Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ultimate Guide Pano Maging Tunay Na Mayaman (Step-by-Step)

Sonny Labayna

Novice
Advanced Member
Messages
21
Reaction score
0
Points
26
Hi Friend and fellow Pinoy freedom fighters,

Ako nga pala si Sonny Labayna, ako ang sumulat ng BlackBook of the Rich and Business of the Rich eBooks at isang Financial Literacy Advocate. Ako ang founder ng TEAM School of Success at Marketing Director ng International Marketing Group. Ang isa sa mga goal ko ay tulungan ang mga Pinoy freedom fighters na katulad mo para makapag simulang mag save and invest properly.

Welcome sa informative thread na 'to. Dito sa thread na 'to, matututunan mo kung paano ka makakapag simulang mag save and invest properly kahit busy ka sa trabaho o maliit pa lang ang kinikita mo.

Basahin mo 'to... Kung pagod ka na sa kaka attend ng seminar pero wala o maliit pa rin ang ipon mo... Kung hanggang ngayon ay nangangapa ka sa dilim kung paano mag sisimula at paano magtatapos kahit andami mo ng mga librong nabasa at video na napanuod... At kung sawa ka ng mag fail kahit ilang investment na ang sinimulan mo, kaylangan mong basahin mabuti ang thread na 'to dahil baka eto na ang solusyon sa mga problema mo.

I want you to Imagine... paano kaya kung nakakapag save and invest ka na properly kada buwan consistently, Ano sa tingin mo ang mangyayari sa'yo at sa fianncial life mo?

✔ Tataas ba yung self confidence mo?
✔ Magsisimula ka na bang magkaresulta?
✔ Mabilis bang maaabot mga pangarap mo?
✔ Magkakaroon ka na ba ng quality time?

Ok, eto ang ipa-pangako ko sa'yo... Kapag tinapos mong basahin ang thread na to, malalaman mo kung...
  • Bakit karamihan ng mga pinoy ay nahihirapan at nagfe-fail sa kanilang finances. Ituturo ko din sa'yo kung ano yung pwede mong gawin para ma-guarantee mo ang success mo.
  • Malalaman mo din kung paano ka magiging financial advisor sa sarili mong savings and investments.


Kaya kung handa ka na, kalimutan mo na muna ang ibang ginagawa mo at magsimula na tayo!

Your Friend na Freedom Fighter,
View attachment 224427
Sonny Labayna



Ang unang bagay na gusto kong pagusapan natin ay yung mga...

Most Common PROBLEMS Na Nararanasan Ng Maraming Pinoy Freedom Fighters

  • Una ay walang sistema kung paano i-manage ang kinikita kaya simot lagi.
  • Pangalawa: Walang Solid Financial Foundation kaya konting emergency, simot ang ipon.
  • Pangatlo: Ibinibigay sa ibang tao ang desisyon kaya nabebentahan ng over priced at underserved needs.


Eto din yung mga naging problema ko noong nagsisimula pa lang ako mag save and invest properly. Gusto kong i-share sa'yo yung mga natuklasan ko at kung paano mo ito sisimulan sa sarili mo ngayon mismo.


The Three Money Banks

View attachment 224428

Importante na siguraduhin mo na bawat piso na itatabi mo para sa saving and investing ay manatili sa iyong asset column. Challenging to para sa marami na pagkatapos bayaran ang mga bills, at gumastos araw araw sa pagkain at iba pang pangangailangan ay wala ng natitira sa katapusan ng buwan. Alam ko yung pakiramdam kase yan din ang sitwasyon ko bago ko na-discover ang mga to.

Dumating sa punto na na-realize ko na kapag hindi ako nagsimulang mag tabi para sa savings at investments - para sa future - ay babagsak sa wala ang family ko. Kaya sinunod ko yung turo sa IMG, ni Bo Sanchez at Robert Kiyosaki, at ang 1st part ng plano ay mag commit dito:

Bawat piso na papasok sa bahay namin, kahit san man nanggaling, itatabi agad namin ang 30% nito.

