Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)


Secret Valentine
"Ang love story ng Candy at Yosi"







Ito po ang kauna-unahang pagtatangka ko na sumula ng isang kwento.
20.gif


Naisip ko lang po na itry ang ibang medium ng pagsulat.

Madami ng mga magagandang storya ang naipost dito at isa yun sa mga naghikayat sa akin na sumubok ding gumawa ng isang kwento.

First time ko po kaya be gentle
33.gif



39.gif

By parts ko din po iuupdate ang kwento na ito and your comments and feedbacks would certainly help.



Index:

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

Part 9

Part 10

Part 11

Part 12

Part 13

Part 14

Part 15

Part 16

Part 17

Part 18

Part 19

Part 20

Part 21

Part 22

Part 23

Part 24

Part 25

Part 26

Part 27

Part 28

Part 29

Part 30

Part 31

Part 32

Part 33















 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (32)



Part 32


Nagdesisyon nga si Mishang puntahan ang bahay ng dating kaibigan at dahil malapit lang naman sa kanila ang bahay ni JC, minabuti na lang nya maglakad patungo doon.

Kakabog-kabog ang dibdib ni Misha ng marating ang bahay nila JC. Pinakalma muna nya ang kanyang sarili bago tuluyang magdoorbell. Si Rose, Mommy ni JC ang nagbukas ng gate at halata sa mukha nito ang pagkabigla.

“Misha?” Mommy ni JC.

“Opo Tita.” Nahihiyang sagot ni Misha.

“Kamusta na? Napadalaw ka? Nabalitaan mo bang nandito si JC?” sunod-sunod na tanong ni Rose.

Muling kinabahan si Misha sa nabanggit ng ina ni JC. “Nandito si JC?” tanong nya sa sarili. Hindi nya alam kung mapapaatras ba sya sa oras nay un.

“Misha ok ka lang ba?” Pagtatanong ng ina ni JC.

“O-o-po. Nagulat lang po ako. Nandito po si JC?” Pagku-kumpirma ni Misha.

“Kanina andito sya, kaso umuwi na ng Cebu. Pinipigilan ko nga, kaso may importante daw syang gagawin dun.” Sagot ng ginang.

Nakahinga ng maluwag si Misha sa sagot ng ina ngunit nakaramdam din sya ng konting panghihinayan.

“Ah ganun po ba?” maikli nyang sagot.

“Miminsan na nga lang yun bumisita sa’kin. Parang ikaw lang, naturingan magkalapit lang tayo ng bahay, ngayon ka na lang ulit napadaan dito matapos ang limang taon. Bukod sa bestfriend ko ang mama mo, wala naman akong ibang anak kundi si JC kaya tinuring na din kitang anak.” Pagtatampo nito.

Nakaramdam naman ng pagka-guilty si Misha ng maglabas ng tampo si Rose.

“Tita sorry na po, naging sobrang busy lang po sa school noon at ngayon naman sa work. Hindi ko din naman po ginusto na ‘wag kayong dalawin kaso, may kung anong lungkot akong nararamdaman kapag napapadaan ako dito matapos sumama ni JC kay Chester. Sinubok ko naman po kayong kamustahin pero wala akong lakas ng loob na balikan ang mga masasayang araw namin ni JC dito sa inyo.” Hindi nya mapigilang maluha sa tagpong pagtatapat sa naramdaman nya nun umalis si JC.

“Naku Misha, alam ko naman. Kahit hindi mo sabihin, alam kong nasaktan ka sa ginawa ng anak ko. Hindi ko nga din alam kung anong pumasok sa utak nun at bigla na lang nagdesisyon iwan ako dito mag-isa.” Sagot ni Rose. “Huwag ka na umiyak dyan, tahan na. Tara na’t pumasok sa loob at baka may makakita sa atin dito at sabihing para tayong sirang nag-iiyakan.” Pang-aalo at pagbibiro nya kay Misha para mapagaan ang sitwasyon.

