Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)


Secret Valentine
"Ang love story ng Candy at Yosi"







Ito po ang kauna-unahang pagtatangka ko na sumula ng isang kwento.
20.gif


Naisip ko lang po na itry ang ibang medium ng pagsulat.

Madami ng mga magagandang storya ang naipost dito at isa yun sa mga naghikayat sa akin na sumubok ding gumawa ng isang kwento.

First time ko po kaya be gentle
33.gif



39.gif

By parts ko din po iuupdate ang kwento na ito and your comments and feedbacks would certainly help.



Index:

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

Part 9

Part 10

Part 11

Part 12

Part 13

Part 14

Part 15

Part 16

Part 17

Part 18

Part 19

Part 20

Part 21

Part 22

Part 23

Part 24

Part 25

Part 26

Part 27

Part 28

Part 29

Part 30

Part 31

Part 32

Part 33















 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (26)

waaa bakit putol huhuhu wala pa bang update :weep: :weep: :weep:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (26)

hanggang ngayon nabitin pa din ako.:praise::praise: still waiting pa din po TS. more power sa pagsulat :)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (26)

:thumbsup:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (26)

update please.. :)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (26)

nabisi na si TS sa lablayf :wub: :inlove:



update na :more:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

2018 nq to ala pa din
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

waiting boss
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

sana may pagasa ang matuloy yung kwento
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

update na love, ay TS pala.
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (26)

Nice story
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (27)

:thanks: sa lahat ng patuloy na nag aabanag at nag babasa sa story na ito. We are m9ving on to the second season of the story and i hope you continue to support and enjoy it.

Special thanks to Miss Red :wub: for the effort and working on this with me.

:hat: MF






PART 27




“Cebu? Anong meron sa Cebu? Bakit sa Cebu?” nag-susumigaw na tanong ni Misha sa utak nya.

“Si Chester? Bakit si Chester? Ano ba sila ni Chester? Sila na ba? Pang-asar! Shit, shit, shit!” habang hinahampas ang unan sa kanyang kama.

“Bakit wala kang social life JC? Bakit wala kang facebook? Ano ng balita sayo? Hindi ko naman magawang i-friend si Chester? Hindi naman kami close. May pag-private pa ang gaga, akala mo famous. Pang-asaaaaaaaaar!” sigaw nya na narinig ni Rose na mommy ni Misha.

“Hoy anak! Akala ko kung napapaano ka na dyan. Nagulat ako sa sigaw mo.” Rose. “At ano bang kasalanan sayo ng unan mo at kanina mo pa hinahampas, at mukhang pati yan laptop mo eh maihahagis mo na?” Tanong nya.

“Mommy, wala po. Medyo stressed lang po sa project na assigned sa’kin. Hindi ko pa masimulan.” Pag-iwas na sagot ng dalaga.

“Stressed san? Sa project o sa kakahanap mo kay JC?” Usisa ng ina.

“Sa PROJECT ma!” Tipid na sagot nya.

“Paano mo masisimulan yan PROJECT mo kung facebook ang inaatupag mo?”

“Facebook? Hindi kaya.”

“Misha nanay mo ko. Kilala kita mula ulo hanggang paa, simula ng pinanganak kita hanggang noong unang tumibok ang puso mo para kay J.”

“Ma please, not now.” Pagpigil ni Misha sa kanyang ina na hindi natuloy banggitin ang pangalan ni JC. Bukod kasi sa project na assigned sa kanya, nai-stress sya na wala man lang syang balita sa bestfriend.

“Fine. Sige alis na ko. Pero anak limang taon na ang nakakalipas ng umalis si JC papuntang Cebu kasama yun Cheska para doon ipagpatuloy ang pag-aaral dahil nakatanggap ng scholarship. Graduate ka na ng college, at ang balita ko graduate na din sila JC doon. May maganda ka na din trabahao at isa sa mga top Engineers sa company mo. Boyfriend mo na din si Ryan at lately lang tinanggap mo ang proposal nya sayo, hindi ba? Though masayado pang maaga ang magpakasal ka pero dahil sinabi mong mahal mo, sumang-ayon ako. Pero unfair sa kanya na hanggang ngayon ay si JC pa rin ang hinahanap ng puso mo.” Pag-papaalala ng ina. “Kung hindi mo talaga mahal si Ryan, be fair. To Ryan, to JC and higit sa lahat to yourself.” Dugtong ng ina.

“Chester Ma, hindi Cheska. And Ma you don’t have to remind me all of that. I know. Alam ko na yan.” Sagot ni Misha sa ina. “Gusto ko lang naman kamustahin yun bestfriend ko. Hindi naman siguro masama yun? Dugtong nya. “And ma, mahal ko po si Ryan kaya ko po tinanggap ang offer nyang magpakasal. At saka malamang masaya naman si JC kay Chester.”

