Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng walang credit card

Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

yung free shipping po kinuha ko, sinamahan ko po ng retractable headset, bluetooth headset, powerbank para above $35.00 at ma-avail yung free shipping..

nice post TS, this is a lot of help.. Thanks! GOD bless!
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

Hi TS.. Pano yung pagbobook sa Philippine Airlines gamit to?
 
Paano ba umorder dito sa amazon?
Paano din po ba magkaron ang gift card dito sa amazon? tnx
 
Ka-symb, punta ka lang sa http://www1.philippineairlines.com, pili ka ng flights, tapos pagdating mo dun sa checkout ilagay mo yung details ng GCASH AMEX card mo, tapos syempre yung name mo saka kung sino mga kasama mo etc. Pag pinindot mo na dun yung checkout, automatic nang mababawas yung charges sayo dun sa GCASH balance mo, tapos booked ka na. May darating na sayong email about your flight details, kaya iprint mo yun. :)

Paano ba umorder dito sa amazon?
Paano din po ba magkaron ang gift card dito sa amazon? tnx

Eto ka-symb yung guide na ginawa ko kung paano umorder sa Amazon.com gamit yung GCASH AMEX. http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1052534&p=18477726&viewfull=1#post18477726
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

Nice ha, 16GB na Class 10 tapos may kasama pang microSD card reader keychain! Standard shipping kinuha mo? Or matagal mo na inorder?

Hi ts.. meron na ko gcash pero di ko naman mahanap yung sinasabi mo na amex card saka yung us address.. san po b makikita yun? eh tapos na ko dun sa registration saka sa kyc. help plss.. :help:
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

Salamat sa guide na to, naka order na ako ng book sa amazon hehe tip lang yung sa address line 1 yung 2807 W Magnolia Boulevard ang ilalagay, nag kaerror ako kanina may laman naman gcash ko yun lang pala ang problem
 
nice thread. very helpful
 
Na Order ako ng xbox bakit ang mahal ng shipping? :o $79 sa air at $26 pag sea. :kilay:
 
Nakapagparegister ka na ba sa GCASH AMEX? Magkaiba yung GCASH sa GCASH AMEX ka-symb. Baka GCASH account palang yang nagagawa mo. Dial mo *143# tapos GCASH tapos GCASH AMEX Virtual Pay tapos Sign Up. Gagana na yan.

Salamat sa guide na to, naka order na ako ng book sa amazon hehe tip lang yung sa address line 1 yung 2807 W Magnolia Boulevard ang ilalagay, nag kaerror ako kanina may laman naman gcash ko yun lang pala ang problem

Madalas nga yan yung problem, nakakalito kasi yung lalagyan mo ng addresses dun talaga. Good na nafigure out mo sir!

nice thread. very helpful

Thanks po!

Na Order ako ng xbox bakit ang mahal ng shipping? :o $79 sa air at $26 pag sea. :kilay:

Kasi ang shipping fee calculation jan, ganito. $5.99 per pound sa non-electronic, tapos $8.50 per pound pag electronic items. E yung Xbox electronic yun, kaya $8.50 per pound. Tinignan ko sa Amazon yung shipping weight ng Xbox 360, 9.7 pounds. Edi $8.50 x 9.7lbs = $82.45. So tama lang kasymb na yung charge sayo, kaso yun nga, mahal talaga pag air shipping.
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

pa bm ts basahin ko mamya :D
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

Mga kasymb, kung may complaint kayo or mga refund request para sa mga nabawas biglang load nyo sa GCASH AMEX pero wala namang dumating na produkto pwede na kayo dumerecho dito kasya tumawag pa kayo sa 2882 para kumausap ng customer support.

Nabasa ko lang din sa ibang forum, mas maganda nga to kaysa sa pahirapan tumawag para sa refund. http://www.globe.com.ph/gcash-refund

View attachment 158303
 
Attachments

  • IMG_0009.png
    IMG_0009.png
    73.3 KB · Views: 7
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

Mga kasymb, kung may complaint kayo or mga refund request para sa mga nabawas biglang load nyo sa GCASH AMEX pero wala namang dumating na produkto pwede na kayo dumerecho dito kasya tumawag pa kayo sa 2882 para kumausap ng customer support.

