- Messages
- 46
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Nagkaproblema ako nitong nakaraang araw sa laptop ko, biglang naging unallocated ang hard drive ko, so no choice kundi magreinstall ng OS. Nag-install ako ng Windows 7, kasi yun talaga ang gamit ko, pero nagkakaron ako ng problema, naghahang sya, ang cause, yung video driver. Naghanap ako ng ibat ibang version, pero ganun pa din ang nangyayari, yung dating gumagana sa akin, wala na ako kopya kasi nasama dun sa nabura, hindi ko na din narecover ang mga files. Ang dami pa nga mga importanteng files dun pero wala na akong magagawa, ngayon, ang naisip ko ay mag-ubuntu na ulit, sa totoo lang, mas gusto ko ang ubuntu, kaya lang ang problema ko dito, mababa yung reso ko, 1024x768 lang ang max, pero pag nakawindows ako 1366x768 sya. Ang ininstall ko ay yung 12.04 kasi may nabasa akong tutorial na pwedeng iresize ang reso ko kapag itong 12.04 ang gagamitin. Pero nung sinubukan ko, ayaw, nag-error na hindi daw kaya. May idea ba kayo kung paanu ko makukuha yung 1366x768 reso? Hindi kasi maganda kapag 1024x768 kasi punggok ang tingin ko pati hindi din effective sa online job ko. By the way, SIS Mirage 3 kasi ang chipset ng laptop ko, luma nga pero kuntento naman ako, yun nga lang, sana matulungan nyo ako na mapalitan ang reso nito. Thanks
Eto pala yung tutorial na nakuha ko, https://sites.google.com/site/easylinuxtipsproject/sis
Eto pala yung tutorial na nakuha ko, https://sites.google.com/site/easylinuxtipsproject/sis