Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Unity - "Sama sama daw tayong babangon muli" sabi nila

Status
Not open for further replies.

LoremIpsum

The Devotee
Advanced Member
Messages
385
Reaction score
846
Points
273
Mind Stone
Space Stone
Power Stone
Soul Stone
Time Stone
Reality Stone
Zup mga BBM supporters. Kamusta na kayo? Hehe. Curious lang ako sa kung ano masasabi niyo sa mga ginagawa ng admin ngayon? Ang tahimik na kasi ng mga BBM supporters e hehe. Gusto ko lang malaman kung SATISFIED ba kayo? Kung ito ba yung INAASAHAN niyo?

1. Sa mga nangyaring tanggalan o pagre-resign ng mga secretary ni BBM gaya nila Trixie Angeles, na kung titignan mo talaga, connected sa mga sinasabi nila Maharlika ngayon na kontrolado kasi nung ilang tao si BBM

2. After 100 days ni PBBM ay kulang-kulang at bungi-bungi parin ang cabinet members niya kasi hindi pa tapos mag appoint ng mga new secretary na KAILANGAN ng government gaya ng DOH, pero nakakapag appoint ng mga NEW position na hindi naman kailangan gaya nung sa asawa ni Tony Gonzaga

3. Mga issues na sinasabi ng mga original Marcos Loyalist vloggers VS kay Thinking Pinoy RJ Nieto, na hindi mapasinungalingan ni TP yung mga sinasabi nila Maharlika at Pebbles

4. Yung pagpunta ni PBBM sa Singapore para lang manood ng F1 tapos inilihim pa ng admin yun NOT UNTIL mismong Singapore ang naglabas ng balita at pictures, kaya no choice sila BBM kundi ibalita nalang na "successful" daw yung trip. Kung ihahambing sa mga OFFICIAL trip ng president sa ibang bansa, nakabalita lahat yun BAGO at PAGKATAPOS ng trip, tapos sinasabi yung RESULTS ng trip, pero yung trip sa Singapore F1 walang ganon

5. At iba pang issues gaya ng mabilis na pagtanggol ni BBM kay Justice Sec Remulla, samantalang noong kila Trixie at Vic Rodriguez tameme lang siya at di pinagtanggol yung tao niya, at mabilis na hinayaang mag resign DUE TO HEALTH REASON "daw" hehe

Hindi ko hinahanapan ng butas o kasiraan ang admin ngayon kasi sila naman gumagawa niyan. HINDI AKO DILAWAN at WALANG KULAY haha. Pero kasi noong election campaign grabe sumugod at magtanggol yung mga Marcos supporters e. Kung maka-atake kala mo wagas palagi. Di ko rin kayo nilalait ngayon o iniinsulto. Gusto ko lang talaga malaman yung iniisip niyo ngayong ganito ang mga ginagawa ng admin ngayon. I will respect your opinion at no rebuts. :)
 
As a BBM supporter myself, I can't say that I am satisfied with this Administration. Masyado pang maaga para husgahan ang Administration na ito. But I'm sure Leni could not do any better. Di ko rin sinisiraan si Leni, wala lang talaga akong tiwala sa kakayahan niya.
Tapos na po ang eleksyon, pwede na pong mag move-on. :yes:
 
I see. Salamat sa pag amin na hindi ka rin satisfied sa ginagawa ng admin. Yung iba kasing supporters ay parang walang nakikitang mali sa ginagawa ng admin e. Yes masiyado pa ngang maaga, but still yung mga ganyang actions ng admin ay sigurado namang makikita ng isang tao kung tama ba o mali yung isang bagay. At yes agree ako na baka pag si Leni eh pareho lang sila ng admin ngayon... may mga sablay hehe

Sorry po in saying this, pero yung pag sabi po ng "Tapos na po ang eleksyon, pwede na pong mag move-on." ay mababaw na salita sir. Yan kasi lagi sinasabi ng mga BBM supporters sa FB pag kini-criticize yung nagagawa o nangyayari sa admin. Yung mga sinabi ko po ay base sa "current happenings and actions" ng admin ngayon. Wala po ako paninisi na sinabi or pang iinsulto kasi actions ng admin yun e, kaya hindi po ako bitter na si BBM ang President ngayon.. Gusto ko lang talaga malaman yung iniisip ngayon ng mga BBM supporters sa mga binanggit kong pangyayari sa itaas. Okay lang ba sila? Hindi okay? Satisfied? Hindi satisfied? Etc.

Anyway, ,maraming salamat po sa pag share ng sinabi mo sir *giggle*
 
Di ko binoto si BBM, hindi ako comfortable bumoto ng isang Marcos last May. But I'm willing to give him a chance naman. So far, yes may mga ganyang tanong din ako, pero at the same time, overall I think masyado pang maaga para i-criticize si Bongbong. :think:

Pero makikichismis lang ako haha. Anong nangyari kay TP? Kalaban na ba siya ng mga BBM supporters ngayon?
 
Given the fact na pinaglalaanan mo ng oras ang pagbabasa ng mga sinasabi ng BBM Supporters online is a sign of bitterness.

