Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Trump's victory may mean death to US-Ph relations

xDigoyx

The Devotee
Advanced Member
Messages
324
Reaction score
1
Points
28
It is evident, Donald wins the election! Ang problema, paano na kaya ang relasyon natin sa Amerika? Mukhang panget pa naman ang naging pakikitungo ng ating Presidente sa Amerika. Plataporma pa naman ni Trump ang pagiging isolationist at magfo focus siya sa pag reporma sa kanyang bansa. Patay na ang call center industry natin, aid, at enhanced defense cooperation. Sabi pa ni Trump, dapat magbabayad na ang mga bansa na hihiling na maprotektahan sila gamit ang kanilang pwersa.

Ano na kaya ang mangyayari sa atin?
 
bakit? tingin mo ba Ph lang nakiki nabang sa mga call center companies? sige nga mag bigay ka ng ibang mga bansa/lahi na handang mag trabaho sa mga call center companies na gaya ng mga pinoy? kung aalisin nila mga call center sa pinas, malaking kawalan sa kanila yun, isa rin yung kabobohan pag ginawa nila. dahil 2008 pa sinabi ni obama na ibalik sa US ang mga BPO companies, pero walang nangyari, bakit? dahil mas nakakatipid sila d2 pagdating sa labor, at sa performance naman ng mga pinoy pag dating sa english ay excellent kaya din natin ang iba't ibang accent.

bawas kape TS,

at sinabi na din ni Digong na walang magiging giyera dahil wala tayong kaaway.

read this

http://www.philstar.com/headlines/2...nar-confident-us-bpos-will-remain-philippines
 
Last edited:
Hay, TS subukan mo mag Green Tea yung Lipton. Iwasan mo muna mag Kopiko na kape..

Hindi pa katapusan ng mundo. Meron pang bukas, susunod na linggo at susunod na taon. Sa tingin mo sa isang dikta ni Trump mangyayari lahat ng pinagsasabi mo?
 
Di natin gaanong kailangan ang proteksyon ng US dahil wala namang nabubuong malaking threat para magkaroon ng digmaan. Kung si Hilary ang nanalo pwede pa pero kung si Trump? Mukhang hindi siguro. Lalo pa ngayon na alam nating OK si Putin at Trump at sinuportahan ni Putin si Trump sa kampanya nya. Oo may mga di gusto si Trump sa China dahil ninakaw daw mga trabaho na dapat Americans ang nakikinabang pero mas gusto ng China na si Trump ang manalo kaysa kay Clinton na gusto ituloy ang hidwaan. Tingin ko nabasa na to ng gobyerno natin kaya nagiging malapit ang Pilipinas sa China at Russia dahil malapit din dito si Trump. At kung bakit din gusto mag shift ng Pilipinas sa Industrialization o tumayo sa sarili dahil iba ang gagawing pamamalakad ni Trump. Kanya-kanyang pagsisikap ang mangyayari. Mawawala na ang Police ng buong mundo at magfofocus na sa sariling bansa. Di basta mawawala ang call center dahil nandyan na yan. Alangan namang i-pullout nila yan kahit kumikita sila ng malaki. Maliban na lang siguro kung nalugi talgang aalis sila dito. Sana siya ang maging daan para magkasundo ulit ang US, Russia at China at matuldukan ang digmaan sa Middle East. Sana magbalik yung dating Allies nung World War II nung magkakasama pa ang US, China at Russia di para makipag digma ngayon kundi para palalimin ang relasyon patungkol sa ekonomiya. Umasa na lang tayo na magiging resulta ng pagkapanalo nya.
 
Congratulations DONALD TRUMP sir!
Sana ang US-PHL relationships will be more stronger now that TRUMP is President.
Based on what Trump said, "WE Will Go Along with ANY NATIONS Who Wants to Get Along With Us.."
 
Minsan nga, naiisip ko magpakamatay dahil hindi ko maunawaan ang leader na nalalalo at binoboto ng mga tao. Nagkaroon ako ng lose hope at pagkatapos ay hindi ko na gawa mag-apply na noon ay full of hope pa ako bago nalalo ang new president.

Nag-stop ako maghanap ng work sa alin man call center. Narinig ko na isa-isa na raw nag pulled out ang iba call center.

Anong work kaya ang pwede sa akin?

Undergraduate ako then ang age is medio mataas na. Ang process ng call center ay one day lang.