Sabay silang natawa sa tapong ito. Nawala sa maga isip nila na hindi pa sila nakakapasok sa loob ng bahay at nakuha na nilang magdramahan. Kahit papaano ay napagaaan ng tapong yun ang damdamin nilang dalawa.
“Oh ito Misha, mag-meryenda ka muna.” Alok ni ginang.

“Thank you po.” Pagpapasalamat ng dalaga. “Leche flan po talaga Tita?” hindi mapigilang tanong ni Misha ng maalala na paboritong dessert ito ni JC.

“Ay oo eh. Yan lang kasi ang tanging maiaalok ko. Alam mo naman mag-isa lang ako kaya walang halos laman ang ref ko. At dahil kagagaling lang dito ni JC, ipinag-grocery nya ko at ayan naisipan nyang gawan ako ng leche flan.” Pagpapaliwanag nito.

“Okay lang po tita, naalala ko lang kasi na madalas syang gumawa nito at dinadalhan nya ako sa bahay.” Nakaramdam na naman ng pagkalungkot si Misha. “Wala pa rin palang pinag-bago ang bahay nyo Tita. Ganun na ganun pa din.” Dugtong nya habang minamasdan ang bahay na mas lalong nagpamiss sa kanya kay JC.

“Wala kasi din akong balak ipabago ang kahit ano sa bahay na ‘to. Kahit papaano nararamdaman kong hindi malayo sa akin si JC.” Sagot ni Rose.

“Wala po ba kayong balak sumunod sa kanya sa Cebu? Hindi ka po ba nya inaaya?” Tanong ni Misha.

“Naku ilang beses na din nya ko sinasama sa Cebu. Bago pa sya tuluyang lumipat dun nun makakuha sya ng scholarship, gusto nya na kong sumama sa kanya. Kaso ano naman gagawin ko doon? Andito ang hanap-buhay ko at mga kaibigan ko.” Sagot sa kanya.

“Kung sabagay po.” Maikli syang sagot.

Ilang minuto din ang nakalipas habang nagkkwentuhan ang dalawa ng maalalang itanong ni Rose ang pakay ni Misha. “Sya nga pala Misha, ang dami na natin napag-usapan pero hindi mo pa rin sinsabi ang sadya mo dito.”

“Ay oo nga pala.” Maalala ni Misha. “Nawala na po sa isip ko yun sadya ko. Masyado ako naaliw sa kwentuhan natin.” Pagpapaliwanag nya. “Tumawag po kasi yun Prof naming ni JC sa akin at may hininging pabor. Wala po kasi sa bahay namin yun hinahanap nya kaso wala sa akin. Project po kasi naming yun ni JC kaya marahil nasa kanya po iyon.” Pagpapaliwanang ni Misha.

“Ah ganun ba? Gusto mo bang tawagan ko si JC para makausap mo at matanong mo sa kanya.” Alok nito.

“Ay naku po, ‘wag na po Tita.” Pagtanggi ni Misha.

“Ayaw mo ba syang kausapin? Ako na lang ang matatanong kung gusto mo.” Alok nya ulit.

“Hindi na po siguro kailangan. Hindi naman po mahirap hanapin yun kailangan ko. Kahit ako na lang po ang maghanap sa kwarto ni JC.” Pagtanngi muli ng dalaga. Ayaw din naman nya kasing malaman ni JC na nasa bahay sya nila. At baka sabihing gumagawa lang ako ng paraan para makausap sya kaya pumunta ako dito sa kanila.

“Ganun ba? Sayang naman ang pagkakataon. Ayaw mo tagala sya makausap?” Pagtatanong ulit ni Rose na may halong panunukso. Sa simula pa lang naman si Misha na ang gusto nyo para sa anak.

“Hindi na po Tita. Kung ok lang naman po sa inyo na pumasok ako sa kwarto ni JC.” Pagtatanong ni Misha.