For me hindi mababaw ang pag move on.
The willingness to accept the things that didn't go your way. That's maturity.
 
Maganda to pop corn hahahaha ,

Ako sapalagay ko tama si sir rey , masyado pang maaga pati yung katotohanan na di sa lahat ng oras aayon sayo ang kapalaran . Pwedeng mag move nalang ay di mababaw nasalita ito ay katotohanan na di nga pomabor sayo yung gusto mong mangyari , Kung di mo matanggap anong nangyayari ngayon ay matatanggap mo ba kung ang binoto mo nanalo tapos ganun din nangyari?

Ako binoto ko si BBM , may mga bagay now sa administrasyon niya na medyo napabayaan like now dumami nanaman yung mga nawawala ,na rape kasi nakatoon sya now sa mga agriculture ,at ekonomiya .

Sakin naman sa lahat ng tumakbo ,ayaw ko kay leni , sa apat na pinag piliin ko sya lang talaga ayaw ko . Di dahil sa babae dahil narin nakikita ko na masyadong mahina o masusulsulan lang sya. Like noong kampanya need mo ba mag pabango na manira ng iba para umangat big no sa tao yun lalo na suportado ka ng simbahan .
 
Mali ka sir. Di ko kailangan paglaanan ng oras magbasa ng mga pinagsasasabi ng mga BBM supporters gaya ng sinasabi mo.. Baka kasi iniisip mo na ubos oras ako sa paghahanap at pagbabasa ng comments ng iba, o ubos oras sa paghahanap ng butas at kamalian ng admin ngayon. Kalokohan po yan hehe

Sa ngayon may mga youtube videos and reaction na nagpapaliwanag ng current happenings sa pinas, sa mga balita, etc. Sa mga FB groups kung saan sakop ako ng aming lalawigan, may mga happenings at balita din na pino-post doon. Natural lang na magbabasa rin ako ng post na yon at mga comments ng ibang tao lalo at wala narin ako panahong manood mismo ng balita sa TV. Sa mga ganoong post, makikita mo yung reactions ng mga tao. Sigurado akong ikaw mismo ginagawa mo rin yan minsan sa buhay mo ngayon.

Kalokohan na sabihing hindi makapag move on ang isang tao dahil lang nakakabasa siya ng komento ng mga tao sa social media. Ano yon, bawal na mag react ang mga tao ngayon dahil lang President na si PBBM? Ganon ba gusto mo sabihin? At kapag nag react ang mga tao at nagbigay ng opinyon nila na hindi panig kay PBBM, ibig sabihin non kontra na agad at hindi makapag move-on? Ano yon, bawal magbigay ng criticism sa presidenteng binoto mo sir ganon ba kahit may mga maling hakbang na nagawa o ginagawa o pangyayari sa admin niya? At kayo pong mga BBM supporters ang tingin niyo agad sa mga nagbibigay ng opinyon na mga normal na pinoy na walang kulay at hindi naman dilawan eh mga DILAWAN na agad kaya hindi sila makapag move-on? Ganon po ba kayo kababaw sir? Hindi naman siguro tingin ko. Moderator ka nga po ng pinakamamahal natin na forum eh. Tingin ko naman na di ka magiging mods kung hindi ka marunong umunawa ng ganitong bagay sir. Don't get me wrong po ha. Pare-pareho naman tayong adulto dito kaya marunong naman tayo umintindi at umunawa ng ibang opinyon.

Ngayon, di ko po kayo iniinsulto by saying that, sinasabi ko lang na alam kong you are bigger person than what you just said. Maraming salamat po sa pagbibigay mo ng opinyon mo. *giggle*
Post automatically merged:

Maganda to pop corn hahahaha ,

Ako sapalagay ko tama si sir rey , masyado pang maaga pati yung katotohanan na di sa lahat ng oras aayon sayo ang kapalaran . Pwedeng mag move nalang ay di mababaw nasalita ito ay katotohanan na di nga pomabor sayo yung gusto mong mangyari , Kung di mo matanggap anong nangyayari ngayon ay matatanggap mo ba kung ang binoto mo nanalo tapos ganun din nangyari?

Ako binoto ko si BBM , may mga bagay now sa administrasyon niya na medyo napabayaan like now dumami nanaman yung mga nawawala ,na rape kasi nakatoon sya now sa mga agriculture ,at ekonomiya .

Sakin naman sa lahat ng tumakbo ,ayaw ko kay leni , sa apat na pinag piliin ko sya lang talaga ayaw ko . Di dahil sa babae dahil narin nakikita ko na masyadong mahina o masusulsulan lang sya. Like noong kampanya need mo ba mag pabango na manira ng iba para umangat big no sa tao yun lalo na suportado ka ng simbahan .

Sir... ang pagbibigay po ng opinyon at criticism ay hindi nangangahulugang hindi na makapag move on ang isang tao hehe. Pakibasa po yung paliwanag ko sa kaniya sa itaas.