“Okay fine. Wala na ko sinabi. Kung kaya mo ngang paniwalain ang sarili mo sa kasinungalingan na yan, I’ll pretend na naniniwala din ako sayo. Matulog ka na at maaga ka pa bukas. Good night.” Pagpapaalam ng ina.

“Good night ma.”Matamlay nyang sagot.
“Kung gusto mo ng closure or linaw sa mga tanong mo Misha, bakit hindi gawin?” Pahabol ni Mommy Rose habang sinasara ang pinto ng kwarto ng anak.

“May pahabol pa talaga Ma!” Nakasimangot na sigaw nya.

“Tama naman yun sinabi ni Mommy. It’s been five years nang umalis si JC sa school para tanggapin ang scholarship na offer ng Tito ni Chester sa Cebu. Kung hindi pa ko nakibalita sa mga classmates nila ni Chester hindi ko pa malalaman lahat. After nila magbakasyon sa Cebu for a RESORT PROJECT daw eh na-offeran na sila ng scholarship dahil na-impress yun Tito ni Chester sa Resort proposal ni JC. Nakapangibang-bansa na nga rin sila as far as I know. Hindi naman nakakapagtaka yun kasi magaling naman talaga si JC sa maraming bagay. Ang hindi ko lang matangggap is bakit hindi nya nagawang sabihin sakin lahat. Hini sya nag-paalam. Hindi nagpa-alam na may project sa Cebu na mag-transfer na sya sa Cebu. Hindi naman ako tututol. Masaya naman ako para sa kanya. Pero bakit he left me hanging with whys?” Sabi ni Misha sa sarili pag-kaalis ng Mommy nya.”

“Kung sila naman na ni Chester ok lang naman sa akin yun, kung doon s'ya masaya. Kung hindi talaga ako ang mahal nya wala naman akong magagawa dun. Iiyak lang naman ako sandali pero tuloy ang buhay. Pero bakit he just left me that way. Akala ko bestfriends kami, hindi dapat ganun lang.” Mga tanong na unclear sa utak nya.

“Sinubukan ko naman contakin sya pero sa tuwing magdi-dial ako sa phone ko, kinakabahan ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nung isang beses naman na nag lakas loob ako at minessage ko sya nagfailed. Baka hindi talaga sangayon ang destiny. Hay, nakakabaliw! Aaaaaaaaaaah!” sigaw nya habang nakatakip ng unan sa mukha sa pangambang bumalik ang ina.

“Compose yourself Misha.” Panghihinahon nya sa sarili. “May meeting ka pa bukas ng umaga at dapat mo matapos ang presentation. Bilin ni AEM eh isa sa mga ini-aim nyang maging business partner ang ka-meet ko bukas kaya I need to show how great is our firm. My boss depends on me, kaya need to focus and concentrate.

“Babe still awake?” text message from Ryan.

“Hi babe, yes. Still working on my presentation tomorrow.” Reply ni Misha.

“Have you started it already?” Ryan.

“Babe, naiiyak nako. Wala pa ko nauumpisahan.” Misha.

"Don't cry babe alam ko namang kayang kaya yan ng super engineer ko. And besides hindi bagay sa ganda mo ang naiyak. By the way I've sent something sa email mo. Kindly check." Ryan

“Really babe. Wait.” After few minutes… “Babe!!! Got it! You’re really my savior. Thanks.” Misha

" La po yun babe, anything for you. Alam mo yan. I know you have too much on your plate tapos may biglang project proposal pa si AEM. Kahit pa si wonder wonder ka hindi mo kakayanin yan. I wish I can do more and I hope that helps kahit paano. I know you can do it and I'm proud of my girl." Ryan

“Baby, anong I hope. Laking tulong nito, PROMISE! You really know better when it comes to this, presentation and all.” Misha.

“And alam kong you know best pag dating sa pag-aayos ng draft ko. Ikaw ang taga-ayos ng magulo kong utak. Haha.” Ryan.

“Haha. Hindi naman magulo utak mo. Pero kaya nga po tayo partner eh. We got each other’s back.” Misha.

“And we’ll be partners for lifetime. I love you.” Ryan.

“Yeah. See you tomorrow.” Misha.

“Yeah? Haha. Okay then, see you tomorrow. Don’t stay up too late. Pick you up at 8am.” Ryan.

“Uhm sorry. Yes pala dapat. Haha. See you. Goodnight.” Misha.