“Kung sa buhay nga ni JC gusto kitang pumasok, sa kwarto pa kaya nya.” Natatawang sagot nito. “ “
“ Sige umakyat ka na at wala naman nabago sa kwarto ni JC.” Pagpayag nya.

Natuwa naman si Misha sa sinabi ng ina ni JC, noon pa man ay pinapapares na sila ng kanilang mga magulang. Sadya nga lang hindi sila laan para sa isa’t-isa.

May halo namang kaba at nostalgia ang bawat hakbang ng dalaga palapit sa silid ni JC. Punong-puno kasi ng ala-ala ng kanilang pagkakaibigan ang tahanang ito. Bago pa nga siya maka-akyat ng hagdan ay napalingon siya sa binatang malapit dito at natanaw ang puno na madalas nilang tambayan habang nagkakantahan. Nanariwa sa kanyang isip ang mga alaala at hindi maintindihan ng dalaga kung lungkot, saya o pangungulila ang kanyang dapat madama. Napahawak pa sya sa sing-sing na bigay ni Ryan nila humahanap ng comfort dito.

“Bakit ba kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa din masagot kung ano ba ang nangyari sa amin? Parang ang napakatagal na panahon na aming pinag samahan ay bigla lang nabura ng isang ihip ng hangin. Well, technically hindi naman talagang kami pero hindi ko din naman sasabihing walang kami. Hindi naman na ako bata para paniwalain ang sarili ko na walang epekto ang lahat ng ito sa akin.” Bulong ng dalaga sa isip nya habang patuloy na papalapit sa silid ni JC.

Bagama’t may lungkot, kahit may nadaramang kaba at takot, habang papalapit sya sa silid ng binata nakakaramdam sya ng kagaanan. Tila ba matagal na syang dapat pumarito, parang nadito ang mag papapayapa sa kanyang nag tatanung na puso. Parang si JC, na pagkasama nya ay payapa sya kahit anong sitwasyon ang kanilang daanan.

“ Para akong sira. Ang alam kong pinunta ko lang dito ay ang pabor na hinihingi ni Prof. Es. Bakit ba para kang umaasang may makukuhang iba, Misha. Focus! Focus! Sa gitna ng mga nakakalunod na alaala na ito kailngan ko lumakad, siguro para makamove- on na din.”








 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (32)

ayiiiee mas napapadalas yung update :excited:

labet :wub:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (32)

saglit na saglit lang ...... may pinagmanahan talaga si jc
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (33)



Part 33



“Wala talagang pinagbago 'tong kwartong to. Andito pa din yun mga kalat nya. Namiss ko din ang silid na ito. Ang tanging pinagbago lang ata dito eh hindi na sya amoy yosi. But the rest are the same. Yun cover ng kama at unan, baong laba lang pero yun paborito pa din nya. Kung pwede nga lang hindi labhan, hindi nya palalabhan at papalitan si superman. Kupas at lumang-luma na pero yun ala-ala ng kabataan namin parang sariwa pa sa kwartong to, parang kahapon lang. Nakakamiss din talaga yun lalaking yun. Bakit kasi hindi na lang kami?” sambit ni Misha sa sarili habang nililibot ng tingin ang kwarto ni JC.

“Hay naku, nagpapaka-emo nanamanako. Baka maiyak pa ko dito kung babalikan ko pa yun masasayang kulitan, asaran at kwentuhan naming sa kwartong to. Pati yun pagtulog ko dito kapag gumagawa ng thesis or project. Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pag-take advantage kay JC or malisya kahit pa nakikitulog ako dito sa kama nya. Siguro nga kapatid lang talaga tingin nya sakin at hindi nya ko nakita bilang isang attractive na babae.” Hindi nya mapigilang pag-re-reminisce ng kanilang moments.

“Focus ka nga Misha!” paggising nya sa sarili. “Hindi memories nyo ni JC ang binalikan mo dito kundi yun model house na kailangan ni Prof Es.”

