ako ser, gusto ko matuto, haha although marunong ako maggitara, saan nakakabili ng mura ser? tarlac location ko po, i want to learn it badly!
Hello!
Mabuti naman at meron palang nagu-uke dito. Madali lang ang pag play ng ukulele, marunong din kasi akong mag-gitara so parang medyo madali na lang matutunan yun lalo. Sa internet lang ako nag-search para sa mga chords, tapos nanunuod na lang ako ng mga videos about ukes.
Sa mga malapit na mall dyan sa inyo baka meron? Hindi pa kasi ako nakakapunta ng tarlac.... Pero yung akin nabili ko sa DJM sa Sm ehh 700 or 750 ata (hindi ko alam kung 700 or 750 ehh basta yun dalawang price lang yun. Tapos may case na syang kasama.
Pero nung nagtagal hindi na ako na-satisfy, so baka bumili ako nung mga tig 2000 pesos pataas... kasi parang hindi ko na sya feel. Pero ikaw kung gusto mo muna mag-start dun sa mura.
I heard sa ibang forum sites ehh sa raon ata yun or sta. mesa 500 lang daw at package na, ewan ko lang kung ano yung mga kasama nya sa package.
Eto lang advice ko sayo pag bibili ka nung mura:
Dapat marunong kang mag-tono or bumili ka din ng tuner nya (take note: magkaiba ng pagkakasunod-sunod ng strings ng uke kesa sa guitar)<<<--- kasi yung mga mura ang bilis ma-out of tune, yun din ang dahilan kung bakit gusto ko na, na bumili ng mas mahal.
Alamin mo yung wood (depende rin ATA yung wood kung maganda ang tunog at syempre quality & craftmanship
Maganda kung makakabili ka rin nung Aquila strings (ewan ko kung tama yung spelling) <<<---although di ko pa na-try yan maraming nagsasabi na mga expert na sa pag-uuke na maganda daw yan
Yun Lang
Pero parang napamahal ka dyan sa mga sinabi ko, so kung beginner ka pa pero gusto mong matuto okay na rin yung mura lang ..
Thanks!
- - - Updated - - -
UP ko lang.... konti lang ba ang mga uke players natin dito??
- - - Updated - - -
Fact:
meron nang electric ukuleles, pero hindi ko lang sure kung meron na sa Pilipinas.. :'(