh, dun talaga masabi ng isang reader na, " i want more".. para kacng teleserye ang iyung kwento, nagbigay ito ng kung baga SABIK na panoorin ang susunod na mangyayari..paramg nabitin ako, nah gusto ko talagang abangan hangang matapos ito..



for that: I SALUTE U!!!! GOOD JOB ECSTACY!!!:salute::salute::salute::salute:
 
:salute::salute: ka sb: ganda ng story moh,,pwede yan ma publish..
e2 ang nagustuhan ko sa pagawa ng story moh;

1. nagawa mong i capture kung anu ang dapat na scene sa hyskol na life..sa conversation nyo sa story, nakuha moh ung style kung anu ang behavior ng isang hyskol teenager kung makipausap sa girlfriend..kung baga, kaming bumabasa parang andun dn kami sa scene.

2. hindi exagerated ang story.. ma feel ng isang reader nah ganito at ganyan ang nagyayari..ung tru to life story mo worth talagang paniwalaan na true story..

3. ma detalye cya..maliban dun sa pag connect moh sa tym na hindi ka makapag sabi sa kanya na aalis ka after graduation at ung agad agad imung sinundan ng detalye sa pagsali moh sa prat (dumiritso ka sa, PAK! PAK! PAK! .... dapat sana may linya na kung baga mag introduce na ito ung susunud na mangyari)..pero aside nyan, magaling mong napamangha ako..

4. pagkatapos ng basahin ang istorya moh, dun talaga masabi ng isang reader na, " i want more".. para kacng teleserye ang iyung kwento, nagbigay ito ng kung baga SABIK na panoorin ang susunod na mangyayari..paramg nabitin ako, nah gusto ko talagang abangan hangang matapos ito..



for that: I SALUTE U!!!! GOOD JOB ECSTACY!!!:salute::salute::salute::salute:



Salamat Dre, :praise:
 
Salamat ulit Dre, Spread the word nalang, hahaha.


akosichocoman.blogspot.com ^^,
 
Shet kinikikilig ako pag binaback read ko xD
 
Hahahaha wala nang kasunod yung lovestory na yan mga dre.

Bale nabuntis si Miss 2011 ng ex nya. Nagbalikan pala sila nung Ex nya 5 months pagka-alis ko sa iloilo.


Hahaha. Story of Love yan, Hindi Love Story :)
 
sayang..wala na palang kasunod sa story na to hehe..ganda pa naman..
 
Hahaha. Ganyan talaga life xD
 
hay:( Babalik ka pa ba?
Maghihintay pa kaya sya....

ts.. walang up..hehe
 
hay:( Babalik ka pa ba?
Maghihintay pa kaya sya....

ts.. walang up..hehe

Well. Hindi na siya nakapaghintay pero babalik ako dun, maybe one day. Ganun naman yun eh, it's been like 2 years na mula nung nangyari yun. And i guess nakalimutan nya na ako at yung nangyari.

Thanks for reading pala :3
 
Back
Top Bottom