“Saan kaya nilagay ni JC yun. Malaki yun model house tiyak visible naman agad yun kung dito lang sa kwarto nakalagay. O baka dinala nya yun sa Cebu?”

Pinilit ni Misha pakalmahin ang sarili habang nasa loob ng kwarto ni JC. Wala din naman syang mararating kung iisa-isahin nyang babalikan ang masasayang ala-ala ng lugar.
Sinimulan nyang tignan ang study table ni JC kung san sila madalas gumawa ng thesis at project.

“Napakagulo talaga ng lalaking ‘to. Halo-halo ang mga gamit. Hindi din marunong magtapon ng basura. Ultimo mga scratch ng mga drawings nya andito pa lahat. In fairness, magaling talaga ang mga kamay nya. Kaya nagtataka ako bakit ECE ang kinuha nyang course eh.” Hindi mapigilang paghanga ni Misha sa talent ng kaibigan. “Kaso wala naman dito hinahanap ko. Baka naman dinala nya nga sa Cebu pati yun soft copy ng thesis namin.” Naiiritang Misha

Naisip ni Mishang subukan i-check ang mga cabinets at aparador ni JC ngunit bigo sya. Mawawalan na sana sya ng pag-asa ng may makita syang kahon sa tabi ng study table ni JC.

“Subukan ko kayang i-check yong kahon na yun. Nakapatong yun gitara nya dun kaya baka ikinahon na ni JC yun mga luma nyang files. Sana naman positive tong pagpunta ko dito.” Muling nakaramdam ng pag-asa si Misha.

Natuwa si Misha ng makita ang paboritong gitara ni JC na madalas nilang gamitin sa pag-ja-jamming. "Isa ka pa eh, iniiwasan ko na ngang magdrama dito nag papa-alala ka pa eh."

Nang maalis na nya ang gitara sa ibabaw ng kahon, nanlamig sya sa nakita. May label ang kahon na “CANDY GIRL”. Ang pagkakaalam nya’y sya lang naman ang tinatawag ni JC na Candy Girl, wala ng iba. Nakaramdam ng kaba si Misha at hindi nya mawari kung anong takot ang bumalot sa katauhan nya. Nag-freeze sya ng bahagya ng mabasa ang pangalang bansag sa kanya ni JC sa ibabaw ng kahon.

Higit sa kabang naramdaman nya ay curiosity kung anong nilalaman ng kahon. Bumungad ang portrait nya pagkabukas ng kahon. May initial ni JC sa kanang-ilalim ng portrait at nakaramdam sya ng kilig dahil sa ganda ng pagkakaguhit sa kanya ni JC. “Napakaganda ko naman dito sa drawing na to.” Sambit nya.

Mga ilang sketch pads pa ang nakita nya na may iba’t-iba nyang larawan na may iba’t-iba nyang expression. Ngunit nangingibaw sa dami ng larawan nya ang nakasimangot. “Mukhang aliw na aliw yung mokong na yun na makita akong mahaba ang nguso kapag naiinis sa kanya. Ganito ba talaga ang itsura ko kapag nakasimangot? Ang pangit!” Natatawang tanong nya sa sarili.

May nakita din syang maliit na kahon kung saan nakalagay ang ilang BBQ sticks at candy wrappers. Meron din mga gamit na LRT card, movie tickets at mangilan-ngilang notes na pinapaabot nya sa sa mga kaklase nya kay JC.
May kung anong kilig na naramdaman ang dalaga sa pag treasure ni Jc sa maliliit na bagay na may kinalaman sa kanila.

“Walanghiya, may pagka-semental din pala ang taong to? Haha.” Hindi sya makapaniwala sa nakita.

