Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Travel to Uae (Help Guys)

voiceover

Apprentice
Advanced Member
Messages
89
Reaction score
0
Points
26
nandoon po ang fiancee ko sa UAE 3 years na sya doon at resident na sya po doon.
Nag try po kami ng tourist visa at mag cross country po sana ko dahil di kami kasal
unfortunately na offload ako dahil kung ano anong documents hinahanap sakin at siguro
dahil first time ko lang mag travel at bagong bago din po ang passport ko.

Ngayon plan po ng fiancee ko ang visit visa at pagawa ng affidavit of support (with ribbon thing) from UAE
Residence visa holder po sya. But i doubt na mkakalusot ako sa immigration dahil sa hindi kami kasal
Sabi ng fiancee ko ok lng daw kahit di kasal.

Pero nagdududa po ako na mkakalusot ako.
dahil pwede nilang gawing issue na di kami kasal at maoffload ulit ako.
3 years na po kaming di nagkikita at sana mkaalis na ako at magkita kami ulit
gusto ko rin kasi kasama sya before xmas at new year manlang.

may anak po kami isa.

ano po kaya ang dapat gawin
any suggestion and advice po sa mga may experience at may nalalaman po.
sana po ay may tumugon sa akin. :pray:

salamat po.
 
Last edited:
best option nyo ay magpakasal muna dahil problema din kung mahuli kayo magkasama sa UAE pero hindi naman kayo mag-asawa.

nung kumuha ako ng mag-aalaga ng anak from pinas ay pinag-cross-country ko sya from singapore. ok na sana yung unang plan nyo, pero dahil siguro ay nakitaan ka na madaling matakot ng immigration sa pinas kaya hindi ka nakalusot.

try nyo yang gagawin nyo na may affidavit of support. advice ko lang ay kelangan wag ka magpapakita sa immigration officer na takot ka o baguhan ka. pakita mo na confident ka sa harap nila.
 
Last edited:
- - - Updated - - -

best option nyo ay magpakasal muna dahil problema din kung mahuli kayo magkasama sa UAE pero hindi naman kayo mag-asawa.

nung kumuha ako ng mag-aalaga ng anak from pinas ay pinag-cross-country ko sya from singapore. ok na sana yung unang plan nyo, pero dahil siguro ay nakitaan ka na madaling matakot ng immigration sa pinas kaya hindi ka nakalusot.

try nyo yang gagawin nyo na may affidavit of support. advice ko lang ay kelangan wag ka magpapakita sa immigration officer na takot ka o baguhan ka. pakita mo na confident ka sa harap nila.

thanks po. tama po kayo na tense po ako nung unang sabak ko sa immigration first time ko at nag research dn kasi ako about sa mga na oofload at nung nandun na ako pumasok sa isip ko ang offload at na tense na ako. marami akong natutunan sa experience na iyon,
eto nga lang next choice nmin hindi kami kasal kaya anlaki ng doubt ko kahit sobrang confident ko pa sila masagot

at plan po nmin pakasal doon.
 
Last edited:
Na-off load kana sabi mo, it means may record kana sa immigration na offloaded ka. ang pinakamagandang way dyan sa sitwasyon mo, pauwiin mo si fiancee mo at sabay kayo umalis papunta dito sa dubai. kase kung mag attempt ka ulit na umalis ng pinas, makikita ng immigration yun record mo na offloaded ka last time at hindi ka pa din makakalabas ng bansa. pwede ka ulit nila ihold. kesa naman sa bumayad ka ng escort (eto yun ginagawa ng mga kababayan na nagmamadali at no choice na talaga, around 30 to 50k ang bayad sa escort para makalusot sa immigration) mas mabuti pa na pauwiin mo ang fiancee mo. wala ka na kelangan sagutin pa sa immigration, fiancee mo na bahala dun. 100% sure yun na makakatravel ka kase accompanied ka ng fiancee mo.

- - - Updated - - -

kung ako sa fiancee/bf mo, uuwi muna ako, papakasalan ko yun gf ko, tapos saka ko sya dadalhin dito sa dubai.
 
Back
Top Bottom