"Walang i love you too? Ganon?" Natatawang-nagtatampong si Ryan.Hindi naman talaga vocal si Misha when it comes to her love for him kaya hindi na nagtaka si Ryan na hindi nag-I love you too si Misha sa kanya. Nasanay na lang sya na ganun si Misha kaya hindi na din sya naging mapaghanap. Alam naman nya sa sarili nyang love sya ni Misha pero misan nakakatampo din kasi parang pinapaniwala na lang ba nya na mahal nga talaga sya ng dalaga. Mahal siguro sya pero hindi katulad nyang mahal na mahal si Misha.

"Bakit feeling ko pag sa akin may reservation. Would she have over look that kung iba yung nag send sa kanya?" Buntong hininga ni Ryan. " Pero mahal kita Misha. As long as I know that I make you happy, mamahalin kita." Dugtong nya.

Pinatay na ni Ryan ang ilaw sa kwarto, hudyat na matutulog na sya. Papikit na sya ng biglang umilaw ang kanyang cellphone.

“Si Misha!” Kabado nyang sambit ng makita ang pangalan kung kanino galing ang text. Hindi kasi nito ugali ang magtext after nya mag-goodnight. “Malamang importante ang sasabihin nya kaya nag-text. Marahil may kinalaman sa draft nya.” Pagpapakalma sa sarili. Ngunit laking gulat nya sa nabasa.

“I love you babe. Again Thank you and Good Night.” Misha.

Walang mapaglagyang ligaya ang naramdaman ni Ryan. Pakiramdam nya ay hindi sya nagkamali ng babaing mamahalin. “Napaka unpredictable mo talaga Misha, kaya mahal na mahal kita.”Huling sambit nya bago tuluyang matulog ng may ngiti sa mga labi.

“Deserve naman ni Ryan ang love ko.” Sambit ni Misha sa sarili pagkasend ng huli nyang text kay Ryan. “And to be honest, he deserves more.” Misha.







 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (27)

ayun oh.. may update na :wow:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

Sana TS bago matapos ang valentines day, tapos na din tong story mo.

:thanks: sa credit idol. maganda lang talaga yun story kaya mahirap iwan ng hanging.
dapat may closure. looking forward for more updates love :kiss:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

para akong bata na nagbabasa...
paki update naman please hahahahha
wanna see how this plays,,,
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20

ayun may upate na rin haha abangan ko ito everyday
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (27)

ganda ng story
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (28)




Part 28



“Ma’am, representatives from Montenegro’s Firm already arrived for a meeting with PAP. I already assisted them inside the board room.”

“Okay, where’s PAP?”

“Yun nga po Ma’am, he went to Japan for an urgent meeting today.”

“What? Eh pano yun mga ka meet nya?”

“He left me a message yesterday before his flight na ikaw daw po mag take charge sa meeting.”

“Wow! I have my flight back to Cebu today, malalate ako kapag ako ang makipag-meet sa client.”

“I already rebooked it na po. Sa utos na din po ni PAP. And ma’am hindi po clients ang ka-meet nyo. Sabi po ni Boss, Mr. Montenegro is a good friend and they are deciding to be business partners in some area in Visayas. ”

“Nice, nakaplano na pala lahat, so what’s the purpose of the meeting if it is already decided?”

“You can ask PAP about that ma’am”

“Yeah. Sorry Ema.”

“It’s okay po. Is there anything else po ba?”

“Wala naman na. Si JMJ ba dumating na?”

“Wala pa po.”

“Sabi nya dadalawin nya lang Mama nya tapos sabay kameng babalik sa Cebu.” Bulong nya sa sarili.

“Po?” Ema, the secretary asked.

“Wala. Just tell JMJ na sumunod sa board room and bring coffee na din for us. Thanks.”

“Yes Ma’am.”

----

“Ema where’s CLM?”

“Ay Sir nasa board room po may ka-meeting.”

“Meeting? We have our flight to Cebu by 10. Sino kameet nya?”

“People from Montenegro’s firm po. Umalis kasi si PAP for urgent meeting sa Japan and asked CLM to replace him sa meeting.”

“Ah okay. But how about the flight, na rebooked mo na ba kami?

“Yes sir.”

“'Yan ang gusto ko sa favorite secretary. Maganda na, napaka-efficient.”

“Thank you sir.” Si Ema, habang nagba-blush ang pisngi. “Ay sir, sabi po pala ni CLM, sumunod daw po kayo sa board room pagdating nyo.”

“Do I have to. Geez.”

“Oo daw po.”

“Well she’s the boss. Dalhan mo din ako ng coffee ha?” sabay ngiti sa secretary.

“Y-yes po.” Nauutal na sambit ni Ema.



----

Knock knock

“Hi babe.” Sabay kiss ni Chester sa pisngi ni JC

“Babe?” Gulat na sagot ni JC.