Medyo kinilig si Misha na malaman na may ganitong side din pala si JC. Ang tanging alam nya lang eh madalas syang asarin nito at tuksuhin na assuming sa tuwing bibiruin o tatanungin nya kung may gusto ba ito sa kanya.
Nasa kahon din ang mga ilang regaling ibinigay nya kay JC tuwing may birthday or pasko or tuwing maisipan nya lang surpresahin sya ng mga regalo para pa-thank you sa mga favors nya dito. Pero ang naging agaw pansin sa kanya ay ang mga regalong hindi pa bukas. Nang tinignan nya ito isa-isa, ito ay nakapangalan sa kanya. “Nakapangalan naman to sakin, karapatan kong buksan to.” Sambit nya sa sarili.


Pigil-pilit si Mishang maluha ng makitang ang ilan sa mga regalo ang kopya ng mga paborito nyang libro na may dedication sa dulo at may mga notes ang mga page explaining kung paano ito nagimpact sa kanya. Hindi sya makapaniwala na mag-eeffort si JC basahin ang mga librong paborito nya.

May mga ilang notebooks din ang nasa loob ng kahon at ng isa-isahin basahin ni Misha ang laman, mga drafts ito ng mga tulang natanggap nya from her secret adimirer na all this time ay inakala nyang si Ryan.

"Nais kong maging Super Hero."
"Hindi kita babatiin ng happy valentines."
Isa isang binasa ni Misha ang mga drafts ng tula.
"Ang extrang hero."


“Yung totoo Juan Carlo Jacinto, bakit mo to ginawa sakin? Bakit mo tinago lahat ng ito?” tuluyan ng kumawala sa mga mata ni Misha ang mga luhang kanina pa nya pinipigilang kumawala. “Bakit mo ko pinaniwalang hindi ikaw ang nagbibigay sa akin ng tula, bakit hinayaan mo kong maniwala na kay Ryan galing ang mga tula?” May mga bago nanamang tanong sa isip ni Misha.

Lunod na lunod si Misha sa lungkot na nararamdaman nya. Mas lalo nyang naramdaman na si JC lang ang laman ng puso nya. Na si JC lang hanggang ngayon ang taong mahal nya. Pilit man nya ibaling kay Ryan ang pagmamahal, hindi mahigitan nito ang pagmamahal kay JC.?

Napa-upo siya sa gilid ng kama ni Jc habang patuloy na nalulunod sa mg emosyon na nararamdaman. Hindi nya alam kung magagalit ba sya sa binata o sa sarili nya dahil hindi man lang nya naramdamang si Jc ang may gawa ng lahat ng iyon. Patuloy ang pigil na hikbi at ang pag patak ng luha. Naihagis pa nya ang hawak na notebook sa pader sa harap nya na mapansing may envelope na nahulog galing dito. Parehong envelope na madalas nyanh matanggap dati. Habang binubuksan nya, nakita nya ang parehong papel at ang sulat kamay. Sulat kamay na ngayon lamang nya napagtantong sa binata. Ang nakasulat dito ay isang tulang hindi na nakarating sa kanya.



Sa kanto


Nagawi akong muli rito
Kung saan madalas tayong magtungo
Bumibili ng fishbol sa kanto.

Tila nakasanayan na ng mga paa
Na magawi sa pook ng ligaya
Masilayang muli ang ningning sa'yong mata
At ang labi mong may guhit ng saya

Kay ayang pagmasdan
Ang iyong kagalakan
Habang sabik na nagaabang
Maluto ang kikiam

Kasabay ng paghalo ng tindero
At marahang pagluluto
Ang pag-ibig sa ating puso
Ay unti-unting namuo

Di nagtagal ang oo ay nasambit
Kasabay ng pagkaubos ng laman ng stick
Pinasarap ng sawsawang matamis
Ang pag-iibigan ng mga pusong sabik

Sa tuwing pagdadapit hapon
Hawak kamay na tayong paroon
Pinagsaluhan ang pagmamahalan bawat pagkakataon
Tila 'di na maglalagom.

Nagawi akong muli rito
Bumibili ng fishbol sa kanto
Baon ang masayang ala-alang naipon
Nung kasama pa kita sa bawat pagdadapit hapon.



Nadama ni Misha ang lungkot ng tula, ang kagustuhang magpakilala, ang pait ng kanilang pagkakalayo. Ang masasayang alaala at ang pag-ibig na nabuo sa pagitan nilang dalawa.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang sinabi sa akin ng deretso? Bakit ba kasi itinago mo pa? Hindi pa wala tayong lihiman? Hindi ba gusto mo naman ako?" may pagiyak na sinambit ng dalaga. " Bakit ba kasi naging duwag din ako?!"


Patuloy ang pag patak ng naipong lungkot. Ang pag kawala ng mga damdaming kay tagal na tinalikuran, iniwasan at pinilit kalimutan. Hanggang sa nakaidlip na lamang sya sa pag-iyak at pagod.

Nang mahimasmasan saglit pa nyang nalimutan kung bakit sya naroroon sa silid ni JC. Nang mahimasmasan natabig nya ang gitara sa kanyang tabi. Kinuha ni Misha ang gitarang madalas yakap ng kaibigan. Hindi nya mawari pero parang naamoy pa nya dito ang paboritong pabango ni JC. “Marahil ay ginamit nya ito kagabi ng dumalaw sya sa mama nya.” sabi nya sa sarili.

Hindi mapigilang yakapin ni Misha ang gitara na para bang pakiramdam nya’y nasa paligid lang si JC. Umiiyak na naman syang muli. Hinayaan nya ang sarili nyan kainin ng nararamdaman nyang lungkot. Sa isip nya’y ngayon lang naman to, bukas kailangan nyang mag-move on at mabuhay ulit.

Sinimulan nyang tugtugin ang gitara at kumanta na palagi nyang ginagawa kapag nakakaramdam sya ng sobrang lungkot, lalo na nung panahong sariwa pa ang pagka-alis ni JC sa lugar nila.

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo
kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng
araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang
tumunaw sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas

Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan, umaambon lamang.

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap

Paano ba patitilain ang bagyo
kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?

Di mapaliwanag ang galak na aking nadadarama
Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam

Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan, umaambon lamang.

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap

Paano ba patitilain ang bagyo
kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano ba ito… oh oh oh



“Kaya naman pala parang babagyo, may ngumangawa pa dito?” isang tinig mula sa pintuan ng kwarto ni JC. Isang pamilyar na tinig na nagpahinto sa pagkanta ni Misha. “Hindi maari..” sambit ni Misha sa isip.



 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (33)

omaygas killleeegg to the bones... JC is that you????


mga galawan talaga ni mother eh, malamang nakontsaba toh .. :wub:

:blush:


( swerte naman ni Misha, bet ko yung lalakeng sentimental .. tas may Ryan pa..

haha pahingi ng isa.. chos )

nice Juan ti-es nakakasabik lalo :pacute: :more:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (33)

humaygad/ nasundan din
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (33)

yown may update na :dance:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (33)

ewan ko ba sa misyang to.... abangers lang kc ee hahaha... alam naman na torpe si best ee
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (33)

TS, kelangan na nito ng update. Kanina ko lang sinimulan basahin sa work. Sana magkafreetime ka para sa next part ;)

Ang galing ng pagkagawa kaya dahil jan. Mooore!:pray:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (33)

Ayos 2013 pa yung last post ko naging busy sa work nagka gf na at ngayon may asawa na...... Sulit yung pag silip ko ang dami na update kaso need na ulit ng update
Keep up the good work ts
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (33)

up naman natin!
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)

wala pa update? :pray::pray:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)

ayos .. ang galing ahh .. update mu na TS ..
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (33)

inabot n ng bakasyon
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (27)

update mo na to TS.
waiting kami sa next chapter nito.
pakidamihan din po ang update, plith :)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (27)

wala pa bang update TS ?? abang mode ..
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (27)

pa up mga ts
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (27)

mayo na teh...
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy at yosi" (4)

asan na po ba si mind freak?
 
Back
Top Bottom