In other words, we pay ourselves first, bago namin bayaran ang iba. Kung may pumasok na P1,000 edi itatabi namin yung P300. Kung P100 ang pumasok edi P30.

Ang 2nd part ng plano ay i-divide ang 30% sa tatlong accounts, our money banks. Yung tatlong money banks ay labeled na:

Savings Account (10%)


Eto yung account para sa mga hindi inaasahan na emergencies or para sa mga special opportunities na magpapaganda ng buhay mo.

Investing Account (10%)


Eto yung funds na naghahanap ng magagandang investment opportunity. Katulad ng TEAM School Of Success, kung saan may community ka ng mga katulad mo at marami pang materials na tutulong sa pag grow mo.

Charity or Tithing Account (10%)


As the saying goes, "Give and ye shall receive." Isa pang narinig ko ay "God doesn't need to receive but humans do need to give." Charity is a powerful tool with many benefits to all involved. Robert Kiyosaki said in Rich Dad Poor Dad, "If I could leave one single idea with you, it is that idea."

Pagkatapos itabi ang 30%, yung natirang funds ay napunta sa bills. Paying ourselves first did not mean that we spent that 30% on clothes, nice restaurants, and vacations. By paying ourselves ay binubuo namin ang aming financial future.

Ang susi para gumana ang plano na to ay naging committed kaming gawin to sa bawat piso na pumasok sa bahay namin. Madaling bumalik sa old habits at dumukot sa 30% na to paminsan minsan, or sabihin na, "Kelangan talaga natin ng bagong sapatos, laktawan muna natin yung money banks ngayon buwan." Ang magic ay nanggagaling sa disiplina na gawin to sa bawat piso at mag stick sa plano kada buwan.

So simulan mo ng mag plano para sa financial future mo NGAYON - gumawa ka ng plano na mag tabi galing sa kinikita mo para lang sa savings and investing, stick to the plan, at panuorin mong lumago ang ipon mo. Habang ginagawa mo to, patuloy mo lang i-improve ang financial education mo para mailagay mo sa tama ang pera na yan.

BONUS TIP: Kumuha ka ng lalagyan na pwedeng buksan para hindi mo kelangan palitan kada may nakikita kang magandang investments para sa savings mo.


Pwede kang mag comment sa baba, kung may gusto kang itanong, pwede mo rin i-type yun sa comment box below and I will try my best na sagutin yung question mo.

Thank you so much for reading this thread and see you in the next thread!

Source: Pano Mag Ipon Ang Tunay Na Mayaman
 

Attachments

  • Sonny-Labayna.jpg
    Sonny-Labayna.jpg
    35.2 KB · Views: 3
  • Forum-1.png
    Forum-1.png
    76.5 KB · Views: 21
  • Forum-2.png
    Forum-2.png
    63.5 KB · Views: 5
  • Forum-3.png
    Forum-3.png
    66.5 KB · Views: 4
  • Forum-4.png
    Forum-4.png
    69 KB · Views: 2
  • Forum-5.png
    Forum-5.png
    44.9 KB · Views: 3
Last edited:
very informative try ko nga mga suggestions mo bro,tnx.
 
Wow gusto ko to !!! Nice Thread TS :):beat::clap:
 
nice thread.. masubukan nga to. displina kailangan dito pra mameet ang goal..salamat ts
 
salamat :) try ko to pag may earnings na ako.
 
gawin ko nga ito.. need ko yun ganito tips para makaipon

sana more tips pa TS ..

thanks..
 
maganda po yung tips nyo. pero meron pa ba kayong tips na para sa mga fixed monthly expenses? let's say bills. para hindi magpatong patong ang mga bills. alam kong andun na yung magbayad ng maaga. pero may mga time din kasi na. kailangan mo muna bawasan yung pera na nakaallocate na sa ibang expenses eh. isa pa. was it better if magaavail tayo ng mga insurances?

last na po. pwede po padagdag nung book na ginawa nyo? and palagay din naman ng mga motivational stuffs.
 
Last edited:
Back
Top Bottom