“Yes babe! Bakit ngayon ka lang?” Tanong ni Chesters

“I went to my Mom’s house. Namiss ko luto ni Mama at ang mag-breakfast kasabay sya. May mali ba? And besides kagabi lang ako nawala sa tabi mo na-miss mo na agad ako at may pa-babe babe ka pa. Haha” pabirong sabi ni JC.

“JC, we have visitors.” Chester.

“Ah yeah, nasabi nga ni Ema.” JC

“Let me introduce you to Ms. Zamora and Mr. Tolentino.” Pagpapakilala ni Chester sa mga bisita.

“Mi-misha?” gulat na sambit ni JC.

“Yes Babe, Ms. Misha Zamora. And I also introduced Mr. Ryan Tolentino, si Misha lang nasabi mo.” Inis na sabi ni Chester.

“Ahm, I’m sorry. My name is Juan Carlo Jacinto, they call me here JMJ. Nice to meet you. Misha Zamora and Ryan Tolentino.” Bawi ni JC sa pagkakagulat nang makita si Misha.

“Okay let’s proceed with the business. Since we all know each other at kilalang-kilala na natin ang isa’t-isa…” Hindi pa natatapos ni Chester ang nais sabihin nang magsalita si JC.

“Excuse me, I have to go. May kailangalan pala akong gawin. Ngayon ko lang naalala.” Pag-papaalam ni JC.

“Importante? Parang wala naman akong alam na gagawin ka today.” Chester.

“Meron Ches. May email pala from the client na kailangan kong replyan this morning. I need to attend to that first.” Excuse ni JC.

“Sinong client? I read all the emails and…”

“Ches, please let me excuse myself. I’m sorry Ms. Zamora and Mr. Tolentino but I need to leave you all here. No worries, you are in good hands with Ms. Mendrano, she knows well about the business and the firm. She can handle you all from here. Excuse me.” Akmang hahawakan sana ni Chester ang kamay ni JC bago tuluyan lumabas pero mabilis na nakaiwas si JC at iniwan silang tatlo sa board room.

“Well Misha and Ryan, sorry if Mr. Jacinto needs to go. Napaka-focus kasi nya sa business, especially with our clients. Client are our gems, we can’t afford to lose one kaya we really taking care of each every one of them.” Excuse ni Chester. “And I hope that your firm does exactly the same. Yung iniingatan at minamahal yun mga taong mahahalaga. Because personally, I do that. ” May diing sambit ni Chester.

“You don’t have to worry on that Ms. Mendrano.” Assurance ni Ryan sabay hawak sa kamay ni Misha. “I as well, rather the firm, also does that.” Dugtong nya.

“How about you Ms. Zamora?” baling ni Chester kay Misha.

“Y-yes, definitely.” Sagot ni Misha at nakaramdam ng pagbabanta mula kay Chester.

“Then everything is settled. Give me the contract and I’ll have it reviewed by our lawyer. Then I will request for a meeting between Mr. Paralejo and Mr. Montenegro for the contract signing.” Pagtatapos ni Chester.

“That’s all? Hindi mo ba muna titignan ang presenting ng firm namin?” Tanong ni Ryan.

“What for? Mr. Paralejo and Mr. Montenegro already decided to this partnership. This meeting is just for formalization of everything and at the same time to get to know who we’ll be working with. Unless you have something to present that I don’t already know.” Chester.

“I guess you already know everything, so wala na kaming dapat pang i-present. So it is settled then.” Ryan.

“And the contract?” Tanong ni Chester.

“Misha?” bulong ni Ryan sa kasintahan. “Where’s the contract?” Tanong nya.

“Misha, focus. You are here for business. Be professional. Huwag kang paapekto kay Jc.” Kumbinsi ng isip ni Misha sa kanyang sarili.

“Misha?” tawag ni Chester.

“Yes, here’s the contract Ms. Medrano. Everything is already there. The agreement and the clauses. But of course your company is still free to amend the contract if needed.” Finally, nakabalik na wisho ni Misha. “I will be sending the soft copy to you as well once I got back in the office.” Dugtong nya.

“Great!” pagsang-ayon ni Chester. “So I will be expecting to see the two of you more often. I am excited to work with your firm.” Sarcastic na si Chester.

“The pleasure is ours.” Misha. Sabay abot ng kamay for a shake hands.

“Thank you Ms. Zamora and Mr. Tolentino, see you on contract signing.” Paalam ni Chester.

“I hope not.” Bulong ni Misha.

“Ema!” pagtawag ni Misha sa secretarya. “Samahan mo sila palabas please” utos nya. “At wag mo ng pababalikin pa.” pabulong nyang dugtong sa sarili.





 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (28)

wow nadugtungan na... laking tuwa namin .. tia
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (28)

Sana laging may update hahaha thank you for this :dance:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (28)

Nice, nice. :):)
 
Back
Top Bottom