Parehas pa naman ang ugali ni Duterte at Trump. Kapag nachallenge si Trump kay Duterte lalo na he does not like American at nagfoul words siya ay baka automatic, tanggalin ang call center.

====

Anyway, sa top 10, tayo ang fastest growing economy. Noon panahon ni Aquino.

I have peace of mind noon. Ngayon, anxiety ang namagitan sa akin.

Ano nangyari? Ang gulo-gulo na o ako lang ang naguguluhan?
 
Last edited:
HAHAHAHAHA! GRABE KA TS :lol:

May mas possibility na mag ayos ang Pilipinas at US ng dahil si Trump ang nanalo kesa kay Tuta ni OBAMA :)
Think Positive sir! Godbless
 
Mas ok nga na si trump ang nanalo dahil magkaugali sila ni Duterte :lol: siguradong magkakasundo sila
 
Minsan nga, naiisip ko magpakamatay dahil hindi ko maunawaan ang leader na nalalalo at binoboto ng mga tao. Nagkaroon ako ng lose hope at pagkatapos ay hindi ko na gawa mag-apply na noon ay full of hope pa ako bago nalalo ang new president.

Nag-stop ako maghanap ng work sa alin man call center. Narinig ko na isa-isa na raw nag pulled out ang iba call center.

Anong work kaya ang pwede sa akin?

Undergraduate ako then ang age is medio mataas na. Ang process ng call center ay one day lang.

Parehas pa naman ang ugali ni Duterte at Trump. Kapag nachallenge si Trump kay Duterte lalo na he does not like American at nagfoul words siya ay baka automatic, tanggalin ang call center.

====

Anyway, sa top 10, tayo ang fastest growing economy. Noon panahon ni Aquino.

I have peace of mind noon. Ngayon, anxiety ang namagitan sa akin.

Ano nangyari? Ang gulo-gulo na o ako lang ang naguguluhan?

Grabe ka naman.. Madami pang trabaho sa pilipinas maging matiyaga ka lang mag apply..
 
wag masyado mag ????? ts hah? masyado kang nerbyoso haha.
 
Grabe ka naman.. Madami pang trabaho sa pilipinas maging matiyaga ka lang mag apply..

Ang call center industry lang kaya nagsaved sa mga filipino people, kaya nagkaroon ng trabaho ang bawat Pilipino. Nahihirapan ang mga Pilipino people maghanap ng trabaho at call center lang nagsaved sa mga Pilipino people vs sa mga local job dito sa Pilipinas.

Ang una ay hindi ko alam iyon. Naghahanap ako ng job na hindi call center. Sus me. Puros matataas ang requirement like kinakailangan ay graduate ng 4 years course or minsan meron pang age ang iba and then ang hiring process ay umaabot ng 1 month or weeks then ang dami competition.

Na lose hope ako ay naisip ko na magcall center na lang ako dahil iyon ang demand. So nagTESDA ako para sa call center training. Ang sabi ng call center trainor namin noon ay madami trabaho raw sa Pilipinas. Unlimited at mahahanap daw kahit saan. Isa lang ang requirement at iyon ay magaling mag-english dahil kahit highschool graduate ka lang ay okay na e. Pagkatapos wala age requirement and one day process lang.

Ang itinutukoy ng call center trainor namin na maraming trabaho ay ang mga call center. Saka ko nga lang na realize na mas madali nga.

Ang iba undergraduate student ay nakadependent sa call center sapagkat hindi naman sila graduate ng college. Pagkatapos, imagine na kapag nawala iyon ay papaano na kaya iyon?

Iyon ang reason kung bakit disagree ako sa sinasabi ng iba na keyso wala naman daw nawawalan sa atin dahil ang America lang naman ang nawawalan.

Nawalan man ang America, ganun din ang Pilipino. Nangangailangan ang America, ang Pilipino din dahil give and take at wala naman one side na nangyayari.

Wala ako tiwala kay Duterte pagdating sa mga jobs. Aanhin naman na pataasin ang sahod kung pahirapan makapasok sa work. Yung pataasin ang sahod nga ay mahirap na mag-imagine e ano pa kaya madami job sa Pilipinas.

Hindi man natin maisip ang consequence. Masyado emosyonal at personalism ang Pilipino na ang consequence ay maaari maging negative na.

Hindi ko ma imagine na honest speaking, ang yabang natin. Sasabi sabi natin na "ang Amerika naman daw ang nawalan or ano" na keyso hindi tayo lugi or whatever.

