Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Subok lang :)

Ikaw lang talaga.

Mabilis na takbo ng oras
Kasabay ng panahon na lumilipas
Tulad ng mga dahon sa puno na nalalagas
O 'di kaya'y puso kong ang tibok ay kumakaripas

Tanong sa sarili, “Bakit kay tagal mo naman sinta?”
Bagamat 'di maiinip hanggang makapiling ka
Wag ka lang maghanap ng iba
Ito'y ikakalungkot ko talaga

Dahil sayo ako'y maghihintay
Hangga't ako'y nabubuhay
Kahit umabot pa sa aking paghimlay
Puso ko sayo lang talaga ibibigay

---

Stranded

Malakas na buhos ng ulan
Buhol-buhol na sasakyan
Malalim na baha sa daan
Ingay mula sa kung saan-saan

Nahihilo
Nalilito
Hindi mantanto
Kung saan nga ba ang tungo

Maari mo bang ituro?
Ang lugar ng tunay na paraiso
Kung saan maghihilom ang aking puso
Kasabay ng pagakatao kong hindi buo

Halika na! Magmadali ka!
Sayo'y ayos lang ba?
Dahil handa na'kong muling mag-umpisa
Kasama ka, wala nang iba

Lahat ng nakaharang ay malalagpasan
Kahit ako'y mahirapan
At puso ko'y mas maging sugatan
Ang mahalaga makaalis na'ko sa kinalalagyan.

----

Ako pa ba'y bibilang?

Isa, dalawa, tatlo
Hindi ko na matanto
Kung bakit 'di matuto
Parang batang bobo

Apat, Lima, Anim
Pilit pa ring nililihim
Mga sugat na kay lalim
Gawa ng higit pa sa patalim

Pito, Walo, Siyam
Nakatago pa rin ang iyong liham
Inuulit ng walang agam-agam
Dahil dito ika'y aking nahihiram

Sampo, Labing-isa, Labing dalawa
Hanggang dito nalang siguro sinta
Dahil masaya ka na rin naman sa iba
Basta't laging tandaan mahal pa rin kita.

---

Ako'y maghihintay

Paglisan mo man sa akin ay nagdulot ng sakit.
Kahit puso ko'y tila papel na pinunit.
At pagkatao ko'y parang pinilipit.
Sa isipan ko ika'y hindi iwawaglit.

Aking panghahawakan, iyong pangako.
Na muling magsasama't magtatagpo.
"Maghintay ka lamang", Sambit ng labi mo.
Kaya sarili ko'y aking binilanggo.

Nakakulong sa rehas na gawa mo at sa iyo'y naghihintay.
Hindi magsasawa hanggat ako'y nabubuhay.
Dahil pag-ibig ko sa'yo lang talaga alay.
Kahit dumating pa ang araw ng aking paghimlay.

---

9 months lang!

Siyam na buwan. Oo, siyam na buwan.
Ika'y minahal, inaruga at inalagaan.
Tag-init man o tag-ulan.
Sa liwanag man o kadiliman.
Mula hilaga hanggang kanluran.
Ngunit sukli mo'y kay saklap naman.
Nang dumating ang araw nang iyong paglisan.
Tila dinurog sa isang maliit na gilingan,
Buong pagkatao ko ng ako'y iyong iniwan.
Ngayo'y duguan at hindi mapakinabangan.
At tanging ikaw lang ang gamot na kasagutan.
 
Ok yan maganda hirap gumawa ng ganyan ipagpatuloy mo lang. :clap:
 
Wow pare ang astig nito keep it up yow..... :thumbsup:
 
Back
Top Bottom