Re: T-shirt printing: Silkscreen method
interesado ako s t'shirt pringting.. mtgal2tgal n din ako ngpri2print kso hanggang nagun nd ko pdin alam pg'gamit ng photo imulsion.. pde b kong mkkuha ng tips s inyo kng pnu gngmit yun.. pro cuting lng s acetate ang mga designs ko.. tas disposable p.. mlaki ngagastos ko.. plz nman pki guide nyo ko kng panu xa gwin.. tnx
Eto po,dati stencil lang ako,gamit ko sliding folder pa.tpos tnry ko yung transparency or acetate na tinatawag.puro failed dahil mahirap na magcut dun dahil mejo makapal yun compared sa sliding folder. Sa kakapanuod ko ng videos sa youtube bout tshirt printing,para maging maganda ang design mo eto ang gamitin mong photo emulsion AQUASOL ER FROM TULCO,ready mixed na po sya..tapos ang gamitin mong pang exposure,para tipid kelangan mo lang ng incandescent bulb 100 watts lang pde na,dapat ang height nito sa ineexpose mong screen ay 12 inches..ang exposure time nito ay 1hr or lower pa,pero para sure at tlagang babakat ang image mo sa screen gawin mong 1hr.then after that, takpan ng dark shirt ang image para di xa maexpose saka mo banlawan yun sa dark place gamit ka ng yellow light madali mo makikita unti unting lilitaw ang image mo sa screen..tapos aptuyuin ito pde ka gumamit ng hair blower para mabilis matuyo..
Then pde ka na magprint,mganda po ang aquasol er dahil fine ang images dun kapag naexpose na sa light.
eto po ang gawing preparation
1. No need mo na bumili ng transparency or acetate dahil mhal yun. Bond paper lang pde na,pag magpprint ka ng image dapat po black and white,yung black colors sa image ayun ang maeexpose sa screen after mo iburn eto sa incandescent bulb. Make sure po na black na black ang print para po maganda ang bakat sa screen.
2. Sa bond paper na kung saan nakaprint na ang image mo,pahiran mo ang likod ng mantika, opo mantika ang gamit. Gamit ko po ay mantika na ginagamit pangluto,dapat po malinis yun at di pa nagamit..pahiran ang buong likod ng bond paper at patuyuin ulit.
3. Kapag ready na ang screen mo after mong magpatuyo ng emulsion sa screen, ilagay sa screen ang image,ang paglagay ng image ay dapat pabaliktad..dapat ang harap nito ay nasa ilalim, ang screen position mo ay pataob dapat, yung image mo ididikit mo sa outer part ng screen.
4. Gumamit ka ng clear na salamin ng picture frames na kasing laki ng bond paper mo..ipatong mo ito sa image mo.
5.para siguradong didikit ang image,lagyan ng libro ang ilalim ng screen at idiin diin ang screen pra babakat tlaga ito ng husto.
6. Orasan ang pag burn o expose ng image, take note dapat po madilim ang room kung saan ginagawa mo ito,dahil bawal maexpose ang screen na may emulsion hanngat di pa ito ready sa ibabakat na image,pde po yellow light or ung incandescent bulb mo balutan mo ng supot na pula,wag mo ididikit sa mismong bulb dahil mapapaso ito, at masusunog.
7. Then simulan na ung pag expose or pagburn. Pagkatpos nito hugasan na ang screen para makita na ang image.
sana po nakatulong ako sa problem mo..at nakadagdag ako ng kaunting kaalaman sa iyo pagdating sa pagkatipid ng mga kagamitan na kelangan sa pag expose ng image.