Ang dami kaya nakadependent doon mga Pilipino.
 
Last edited:
dami nanaman umiyak sa thread ni ts:rofl::rofl::rofl::rofl: nice 1 ts:thumbsup:

Mukhang si TS po yata umiiyak sa pagkapanalo ni Trump. Inuumpog pa po yung ulo nya sa pader oh. Hehe

---
Malalaman natin ngayon kung ano ang mangyayari sa ekonomiya ng Pilipinas. Di lang tayo ang apektado ng pagpapalit ng presidente ng US kundi buong mundo. Kaya siguro nagdagdag tayo ng allies kabilang na ang China at Russia dahil sa may posibilidad talaga na mangyari to at nagkatotoo na nga. Kaya din siguro naisipan ng gobyerno na maging industrialized din tayo para magkaroon ng maraming options ang mga pinoy sa trabaho at di tayo dumepende sa iisang field lang gaya ng BPO na pwedeng mabawasan o umalis balang-araw. Ngayon talagang kailangan na natin tumayo sa sariling paa gaya ng paghahandang ginagawa satin ng gobyerno dahil may posibilidad na ipahinto na ang mga aide, joint military exercises, etc dahil ayon kay Trump uunahin muna nya ang Americans bago ang ibang bansa. Tututukan niya ang ekonomiya ng US na patuloy na bumabagsak at sa kakulangan sa trabaho. Kaya tingin ko naaayon sa plano ang lahat ng desisyon ng gobyerno natin. May posibilidad din na maging maayos parin ang relationship ng US at Philippines dahil alam naman nating kay Obama at Clinton lang ayaw ni Duterte at ayaw din nila kay Duterte. Tignan na lang natin ang mga positibong mangyayari. Wag agad puro negatibo para di tayo mapangunahan ng pangamba at panghinaan ng loob. Lalo pa ngayon na ok si Putin at Trump. Si Putin naman ok kay Xi Jinping, tayo naman ok kay Xi Jinping at Putin. Posibleng manumbalik ang sigla sa kalakalan ng tatlong pinakamalalakas na superpowers na pwedeng maapektuhan at makinabang pati tayo.
 
Last edited:
Kawawa yung mga undocumented workers sa US, sila yung uunahin ni Trump. Sa tingin ko lalaki yung budget sa border security at hihigpit yung pagbibigay nang green card.

Sa tingin ko hindi naman ma epektohan ng BPO industry dahil malaki yung malulugi sa mga companies kapag ibabalik nila yung mga call centers sa US. Napaka mahal yung sweldo sa US, imagine mo yung per hour na sweldo doon d2 per day.

Pero expect the unexpected ika nga nila.

Also Trump invested alot in Dubai and China, His recent top investors are Chinese. All he did was to ride the bandwagon of "Make America Great Again" to win votes.
 
Karamihan sa bumoto kay Trump white undereducated Americans. It shows that these are the people severely affected by the migration of US companies and jobs elsewhere. Thing is if they expect the US President has the power to tell those companies to come back, they are in for the surprise of their lives. The US government doesn't work like that.

Even if the Republicans have the stranglehold of the whole executive, legislative, and the judicial branches, it is common knowledge that many in the Republican Party are at odds with Trump, so he can't expect to get his way in the other branches as easily as it appears.

On the positive side of things, an America less focused on the international front would mean those countries suffocating under an interventionalist America could breathe easier now. But even this could prove to be a mirage: we know that the Republican Party is the bulwark of the US military-industrial complex that traditionally favor fostering wars around the globe to sell their arms, and they are known to strong-arm anybody, even if you are the president of the strongest country in the world.
 
It is evident, Donald wins the election! Ang problema, paano na kaya ang relasyon natin sa Amerika? Mukhang panget pa naman ang naging pakikitungo ng ating Presidente sa Amerika. Plataporma pa naman ni Trump ang pagiging isolationist at magfo focus siya sa pag reporma sa kanyang bansa. Patay na ang call center industry natin, aid, at enhanced defense cooperation. Sabi pa ni Trump, dapat magbabayad na ang mga bansa na hihiling na maprotektahan sila gamit ang kanilang pwersa.

Ano na kaya ang mangyayari sa atin?

Ka ts. malaki lang ang lugar nila pro maliit mga utak nyan.. Sino ba nag tatag ng ISIS diba sila rin.. i hindi pa nga nila yun natatapos eh..
 
Back
Top Bottom