Nabasa ko lang din sa ibang forum, mas maganda nga to kaysa sa pahirapan tumawag para sa refund. http://www.globe.com.ph/gcash-refund

View attachment 892820

TS ung address na nakalagy sa shipping info ko eh

Purok 7 *name ng barangay* floridablanca pampanga

Di kaya maliligaw ung package? di ko kasi alam house # namin at etc. also di ba pwede i track ung item?

*sayang xbox one ko* trololololo

Thanks pala dito sa TUT ts.. working sya pang shopping sa amazon.. di ko lang alam if makakarating na ung item.. we'll found out soon!
 
Last edited:
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

TS ung address na nakalagy sa shipping info ko eh

Purok 7 *name ng barangay* floridablanca pampanga

Di kaya maliligaw ung package? di ko kasi alam house # namin at etc. also di ba pwede i track ung item?

*sayang xbox one ko* trololololo

Thanks pala dito sa TUT ts.. working sya pang shopping sa amazon.. di ko lang alam if makakarating na ung item.. we'll found out soon!

ni lagyan mo sana ng house # sir kung meron.darating yan pwede ka naman mag email sa kanila kung hindi dumating :)
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

ni lagyan mo sana ng house # sir kung meron.darating yan pwede ka naman mag email sa kanila kung hindi dumating :)

Oo nga kasymb, tama to si LyK310, pwede ka magemail pag di dumating. Pero ang mangyayari kasi jan ganito: Pag nalito sila sa address, tatawagan ka nila sa Philippine number na nilagay mo sa website nila, pero dapat eksakto talaga yung address na nilagay mo kasi nga baka may chance na malito.

Ang suggestion ko sayo, alamin mo talaga yung house # mo, kasi pag sinabi lang na Purok 7, andaming bahay sa Purok 7, mamaya may umangkin ng package mo lalabas dun sa website ng MSB delivered na pero sa maling tao pala nila nabigay. I-email mo sila na iuupdate mo yung home address mo at eto yung tamang home address na eksakto.

Kung Xbox One kasi binili mo sayang naman pag naligaw, hanggang $100 lang yung insured ng MSB. Yung mga higher insurance dapat kasi may additional bayad na. Update mo lang kami kung ano na nangyari, help ka namin.
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

TS pano to di nadedetect ng custom? Naka under declare ba yung item? Alam ko kasi pag more than $50 ang item may tax na sisingilin pag air shipment. LBC ba to pag dumating o pickup sa post office? thnx
 
okie dokie! :3 Actually di ako nanghihinayang sa xbox kasi naka sale sila for $25 sa isang foreign site. SE'd lang sila ung shipping lang pinanghihinayangan ko :D anyway thanks sa inyong dalawa ni Lyk310.. :3

10 business day ba or kahit hindi basta di holiday? :D dami q tanong teehee.. pasensya na po..
 
Bale ang bilang kasi sa days eh weekdays lang except weekends and holidays. Bale kung 10-12 days, excluded weekends and holidays dun sa bilang na yun. You're welcome kasymb!

TS pano to di nadedetect ng custom? Naka under declare ba yung item? Alam ko kasi pag more than $50 ang item may tax na sisingilin pag air shipment. LBC ba to pag dumating o pickup sa post office? thnx

Hindi naman sa hindi nadedetect or underdeclared. Ang pagkakaitindi ko kasi kasama na yung Customs Fees sa shipping fee ng MSB, tapos nagshiship sila ala Balikbayan Box na style, kaya hindi ginagalaw ng Customs. Baka mali ako, pero yun yung pagkakaintindi ko.
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

TS wala na yung Gcash card? alam mo makakuha nun?

:thanks:
 
Back
Top Bottom