Maraming salamat po sa pag amin ngayon na nakukulangan ka rin sa mga ibang ginagawa ng admin sa ngayon. Yan ang maganda. Hindi yung gaya ng ibang tao na walang nakikitang negatibo sa admin. So ikaw mismo sabi mo nakukulangan ka sa ibang ginagawa ng admin diba? Ano yon dahil nagbigay ka ng ganyang komento eh di ka rin makapag move on? Noooo. Tama lang yan dahil nagbigay ka ng opinyon mo at saloobin. Yan lang ang gusto ko iparating na punto sa pagsasabing "mag move on nalang". Di ibig sabihin nagbigay ka ng ganyang komento e bitter ka na agad. Gets? *giggle*

Wala ako pakialam kay Leni. Lutang din yun e. Nagha haduken haha *laugh*
Post automatically merged:

Di ko binoto si BBM, hindi ako comfortable bumoto ng isang Marcos last May. But I'm willing to give him a chance naman. So far, yes may mga ganyang tanong din ako, pero at the same time, overall I think masyado pang maaga para i-criticize si Bongbong. :think:

Yes po sir we will give him a chance naman, and we have to support him. Di gaya nung mga komunista na welga ng welga ganon haha. Wala na ginawa kundi mag welga. Pero magkaiba naman yung nag ki criticize sa nagwe welga. Diba po? Now, tama kayo na masiyado pang maaga. Agree ako jan, at hindi ko naman hinuhusgahan sir yung OVERALL na performance agad niya o sinasabing "aaahhhh wala palpak tong admin ni BBM sa 6 years na dadaan". Di po ganon. Ang gusto ko malaman ay yung reaction at iniisip ng mga BBM supporters sa CURRENT actions ng admin ni BBM na binoto nila. Satisfied ba sila? Hindi satisfied?

Example: Ano masasabi nila sa pag punta ni BBM ng palihim doon sa Singapore para manood ng F1? Na kung hindi pa inilabas ng SG yung balita at pictures na nandoon si BBM nanonood ng F1 eh hindi maglalabas ng info ang admin ni BBM na nandoon nga siya sa SG? Tapos unlike noong mga pagpunta ni BBM ng OFFICIAL AS PRESIDENT sa ibang bansa para sa mga usaping pangbansa, eh nakabalita yun BEFORE AND AFTER at sinasabi yung RESULTS ng trip na iyon, itong pagpunta ni BBM sa SG para manood ng F1 e ang sinabi lang ay "successful ang trip" parang ganon. Bakit mahalaga yan? Kasi di naman pupunta ang Presidente ng basta basta kung hindi kasama yung mga bantay at opisyal niyan eh. Mismong ES at Press Secratary nga hindi mabanggit kung anong pera ang ginamit pagpunta dun sa SG, ito ba ay pera ng bayan o sariling pera niya. Kasi ang ginamit na eroplano sa pagpuntasa SG ay yung official airplane na ginagamit ng Presidente sa ibang bansa. Di naman commercial flight. Di ba nagtataka at nag iisip yung mga BBM supporters sa ganyan? Di ba sila marunong magbigay ng opinyon jan? Pikit balikat lang ba sila or what? O walang pakialam. Ganon po hehehe

Pero makikichismis lang ako haha. Anong nangyari kay TP? Kalaban na ba siya ng mga BBM supporters ngayon?

Kasi, sinasabi ng mga ORIGINAL BBM VLOGGERS gaya nila Maharlika at Pebbles at iba pa na sila yung naghirap noon na ikampanya si BBM, pero ang nakikinabang ngayon ay si TP hahaha. Kung papanoorin mo yung mga sinasabi nila Maharlika, hindi masagot o mapasinungalingan ni TP yung mga binabato ni Maharlika sa kaniya. Kasi kung mali yung mga sinasabi ni Maharlika e pagkakataon ni TP yun para barahin in the face si Maharlika diba? Pero hindi e. Anlalayo ng banat niya haha. Gaya nung may Trolls pala sila BBM noong campaign pero sabi ni BBM wala daw sila Trolls, at kung sino ang sumagot ng pamasahe at stay ni TP sa US, sariling pera ba niya o nilibre siya ng ibang maimpluwensiyang tao ngayon?

Now, di ako nanonood personally sa awayan nila. Nanonood lang ako ng reaction videos ni Banat By habang sa free time ko haha. At pag inisip mo yung mga sinasabi ni Banat By, mapapaisip ka rin at makikita mong tugma yung mga nangyayari sa sinasabi niya sa sinasabi nila Maharlika ngayon, pati yung mga nangyayari sa admin ngayon

Example ng sinabi ni Banat By bago tuluyang nangyari at naibalita: Sinabi niya noon na may nagpapabagsak kay Vic Rodriguez. At ayun, may tumira nga kay Rod tapos nag resign after ilang weeks. Sunod naman after niyan ay siinabi rin niya na may planong tirahin o atakihin si attorney Trixie. At ayun, kalaunan nag resign nga. Mga ganon ba. Hihi *laugh*

Anyway... So ayun. Wait pa tayo ng opinyon ng ibang BBM supporters hekhekhek
 
Last edited:
Politics is like religion, don't question other people's belief or opinion, instead, tell us what you believe without attacking others.
The moment we question others or ridicule them for their opinion we're already trolling which is against our Forum Rules.

:lock:
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom