- Thread Starter
- #41
Ngayon ko lang napansin na may-update pala yung main post mo. Hehehe.
Tumanggi sya siguro kasi madami ka na naibibigay sa kanya kaya ayaw na niyang madagdagan pa yung utang na loob niya sayo. Utang na loob kasi wala naman siyang gusto sayo eh. Ganyan din yung dati kong nililigawan. Hahahaha.
Dito na lumalabas yung pagiging overthinker at stalker mo dahil sa mga nangyayari eh. Which is, in my opinion lang ha, nakaka-turn off kasi lahat na lang napapansin mo. Ang simpleng bagay lang nyan pero napansin mo pa din. Tsaka hindi mo ba din naisip na baka iniiwasan ka talaga niya kaya di niya pinapansin comments mo samantalang comments ng iba napapansin niya? Hmmmm.
Oo, gusto niya ng pangmatagalagang relasyon. Narinig ko na din yan dun sa nililigawan ko dati eh. Hahahaha. Pero ano? Hindi naman niya sakin gusto makipag-relasyon ng matagalan kasi di niya naman ako gusto. Tsaka, minamadali? Sa tingin mo, sa lalaking gusto niya at gusto din siya, masasabi niya kaya yang minadali sya? Well, sorry to this say pero hindi.
Naka-infinite loop kayo eh. Ikaw, gusto mo sya. Sya, may gustong iba. Yung gusto niya, may gusto ding iba. And so on. Tsaka bad move yang ginawa mo. Naka-stalker mode ka na naman. Konting kibot niya napapansin mo. Nagtatanong ka kaagad. Hindi ka lang niya basta "friend", remember? Manliligaw ka niya. Kaya kapag nagtatanong ka, iba dating sa kanya. Sigurado yun. At negative ang effect nun sa impression(s) niya sayo. Naka-lubog ka na, lalo ka pang lumulubog dahil sa mga moves mo.
- Red Flag na naman. That "friends na lang daw muna kami". Tsaka stop that busy BS. Kahit ano pang busy mo, kung gusto mo talaga yung tao, kung mahalaga sya sayo, bibigyan at bibigyan mo sya ng time. Gagawa at gagawa ka ng time para makamusta sya, o kahit makapag-send man lang ng short message saying na busy. Kaso hindi.
Hindi ka nga nag-eexpect, pero fuma-fighting ka naman. Ganun din yun. Sabi nga nila "Choose your battles wisely, most of them are not worth fighting for". At isa na yang ginagawa mo sa hindi worth it na laban. Sinasayang mo lang panahon at oras mo dyan. Tsaka kahit single sya, kung hindi naman ikaw ang gusto / type nya, ganun pa din yung result.
Kaya kung ako sayo...
Kalimutan mo na yan, sige sige maglibang. 'Wag kang magpakahibang, dapat ay itawa lang. Ang problema sa babae dapat di iniinda... EX-B!
Anyways...
Again, sorry sa pagiging harsh ko sa mga replies ko. Gaya ng sabi ko dati, dumaan na ako sa ganitong-ganitong situation / scenario months ago lang. Ramdam na ramdam ko kasi parehong-pareho tayo eh. Ang kaibahan lang natin ngayon, ako nalampasan ko na yan. Nagpapasalamat pa nga ako kasi binasted ako nung babaeng yun. Kasi hindi kung hindi niya ginawa yun, hindi ko makikilala 'tong girlfriend na soon to be wife ko na hopefully. Lahat ng bagay na nangyayari sa atin may dahilan, at may magandang kapalit. Ganyan din ako dati, katulad mo, nagpapakaloko sa babaeng hindi naman ako magagawang mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi din ako nakikinig sa mga tao sa paligid ko, pati na din sa mga taong nandito na nagbibigay ng advice na itigil ko na yung kalokohang ginagawa ko before. Wala eh, ganun naman kasi tayong mga tao. Kahit anong advice ang hingi natin, kagaya mo, sarili pa din naman natin yung susundin natin. Kahit ang sakit-sakit na talaga. Hahahaha. Mas pinipili pa din nating mag-kulong sa isang ilusyon na kahit kailan hindi naman mangyayari o magiging totoo. Kaya ikaw sir, tapusin mo na yang paghihirap na nararansan mo ngayon dyan sa babaeng yan. Hindi ko sya hinuhusgahan kasi wala naman syang kasalanan. Ikaw kasi tong nagpupumulit sa isang bagay na kahit ikaw mismo, alam mo na malabong mangyari. Pakawalan mo na yang sarili mo sa ilusyon na yan. Madami pang iba dyan. Hindi pa katapusan ng mundo para sayo.
-Grabe thanks sir. well said po. natuwa po ako sa replies/feedback mo sa mga ganap saking love life. I think mas ok na ako ngayun, and sa tulong ng family and friends ko di na ako nalulungkot. malaking tulong din yung mga sagot nyo dito sa thread ko. Good morning!!